SILY 06: Painful Past

2016 Words
ILANG minuto na ang lumipas ngunit masama at seryoso pa rin ang tingin ni Kireigh kay Kriford. Samantalang abala sa pagke-kwentuhan ang kanilang mga kaibigan. Magkakasama lang silang apat na nakaupo sa sofa. Napansin naman nina Rio at Rylm ang pananahimik ng dalawa. "Excuse me, baka naman gusto niyong sabihin sa amin kung ano ang nangyari. May nangyari ba sa inyong dalawa?" Masusing pagtatanong ni Rio. Sinubuan naman siya ng chips ni Rylm. "Mukhang may nangyari nga-" Naputol ang sasabihin niya nang ilipat ni Kireigh ang kanyang tingin sa kaibigan. "Walang nangyari sa amin, okay?" pekeng sumang-ayon si Rio sa kaniya. "Wala ngang nangyari sa amin!" Napaigtang sa gulat si Rio dahil sa biglaang pagsigaw ni Kireigh. "Sis, calm down, okay? Walang masama sa tanong ko. Kung walang nangyari sa inyong dalawa hindi mo naman kailangan sumigaw." Inirapan lang siya ni Kireigh. "Eh, bakit ba ang tahimik niyong dalawa? Ang sama pa ng tingin mo sa kaniya. Ano ba talaga ang nangyari?" "You don't need to know, Rio." Masungit na pagkakasagot ni Kireigh. "Don't ask." Palihim na tumaas ang kilay ni Rio sa inaakto ng kaniyang kaibigan. Naguguluhan siya sa inaasal nito. Malakas ang kutob niya na may nangyari na hindi niya nagustuhan. "Are you sure, Kireigh?" Paninigurado ni Rio. "Shut up, Rio, will you? Kanina kapa tanong nang tanong. Ganiyan kaba talaga ka-tanga kaya simpleng instructions hindi mo maintindihan?" Giit ni Kireigh at padabog na tumayo. Maski ang dalaga ay nabigla sa sinabi niya. Hindi naman niya intensyon na murahin ang kaniyang kaibigan ngunit sadyang hindi lang niya napigilan ang sarili dahil sa pagkainis at pagkamuhi sa lalaki. "Ano ba'ng problema mo?!" Matinis ang boses ni Rio ng hilahin niya ang braso ni Kireigh. "Alam mo kung ayaw mo akong makita pwede naman akong umalis, eh. Hindi iyong kung ano-ano pa ang sasabihin mo at pagmumukhain mo lamg akong tanga sa harap nila Rylm at Kriford." Dahan-dahang ipinikit ni Kireigh ang kaniyang mga mata. Nagdadalawang isip siya kung lalapitan niya ba ang kaibigan o hahayaan na lisanin ang lugar na hindi sila nakakapag-usap ng maayos. "Rio, kami nalang ni Rylm ang aalis para makapag usap kayo ng maayos ni Kireigh." Pigil ni Kriford kay Rio na parang naglalakad sa buwan. "Galit sa akin ang kaibigan mo at hindi ko alam kung bakit. Maayos naman kami kanina pero bigla nalang siyang naging ganiyan." Tanging pag-irap nalang ang nagawa ni Kireigh sa sinabi ng binata. Habang ang mga kaibigan nila ay tila'y nagmamasid sa kanilang kinikilos. "So, ako pa ngayon ang may kasalanan?" Pagtatanong ni Kireigh habang pilit nilalakihan ang kaniyang mata. "So, gusto mong palabasin na ako pa ang masama?" "Oh. Come on, Kireigh. Napakababaw mo naman palang mag-isip." Napakamot sa ulo ang binata. "Ha?" Pilit na tumawa ang dalaga. Nag desisyon ng umupo sa sofa sina Rio at Rylm at aabangan nalang ang susunod na mangyayari. "Ako pa ngayon ang mababaw? Bakit sino ba ang humalik sa akin? Diba ikaw? Hinalikan mo ako kahit may fiance kana." "Bakit hindi mo ba nagustuhan na hinalikan