“Take these.” Napairap ako kay Raphael habang iniaabot niya sa’kin ang mabigat niyang briefcase na may nakapatong pang makakapal na files. Inakap ko iyon ng mahigpit—para akong niyakap ng isang batong may papel. Habang ako’y nakikipaglaban sa bigat, siya naman ay walang pakialam na nag-aayos ng jacket niya, tinernuhan pa ng pag-ayos ng tie sa harap ng salamin. Parang may sariling fashion show. Gusto ko sanang magsuot lang ng jeans at blouse, pero hindi pwede kay Raphael Herrera. “Magdamit kang maayos, Calista. You’re going to be by my side. I need you to look presentable.” Nakakainis, pero pumayag na rin ako. So here I am, naka-knee length fitted dress at heels na feeling ko eh gawa sa bakal. Pagkatapos niyang magpaka-busy sa salamin, kinuha niya ang phone niya at naglakad palabas na

