Bakit imbis na pasasalamat ang maramdaman ay parang mas dismayado pa ako? Bakit ba kasi umaasa pa rin ako na darating siya, gayong halos isampal na sa akin ng katotohanan na hindi na kailanman mangyayari iyon.
"Aray! Bitawan mo ako!" Napahiyaw si Raven nang pilipitin ni Phillip ang kamay niya.
Matapos ay sinipa ito sa likod kaya tumilapon. Parang laro lang ang lahat kay Phillip, ni hindi man lang siya pinagpawisan. Tumayo ang iba at mabilis na tumakbo, naiwang mag-isa si Raven na nakaturo sa akin.
"You biatch! We're not yet done-" natigilan siya sa pagsasalita at biglang namutla. "T-the fourth rank?"
Nalalanta akong tumingin sa aking gilid. Doon ko nakita ang ikaapat na ranggong si Ysabelle.
"What are you waiting for... run until you can." Kitang-kita ko kung paano itong ngumisi nang nakakaloko.
Nangatal si Raven. Mayamaya pa ay dahan-dahan na itong napaatras bago tumakbo nang mabilis palayo. Minsan pa itong nadapa dahil sa pagmamadali.
Nilapitan ako ni Phillip at tinulungang tumayo.
Hinawakan ko ang gilid ng aking labi. Dumudugo.
"Wipe your blood, make sure that it wouldn't leave a drop." Matapos sabihin ng ikaapat iyon ay tinalikuran niya na kami. "You should go to the infirmary, I will report this to the officials."
"Huwag... hindi na kailangan." Kaagad ko siyang pinigilan.
"But we should. It's for your own safety."
Inilingan ko siya.
Wala siyang magawa kundi ang mapailing na lang rin.
"Salamat, una na ako." Mabigat sa dibdib nang sabihin ko iyon.
"Just be ready always. Madaming traydor dito."
Matagal bago ko napag-isipang tuluyang tumalikod para umalis.
Nagsimula nang manakit ang lalamunan ko. Doon bumilis ang paghinga ko, namalayan ko na lang na sunod-sunod nang tumulo ang mga luha ko.
Nang makarating ako sa unit ay lalo akong nalungkot. Wala na ang dating masayang awra sa paligid. Wala na ang tatlong tao na umuukupa sa tatlong bakanteng upuan sa lamesang kinauupuan ko. Wala na ang tawanan at masasayang kuwentuhan.
Lumipas ang ilang linggo na para bang paulit-ulit lang ang mga nangyayari. Papasok ako na parang lantang gulay. Hindi pa rin ako pinapansin nila Felice, mas dumarami ang bumubulong nang masama sa paligid at hindi pa rin siya bumabalik.
Sa mga dumaang linggo ay bihira ko na ring makita ang anino ng mga ranggo.
Huminto ako sa pagsubo nang may tumamang kutsara sa aking ulo.
Napabuntong hininga ako. Hindi ko na lang pinansin ang mga tawanan na narinig ko. Nahagip pa ng mata ko ang tingin ni Felice sa akin at si Nash na parang walang pakialam sa paligid na nagtuloy-tuloy lang sa pagkain.
Mas lumala ang kirot na naramdaman ko.
"Nice shot, Aria!"
"I know right!"
Napailing na lang ako sa aking isip. Hindi ko alam kung ano ang dahilan ng mga ito para gawin lahat sa akin iyon. Kung tutuusin nga ay wala naman akong atraso sa kanila.
Hindi ko na nga mabilang kung ilang band aid na ang nakatapal sa akin.
Tatayo na sana ako para umalis, pero napahinto rin nang matanaw sa hindi kalayuan si France na walang reaksiyong nag-iwas ng paningin sa akin.
"Aray!" napaupo ako.
Nakaramdam ako nang matinding pagkahilo. Nalunok ko ang sariling laway nang maramdaman ang basa na tumutulo sa aking mukha. Nanginginig kong inangat ang daliri para punasan at tignan kung ano ito.
Hindi ako nakapagsalita. Napako ang aking paningin sa daliri kong may sarili kong dugo.
Dumako ang paningin ko sa pares ng mga sapatos sa sahig. Sa anyo pa lang nang pagkakatayo ay alam ko na kung sino ito.
Hindi pa kontento.
Pinilit kong tumayo. Nang dumapo ang aking paningin sa babaeng nangunguna ay kaagad ko siyang tinignan siya nang masama.
"Galit ka na? Iiyak ka na ba... o baka naman labanan mo na ako?"
"Why would she, Aria? She's not even stronger than you?"
Nanginig ang kamao ko sa inis.
"Ano bang kasalanan ko sa inyo?" Hindi pasigaw, ngunit mariin kong sinabi. "Ni minsan nga hindi ko pa kayo nakausap, pero kung umasta kayo akala niyo naman may malaki akong kasalanang nagawa sa inyo!"
"Wala kang kasalanan sa amin, pero ang dating pangalawang ranggo meron!"
Inis akong natawa.
"Sa'yo na rin mismo nanggaling, ang dating pangalawang ranggo ang may atraso sa'yo at hindi ako."
Inis niya akong tinignan. Natawa pa habang pinapaypayan ang sarili gamit ang kamay niya.
"How dare you to shout at me?!" Dumapo ang palad ni Aria sa kaliwa kong pisngi.
"I think it hurts so bad!" anang pa ng alipores nito.
umalingawngaw ang tawanan sa paligid nang sampalin ako ni Aria.
Nanatili akong nakatingin sa tagiliran ko 'tsaka ko marahang pinunasan ang gilid ng aking labi na dumugo na.
"What? Masakit?" Nandoon pa rin ang mayabang niyang tono.
Napangisi ako. "Ano bang atraso sa'yo ng kakambal ko at nagkakaganiyan ka?"
Nawala ang ngisi sa labi niya. Napalitan ito ng galit.
"And why the hell would I say that to you?" Tila pinilit lang niya na pakalmahin ang boses.
Bakit hindi niya masabi? "Baka naman ikaw ang may atraso sa kaniya?"
Namutla siya. "You b***h!"
Hindi ko inaasahang dadampot siya ng isa sa mga bakal na upuan sa canteen at ihahampas sa akin. Mabuti na lang at nakaiwas ako, pero hindi ko alam na sa pag-atras ko ay mahahawakan ako ng mga lalaking kasama niya.
"Who do you think you are? You're just a freshman, scumbag! Don't act like you know everything!"
Nakangisi kong sinipaang mga nakahawak sa akin. Hindi pa ako nakuntento. Hindi pa sila tinigilan at nagawa pang sapakin para ingudngod sa lamesa.
Kasabay niyon ay ang pagtahimik nang paligid. Natigilan ang lahat. May narinig pa akong nalaglag na kutsara.
Nilapitan ko si Aria. Naroon pa rin ang kayabangang nakapaskil sa kaniyang mukha kahit na bumakas din ang kaunting takot
"Sa tingin mo ba matatakot na ako dahil sa ginawa mo?" anang pa nito. "Never."
"Hindi ko hiniling na matakot ka o humanga. Gusto ko lang magpakilala. Hindi ako kasing hina nang inaakala mo, pagtitimpi ang tawag sa ginagawa ko. Ngayon, tapos na akong magtimpi. Sa susunod na maulit pa ang ginawa mo hindi na ako magpapasensiya."
Matapos ko siyang mariing tignan ay hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at tinalikuran na ito.
"She's dead! She really are dead!"
"Quiet, Maureen!"
Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan. Bigla na lang nagbago ang awra ng paligid. Tumahimik ang lahat.
"Who gave you the right to hurt my possession?"
Dahan-dahan kong nilingon ang aking likuran, doon ko nakita ang tao na matagal ko nang inaasahan.
Dumako ang paningin ko sa maliit na kutsilyong hawak nito. Malamang ay ibabato sana ito sa akin ni Aria, pero nasalo ito ng unang ranggo.
Nakita ko kung paano nanginig si Aria pati ang mga kasama niya. Napatakip siya sa bibig niya habang unti-unting namuo ang luha sa mata na nasisigurado kong dahil sa takot.
Natahimik ang lahat, maging ako ay natulad sa kanila na hindi na rin makahinga dahil sa kaba. Binato ng unang ranggo ang kutsilyo sa salaming dingding ng canteen at nagkalat ang mga nabasag na bubog sa sahig.
Nag-unahan ang mga kasama ni Aria maging siya sa pagluhod sa harapan ng unang ranggo habang nangangatal sa takot.
"F-forgive us... We d-d-don't know that-"
Kaagad akong napatayo nang makitang hinawakan ni Silver ang kuwelyo ng uniporme ni Aria dahilan para masakal ito.
"You really don't, but I know you know our rules." Nanginginig ang kamao ng unang ranggo... galit na galit ito.
Balak ko na sanang umawat kung hindi lamang naagaw ang aking atensiyon ng mga ranggong naka-cloak na pumasok sa entrance. Kitang kita ko kung paanong mabilis na naglakad si Kianya para lang makalapit sa kinaroroonan namin.
"Oh my gosh... ang mga ranggo!" Mahinang bulong pa ng isa, pero nagawa kong marinig dahil sa tahimik masiyado ang paligid.
Alam kong madami sa estudyanteng nakapalibot sa amin ang gusto nang umalis, pero kapwa hindi gumagalaw sa takot na baka madamay pa sa komusyong nangyayari.
"What's happening here?!" Ako kaagad ang binalingan ni Kianya. Hindi na rin naman bago sa akin.
"Back-off, Kianya..." mariin ang pagkakasabi ng unang ranggo, nanguutos.
"Tama na! Baka mapatay mo siya!" Lalapit pa sana si Kianya sa kinaroroonan nila.
"I said f*****g back-off!" nang galit na sumigaw si Silver.
Inis na huminto at suminghal si Kianya bago tumingin sa kaniyang tagilaran, kuyom ang dalawang kamao.
"You need to calm..." anang ni Seb; ang ikaanim na ranggo.
"Silver, put down the girl." Halos hindi mapakali sa kinatatayuan ang ikatlong ranggong si Clen.
Hindi siya pinansin ni Silver bagkus ay binaling ang atensyon kay Aria. Doon nanlaki ang mata ko nang makitang nangingitim na ang mukha nito at lumalabas na ang ugat sa leeg maging ang luha sa kaniyang mga mata.
Kaagad kong hinawakan ang braso ni Silver. "Ako na ang nakikiusap... bitawan mo na siya."
Tuluyang nagtama ang aming paningin. Naramdaman ko kung paano niya niluwagan ang pagkakahawak kay Aria. Pabagsak niya itong binitawan. Ngayon aaminin kong, maging ako natatakot na sa kaniya.
Kaagad siyang sinalo ng mga kaibigan niya, nakaramdam ako nang awa nang makita kung paano siyang umiyak nang parang bata.
Lalapitan pa sana ulit siya ni Silver, pero humarang na si Nathalie ang ikapitong ranggo.
"I'm not commanding you, saiko ranku. But, please understand. Remember our rules." Binalingan ni Nathalie ang grupo nila Aria. "Dalhin niyo siya sa clinic. Make it fast."
Hindi magkandaugaga sa pagtayo at pag-alalay ang magkakaibigan hanggang sa makalabas na sila sa canteen. Doon lamang ako nakahinga nang maluwag.
"Wow, the saiko ranku just beat a girl," dinig ko pa ang pagsipol ni Dash.
"Shut up, Dash," iritadong kontra kaagad ni Ysabelle.
Umatras ako nang harapin ako ng unang ranggo.
"Are you alright?" Hinawakan ako nito sa magkabilang braso na kaagad ko ring inalis.
Binalak kong umalis ngunit kaagad nito akong nahila pabalik.
"Bitawan mo ako," nagtitimpi kong sinabi.
Imbis na bitiwan kagaya nang sinabi ko ay mas hinigpitan niya pa ang pagkakakapit sa aking braso.
"A-aray! Ano ba?! Hindi ka ba nakikinig?! Bitawan mo ako!"
Lumuwang ang pagkakahawak niya sa akin. Nakita ko rin kung paanong umawang ang kaniyang labi, marahil sa pagkagulat dahil sinigawan ko siya.
"I'm sorry-" Magsasalita pa sana si Silver, pero kaagad ko siyang pinigilan gamit ang padabog na pagbawi sa sarili kong braso.
"Frezz... I'm begging you. Stop shouting at the saiko ranku-"
"You're the one who shout stop, Clen." Napahinto sa pagsasalita si Clen nang sabihin iyon ng unang ranggo.
Matapos ay bumaling ulit siya sa akin.
Tamad ko siyang tinignan.
"I'll take you to the infirmary."
Hinila niya ako, pero hindi na ganoon kasakit. Dahil sa pagod na rin ako sa kasasalita at kahit na ayaw kong magpadala sa infirmary ay hinayaan ko na lang siya. Walang patutunghan kung tututol pa ako dahil mukhang hindi siya magpapatalo.
Nang makarating ay kaagad niyang hinanap ang nurse at sinabihang gamutin ako.
Tinanguhan naman nito si Silver bago lumapit sa akin.
"Palala nang palala ang mga nagiging sugat mo ah?"
Imbis na sagutin siya ay napabuntong-hininga na lang ako.
Unti-unti niyang ginamot ang sugat ko sa noo dahil sa pagbato sa akin ng plato at pinalitan na rin ang mahigit anim na gasa at band-aid sa katawan ko.
Inilingan ako ni Nurse Pamela bago bumaling kay Silver at namaalam.
Tingin niya pa lang ay napaiwas na ako ng mukha at kaagad ding tumayo.
"Aalis na ako."
"No, you'll stay. I need to talk to you," seryoso ang tono ng kaniyang boses kaya naman kinabahan pa ako nang bahagya.
"Para saan pa?" sarkastiko akong natawa nang mahina.
"I saw what happened," irita niyang sinabi.
Natigilan ako at nakaramdam ng inis.
"Sino ba naman kasing hindi mag-iinit ang ulo kapag ginawan ka nang masama ng hindi mo kilala?!" sarkastiko ko namang katwiran na ikinasinghal niya. "Isa pa, hindi ako ang nauna."
"That's what's wrong with you. You have a low boiling point." May bahid na asar ang boses niya na mas ikinainis ko.
"Pinapagalitan mo ba ako?!"
"No, I'm just showing you your faults." Sinapo niya ang kaniyang noo. Tila batang matigas ang ulo ang pinapagalitan. "Sana naman Hennie mag-ingat ka, especially when I am gone."
Namayani ang ilang segundong katahimikan.
"Wala namang ipinagkaiba kung nandito o wala ka.
Nakita ko kung paanong naalis ang inis niya at napalitan ng pagkagitla.
Sa kabila niyon ay nagpatuloy ako. "Dahil kahit malapit ka o nasa malayo ka, ganoon pa rin naman. Palagi ka pa ring hindi dumarating sa tuwing kailangang kailangan kita. Dumadating, pero tuwing huli na ang lahat."
Tumabingi ang ulo niya, senyales na hindi siya makapaniwala na nasasabi ko itong lahat sa kaniya.
"Alam ko namang wala kang obligasyon sa akin, pero nasanay na ako. Sinanay mo ako na sa tuwing kailangan kita noon dumarating ka, pero ngayon hindi na... bakit nga ba nandiyan ka lang kapag wala ako sa panganib?"
Naestatwa siya sa kinatatayuan niya.
Habang ako, nakikiusap na huwag niya akong bigyan ng rason para mas paniwalaan ang aking hinala.
"Bakit nga ba noon pa man nakabantay ka na sa akin? Dahil ba may kailangan ka?"
"What are you talking about?!" Lumakas ang pagkakasigaw niya, ramdam na ramdam ko ang pinaghalong sakit at galit sa kaniyang boses.
"Ngayon na lang ulit ako makikiusap. Iwasan muna natin ang isa't-isa. Ayoko munang makita ka. Mauna na ako."
Tinalikuran ko siya, pero kaagad niya akong nahila pabalik sa kaniya.
"I don't get you..."
Humugot ako ng hangin bago siya harapin. "Silver, magkababata tayo. Pero, bakit pakiramdam ko hindi kita kilala? Hindi talaga kita kilala. Bakit hindi mo kayang magpakilala nang totoo sa akin? Mababaw. Lahat ng pinapakita mo sa akin ay mababaw at hindi ko kailangan iyon. Ang kailangan ko ay ang totoong ikaw. Ayoko nang may pilit kang tinatakpan at tinatago."
Lumandas ang pagkakahawak ng kaniyang palad sa aking braso.
"Hindi mo kayang sabihin hindi ba?" Tumakas ang mapait na ngiti sa aking labi "Kaya bakit kita pagkakatiwalaan? Kahit na mukha mo, Silver... hindi ko pa nakikita."
Hindi siya makapagsalita, ngunit naging malinaw sa akin na nasasaktan siya.
"Hangga't wala kang balak na sagutin ang alin man sa mga tanong ko... hangga't hindi mo sinasabi kung sino ka... huwag mo muna akong tatangkaing lapitan - lalo ang kausapin."
Hindi madali para sa akin ang aking ginagawa, pero sawa na akong tumaya, magtiwala at maging bulag.
Itutuloy...