kita?" Tanong ni Kriford na tila'y naghahamon ng away. Patagong natawa ang kanilang mga kaibigan. Pigil ang kilig ni Rio habang pinipisil ang kamay ni Rylm. "Ang kapal talaga ng mukha mo. Kahit kailan hindi ko gugustuhin na lumapat pang muli 'yang labi mo sa akin." Todo deny ni Kireigh kahit na naapektuhan siya sa paghalik sa kaniya nang binata kanina. "Don't worry, even you ask me to do it I won't kiss you. I will never kiss you again lalo na't sa tulad mong sobrang kitid mag-isip!" "Ako makitid mag-isip? Paano naging makitid iyon? Isa kang malaking manloloko at sinungaling!" Giit ni Kireigh na ayaw magpaawat. "Saka na tayo mag usap kapag maayos kana. You need to fix yourself first bago mo maisipan na makipagkita pa sa'kin." Saad ni Kriford na nawalan nang lakas ng loob na makinig at makipag alegro pa sa dalaga. "Wow!" Hindi makapaniwalang turan ng dalaga."Ang taas talaga ng tingin mo sa iyong sarili, no? Do you think makikipagkita pa ako sa'yo? No, Kriford!" Hindi maipagkakaila ang pagkainis na nararamdaman ng dalaga sa binata. "Hindi na mangyayari iyon. Hindi na muli tayong magkikita." "Huwag kang magsalita ng tapos, Kireigh." Pagsabat ni Rio. "Baka isang araw hanap-hanapin mo siya." Pabirong sabi nito na mas kinainis pa ni Kireigh. "Shut up, Rio!" Masama ang tingin niya sa kanyang kaibigan. "Shut up, okay? Huwag kang makisawsaw sa usapan naming dalawa lalo na't hindi ko hinihingi ang opinyon mo." Tila'y nasaktan si Rio sa sinabi ng kaniyang kaibigan. Tumango tango nalang siya at nilisan ang lugar kasama si Rylm. Ilang minuto ang lumipas magmula nang umalis ang dalawa. Nakataas lang ang kilay ni Kireigh sa pinto na pinaglabasan ni Rio habang nakangising nakatingin sa kaniya si Kriford. "Tingnan mo na iyong ginawa mo. Akala ko ba mag-kaibigan kayo? Bakit kung tratuhin mo siya parang ibang tao? Ganiyan kaba talaga kayabang?" "Wala kang karapatan para kwestiyunin ang pagkakaibigan namin ni Rio. Sa tingin mo ba gusto kong sabihin sa kaniya iyon?" "So, nagmamalinis ka ngayon? Na hindi mo sinasadya yung sinabi mo at dala lamang ng emosyon mo? Lumang luma na iyon, Kireigh. Tanggapin mo nalang na mayabang ka talaga. Na wala kang pakialam sa kung ano ang mararamdaman ng ibang tao sa paligid mo dahil makasarili ka!" "Wala kang alam." Parehas na masama ang tingin ng dalawa sa isat-isa." Wala kang karapatan para husgahan ang pagkatao ko." "Bakit masakit ba? Masakit ba na marinig mula sa'kin na pangit ang ugali mo? Na napaka selfish mo? I don't even know kung bakit naging mag-kaibigan kayo ni Rio, samantalang napaka-pangit ng ugali mo." "Sumusobra kana!" "Masakit, no? Truth hurts, ika nga. Kung gusto mong mag stay sa'yo 'yung mga taong nasa paligid mo, then prove them that you are worth it-or you're not worth para mahalin." "I don't care kung umalis 'yung mga taong nasa paligid ko. I don't mind kung iwanan nila ako." "Napakatigas mo talaga, Kireigh." "Wala akong pakialam kung iwanan nila ako beside I don't need them in my life." "Sana naririnig mo pa lahat ng sinasabi mo." "I'm not deaf, Kriford. I can hear my own voice. Huwag mo akong husgahan." "Ayaw mong husgahan ka pero ikaw itong malakas ang loob na husgahan ako? Sana iniisip mo muna lahat ng sinasabi mo. Sana ginagamit mo iyang utak mo hindi 'yang bibig mo." "Get lost! Ayoko ng makipag-usap sa'yo." "As if na gusto kong makipag-usap sa'yo, Kireigh, honestly, you're wasting my precious time. Mas mahalaga pa ang oras ko kaysa sa'yo." "Then, get out!" "Hindi mo na ako kailangan pang pagtabuyan. Kusa akong aalis." Malamig na pagpaalam ni Kriford. Naiwang mag-isa ang dalaga sa tahanang punong puno ng pagmamahal noon ngunit napalitan ng pait at pagkamuhi ngayon. Ang dating tahanan na binababalot ng kasiyahan ngunit sobrang tahimik na ngayon. Walang nanay na gumagabay sa kaniya. Walang tatay ang nagpapatahan sa tuwing umiiyak siya. Walang mga kapatid na nakikipaglaro sa kaniya. Tanging siya lang na hindi alam kung hanggang kailan ba siya magiging malungkot. Hanggang kailan siya mananatiling mag-isa at magkukulong sa bahay na binalot ng dilim at katahimikan. Magmula nang umalis sina Rio, Rylm at Kriford mas minabuti niyang manatili nalang sa loob ng bahay. Sinigurado niyang naka-lock ang pinto. Nagpaalam siya sa kaniyang tiyuhin na hindi muna siya papasok ng isang linggo dahil masama ang kaniyang pakiramdam. Na kahit ang totoo nawalan na naman siya ng gana. Nawalan na naman siya ng rason para ipagpatuloy ang kaniyang buhay. "Mahirap ba akong mahalin?" Tanong niya sa sariling repleksiyon sa salamin habang umiinom ng wine. "Mahirap ka ngang mahalin, Kireigh. Napakahirap mong mahalin." Mapakla siyang tumawa. "Sino ba naman ang magtatangka na mahalin ka kung ikaw mismo hindi mo kayang mahalin ang sarili mo?" Nang maubos ang wine sa hawak niyang wine glass, kinuha niya ang bote at doon na lamang uminom. "Sana ikaw nalang ang namatay. Sana ikaw nalang dahil wala kang silbi!" Pagduduro niya sa sariling repleksiyon sa salamin. Tumayo siya at binato ang bote na hawak niya sa kung saan. "Ikaw nalang sana at hindi ang mga magulang mo!" Pinagtatapon niya ang lahat ng nakapatong na gamit sa mesa. Hindi pa siya nakuntento at malakas niyang sinuntok ang salamin na nasa harapan niya dahilan para dumugo ang kaniyang kamao. Patuloy lang siya sa kaniyang ginagawa. Nang masiguro niyang nasa lapag na ang lahat ng kaniyang mga gamit saka lang siya huminto sa gilid at umupo. Hinayaan niya ang sarili na lamunin ng lungkot habang parang paslit na umiiyak. "Kahit anong gawin ko hindi parin sapat sa kanila. Sarili kong mga kapatid kinamumuhian ako. Pati kaibigan ko nagawa kong saktan dahil sa lintik na lalaking iyon!" Mabagal na ang paghinga niya. Wala na ring luha ang lumalabas sa kaniyang mga mata. "Pagod na pagod na akong patunayan ang sarili ko sa kanilang lahat. Pagod na pagod na akong mahalin sila." Marahang pumikit ang dalaga. Hindi alintana ang duguan niyang kamao. Hindi man lang siya nasaktan. Hindi pa siya nakuntento at sinambunutan ang sarili. "Bakit bumalik kapa? Anong gusto mo? Kung kailan nakalimutan na kita saka ka babalik-para ano? Para guluhin ako? Para saktan mo ulit ako? Para ipamukha sa'kin na hindi ko deserve na mahalin?" Mabilis na tumayo ang dalaga. Tanging pagtunog ng kapirasong bubog ang maririnig habang siya'y naglalakad patungo sa kaniyang kabinet. Nanatiling nakapatay ang ilaw sa kaniyang silid ngunit nagawa niya pa ring makuha ang kahon na matagal niyang itinago. "Bakit ngayon pa? Bakit ngayon ka lang?" Paulit-ulit na tinatanong niya sa kaniyang sarili makalipas ang ilang taon."Paano mo nagawa sa'kin iyon?" Hawak niya ang kapiraso ng litrato na nabahiran ng dugo galing sa kaniyang kamay. "Nakalimutan na kita. Kinalimutan na kita pero bakit bumalik kapa? Ano paba ang gusto mo?" Walang buhay niyang nilukot ang litrato. Kung may isa mang kahilingan ang dalaga, iyon ang sana hindi na muli pa siyang magising sa bangungot na paulit-ulit niyang nakikita. Mga taong nagpapaalala sa kaniya kung gaano siya kasama. Na kahit anong gawin niyang pagpo-protekta sa sarili naapektuhan pa rin siya sa mga nangyayari. Hindi pa rin siya makawala sa kadenang itinali niya sa sariling leeg. Pagewang gewang siyang tumayo at sinalampak ang katawan sa malambot na kama. Kinapa-kapa niya ang kaniyang cellphone. Malakas siyang tumawa ng mahawakan niya ito. Agaran niya iyon binuksan. Nagbabakasali na baka may naghahanap sa kaniya. Na baka may nag-aalala sa kaniya ngunit bigo lamang siya. Maski isang text message mula sa taong inaasahan niya na magkakaroon ng pakialam sa kaniya ay wala. Tuluyan na siyang nawalan ng pag-asa. In-off niya ulit ang phone at sinubsob ang mukha sa unan. "Hindi kana dapat umaasa, Kireigh. Hindi kana dapat umaasa na may mga tao pang maghahanap sa'yo. Remember wala ka ngang pakialam sa nararamdaman nilang lahat tapos ine-expect mo na magkakaroon sila ng pakialam sa'yo?" Natawa siya sa sariling sinabi. "Nakakaawa ka. Nakakaawa ka lang. Naaawa ako sa'yo." Walang ano-ano'y tumayo na naman siya sa pagkakahiga at binuksan ang pinto sa kaniyang silid. Dahil sa madilim ang buong kabahayan, hindi niya napansin ang kaniyang dinaraanan. Nagpagulong-gulong siya sa hagdanan hanggang sa makababa ito. Hinawakan niya ang kaniyang ulo na may dugo at nakangiting tumayo. Maski ang mga tuhod niya ay wala ng lakas para tumayo pa. Pinipilit na lamang niya na makaalis sa kadiliman na naging tahanan niya. Ilang minuto pa muli siyang natumba. Sa kadahilanang hindi na niya magawang tumayo pa, naisipan nalang niyang gumapang hanggang sa makalapit sa pinto palabas. Nang maainag niya ang ilaw mula sa labas, pinilit niya ang sarili na tumayo. Binuksan niya iyon. Inaakalang baka may naghihintay sa kaniya ngunit nabigo na naman siya. Nawalan siya ng balanse at napahiga sa sahig. "Ayoko na." Mahina niyang sabi. "I want to die. Please. Let me die." Bulong nito. "Kireigh! Kireigh! Wake up!" Dahil sa kalasingan at epekto ng pagkakahulog niya sa hagdan hindi na niya makilala kung sino ang tumatawag sa kaniya o kung may kasama ba siya o wala. "Wake up, please!" Pinilit niyang imulat ang mata ngunit huli na para makilala niya ang taong iyon. "I'm here. I'm sorry. I'm so sorry. Please wake up!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD