One

1935 Words
Maaaring hindi nga ako ordinaryo. Hindi ako katulad ng mga babaeng kadalasang nakikita sa pang araw-araw. Dumating na lang ang isang araw na tumakas ako sa bahay, pinuntahan ang kaibigan kong si Eros, pumunta sa panaderya at naagawan ng tinapay, naglakad sa kalsada hanggang sa mapadpad sa eskinita at tinulungan ang isang kawawang bata na naging dahilan kung bakit ako napunta rito. Sinalo niya ang kamao ko habang nakatingin nang diretso sa mga mata ko. Kahit naka-jacket at naka-hood siya ay naaaninag ko pa rin ang kulay pilak niyang mga mata na kumikinang dahil sa sinag ng buwan. Tila tumigil ang paghinga ko nang makita ang dalawang pares ng mata niya. Kakaiba. Pakiramdam ko ay hindi niya ako sasaktan, ngunit nanatili ang kakaibang kaba sa aking puso na hindi dala ng takot. Padabog kong binawi ang aking kamao para umatras nang bahagya. "Sino ka?" buong tapang kong itinanong. Salamat sa sinag ng buwan, nakikita ko kahit papaano ang kalahati ng kaniyang mukha. Hindi siya sumagot bagkus ay tinignan lang ako. "Wala akong oras para makipagbiruan. Mas mabuti kung-" natigilan ako sa pagsasalita nang ilapit niya ang mukha niya sa mukha ko kaya naman lalo akong napaatras para makaiwas. Mabuti na nga lang at nasa pagitan namin ang duyan na nagsisilbing harang ngayon. Nanatili pa rin siyang walang imik ngunit bakas sa kaniyang labi ang misteryosong ngisi. "Anak ng..." Bigla na lang siyang naglaho sa aking harapan at naiwan akong tulala. Nakalimutan ko bigla ang pakay ko na paghahanap ng lagusan palabas. Pinagmasdan ang aking repleksyon sa harap ng salamin. Pilit kong ibinababa ang maiksing paldang itim, tinupi ko ang magkabilang dulo ng long-sleeves polo na kulay abo at niluwagan ko rin ang kurbatang itim na sumasakal sa akin. Inis na inis ako sa suot ko ngayon. Bukod sa hindi komportable, masiyadong pormal at pambabae. Kung may pagpipilian lang ako, pero wala. Isinuot ko na medyas, sapatos at coat para makaalis na. Hindi na ako nagsuklay, dahil hindi ko naman talaga iyon ginagawa. Basta ko na lang itinali ang aking buhok at isinuot ang baseball cap na itim. Mula sa repleksiyon sa salamin ay kitang-kita ko ang baliktad na pagkakaukit ng aking pangalan sa logo badge na naka-pin sa suot kong coat. Frezzilliana Hennie Vigo. Sa huling pagkakataon ay sinulyapan kong muli ang itsura ko nang may blangkong ekspresyon bago dinampot ang ilang piraso nang makakapal na libro, nabasa kong kakailanganin ito para sa unang klase. "Sinong may sabing sumusunod ako ngayon sa inyo? Hahanap ako nang paraan para makaalis dito." Aalis na sana, pero muli akong napalingon sa itim na papel na nakalagay na sa side table ng kama. Napatitig ako roon nang matagal bago kibit-balikat na lumabas sa silid. Bago pa man makaapak palabas ng front door ay hinila ko na pabalik ang sarili ko para suluyapan ang isa pang kuwarto na kasunod ng sa akin, sa kanang bahagi. Kung sinuman man ang titira sa kuwarto na iyan, sisiguraduhin kong hindi niya na ako maaabutan sa lugar na ito. Ilang minuto lang ng paglalakad ay narating ko na ang gusali ng eskuwelahan. Hindi ako pamilyar sa mga pasilidad kaya kung saan-saan ako napadpad. Karamihan sa mga estudyanteng nadaraanan ko ay tumitingin sa akin, pero hindi sa masamang paraan. Tila natatakot at nagtataka. Kasunod niyon ay ang pagbubulungan nila. Wala naman akong makitang mali sa akin. "Manong, nasaan po ang bulletin board dito? Masiyadong malaki ang school niyo kaya hindi ko alam 'tsaka bago lang po ako rit-" Natigilan ako sa pagsasalita nang humarap ito. May katandaan na at sa dating nang hitsura niya ngayon masasabi kong hindi siya ganoon kabait. Itinigil niya ang pagma-mop ng sahig at kunot ang noo akong tinignan. Hindi siya nagsalita bagkus ay itinuro ang malawak na daan sa bandang kanan. "S-salamat po..." Nakangiwi ko siyang tinanguhan bago tahakin ang daan na tinuro niya. Literal akong napanganga. Malawak na gym ang sumalubong sa akin. Sa gilid ng stage naka-display ang isang napaka laking monitor kung saan nakalagay ang mga pangalan ng mga estudyante at kung saan sila nabibilang. Lumapit ako roon at binaybay ang pangalan ko. "Attention here, Tokuyus." Awtomatiko akong lumapit sa stage. Doon ko nakita ang matabang lalaki na may katandaan na, hawak ang mikropono sa kanang kamay. Lumapit na rin ang mga estudyante sa ibaba ng entablado kagaya ko. "Let us welcome the batch of the 20th century. I am sure you'll learn a lot from this school." "I'm afraid. Help me not to kill." Nilingon ko ang babaeng nagsalita sa gilid ko. Maganda, maputi, mas maliit kumpara sa akin at... kakaiba. "I am Domingo Natividad. I am here to introduce the officials, ang namamahala sa eskuwelahan. Beside me is our Dean. Break a rule and you'll face her." Kaagad na tumalim ang paningin ko sa Dean na naglalakad na paabante mula sa taas ng entablado. Hindi ko alam kung nakangiti ba ito o nakangisi. "Thank you for the foreword, Mr. Natividad." Madami itong sinabi tungkol sa mga dapat at hindi dapat gawin. Lumulutang ang isip ko kaya naman wala ako gaanong naintindihan. "You should not disobey any of the school rules 'cause I'll surely won't let you pass... and the ranks." Nagulat ako nang tumingin na rin ito nang matalim sa akin. "Looks like she's pertaining to you." Bumulong ang katabi kong babae, pero ngayon ay sigurado na akong ako ang kausap niya. "My little friend here suggests that we should avoid her." Taka ko itong tinignan. Hinanap ko pa ang little friend na sinasabi niya, pero wala naman akong nakita dahil kaming dalawa lang ang magkadikit sa espasiyo. "That's all..." matapos ngumisi ng Dean ay ibalik na nito ang microphone kay Mr. Natividad. "As of today, our school director has to finish some business, so I'll introduce him to all of you when he comes back." Kung ganoon, mukhang marami pang sorpresang hatid ang paaralang ito. "Rankings are very important, especially in this school. The ranks stand as the foundation of the university. They lead and rule for the sake of our organization. Another thing, they're going to be our future leaders in the corporation, so we might as well introduce them to all of you." Tumingin si Mr. Natividad sa gilid. Lumabas ang pitong estudyanteng... "Why are they wearing cloaks?" Isa ang babaeng katabi ko sa kumuwestiyon doon. Talagang kakaiba. Parang may tinatago. Tindig pa lang ng bawat ranggo, makikita nang kagalang galang ang mga ito at hindi basta-basta. "The rankings, the honorables!" sa paraan nang pagkakabigkas nito, tila ang tinutukoy ay pambansang bayani ng Pilipinas. "Siguradong ang mga dati nang nag-aaral rito ay kilalang-kilala na ang mga ranggo, ngunit hindi sa mukha." Hindi sila nagpapakita ng mukha... kung ganoon, bakit at para saan? "Seems shock?" Huminto ang paningin ni Mr. Natividad sa akin. Mas lalo lamang kumunot ang noo ko. "All of them started to study here at the age of eight. Yes, the 20th century ranks were the first ones who studied here for the batch of the 20th century, year 2005. That's when Tokuyu University was reopened for the third batch and that's all of you." Naiintindihan ko ang lahat ng sinasabi nito, pero magulo. Kung ganoon, pito lang sila sa loob ng malaking eskuwelahang ito sa mahigit sampung taon dahil ngayon ay taon 2015. "Wanna be on top? You can if you work hard for it. We have seven ranks up on stage. Hopefully, we will complete the ten positions. There are three remaining spots left. The latest ranks would be announced after the final match and that would be the final rank for the batch of the 20th century." Nagsalitang muli ang katabi ko. "When the ranks turned fourteen doon sisimulan ang taunang enrolment ng mga tokuyu na naka-register sa corporation, year 2011 for four years. Sa tingin ko, bago ka lang rin. Ngayon ka lang din nag-enrol?" Napatango na lang ako dahil hindi ko alam ang isasagot ko. "Parang... ganoon na nga." "Ayaw rin ng parents mo?" Mas mahina ang pagkakasabi niya. "Itinago rin sa'yo? Today will be the last batch of the yearly enrollment. Closing na for the 20th century. Kaya siguro sapilitan ka na ring pinasok dito." Itinago? Sapilitang ipinasok? Ang unibersidad, organisasiyon at ang korporasiyon na sinasabi nila ay nagtutunog mapanganib para sa akin. "Ang iba sa atin tinatakas ng parents, katulad na lang natin, pero nahahanap pa rin tayo. Majestic." Mag-isa siyang tumawa pagkatapos. "Pero karamihan ganid sa kaalaman, kaya ang iba rito, mag-aapat na taon na sa university." Muli akong bumaling sa entablado. Halos literal akong mapatalon nang makitang nakatingin sa akin ang isa sa mga ranggo na katabi ni Mr. Natividad. Ang unang rango. Ngunit hindi lang iyon ang ikinagulat ko. Kahit naka-cloak ito ay nakikita ko ang kulay pilak nitong mga mata at ang labi nitong nakangisi. Hindi ganoon kalinaw ang nakikita ko kaya hindi ko pa rin makita nang buo ang mukha nito, pero sigurado akong ito ang lalaki sa park kagabi. "We treasure the tokuyu ranks like diamonds. No one should try to mess with them. I know you don't want to. They spent their life studying martial arts here, so they are all well-trained. You should be careful. Especially the curious ones. That's all, you may now attend your classes." Isa-isang umalis ang mga ranggo. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang ginawang pagsulyap sa akin ng unang ranggo. Bigla akong kinabahan. Kasama siya sa ranggo. Pakiramdam ko ay may mali kaagad akong nagawa. Unti-unti na ring nabawasan ang mga estudyante sa gym na tinatahak na ang daan palabas ng bulwagan. Hindi ako mapakali ngayon sa kinauupuan ko. Mag-isa akong nakaupo sa isang row at may isang bakanteng upuan sa tabi ko. Malas at magkaiba pa kami ng section ni Felice, ang babaeng kausap ko kanina. "Tsk.. Tsk.. Tsk.. Almarino, late ka na naman!" Mula sa pintuan ay dumungaw ang lalaki, magulo ang kulay brown na buhok, mukhang bagong gising na nagmadali lang sa pagpunta sa school dahil sa ayos niya ngayon, magulo pa ang pagkakatali ng necktie nito at nakasampay lang sa balikat ang coat. Nakangisi nitong hinarap si Mr. Kugu at nagsalute pa. "Sorry, Sir. Aagahan ko na po sa sunod!" Mukhang magkakasundo kami. May saltik rin, e. "Ilang beses mo nang ipinangako iyan! You may now sit wherever you want. You're disturbing my class." Tumawa ang lalaki at nagkamot ng batok. Huminto ang mata niya sa katabi kong upuan. Hindi na ako nagulat na roon niya naisipang umupo. Tinitigan niya ako bago nag-iwas nang paningin. Mayamaya ay nagulat na lang ako nang ilapit niya ang mukha niya sa akin nang biglaan. Tinulak ko ang noo niya gamit ang hintuturo ko. Ano namang trip nito? "H-hennie?" Naroon ang paninigurado sa tono niya. "K-kilala mo ako?" Napaturo ako sa aking sarili. Hindi pa siya siguradong tumango bago tinignan ang kabuuan ko. "Nash, ako si Nash. N-nakalimutan mo na ako?" Natigilan ako. Nakalimutan? "Paano kita makakalimutan? E, hindi naman kita kilala-" Nanlaki ang mata ko nang takpan niya ang bibig ko. "Ano ba?!" Lumingon sa gawi namin ang ilan sa aming mga kaklase. Mabuti na lang at hindi kami napansin ni Mr. Kugu. "Nagka-amnesia ka naman kaagad!" Binalot ako nang matinding pagtataka. "Hindi talaga kita kilala..." Hilaw siyang tumawa. "Halos dalawang taon mo rin akong na-deadma. Ngayon mo lang ako kinausap tapos... ang weirdo mo pa." Dalawang taon... "Dalawang taon?" Sigurado ba siya sa sinasabi niya? "Noong sophomore pa ako. Para namang hindi mo alam? Hindi ba't ikaw ang seatmate ko noon? Sayang 'yung rank. Kung tinalo mo lang sana si Kianya... nasa pangalawang ranggo ka pa rin." Hindi naalis ang malalim niyang pagkakatitig sa akin. "A-anong pangalawang ranggo?" Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang emosiyon na ito. Pakiramdam ko'y bigla na lang akong nanlamig at kinabahan. "Sinasabi mo bang nasa ranggo ako noon?" "Oo. Ano bang nangyayari sa'yo? 'Wag mo sabihing..." Hinawakan niya ang aking balikat. Tila nawalan nang pag-asa nang hindi ko siya sagutin. Matagal na namutawi ang katahimikan sa aming pagitan. "Ito na ba ang sinasabi mo?" Ang sinabi niya ay tila ba hindi para sa akin. Hindi ako nakapagsalita at unti-unting nanlumo. Hindi ako ang taong tinutukoy niya. May taong kumuha sa pagkatao ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD