SILY 04: His Past Love

2025 Words
BUONG magdamag na mulat ang mga mata ni Kriford. Naguguluhan siya sa kanyang nararamdaman para sa dalaga. Sa kabila ng kakaibang nararamdaman, parang may nagtutulak sa kanya na ikulong ito sa kanyang bisig. "Kung totoo nga ang nasa isip ko, pinapangako ko na hindi muna akong makikita pang muli." Bulong ng binata habang pinagmamasdan ang walang kamalay malay na si Kireigh. Mahimbing ang tulog nito kaya hindi niya mapapansin ang malagkit na tingin sa kanya ng binata. Kung sakali mang tama ang hinala ni Fordy baka mapilitan siyang lisanin muli ang Sta. Buena. "Kung mali man ang iniisip ko patungkol sa tunay mong pagkatao handa akong hiwalayan ang fiance ko." Nakakatawa man pakinggan ang confession ni Kriford, makikita mo pa rin ang sincerity sa kanyang mukha. Lingid naman sa kaalaman niya na napilitan lang siyang makipagrelasyon sa kanyang current girlfriend na fiance na niya ngayon ay dahil sa pity. He was aware na wala siyang feelings para sa babae but he still wanted to marry that girl because of his father request. Matanda na rin ang kanyang ama kaya lahat ng gusto nito ay binibigay niya. Maski ang kalayaan niya na makasama ang babaeng pinakamamahal niya. For him, he doesn't have a right to be happy lalo na't sa past niya. His father didn't acknowledged him as his own son but he's still trying his best to prove his worth. He's still proving himself and will prove himself over and over again until he gain his father trust in him. "Pero sana hindi ikaw ang Kiri na kilala ko noon. Sana hindi ikaw 'yung babaeng sinaktan at pinangakuan ko." Mabilis na pinunasahan ni Kriford ang kanyang mata gamit ang palad nito. Inalis na niya ang tingin sa natutulog na dalaga. Magkatabi sila sa kama habang may nakaharang na unan sa gitna nila. Ilang saglit pa at tumayo na rin sa pagkakahiga ang binata. Wala na rin namang saysay kung magpapanggap pa siya na natutulog sa tabi nito. Ilang sandali pa at biglang nag ring ang cellphone ni Kriford. Tiningnan niya muna ang dalaga bago nilisan ang silid. "Hello, Good morning, hon!" Masiglang bati ni Kriford habang bumababa ng hagdan. "So, what's up? Do you need anything else bago ako pumunta riyan?" Naupo muna sa sofa si Kriford habang nakikipag-usap sa kanyang fiance. Ilang saglit pa ay napansin niyang pababa na rin si Krieigh na inaayos ang buhok. "Hi, good morning. I thought umalis kana." Nakangiting nilapitan ni Kireigh ang binata. "You can leave me here naman na. Aalis na rin naman na ako maya-maya." Dagdag pa niya. Parang na istatwa ang binata sa kanyang nakita. Kahit bagong gising lumalabas pa rin ang ganda ng dalaga. "Kung hindi kapa aalis dito ka nalang mag agahan. Magluluto muna ako." Tumayo na si Kireigh matapos niyang sabihin iyon. "Hon, who's that? Are you with someone else? Are you cheating on me?" Magkakasunod na pagtatanong ng fiance ni Kriford. "Hon, don't tell me may babae ka." Tila'y wala pa rin sa sarili si Kriford at mukhang nakalimutan na nasa kabilang linya ang kanyang fiance. "Hon, I will accept your mistake. I know how hard you tried to make your dad proud of you so it's normal na mambabae ka. Tatanggapin pa rin kita." Kung may isang bagay man ang pinaka ayaw ni Kriford, 'yun ang pagiging oa nito sa mga bagay-bagay at pag overthink ng madalas. Sa oras na isumbong siya nito sa kanyang daddy paniguradong mas magagalit pa sa kanya ito. "No, hon. I'm with Rylm sister. Nandito kasi ako sa condo niya, maagang umalis si Rylm para sa business." He lied. "Hon, I'll call you back later kapag papunta na ako, ha. Bye. See you!" In-end na ni Kriford ang call.Biglaang tumawa si Kireigh nang tapunan niya ito ng taningin. "Really, I'm your best friend sister?" She laugh. "What do you want me to do?" Tumayo na si Kriford sa pagkakaupo at pumunta sa kusina."You want me to say na nakitulog ako sa babaeng nakilala ko lang sa dinner date ng kaibigan ko?" Kinuha niya ang pitchel ng tubig sa refrigerator habang kinukuha naman ni Kireigh ang frozen food. "Akala ko ba matagal ka ng hindi pumupunta rito? Bakit malinis ang kusina at marami pang laman ang refrigerator mo?" Kanina lang din napansin ng binata na malinis naman ang buong kabahayan. Tinawanan lang siya ni Krieigh at nagsimula ng magluto. Nasa gilid lang si Kriford habang pinapanood ang dalaga sa ginagawa nito. "Almost one month na akong nandito to relax my mind, at para makapagpahinga." Pag-amin ng dalaga. "Huwag mong sasabihin kay Rio na dito ako tumutuloy. Ayaw kong mag-isip siya ng kung ano-ano at makarating pa kay tito." "Bakit hindi? Mag-kaibigan naman kayo." "Gusto ko ng tahimik na buhay. Gusto ko mapag-isa para makapag-isip ng maayos." "Hindi ba tahimik ang buhay mo sa bahay na tinutuluyan mo?" "Ewan. I can't explain. Basta ang alam ko lang masaya ako rito. Magaan ang pakiramdam ko kapag mag-isa lang ako." Habang pinapakinggan ang paliwanag ng dalaga, napapaisip si Kriford kung ano ang tunay na nararamdaman nito. Mukhang may pinagdadaanan si Kireigh na ayaw nitong ipagsabi maski sa kaibigan at tiyuhin niya. "Paano ang mga kapatid mo? Hindi ba sila nagtatanong kung saan ka natutulog?" Natapos na sa pagluluto ng tocino at itlog ang dalaga. "As long as nabibigay ko ang pangangailangan nila wala na silang pakialam sa akin." Pekeng tumawa si Kireigh. Hinanda na niya sa mesa ang pagkain. "Hindi rin nila ako kinu-consider bilang nakakatandang kapatid nila. " "Hinahayaan mo lang sila na bastusin ka?" "Oo kasi natatakot ako na baka may masabi ako na hindi nila magustuhan." "Pero binabastos ka nila. Hahayaan mo lang ba sila na hindi ka kilalanin bilang kapatid nila? Hindi mo dapat sila hinahayaan na pagsamantalahan ang kabaitan mo." "Kasalanan ko kung bakit naging malamig ang pakikitungo nila sa akin. Natandaan mo ba 'yung sinabi ko sa'yo last night? Nag attempt akong magpakamatay dahil sinukuan ko sila. Sa kabila ng mga pinagdaanan ko, kulang na kulang pa ang pambabastos na ginagawa nila. Deserve ko kung ano ang nagiging treatment nila sa'kin ngayon." Umupo na silang dalawa. Sa magkabilang dulo sila naupo. Base sa bilang ng mga upuan, halatang sabay-sabay na kumakain ang pamilya ng dalaga habang nagke-kwentuhan. "Diba dalawa lang ang kapatid mo? Bakit anim ang upuan? Kanino ang isang upuan?" Napatigil sa pagsandok ng kanin ang dalaga. "Sa kapatid ko. Nagdadalang tao si mama nu'ng sumakay sila sa eroplano." "So-sorry. I didn't mean to hurt you." "Ayos lang. 'Yun naman kasi ang totoo. Alam mo bang noong nalaman namin na buntis si mama bumili agad ng bagong mesa si papa. Palagi kaming sabay-sabay na kumakain, nagtatawanan at nagke-kwentuhan. Sayang lang at hindi namin nakasama si baby." Kung pagmamasdan ng mabuti ang dalaga, naiwan pa rin ang sakit sa kanyang mata. Dala-dala niya pa rin ang masalimuot na nangyari sa kanyang mga magulang. "That time, malapit kami sa isat-isa ng mga kapatid ko. You know what? Parehas silang sweet, kind, generous, hardworking at smart kaya nga lahat ng gusto nila binibigay ni papa." "How about you?" "Same with them. Nakukuha ko lahat ng gusto ko. Nabibili ko lahat ng mga luho ko. Kasi that time CEO si papa sa company na pinapasukan ko ngayon." "So, you mean may company kayo?" "Oo." "Pero bakit nagtatrabaho ka sa sarili niyong kumpanya?" Pagtatanong ni Kriford saka nagpatuloy sa pagkain. "Hindi ko kaya na pamahalahan ang company." Tapos na sa pagkain ang dalaga ngunit mukhang napasarap ng kain si Kriford. "Hindi halata na gutom ka." Pang-aasar ni Krieigh. "Kanina pa kasi ako nagugutom. Hinintay lang kita na magising para paglutuan ako." Pilyong sagot ng binata na kinatawa lang ng dalaga. "May balak ka bang bawiin ang company at pamahalahan ito mag-isa?" Sandaling napaisip ang dalaga. Ni hindi na sumagi sa kanya na kunin pa ang company lalo na't maayos naman ang buhay nila ngayon. Pangalawang ama na rin ang turing niya sa kanyang tiyuhin na kaibigan ng kanyang ama kaya kampante siya na pamamahalaan nito ng maayos ang company. "Wala na. Kampante naman ako na napapamahalaan ni tito ng maayos ang company." As she reaches the stage of being an adult, she also reaches the stage of contentment. "Wala ka bang gustong ma-achieve sa buhay mo?" Tapos na kumain ang binata at siya na ang nagprisinta na ligpitin ito at hugasan. Nanatiling nakaupo si Kireigh habang busy naman sa paglilinis ang kasama niya. Kung titingnan ng maigi parang natural lang ang kinikilos nilang dalawa. Hindi sila nahihiya o naiilang sa isat-isa. "Mm. I think, as of now, gusto kong magkaroon ng sariling pamilya. Kapag nangyari iyon dito kami maninirahan kasi iyon ang promise ko sa aking mga magulang." Magmula nang mamatay ang mga magulang ni Kireigh tinulungan siya ng kaibigan ng kanyang ama na ayusin ang mga ari-arian na naiwan sa kanya. Sa dami ng ipinundar ng kanyang ama, ang bahay ang tanging kinuha niya. "Pero mukhang matatagalan pa bago mangyari iyon." Natatawa sa sarili ang dalaga dahil sa kanyang sinabi. Hindi niya inexpect na makakapag open siya sa binata ng ganoon kabilis. "Bakit naman? Nasa tamang edad ka naman. I think, financially stable kana at kaya mong gawin ang responsibility mo as a mother." "Hindi pa ako ready sa panibagong responsibility lalo na't hindi ko magawa ang responsibility ko as their older sister." Mariin na pumikit ang dalaga. "Natatakot ako na baka habang bumubuo ako ng pamilya mas lumayo ang loob sa akin ng mga kapatid ko." Lumapit ang binata sa dalaga. Kinuha niya ang isang upuan at humarap dito. "You did your best. You did your job as an older sister. Wala kana dapat patunayan sa kanila." "They need me. They need someone na makakaintindi sa kanila at ako iyon." "Kailangan mo rin naman sila para intindihin ka pero wala sila sa tabi mo." "Hindi ko kailangan na intindihin nila ako. As long as na magkakasama kami sa bahay uunahin ko sila at ibibigay ang mga pangangailangan nila." "Sa kakaintindi mo sa kanila napapabayaan mo na ang sarili mo." "Sila ang buhay ko. Sila ang lakas ko. Kailangan ko sila para mabuhay. Hindi dapat ako nagrereklamo sa kung ano ang ginagawa ko para sa kanila. Ang mahalaga sa'kin ay maalagaan ko sila, masubaybayan ko habang lumalaki kasi 'yon ang gusto ng mga magulang namin." "Gusto ba ng parents mo na mawalan ka ng pake sa sarili mo? Gusto ba nila ang ginagawa mo ngayon? Hindi kana masaya. Hindi ka masaya sa ginagawa mo. Pinagkakaitan mo ang iyong sarili na maging masaya. Sa tingin mo ba kung nabubuhay pa sila hahayaan ka nilang maging miserable?" Nag-unahan bumagsak ang luha sa malambot na pisngi ng dalaga. Hindi na niya ma-control ang sarili at hinayaan na umiyak. Agad siyang kinulong sa mga bisig ng binata. "Sana kahit isang beses nararamdaman mo naman ang unahin mo." "Nata-takot ako." Humihikbi niyang sabi. "Natatakot ako na maging masaya." Kahit anong kumbinsi ang gawin ni Kriford hindi niya makukumbinsi ang dalaga na unahin ang sarili dahil sa nararanasan nito. "Masaya ang mga magulang ko noong ihatid namin sila sa airport. Ganoon din ang mga kapatid ko pero sa isang iglap sumabog ang sinasakyan nilang private airplane." Patuloy lang na umiiyak ang dalaga habang hinihimas naman ni Kriford ang likod nito. "Iyon ang huling beses na nakita kong masaya ang parents ko pati na rin ang mga kapatid ko. Gustuhin ko man na bumuo ng sariling pamilya pero hindi ko magawa. Hindi ko deserve na maging masaya." Walang karapatan para panghimasukan ng binata ang buhay ng dalaga o pakialaman ang desisyon nito pero doble ang sakit na nararamdaman niya habang pinapakinggan ang bawat paghikbi nito. Hindi niya kayang pabayaan nalang ang dalaga na maging isang martyr o maging miserable ang buhay nito dahil sa isang pangyayari na hindi naman niya ginusto. "Tutulungan kitang maging masaya." Hinawakan ng binata ang mukha ng dalaga. "Tutulungan kitang maranasan kung paano magkaroon ng masaya at buong pamilya." Pinunasan niya ang basang mata nito. Blangko at naguguluhan ang isip ng dalaga. Hindi niya alam kung paano magre-react sa sinabi ng binata. Magaan ang loob niya rito pero hindi niya maintindihan kung bakit hinayaan niyang magdikit ang kanilang labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD