bc

TOKUYU UNIVERSITY: School for Peculiars

book_age16+
398
FOLLOW
1.2K
READ
adventure
Harry Potter
mystery
highschool
school
sacrifice
like
intro-logo
Blurb

Tokuyu University is a school for martial arts that was ruled by the officials and the seven 20th century ranks, exclusive only for peculiars that are registered in the organization. They were peculiars with four classifications: body, mind, sight, and hearing. It was a school built for a purpose.

Being a peculiar (tokuyu) isn't easy, the pain and struggle link within their name. They can't say no, they need to graduate to have a purpose and to be able to serve the country.

One of them is Frezzilliana Hennie Vigo who isn't aware of her record. To enter a school without further knowledge was already difficult but that's not all, the problems and challenges come in sequence.

It wasn't easy for her. All of her life, she's just facing minor and normal consequences, but everything that happens in the university is as strange as it is; such as the mystery of "ERURENA", the flower for an unknown purpose.

Would she be able to solve everything if she happened to fall in love? Not to just a regular student but to a rank; mainly the 20th-century Saikō ranku (first rank).

It is against the rule.

A punishment is now above them.

"I broke my promise. I'm sorry, I just did again." Kasabay ng pagdaloy ng luha mula sa kaniyang mga pisngi ang pagpikit ng kulay pilak niyang mga mata.

chap-preview
Free preview
Prelude
"Promises are there to ease the pain in the mean time, but when the time comes you'll get hurt triple." - "HENNIE! PSST!" Nilingon ko ang bintana nang marinig ang pangalan ko, imbis na tignan kung sino ang tumawag ay mas minabuti kong ibalik ang paningin sa puzzle na sinasagutan. Masiyado siyang makulit para sa taong hindi ko naman kilala. Awtomatiko akong napasimangot nang maalala ang batang paulit ulit na bumabalik sa tapat ng bahay para lang ayain ako na makipaglaro sa kaniya. "Frezz nga sabi!" Ilang beses ko bang sasabihin sa kaniya na mas gusto ko na Frezz ang itawag sa akin kaysa Hennie? Ayaw kong magpakita sa kaniya. Siguradong kukulitin niya na naman ako at pipiliting makipagkaibigan sa kaniya. "Don't you want to play with me?" Inis kong tinignan ulit ang bintana at padabog na tumayo para isarado iyon. Nagtago ako, siniguradong hindi niya ako makikita. Bumalik ako sa pagkakaupo at dinampot ang isang piraso ng puzzle at inilagay sa puwesto nito. Napangiti ako. "Buo na!" Pinagmasdan ko ang kabuuan nito. Isang piraso ng kakaibang pulang bulaklak. May batong pumasok sa bintana at tinamaan ang isa sa mga picture frame na naka-display. Dahil doon ay napasigaw ako. Naiiyak kong nilapitan ang picture frame at kinuha ang batong tumama roon. Pinagmasdan ko ang litrato. Naka asul na bestida ako. Hawak ni Daddy ang aking kanang kamay at hawak ko naman sa kabila ang limang piraso ng lobo. Ilang beses ko nang pinilit na alalahanin ang laman ng litrato, pero wala talaga akong matandaan na kinuhanan ako at nagsuot ako ng ganitong damit. Baka naman nakalimutan ko lang. "Fine. 'Wag kang bumaba, I will throw another rock at one of your other frames then." Paano niya nalamang picture frame ang nabato niya? Nasa baba siya at imposibleng makita niya ang mga ito. Tumapat ako sa mga natitirang frames habang nakaluhod para protektahan ito kung sakaling babatuhin niya ngang muli. Malas. Hindi ko gaanong naisarado ang bintana. "Ayaw mo talaga? I'll count..." Sandaling siyang natahimik mula sa baba. "...one." "Batuhin mo! Hindi ako bababa riyan at lalong hindi ako natatakot sa'yo!" Takot akong sumigaw nang dumaan ang bato mula sa baba sa ibabaw ng ulo ko at sumapol sa picture frame na nasa tapat ko. Paano niya nagawang asintahin ang frame nang hindi ako tinatamaan? "What now, Hennie? I could break those six remaining frames in an instant." Kinilabutan ako at mabilis na tumayo. Mahina lang ang pagkakasigaw niya mula sa baba, pero rinig na rinig ko. "W-wag! Bababa na ako!" Nagmamadali akong bumaba at lumabas ng bahay. Lakad-takbo ang ginawa ko para mas mabilis na makapunta sa kinaroroonan nito. Nadatnan ko siyang nakasandal sa tabi ng puno habang magka-krus ang braso at nakangiti. 'Ayun na naman ang buhok niyang tinatakpan ang dalawa niyang mga mata. Nakakapagtaka kung paano siya nakakakita sa lagay na iyon. Isa rin sa mga dahilan kung bakit ayaw kong makipagkaibigan sa kaniya ay dahil masiyado siyang weirdo. Mabibigat na hakbang ang ginawa ko para makalapit sa kaniya. Umayos naman kaagad siya sa pagkakatayo. Lumitaw kaagad ang kaniyang dimples nang mas tumindi ang pagkakangiti niya sa akin. "Ano bang problema mo?! Alam mo ba kung ano ang binato mo?!" Halos lumabas na ang litid ko sa pagkakasigaw, pero prente pa rin siyang nakatayo. Magka-krus ang braso, nakangiti pa rin. "Your picture frames?" Natigilan ako. Pinasadahan ko ulit ng paningin ang itsura niya. Nakatakip ang mga mata, nasa baba siya at maliit lang ang siwang ng bintana, pero naasinta niya ang mga picture frames namin. Lumapit ako sa kaniya para hawiin ang medyo magulo niyang buhok na humaharang sa mga mata niya. Nanigas ako nang pigilan niya ang kamay ko. Bahagyang kinabahan nang tignan ang kamay ko at kamay niya na nakahawak sa pala-pulsuhan ko. "Don't..." Nanatili akong walang imik habang nakatingin sa kaniya. Naiilang siyang lumingon sa tagiliran at muling humarap sa akin. "I am Silver. I don't have the chance to introduce myself, dahil hindi ka naman bumababa." Hindi pa rin ako nagsalita. Nanatiling nakakunot ang noo ko sa kaniya. Alam kong iniiba niya lang ang usapan, pero nakakapagtaka talaga. Bakit kailangan niya pang itago ang mga mata niya? "Let's be friends!" Sa kabila ng katahimikan ko ay nagpatuloy siya. Napatitig ako sa malungkot niyang ngiti. "Laro tayo." Hinila niya ako paupo sa madamong parte sa ilalim ng puno kasabay niya. Paulit ulit na sumusulyap at nanatiling nakangiti. Ano kaya ang itsura ng mga mata niya kapag nakangiti? "Piso?" Naitanong ko na lang nang maglabas siya ng barya. "We are going to play hide-and-seek." Sinimulan niya nang ihagis pataas ang barya at mabilis itong tinakpan nang lumapag sa damuhan. "Tao o ibon?" Ipinikit ko ang mata ko at nag-isip nang mabuti. Ayaw kong mataya, pero kung siya naman ang magiging taya, hindi kaya makita niya kaagad ako? Nakita niya ang picture frames namin kahit nasa baba siya, hindi imposibleng mahanap niya ako kaagad. Bakit ko nga ba masiyadong iniisip ang laro na ito? Makikipaglaro lang ako sa kaniya para pagkatapos, lubayan niya na ako. "Ibon," sagot ko. Dahan-dahan niyang inalis ang maliit niyang kamay at ngumiti sa akin. Ako ang taya. "Don't you ever try to peek." "Alam ko! Basta bilisan mo!" Hinintay ko munang makatayo siya bago ako nagsimulang kumanta. "Tagu-taguan maliwanag ang buwan pagbilang ko ng sampu nakatago ka na. Isa... dalawa... tatlo..." Hindi ko na itinuloy ang pagbibilang at umalis na sa puno. Kaagad na nahagip ng mata ko si Silver na pumasok sa loob ng bahay. Tumakbo rin ako sa loob at tahimik na naghanap, pero kung saan-saan na ako sumilip hindi ko pa rin siya makita. Hindi na ako nakasigaw nang may humila sa akin papunta sa loob ng kabinet at tinakpan ang bibig ko! "Shh..." Nakita ko siya sa likuran ko na sinenyasan ako na 'wag mag-ingay. Nasa loob kami ng opisina ni Daddy at sa oras na makita niyang pumasok ako rito ay malalagot ako. "Lumabas na tayo, mapapagalitan ako ni Daddy." Tatayo na sana ako, pero mabilis niya akong nayakap. "Ano ba?!" "Shh, shut your mouth! Kapag nag-ingay ka at narinig ng Daddy mo then, we're both dead." Dahil sa sinabi niya ay natahimik ako, hindi na nakapagsalita. Dahil tama siya. Talagang binalot lang ako ng takot kanina. "What are you doing here?" Lalo akong kinabahan nang marinig ang boses ni Daddy. May mga yabag ng paa. Tila hindi lang sa iisang tao nanggagaling. "Don't act like you already forgot about the corporation. Nagpakalayo layo lang kayo, pero hindi ibig sabihin niyon, nakalimutan mo na rin ang mga batas at mga patakaran natin." Hindi pamilyar ang boses na iyon. Boses ng isang babaeng natitiyak kong kaedad ni Daddy. Sandaling nawala ang boses ni Daddy. "Hindi ko alam kung ano pa ang gusto niyo sa akin. You already have what you want!" "Mataas ang posisyon ng pamilya natin sa korporasiyon. Lahat ng bagay tungkol sa atin, alam ng kataas taasang Yomashi. Sa tingin mo ba malilinlang mo sila? Ginagawa ko ito para hindi na mapahamak pa ang pamilyang natin! Where's the other child?!" "You already have my daughter!" Umalingawngaw ang sigaw ni Daddy sa apat na sulok ng kuwarto. "Huwag mo na akong paikot-ikutin! They already know her existence!" "Hindi kakulangan kung hindi ko papapasukin ang anak ko sa eskuwelahang iyon!" Talagang nararamdaman ko ang galit at takot sa boses ni Daddy. "Hinahabol ng mga Yomashi ang anak ko, sa tingin mo hindi ko alam kung bakit? Ngayon, bumalik ka sa mga tokuyu at sabihin mong mamamatay muna ako bago niyo makuha ang anak ko!" Lumingon ako kay Silver na nakatitig lang din sa siwang ng kabinet. Nakita ko kung paanong kumuyom ang maliit niyang kamao. Naguguluhan ako. Wala akong maintindihan. "I won't let her step in that place. Ever." Nang lumaki ako, roon ko lang napagtanto ang laman ng usapan. Lahat ng taong naroroon ay nawala sa kasalukuyan. Wala akong napagkunan ng sagot. Nawala ang kababata ko at namatay si Daddy. Ang mukha ng may-ari ng boses na iyon ay hindi ko kailanman nakita. Dahan-dahan akong bumaba sa hagdanan. Siguradong kapag nakita ako ni Lola Isabella ay hindi na ako makakaalis ngayon. Medyo masakit pa ang sugat na nakuha ko sa away kagabi, kung hindi lang ako naawa sa isang lalaking binu-bully ay pinabayaan ko na iyon at hindi tinulungan, pero dahil trip ko mag-exercise nang mga oras na iyon ay tumumba silang lahat. Ibinulsa ko ang isang pain killer para mamaya kung sakaling kumirot na naman ang sugat ko sa noo na tinamaan ng bato. "Hindi pa tayo tapos, ChonggoLoid." Mabilis akong umakyat sa bakod. Nahirapan pa nga dahil pinalagyan ni Lola Isabella ng mga bubog ang ibabaw ng bakod dahil minsan na kaming muntik malooban. Mabuti na nga lang at medyo feel ko rin mag-exercise nang oras na iyon. "FREZZILLIANA!" Napangiwi ako nang marinig ang boses ni Lola Isabella, sa lakas ng pandinig niya siguradong alam na niya na nag-over-the-bakod na naman ako para maglakwatsa. Nababagot na ako sa loob ng bahay. Isa pa, may usapan kami ni Eros ngayon. "Babalik ako bago mag-umaga, Lola!" Hindi ko na hinintay ang sagot ni Lola at kumaripas na sa pagtakbo. Kinupkop ako ni Lola nang mamatay si Daddy. Hanggang ngayon hindi pa rin mahanap kung sino ang bumaril sa kaniya. Tila propesiyonal ang gumawa at walang naiwang bakas man lamang. "Nako!" Nakipag-apir ako kay Eros nang magkita kami. "Baka hindi na naman ligal ang pagpunta mo rito. Tinakasan mo na naman ba si Lola Isabella?" Naupo ako sa kaharap niyang upuan at nilagok ang juice niya. Pinagmasdan ko ang hitsura niya. "Hindi na bago 'yon," kaswal kong sinabi. Sobrang laki ng ipinagbago ni Eros ngayon. Noon pa man ay guwapo na talaga siya at malakas ang dating, pero ibang-iba siya ngayon. "Ang guwapo mo ngayon! Mag-artista na rin kaya ako?" Tinawanan niya ako. "Alam mo, Llianna. Ang ganda-ganda mo, pero hindi ko alam kung bakit nagkaganiyan ka. You have seriously taken my advice too far. As in too far." "Ano ba naman!" Kinuha niya pa ang baseball cap ko na binawi ko naman kaagad at padabog na isinuot. "Frezz nga sabi!" Napailing na lang siya. "By the way, your scholarship from Lorroú Art School is now granted. Isang taon ka nang tumigil ng senior high school, why not continue in your dream school?" Matagal akong napatitig kay Eros. "Pag-iisipan ko." Napaiwas ako nang paningin sa isang bata, ni hindi ko na nga makagat ang tinapay dahil sa tuwing gagawin ko iyon ay ngumanganga rin siya kasabay ko. "Gusto mo?" Wala akong nagawa kundi ang alukin ito na kanina pang nakatayo sa harap ng bakery shop. Kaagad naman itong tumango. "Sige sa'yo na lang..." Inabot ko sa kaniya ang plastic ng tinapay, nagulat pa ako nang hablutin niya iyon at tumakbo nang mabilis palayo. Siraulong bata iyon, wala man lang thank you! Inayos ko ang suot na sombrero bago naglakad palayo. Napailing na lang ako nang maalala ang pinag-usapan namin ni Eros. Tumigil ako hindi dahil sa wala kaming pera. Huminto ako dahil hindi ko gusto ang pinag-aaralan, hindi ako interesado. Nasa kasagsagan ako ng pag-iisip nang makita ang grupo ng mga kalalakihan sa isang eskinita. Kaagad naman akong umatras at sumandal sa pader. "Kuya... hinahanap na po ako ni Yaya. Kailangan na po naming umuwi." Nakita ko kung paanong nagmakaawa ang isang batang babae sa kaharap nitong matabang lalaki. "Dadalhin ka namin sa bahay namin. Maraming chocolate at candy roon. 'Di ba gusto mo iyon?" Natawa na ako sa sinabi ng lalaking nasa gitna, inuto pa. Napailing na lang ako sa sarili. "ChonggoLoid, hindi ka na natuto." Umiling ang bata. "Marami na po niyon sa bahay. Hayaan niyo na po akong makauwi." "Bakit ba ang hirap mong utuin?!" Kung ako ang batang kaharap niya ay baka hinimatay na ako sa takot. Mukha niya pa lang pang shake, rattle and roll na! Sinipa ko nang malakas ang bakal na basurahan sa gilid. Umalingawngaw naman ang tunog niyon sa loob ng eskinita. Nakangisi kong pinanood ang ginawang palingon ng mga alagad ni ChonggoLoid. Akala mo nama'y artistang tinawag si Loid nang huli akong lingunin. "Tigilan niyo na, akin na ang bata. Wala ako sa mood mag-exercise ngayon, Loid." "Oh! Talagang sumusulpot pala kung saan-saan si Batman?" Naroon ang tonong mapang-asar ni Loid. Lumawak ang pagkakangisi ko nang makaramdam nang bahagyang inis. "Ano, Loid? Hindi ka na lang snatcher o holdaper ngayon? Kidnapper ka na rin? Kahihiyan ka sa mga magulang mo." "Mayabang ka talaga!" Bumaling siya sa mga alagad niya at pinandilatan ng mata senyales ng pagsugod. Mabilis na tinakbo ng mga ito ang aming agwat. Lahat ay handa na sa pag-atake. Madali kong naiwasan ang suntok at sipa ng bawat isa. Sinipa ko si Loid sa sikmura nang tangkain akong suntukin dahilan para mapaatras ito. Akmang susugod ulit, pero kaagad kong dinaklot ang damit ng isa at tinadyakan papunta sa kaniya kaya sabay silang natumba. Sunod na lumapit ang isa na balewala kong sinuntok. Ganoon na rin ang mga sumunod. Muling nakatayo si ChonggoLoid, malayo sa akin. Mabilis ko siyang naharangan kaya napahinto siya. "Takbo na." Walang kurap-kurap na tila tuta itong tumakbo at iniwan ang mga kasama niyang namimilipit sa sakit. Tumingala ako nang may maramdamang kakaiba. Nakita ko ang isang lalaking nakatayo sa rooftop ng isang building na hindi naman ganoon kataas. Nakamaskara na kulay pilak, ngunit malinaw pa rin na sa akin siya nakatingin. Bigla akong kinilabutan. Isinaklob nito sa ulo ang hood ng jacket na suot marahil nang mapansing nakatingin ako sa kaniya. Kaagad itong tumalon papunta sa kabilang gusali nang parang walang kahirap-hirap. Sandali akong natigilan. Nang makabawi ay ibinaling ko na ang paningin sa bata na nakatahan na ngayon. Kakaiba. Unti-unting sumisimangot ang mukha nito habang papalapit ako. Nagbago ang kulay ng mga mata niya. Naging kulay pula ang mga iyon! "A-anong nangyayari sa'yo?" Gusto ko siyang hawakan, pero nagsimula nang manginig ang mga kamay ko sa kaba. Hahakbang na sana ako, pero biglang umikot ang paligid ko at naging maliwanag. Panandalian akong nakaramdam ng p*******t ng ulo dahil sa pag-ikot nito. Sa isang iglap, nagbago ang kinaroroonan ko. Madilim. Gabi na rito. Hindi pamilyar ang lugar. Mula sa maliit na bilog at sementandong entabladong kinatatayuan ko ay inilibot ko ang aking paningin. Tanaw ko ang ilan sa hindi kalayuang mga gusali na nakapalibot sa akin. Awtomatiko akong napaatras. Inalerto ang sarili nang mas madagdagan ang takot at pagkalito sa mga sumalubong sa akin; Hugis tao, bakal ang mga katawan at tila may sariling mga pag-iisip. "Bitawan niyo ako!" Hinawakan ng dalawa sa mga ito ang magkabila kong braso at iginaya ako sa paglalakad. Hindi ganoon kahigpit ang pagkakahawak nila sa akin, pero hindi ko maiwasang hindi matakot. Kakaibang sitwasyon ito, na ni minsa'y hindi ko naisip na mangyayari sa akin. "Saan niyo ako dadalhin?" Nakailang salita na ako, wala pa rin akong narinig na kung ano sa mga ito, kundi nanatili sa kilos na para bang nakadikta na. Walang nagawa ang pagpupumiglas ko dahil sa lakas ng mga ito hanggang sa makarating na lang kami sa loob ng isa sa mga gusali. Sinubukan ko muling tumakas nang buksan ng mga iyon ang pintuan na mukhang gawa sa mamahaling uri ng kahoy. Madali akong naitulak papasok sa loob. Bago pa man ako makahabol para makalabas ay nasarado na ang pintuan. Marahil nakabantay na ang mga iyon mula sa likod ng pintuan. "Palabasin niyo ako!" Buong lakas kong hinampas ang pintuan, na tila ba sa paraang iyon ay matitibag ko ito. "That door won't open unless everything is settled." Nang lingunin ko ang kabuuan ng kuwarto. Nadatnan ko ang hilera ng mga lalaking nakasuot ng pareparehas na pormal na itim na amerikana at salamin pang-araw sa magkabilang gilid. Huminto ang paningin ko sa swivel chair na katapat ng lamesa. Mula roon ay prenteng nakaupo ang babaeng sopistikada at pormal ang kasuotan. Nahihinuha kong siya ang nagsalita kanina. "Hindi pa ako nakakakita ng estudyanteng kagaya mo. It feels like you loath this school when every peculiar dies to study here." Nakapaskil sa labi niya ang kakaibang ngisi. Nanatiling nakakunot ang noo ko. "Anong..." "You're unaware, aren't you?" Dumapo ang paningin ko sa nameplate na nasa ibabaw ng kaniyang lamesa. Nakaukit doon ang letra ng pangalan niya. Coreena V. Guazon, dean. Naglaho ang pagkakakunot ng noo ko. Kaagad kong nilipat ang paningin ko sa kaniya. Lumawak nang tuluyan ang pagkakangisi niya nang magtama Kang mga mata namin. "Now you have figured it out... you're at Tokuyu University." Paanong... Humalakhak siya. "Let's just say that it's my ability as a peculiar." "Peculiars..." Pakiramdam ko'y nasa palabas lang ako. Gusto kong matawa, pero sa sitwasiyong ito bakit ang hirap gawin? "Scan her.." Mabilis na lumapit ang mga nakahilerang lalaki sa akin at nagsimula akong kapkapan. Sandali akong nawala sa sarili dahil sa kaba... mas nadagdagan ang aking pagkalito. Tinulak ko ang mga ito, pero nagpatuloy sila sa pagkapkap. "Huwag niyo akong hawakan!" Tumigil ang isa sa mga lalaki nang makuha ang nasa bulsa ko. Pain killer. Inabot niya ito sa Dean na kunot-noo naman 'yung tinignan, pinag-aaralan. Ibinalandra nito sa mukha ko ang gamot. "Things such as this aren't allowed in this school." Tinignan ko siya nang masama. Ibinalik niya rin naman sa akin ang gamot. Nagdalawang-isip ako kung tatanggapin ko iyon, pero makalipas ang dalawang segundo ay pahablot ko nang kinuha mula sa kaniya. Natigilan ako sa sinabi niya. Tinignan ko ang hawak kong pain killer at ibinulsa ulit. "It is prohibited." Nakalimutan kong nababasa niya nga pala ang nasa isip ko. "Lalo na at magiging estudyante ka na rito." Matagal bago rumehistro sa akin ang sinabi niya. "Hindi ako papayag na manatili sa lugar na ito." Tipid itong tumawa at umupo sa lamesa habang magkakrus ang braso. "Can't you see? This is an opportunity." "Hindi ako kasing bobo kagaya ng naiisip mo, Ma'am. Hindi ako tanga para manatili sa lugar na hindi ko alam." Pumikit ako at muling nagmulat nang makitang hindi nagbago ang paligid ko. Tinignan ko nang masama ang Dean na seryosong nakatitig sa akin. Bakit hindi gumagana? "Teleportation has no use if your aim is to escape from this place... you are already trapped here." "Ibalik niyo ako!" Tumaas ang boses ko dahil sa inis at galit. "Stop wasting your energy and just follow what you must." Natigilan siya sa pagsasalita nang sa isang iglap ay hawak ko na ang baril ng isa sa mga nakahilerang lalaki at mabilis na itinutok sa kaniya. Kakatwang hindi nagbago ang ekspresiyon niya. "Ibabalik niyo ako o hindi ako magdadalawang-isip na kalabitin ang gatilyo nito?" Pinilit kong tatagan ang pagkakatitig ko sa kaniya kahit alam kong may mahigit na sampung baril na ang nakatutok sa likuran ko ngayon. Ngumisi siya. Itinaas niya ang kanan niyang kamay. Naramdaman ko namang nakababa na ang mga baril na nakatutok sa akin. "You love your Granny, right?" Pakiramdam ko ay napatid ang paghinga ko. Nanatili ang paningin ko sa litrato ni Lola Isabella na hawak niya. "Huwag niyo siyang gagalawin!" Kakaiba. Pati ang Lola ko ay kilala nila. Kumorte sa kaniyang labi ang matagumpay na ngisi. "So everything was settled, I guess?" Hindi na ako nanlaban nang dalhin nila ako sa isa pang gusali. Unit ng bawat estudyanteng nag-aaral sa eskuwelahang ito. Wala akong magawa dahil ayaw kong mapahamak si Lola Isabella, pero hindi ibig sabihin niyon ay papayag na akong manatili rito. Sa totoo lang ay kanina ko pa gustong humanga sa lugar na ito. Sa kabila niyon ay gusto kong isipin na sana panaginip lang ang lahat ng mga masamang nangyayari sa akin ngayon. Gusto kong magsisi na tinulungan ko pa ang batang babaeng iyon. Nilibot ko ang paningin sa kabuuan ng kuwarto na kinaroroonan ko sa aking unit. Talaga palang nag-e-exist ang unibersidad na ito, ngunit walang nakakaalam kung nasaan. Kinuha ko ang nakarolyong itim na papel sa ibabaw ng kama. Tinatalian iyon ng kulay pulang laso. Marahan ko itong binuksan. Pamagat pa lang ang nababasa ko, pero isinara ko na iyon; Tokuyu University's school rules and regulations? Siguradong mag-aalala si Lola Isabella sa akin. Alam kong hindi siya makakatulog. Kailangan kong makalabas dito. Sinubukan ko ulit na pumikit, pero walang nangyari. Nakatayo pa rin ako sa harap ng kama. Muli kong naalala ang sinabi ng Dean. Napangisi ako. "Kung hindi ako makakalabas dito kung iyon ang gagawin ko. Hahanapin ko ang lagusan." Lumabas ako mula sa pinto ng unit. Tumambad sa akin ang malawak na hallway. Dahil salamin halos ang dingding sa labas nakikita ko ang lahat. Malayo ang eskuwelahan, pero matatanaw pa rin ang mga ilaw mula roon. Masasabi kong hindi lang ito eskuwelahan. Tila isang buong baranggay. Sa isang iglap, nakatayo na ako sa harapan ng isang parke na natanaw ko mula sa salaming hallway ng unit. Teleportation. Talagang hindi magagamit kapag nakakulong ka. Huminto ang paningin ko sa walang lamang bakal na duyan. Namalayan ko na lang na umuupo na ako roon. Sinubukan kong 'wag makaramdam ng lungkot at 'wag alalahanin ang nakaraan, pero mahirap itong pigilan. Sa blangkong ekspresiyon ay pinagmasdan ko ang tuwid na daan na napapaligiran ng mga puno na nakahilera sa magkabilang gilid nito. Unti-unting nawala ang isip ko sa kawalan nang makita ang pigurang naglalakad sa daang iyon. Pinapagitnaan siya ng mga puno. Marahan ang pamamaraan niya ng paglakad. Kalmado at mabagal. Pakiramdam ko'y pamilyar siya. Ilang beses kong ikinurap ang mata ko nang mawala siya. Naalis ang pagkakahawak ko sa bakal na tali ng duyan. Napatayo ako. Hindi naman ako takot sa multo, pero hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako nang sobra ngayon. Hindi ko na naituloy ang sanang sasabihin nang maramdaman ang palad na pumatong kanan kong balikat. Mabilis akong umikot at umamba ng suntok, pero kaagad din akong natigilan. Sinalo niya ang kamao ko habang nakatingin nang diretso sa mga mata ko. Kahit naka-jacket at naka-hood siya ay naaaninag ko pa rin ang kulay pilak niyang mga mata na kumikinang dahil sa sinag ng buwan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Secretary, Sex-etary [Lee Saunders]

read
273.5K
bc

The Sex Web

read
133.1K
bc

The Possessive Mafia Boss ( Tagalog )

read
342.2K
bc

AGENT KARA_SERIES 1(R-18-SPG)

read
199.4K
bc

The Crowned Mafia Boss: His Obsession [Completed] Tagalog

read
1.3M
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
69.6K
bc

My Wife is a Secret Agent (COMPLETED)

read
326.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook