“I missed you, bunny,” sabi ni Francis habang bigla akong niyakap, parang gusto niyang pisain lahat ng organs ko. Sobrang higpit ng yakap niya na halos maipit ang buto ko sa likod. Parang hindi niya napansing tao ang niyayakap niya at hindi stuffed toy. “Grabe ka,” sabi ko sabay yakap din sa kaniya. Ramdam ko ang laki ng katawan niya habang nakayakap siya, parang malaking kumot na mainit at mabigat. I wrapped my arms around his big frame, patting his back gently, kahit na medyo nalulunod ako sa yakap niya. Maya-maya pa ay binitiwan na rin niya ako. Nakahinga ako nang maluwag, literally. Humugot ako ng malalim na hininga na parang ilang minuto akong hindi nakahinga. Tumingin siya sa akin, medyo nakangiti habang parang wala lang sa kaniya ang lahat. “So how have things been?” tanong niya,

