SILY 07: Broken Heart Syndrome

2347 Words
~One week ago~ "KUMUSTA? May masakit ba saiyo? May kailangan kaba?" Pagtatanong ng dalaga sa kaniyang kaibigan. "Gusto mo ba ng tubig? Nagugutom kaba?" Magkakasunod na tanong nito. "Ano ang nangyari?" Walang bahid na emosyon ang mukha ni Kireigh. Inalalayan siyang makaupo ng maayos ng dalaga. "Anong nangyari?"Pag-uulit niya. "Hindi mo ba natatandaan kung ano ang nangyari sa iyo? Wala kana talagang natatandaan maski kung paano ka napunta rito?" Saglit na natigilan si Kireigh. Pinilit niya ang sarili na alahanin ang nangyari ngunit walang pumapasok sa kaniyang isipan. "Hindi. Hindi ko matandaan. Wala akong matandaan. Basta ang alam ko lang nahulog ako sa hagdanan. Iyon lang." "Hindi mo kilala kung sino ang naghatid saiyo rito? Kung sino 'yung taong nakakita sa'yo sa bahay?" Napakagat ng labi si Kireigh. "Hindi. Hindi ko kilala." Pag-iling niya. Bumuga nang hangin si Rio. Pawang binabasa ang bawat paghinga ni Kireigh. Halata rin naman sa mata ng kaniyang kaibigan na nagsasabi ito ng totoo. May bandage ang ulo niya. Nalaman lang niyang nasa hospital ang kaibigan dahil kay Kriford. Mabuti nalang at hindi nagdalawang isip itong tawagan siya. Pagkatapos noon bigla nalang siyang nawala na parang bula. Hindi na rin siya nag abala pang magtanong kung ano ang tunay na nangyari at kung ano ang ginagawa niya sa labas ng bahay nila Kireigh sa ganoong oras. Ang tanging alam niya lang ay kung sino talaga si Kriford at ang tunay na koneksiyon nito sa dalaga. "Okay. Let's move on. It doesn't matter kung sino ang nakakita saiyo o kung sino ang naghatid sa'yo rito. Magpagaling ka nalang. Sinabihan na rin ako ni tito na huwag kana munang pumasok sa kompanya. You can take one month rest daw para sa recovery mo." "One month? No! I can't rest, Rio. I need to work. Kailangan ako ng mga kapatid ko. Kailangan kong magtrabaho para sa kanila. Pakisabihan si tito na papasok ako bukas." Pagmamatigas niya. "Wheather you like it or not, kailangan mong magpahinga. Kung pagpipilitan mo iyang gusto mo tuluyan kang tatanggalin ni tito sa kompanya at hindi mo na makikita ang mga kapatid mo. Gusto mo ba iyon?" Napauwang ang bibig ni Kireigh dahil sa gulat. Kilala niya ang kaniyang tiyuhin. May isang salita ito. Sa oras na sumuway siya o kontrahin ang naging desisyon possible na totohanin niya ang lahat. Una ayaw niyang magalit ito sa kaniya. Although, aware naman na siyang sesermonan na naman siya nito dahil sa nangyari. Pangalawa mawawalan siya ng trabaho. Pangatlo mas lalo siyang mapapalayo sa kaniyang mga kapatid. At ang mawalay sa mga ito ay hindi na niya kakayanin pa. "Tatawagin ko muna ang doctor." Pagpapaalam ni Rio. Pagkabalik nito may kasama siyang lalaki na nakasuot ng puting gown. "Doc, bakit wala siyang matandaan? Hindi niya matandaan kung ano ang nangyari noong gabing iyon. Possible po ba na may amnesia siya?" "Let me see, iha." Chineck ng doctor si Kireigh. May lumapit na nurse rito at may inabot na papel. Napailing siya matapos basahin ang nakasulat. "According to my findings, wala naman siyang amnesia. Are you sure na she can't remember everything-as in anything about her?" Paniniguro ni doc. "Aside sa pagkahulog niya po, wala na po siyang ibang binanggit. I'm just wondering kung nagkaroon po siya ng temporary memory loss." Seryosong nakikinig si Kireigh sa dalawa. Tinaasan niya ng kilay si Rio nang tumingin ito sa kaniya."Are you thinking that I'm lying to you? I'm serious, Rio, I don't even know kung sino ang naghatid sa akin rito." Pilit na ngumiti si Rio bago ito tinalikuran. Nagpaalam muna ang kaibigan ni Kireigh at ang doktor sa kaniya. "Tatapatin na kita, iha." Biglang sumeryoso ang boses ng taong kaharap niya. "I lied and you are right. Wala siyang amnesia but she still forgetting some memories. If you're asking kung bakit nagsinungaling ako sa harap niya-it's just baka mas ma-trigger lang ang brain niya, na baka mas mag-isip pa siya." "So, what's the point, doc, kung ma-trigger siya? Hindi na rin naman niya maaalala ang nangyari." "Because she's not aware that she's experiencing memory loss. I told you, the last day she woke up, she was crying to death. I can't talk to her properly. What's more kung malaman niya ang totoong kalagayan niya, she might kill herself." "Doc, honestly, I don't understand what you're talking about. I don't get it. What's really your point?" Tila'y nakaramdam ng pagkainis ang dalaga sa binatang doctor na kanina pang tumatawag na,' iha'. Hindi hamak na magkasing edad lamang silang dalawa. "My point is, let's stop asking her. Lets give her space-time to think. To rest her mind. Let's not force her to remember every single details about her o kung ano ang nangyari sa kaniya." Napataas ang kilay ni Rio. "I have a question, doc and you need to be honest with me. Do you know my best friend? Do you know who she really is? It seems you know her based on the tone of your voice." "Its none of your business. Let's focus to her situation." Masungit na sagot nito sa dalaga. "Oh. I didn't mean it. I'm just saying..." Sinamaan lang siya ng tingin nito. "Okay. Fine. I'll tell you." Huminga ng malalim ang doctor. "I'm Kriford'cousin and believe me or not, pinagkatiwala niya sa akin ang kaibigan mo." "Sinasabi mo ba na may koneksyon ang kaibigan ko pati na ang pinsan mo? Kasi kung wala-walang dahilan para itago kay Kireigh ang tunay niyang kalagayan. Walang rason para itago natin sa kaniya kung ano ang totoo." "I'll be frank to you, what's your name again?" "I'm Rio." "Okay. Rio, my name is Krick. Alam kong wala tayo sa lugar para panghimasukan ang buhay ng kaibigan mo. Especially me, as a doctor, I have no right to interfare with my patient'personal life. But, my cousin-Kriford is her guardian." "What? Anong guardian? Kailan pa naging guardian ni Krieigh ang lalaking iyon? Ni hindi nga sila mag kamag-anak. Are you kidding me, Krick? Kasi kung oo pwes hindi ako natutuwa." "Could you please listen to me before making a conclusion, can you do that? If you're acting like this, I won't tell you the other details anymore." "You know what, doc? She's my best friend-that person has already having a tough life. Kung dadagdagan pa natin ang iniisip niya baka malamang sa malamang mag breakdown iyan. I don't want to see her crying alone in the darkness." Mahabang pagpapaliwanag ni Rio. Hindi lingid sa kaalaman niya ang mga pinagdaanan ng kaniyang kaibigan at kung mauulit na naman ang nangyari noon baka tuluyan na itong bumigay. "Yes. I know. I understand her situation. I understand your point. But the issue here, we can't force her to remember anything. Minsan na siyang nagkaroon ng temporary memory loss at sa pagkakataon na iyon marami siyang nakalimutan." "Sandali, Krick." Parang sasabog na ang ulo ni Rio sa mga pinagsasabi ng lalaki sa kaniya. Nakailang lakad siya habang iniisip kung ano ba talaga ang sinasabi ng taong kaharap niya. "Hindi ko maintindihan, eh. Hindi ko maintindihan lahat ng mga sinasabi mo." Ginulo niya ang kaniyang buhok. "Mabuti pa siguro na huwag nalang akong magtanong kaysa malaman ang totoo." "I thought you want to know the truth, Rio, what happened?" "Sige nga. Sa lahat ng sinabi mo sa tingin mo may naintindihan ako? Mas ginagawa mo lang komplikado ang lahat. I'll better to accept that she's experiencing temporary memory loss than listening to you." Patagong tumawa ang doctor. "Seven years ago, my cousin brought her here. That time, my uncle was her personal doctor." "What did you say?" Rio seemed shocked. She maintain her strong posture. "What are you talking about?" "She was once Kriford's fiance." "Fi-ance?" "Yes. But, sadly to say na-aksidente silang dalawa. That the reason kung bakit nakalimutan ni Kireigh ang pinsan ko." "So, you're saying na until now hindi pa rin siya matandaan ng kaibigan ko? Until now nakakaranas pa rin siya ng memory loss? Are you kidding me, Krick?" "No. I'm not. I'm telling you the truth. And regarding with that, I think she's aware na nag e-exist pa pala ang ex-fiance niya." "No. It cannot be. The first time they met, walang alam si Krieigh. She doesn't even know your cousin. Wala siyang idea. As in she's literally clueless. Maybe mali lang ang findings niyo. Mali lang ang conclusion niyo. She's fine." "Do you even know kung ano ang nangyari sa kaniya seven years ago? You grown up together, right? Do you know the reason kung bakit malayo ang loob ng mga kapatid niya sa kaniya?" "Oo. They're mad at her because of her stupid decisions and actions." "No, because she's sick. She's mentally sick. Have you notice her behavior?" "Alam mo Krick paninirang puri na iyang ginagawa mo sa kaibigan ko. Maari kang mawalan ng licence. Hindi na nakakatuwa, ha." "She had broken heart syndrome. Because of the incident involving her parents as well as the car accident before their wedding, she wanted to forget everything, and the only way to handle her heart is to forget all about her past. She's been forcing herself to forget until she cannot feel anything." "So, basically, she didn't experience literal memory loss, but she's been forcing herself to forget her memories with people around her." "That's true!" Tipid na sagot ni Doc Krick. "But why? Why did she do that?" Naguguluhang tanong ni Rio. "I don't understand." "Natatakot siyang magmahal. Natatakot siya na baka kapag nasanay na naman siyang mahalin at mahalin iyong mga taong malapit sa kaniya baka iwanan na naman siya." "Oh s**t, Kireigh!" Napahilamos sa mukha si Rio. "Hindi ko alam na ganoon ang nararamdaman niya." "And in my observation, she's still suffering from it. By any chance, do you remember kung sino ang huling nakasama niyo o kung ano ang huling ginawa niya bago ang aksidente?" "Nagtalo sila ni Kriford." Napaisip si Rio kung ano pa ang kakaibang nakita niya sa kaibigan. "Bigla ring nagbago ang behavior niya towards us." "What do you think the reason kung bakit nagtalo sila? Do you think may kinalaman ito sa past nila?" "Hindi ko alam." Pailing-iling na sagot ng dalaga. "Kung ex-fiance niya si Kriford may possibility na may nasabi ito sa kaniya. Kaya naging aggressive ang kaibigan ko at bigla nalang naging cold." "Let me guess." Inilagay ni Doc Krick ang kaniyang hinalalaki sa baba. "Nalaman niyang ikakasal na si Kriford." "Pero kung ikakasal na pala ang pinsan mo bakit bumalik pa siya rito sa Sta. Buena? Anong binabalak niya? Saka noong una kaming nagkita-kita hindi niya sinabi na kilala niya si Kireigh ganoon din ang kaibigan ko." "Sa tingin mo ba aamin silang dalawa? Ano bang nangyari noong una nilang pagkikita?" "Parang aso't pusa silang dalawa and then magkasama silang umuwi. The next day I knew noong bumalik kami sa old house nila naabutan naming nagtatalo na silang dalawa." "See. Hindi nila natiis ang isat-isa at hindi natiis ni Kireigh na maapektuhan sa ex-fiance niya. Nagpadala siya sa emosyon niya na hindi niya alam kung paano niya ilalabas sa taong nangiwan sa kaniya." "You mean aware na si Kireigh simula palang noong unang pagkikita?" "Maybe you're right, maybe you're wrong. We can't conclude that unless tatanungin mo ang kaibigan mo kung anong nangyari." "Paano kung mas magalit pa siya? Paano kung hindi niya makayanang alahanin ang lahat?" "Then, she will never see the truth and reality. Mananatili siyang nakakulong sa past niya. Baka hindi na niya makayanan pa iyong sakit sa susunod na pagkakataon." "Baka may iba pang paraan para mawala iyong broken heart syndrome niya." "Yes. There's a way. It's either meeting a psychologist or face her past." "Hindi naman siya baliw, noh?" Biglang natawa si Doc Krick sa tinanong sa kaniya nang dalaga. "Krick, I'm serious. She's not crazy, right?" "No. She's not. She just need someone to talk to, kaya mas mainam na ipa-consult siya sa psychologist nang sagayon mailabas niya kung ano man ang bumabagabag sa kaniyang isipan." "What do you mean sa face her past? How can it help her kung iyon ang reason kung bakit siya nakakaranas nito?" "Can you see it? Kailangan niyang makausap si Kriford. May gusto siyang malaman. Gusto niyang malaman kung bakit siya iniwan nito at kung bakit bumabalik na naman siya. In short, kailangan niya ng heart to heart talk." "Not a good idea, Krick. Baka mas lalo lang silang magtalo at baka tuluyan nang makalimot ang kaibigan ko." "Paano kung iyon lang ang tanging paraan para ma-overcome niya ang kaniyang past at mawala ang broken heart syndrome niya? Kung magkakaroon sila ng masinsinang pag-uusap possible na mawala lahat ng negative thoughts na nasa isip niya." "No. Hindi ko hahayaan na magkita pa silang dalawa muli lalo na't wala naman na si Kriford dito." "Try to think of it. Siya ang rason kung bakit may broken heart syndrome siya at baka siya rin ang rason para mawala iyon." "Mali ka, Doc. Namatay ang parents niya. Possible na iyon ang cause kung bakit na-develop ang broken heart syndrome niya." "Maybe, lalo na't hindi naman in-born ang syndrome na iyon. Maaring tama ka pero maaaring mali ka rin." "Paano kung tama ako?" "Then, I'll grant you a wish." Taas noong offer ni Doc Krick sa kaniya. "Kahit anong sabihin ko ibibigay mo?" "Exactly. I'll give you whatever you want, kung tama ka pero kung tama ako ibibigay mo ang gusto ko." Tila'y naging seryoso ang tono ng pananalita nito. "Ano? Deal?" Napaisip bigla ang dalaga kung makikipag kasunduan ba siya rito at tatanggapin ang offer o babalewalain nalang ito. "Okay. Deal." Napangisi si Rio nang may biglaang pumasok sa isip niya. "You should grant my wish in case na tama ako or else..." "Or else what?" "You'll never know kung mali ako." Nakaramdam ng excitement si Doc Krick sa sinagot ng dalaga sa kaniya at sa inaasal nito. Mas tumitindi ang interest niya na kilalanin ang dalaga. Walang ano-ano'y pumayag na rin siya at imbes na makipag shake hands, mas pinili niyang halikan ang kamay nito na naging dahilan para makaramdam ng kiliti sa katawan ang dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD