Pagdilat ng mata ko, ang una kong naramdaman ay mainit na hininga sa batok ko. Napakislot ako, nanatiling nakahiga sa kama habang unti-unting bumabalik ang ulirat ko. Nang tuluyan kong idilat ang mata ko, bumungad sa akin si Raphael—nakadungaw sa akin, may pilyong ngiti sa labi. Nag-smirk siya, 'yung tipong parang may binabalak, tapos unti-unti siyang yumuko palapit sa’kin. Pero bago pa man niya maituloy ang ginagawa niya, biglang bumalik sa isipan ko ‘yung tawag na natanggap ko kagabi. Mabilis kong itinulak siya palayo. "Aray," napabulong siyang parang naiinis pero di ko siya pinansin. “We need to talk,” seryoso kong sabi. Napansin niyang hindi na ako nakikipaglaro. Tumigil siya at nagsimulang hubarin ang suot niyang jacket habang ako naman ay umusog palapit sa gilid ng kama. "May na

