SILY 05: Intentional Kiss

2121 Words
MAY mga pagkakataon na kahit anong gawin mong pag-iwas, kusa ka nalang mapanghihinaan ng loob. Na kahit gaano pa kalayo ang distansiya na gawin mo sa taong nagiging dahilan ng bawat pag ngiti mo, ikaw mismo ang kusang lalapit at hihiling na sana araw-araw kayong magkasama. "I'm so-sorry. I'm really sorry Kireigh." Mabilis na naglayo ang dalawa. "I didn't mean to kiss you. I was just---" Kinagat niya ang ilalim ng kanyang labi. "I'm really sorry. I'm not asking you to forgive me, but it was my first kiss. I mean, my first kiss from someone that I don't have feelings for. " Todo explain ng binata sa dalaga. Seryosong nakatingin si Kireigh sa kanyang kausap. Maski siya ay naguguluhan at nabigla sa nangyari. Ilang minuto ring nagtagal ang kanilang paghahalikan. "Ayos lang. You don't need to explain. Nabigla tayong parehas pero aminin mo man o sa hindi nagustuhan mo rin naman ang nangyari." Matamis na ngumiti ang dalaga. "If you want, kalimutan nalang natin ang nangyari kung labag sa loob mo na hinalikan mo ako." Mabilis na tumayo ang dalaga. Nagtungo siya sa kusina at nanguha ng tubig. Ramdam niyang pinagpapawisan na siya dahil sa hiya pero mas minabuti niyang lakasan ang loob na harapin ang binata. "To be honest, I like it. I like what happened between us. I'd like to stay by your side, but---" "But you have a fiance, right? You know what, ayos lang naman ako. Nag kiss lang naman tayo, as if naman na may nangyari sa ating dalawa na higit pa roon diba. So, stop explaining to me kasi tanggap ko naman. Buong puso kong tatanggapin na isang pagkakamali na nagdikit ang ating mga labi." Seryoso ang binata sa sinabi niyang gusto niyang manatili sa tabi ng dalaga. Totoo rin na nagustuhan niya nu'ng mag response ng halik sa kanya ang dalaga. Pero hindi niya maintindihan kung bakit hindi ito naniniwala sa kanya at hindi niya rin maintindihan kung bakit hindi niya magawang umiwas. "Yes. I do have a fiance but --" Muling pumikit ang binata dahil hindi niya alam kung paano magpapaliwanag sa taong kaharap niya. "But? Ano, Kriford? Kanina kapa but ng but. Ayos lang naman kasi. Pwedeng nabigla ka lang o aksidente lang ang nangyari. We can forget about that, haler!" She wants to end the conversation pero parang walang balak na tapusin ni Kriford ang usapan nila dahil panay 'but' ito sa kanya. Gusto niyang magpahinga. Gusto niyang ipagpahinga ang kanyang isip dahil hindi na rin niya alam kung paano haharapin ang binata. Buong buhay niya ngayon lang nangyari sa kanya ito dahil ang binatang kaharap niya ang kanyang first kiss. Kaya paano niya pa haharapin ito lalo na't alam ng binata ang kanyang tahanan. "Hindi. Hindi aksidente ang nangyari." Tumaas ang kaliwang kilay ni Kireigh. Ilang beses na rin siyang umiling at pinaikot ang kanyang mata sa binata. Sabay malakas itong tumawa na kinagulat ni Kriford. "Kung hindi aksidente na hinalikan mo ako, anong tawag doon? Intentional?" "Y-yes. I want to kiss you. I want to hold you tight. I want to hug you every single night. I want to be your listener or ka-kwentuhan every day. I want to stay with you, Krieigh. If you're asking me kung bakit, I don't know. I don't know how to explain my feelings towards you." "Baliw kaba? Last night lang tayo nagkakilala tapos may feelings kana agad sa akin?" Tila'y hindi kumbinsido si Kireigh sa mga sinabi ni Kriford. Hula niya baka pinagti-tripan lang siya nito o baka may usapan sila ng kanyang kaibigan na paglaruan siya. "Am I not allowed to have feelings for you?" "No, that was futile! How can you like me if we didn't know each other in the first place? For once-once lang tayong nagkita, nagkakilala, oo nag open up ako sayo about me and my past pero that's extremely impossible." Nilagpasan na ng dalaga ang binata at nagtungo sa sala upang maupo. Naiirita niyang tiningnan ito saka bubuga ng hangin. "I can't prove it for now, but I will make you believe me." "Wa-wait. You don't have to prove it. You don't have a reason to prove that shits to me. You already have a fiancé-sonner or later, ikakasal kana. So, please stop playing around. Stop fooling me because I won't trust you even once." "I am sorry, but I will make you believe me, whether you like it or not. I will make you like me." "Will you shut up? Will you, please? Sa totoo lang naguguluhan na ako sa mga pinagsasabi mo. Hindi ko alam kung pinaglalaruan mo ba ako o pinagtiti-tripan niyo ako ng kaibigan ko." "Fine, I won't force you to believe in me pero di pa rin magbabago ang isip ko." Nasa kabilang sofa umupo ang binata. "I know mahirap paniwalaan pero papatunayan ko sayo na seryoso ang sinasabi ko." "Ngayon palang wala na akong interest na paniwalaan ka. So, huwag kang umasa na mangyayari ang sinasabi mo. I will never like nor love someone like you na kahit may fiance na nagagawa pa ring lumandi ng ibang babae." "Hindi ako kagaya ng iniisip mo." "Then, sino ang kagaya mo? Hindi ba pangloloko ang ginagawa mo sa fiance mo?" "I don't love her." Maikli na sagot ng binata. "I don't care! I don't care kung wala kang feelings para sa kaniya. I don't care kung gusto mo ako o hindi. Ang akin lang huwag mo sana akong paglaruan. Pinatuloy kita sa bahay ko hindi para lokohin ako." Napahawak sa batok ang binata. Ginulo niya na rin ang kanyang buhok dahil sa frustration. "Hindi kita niloloko." "Stop fooling around, okay? I'm not your fiance na maniniwala sa matatamis mong salita." Padabog na tumayo ang dalaga habang dinuduro ang binata. "Get out and don't ever see me again!" Mainit ang ulo ng dalaga habang papalapit sa pinto. "I don't want to leave you here. Aalis lang ako kapag dumating na ang kaibigan mo." "I said leave me alone! I can handle myself. Pwede kana umalis sa buhay ko at huwag mo ng balakin na bumalik pa." Giit niya. Hindi na rin napigilan ng dalaga ang kanyang emosyon dahil sa binata. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lamang magsalita ang binata kahit na kakakita palang nilang dalawa. Para sa kanya mabait naman ang lalaki pero masyado siyang nabigla sa mga confession nito sa kanya. Na posibleng niloloko lang siya nito o pinaglalaruan ng kanyang kaibigan. "Okay fine, let's forget what happened earlier. I will respect your decision if you don't want to see me anymore. But, for the last time, I will wait for your friend to insure your safety." "Naging safe ako ng mahabang panahon. Safe ako kahit wala kapa noon at magiging safe ako kahit mawala ka ngayon." Nilapitan ni Kireigh ang binata at hinila ang braso nito. "Sandali naman, nasasaktan ako Kireigh." Pagreklamo ng binata sa kanya dahil halos kaladkarin na siya nito palabas ng pinto. Ilang sandali pa dumating na sina Rio at si Rhylm na naguguluhan habang palipat lipat ang tingin kina Kireigh at Kriford. "Sis, anong nangyari? Nag away ba kayo?" Tanong ni Rio. Hinila niya si Kireigh sa loob ng bahay ganoon din si Kriford. Hindi naman pumiglas si Kriford at naupo sa tabi ng kanyang kaibigan. "Sis, ano? Ano bang nangyari?" Huminga muna ng malalim si Kireigh at sinamaan ng tingin si Kriford saka muling tiningnan si Rio. "Saan mo ba nakilala ang dalawang 'yan?" "Sa tinder. Bakit ano bang problema?" "May nangyari ka-" "Ano? May nangyari sa inyong dalawa?" Gulat na tanong ni Rio. Napatayo na rin si Rylm dahil sa narinig saka muling binalingan si Kriford. "Congratulations, Ms. Quenez!" Tuwang tuwa si Rio habang pumapalakpak. Habang si Kriford ay nagunlantang sa kaniyang narinig. Hinila niya si Rylm palabas ng bahay. Inutusan niya ang kanyang kaibigan na buksan ang sasakyan nito. Naguguluhan na rin si Rylm sa kinikilos ng kaibigan. "Bro, ano bang problema mo? May nangyari naman pala sa inyo bakit hindi mo naman sinasabi sa akin." Panunukso niya. "Sana hindi mo nalang ako sinama." Walang buhay na tugon na Kriford. "Sana hindi mo nalang ako pinakilala sa kaniya." "Sandali, bro, ano bang problema? Ano bang sinasabi mo? Mabait naman si Kireigh base sa pagke-kwento ng baby Rio ko." "Siya si Riri. Siya yung babaeng sinabi ko sa'yo. Siya yung anak ng kaibigan ni papa na namatay sa eroplano. Silang dalawa ni Rio-ang magulang nila ay namatay dahil sa magulang natin." Nasuntok ni Rylm ang manibela ng sasakyan. Inuntog untog niya rin ang kanyang ulo dito dahil sa kaniyang narinig. Samantalang, nakatingin lang si Kriford sa dalawang babaeng nakatayo sa pinto. "Kailangan nating umalis dito hanggat maaga pa dahil sa oras na malaman nila na may kinalaman ang mga magulang natin sa pagkamatay ng magulang nila paniguradong magagalit sila ng husto sa ating dalawa or worst isumpa tayo habang buhay." "Bro, paano ko gagawin iyon? Kami na ni Rio. May nangyari na sa aming dalawa. Nakapag propose na rin ako sa kanya." "Gag* kaba, Rylm? Isang beses palang kayo nagkita ginalaw mo na agad at nagawa mo pang mag propose?" Giit ni Kriford. "I love her, okay? Matagal na kaming nag-uusap at ayaw kong maghiwalay kaming dalawa." Mangiyak ngiyak na pagpapaliwanag ni Rylm. "Napagplanuhan na namin ang lahat." "s**t! Napakagag* mo talaga. Napagplanuhan niyo na ang lahat sa isang gabi lang? Ang lakas naman pala ng tama mo. Kailan kapa naging ganiyan? Sa dami ng naging babae mo nagawa mo pang magplano kasama si Rio na isang beses mo lang nakita sa personal." "Bro, blame me whenever you want pero seryoso ako kay Rio. Mahal ko siya. Hindi ko kayang mawala siya sa akin ngayon pa na nakapag propose na ako sa kaniya." "Sa oras na malaman ni Rio na pinatay ng tatay mo ang kanyang ama siya ang kusang makikipaghiwalay sayo." "Bro, labas na ako sa kasalanan ng tatay ko. Saka hindi naman niya malalaman ang tungkol doon kung hindi mo sasabihin diba?" "So, magsisinungaling ka sa kaniya? Titira kayo sa iisang bubong at itatago mo sa kanya ang totoo? Ganoon ba ang gusto kong mangyari, Rylm? Sasaktan mo lang siya, mas masasaktan mo siya sa paraan na iniisip mo." "Ipapaliwanag ko sa kanya ng maayos. Tatanggapin ko kung ano man ang maging desisyon niya pero hayaan mo muna kaming maikasal." "Imposible iyang sinasabi mo, Rylm." "May nangyari na rin naman sa inyo ni Kireigh. Don't tell me wala kang balak na panindigan siya?" "Walang nangyari sa amin na katulad sa nangyari sa inyong dalawa ni Rio. Nag kiss lang kami." "Nag kiss? Ako ba ay ginagag* mo, Kriford? Hindi magagalit ng ganoon si Kireigh ng dahil lang sa kiss. Malakas ang kutob ko na may sinabi ka sa kanyang hindi maganda." "Aba, parang kilalang kilala mo si Kireigh sa paraan ng pagtatanggol mo sa kaniya, ah. Baka nakakalimutan mo, pinsan mo ako. Magkasama tayong dalawa na lumaki." "Bro, baka may makarinig sa'yo. Hindi dapat nila malaman na mag-pinsan tayo. Paniguradong mayayari tayong dalawa sa kanila." "Kaya nga sabihin mo na sa kanya ang totoo kung ayaw mong magalit silang dalawa sa atin." "Bro naman." "Makipaghiwalay kana kay Rio at tatapusin ko na kung ano mang koneksiyon ang mayroon sa amin ni Kireigh." "Hindi ko magagawa ang sinasabi mo. Hindi ko magagawang iwanan si Rio." "Anong gusto mo malaman ni Rio ang tungkol sa'yo o malaman ng tatay mo ang tungkol sa pakikipagrelasyon mo sa anak ng pinatay niya? For sure, papatayin niya rin si Rio." Nahihirapan na mag desisyon si Rylm. Hindi niya gusto na iwanan si Rio. Naplano na nila ang lahat lalo na't sa future nilang dalawa. Mahal niya ang babae pero sa oras na malaman ng kanyang ama ang tungkol kay Rio, tiyak na ipapapatay niya ito. "Give me one month para makasama si Rio." Paghingi ng pabor ni Rylm. "After that aalis na ako. Makikipaghiwalay ako sa kaniya." "One month? Too long. How about one week?" Seryoso ang mukha ni Kriford. Halatang wala siyang pakialam sa kung ano ang mararamdaman ng kaniyang pinsan. "I'll give you one week para makasama siya at lilisanin na natin ang Sta. Buena." Walang magawa si Rylm kundi ang sumang-ayon kay Kriford. Gustuhin man niyang manatili pa sa tabi ng dalaga ngunit hindi niya magawa at hindi na niya muling makikita ito kahit kailan. "Ayusin mo iyang sarili mo. Kanina pa nakatingin ang dalawa sa atin. May one week ka para gawin ang gusto mo na makasama si Rio." Nauna nang lumabas si Rylm. Nakangiti siyang naglalakad palapit kay Rio. Niyakap niya ng mahigpit ang dalaga at pumasok na sa loob ng bahay. Masama naman ang tingin ni Kireigh sa lalaking nasa sasakyan habang blangko ang tingin ni Kriford sa dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD