SILY 03: Pure Intention

1601 Words
HIGIT kalahating oras na ngunit hindi pa rin lumalabas ng sasakyan si Kireigh. Napansin naman iyon ni Kriford na kanina pa rin tinatawagan ang grab driver. Maingat na naglakad palapit sa sasakyan ang binata. Nasa parte kasi siya ng dilim kaya siguro hindi na rin siya napansin ng dalaga kung umalis na ba siya o hindi pa. Habang papalapit ng papalapit sa sasakyan doon lamang napansin ng binata ang istilo ng bahay na hinintuan niya. Madilim at tahimik. Parang walang nakatira. Kakatukin na sana niya ang salamin malapit sa kinauupuan ni Kireigh nang bigla itong magbukas. "Hindi kapa rin umaalis?" Walang buhay ang tono nang magsalita ang dalaga. Malungkot at bagsak ang balikat nito. Unlike kanina na sobrang sungit at panay ang sigaw-iniisip niya na may dalaw ito. Bumaba na ng sasakyan si Kireigh. Titig na titig pa rin ito sa walang buhay na gusali. "You can use my car kung wala ka pang nakukuhang grab driver. Just make sure na ibabalik mo sa'kin bukas." Inabot niya ang susi sa binata. Pilit siyang ngumiti at naglakad patungo sa gate. Nasa likod niya lang si Kriford. "I thought pagod ka galing sa byahe. Bakit hindi kapa umalis?" Nanatiling nakatalikod sa kanya si Kireigh. Hinahanap niya ang susi ng bahay sa kanyang bag. "Bakit ang dilim ng bahay? Akala ko ba nakikitira ka sa bahay ng tiyuhin mo? Beside, tinawagan mo siya kanina..." Pagtatanong ni Kriford. "This is my home. My parents home.." Binuksan na ni Kireigh ang gate. "Gusto mo bang pumasok?" Paanyaya ng dalaga. Makahulugan lang siyang tiningnan ng binata at pumasok. Sinara na niya ang gate. Naglakad sila papasok sa entrance ng bahay. Binuksan ni Kireigh ang switch ng ilaw nang makapasok sila sa loob. "Nasaan ang parents mo?" Kriford asked her out of the blue. Saglit na napahinto sa paglalakad si Kireigh -balak niya sanang umakyat na sa second floor. "Patay na." Tipid na sagot ni Kireigh. Nakaramdam ng hiya si Kriford sa kanyang pagtatanong. "I didn't mean to offend you. I'm sorry" Kriford sincerely apologize to her. " I am really sorry." "No need. Matagal naman na iyon." Nagtungo sa sofa ang dalaga. Pinagpagan niya ito bago umupo. Napatakip ng ilong ang binata sa kapal ng alikabok na napunta sa kanya. "Pasensiya na medyo matagal na rin akong hindi nakakapunta rito." Para kay Kireigh napakahirap mawalan ng magulang lalo na sa edad niya. Hindi niya alam ang gagawin lalo na sa naiwan niyang mga kapatid. Sa murang edad pinilit niyang tumulong sa kaniyang tiyuhin upang matustusan ang kanilang pang-araw-araw na gastusin. Malaking dagok sa buhay niya ang alagaan ang kanyang mga kapatid lalo na't hindi sila malapit sa isat-isa. Mula noon naging mailap na ang mga ito ngunit sinusubuksan niyang bumawi sa pamamagitan ng pagbibigay ng pera upang matugunan ang kanilang pangangailangan at paggawa sa mga gawaing bahay at higit sa lahat ang gawin ang school works ng mga ito. "You can go naman na, just make sure na ibabalik mo ang sasakyan ko before five in the morning kasi uuwi pa ako sa bahay ng tiyuhin ko." Medyo nakakaramdam na rin ng pagkailang ang dalaga dahil ramdam niyang nakatingin lang sa kanya ang binata. Ngunit hindi niya iyon pinahalata-baka naghihintay lang siya na i-abot ang susi sa kanya. "Dito ka matutulog?" Tanong ni Kriford. "Bakit hindi ka nalang umuwi sa inyo? Mas komportable at makakatulog ka ng maayos." Mapakla na ngumiti si Kireigh. Pinagmasdan niya ang paligid. "This is my home, Krif. Ito ang comfort zone ko sa tuwing may problema ako. Sa tuwing nanghihina na ako, itong bahay na'to ang takbuhan ko." Despite of what happened earlier between the two of them nagawa pa ring mag-open up ni Kireigh sa binata. 'Yung feeling na komportable ka sa tao kahit anong sabihin mo. 'Yung tipong wala naman siyang kinalaman sa past mo o sa buhay mo pero nagawa niya pa ring makinig. "If this house is your comfort zone, bakit hindi ka nalang manirahan ulit dito?" Naguguluhan ang dalaga kung sasagutin niya ba ang tanong ni Kriford. Pero halata naman sa itsura nito na naghihintay ng sagot niya. Gusto na rin niyang magpahinga dahil may pasok pa siya bukas. "This house is my weakness..." Kusang bumagsak ang mainit na tubig na galing sa kanyang malungkot na mata. "I tried to kill my siblings here...and myself." Hindi alam ang gagawin ng binata sa kanyang narinig. Hindi niya alam kung paano magre-react. Nilapitan nalang niya ang dalaga at naupo sa tabi nito. "May I hug you?" Tanong ni Kriford kay Kireigh. Tanging pag-iyak nalang ang naisagot ng dalaga sa kanya. "I'm not in the right place to ask and to question your past but I just want you to know that I'm listening. I can be your listener and your shoulder to lean on." Kireigh hugged him tight. Gumaan ang pakiramdam niya nang malaman niyang may isang taong willing na makinig sa kanya without judging her based on her past. "Thank you...thank you for understanding me." Humiwalay na si Kireigh sa pagkakayakap. She wiped her tears. "You can go naman na para makapagpahinga ka. Magpapahinga na rin ako sa itaas." "I'll stay here. I'll stay by your side." Kriford said with a serious tone. "If you need a friend, just call me." Magulo ang isip ng dalaga lalo na't naiinis siya sa kanyang sarili-kung bakit hindi niya magawang itaboy o paalisin man ang binata. Hindi man lang niya magawang tumanggi sa offer ng kaharap niya. First of all, she doesn't even know that guy, especially na name palang ng binata ang alam niya pero komportable na agad siya. What more kung may mamuong friendship sa kanilang dalawa? What if mas higit pa ro'n ang maramdaman niya? "Thank you sa concern but I need to refuse your offer." Tumayo na si Kireigh, pero nanatiling nakaupo si Kriford. "Nabanggit mo kanina na may fiance kana. Ayo'ko ng gulo. Do you think she could accept that you have a girl-friend? No. I'm hundred sure na she won't let me sleep in peace, baka ikamatay ko pa ang pakikipag kaibigan sa'yo." she laughed. "I can break up with her." He said. Na-shock si Kireigh sa sinabi ni Kriford. She shrugged her head bago muling binalingan ng tingin ang kausap niya. "Nice joke, Kriford. Nice joke." Pekeng tumawa ang dalaga. Agad naman na-realize ni Kriford ang kanyang sinabi kaya sinabayan na rin niya sa pagtawa ito. "Pero seryoso, sasamahan kita rito. Baka kung ano pa ang mangyari sa'yo." Pilit kinukumbinsi ni Kriford na samahan ang dalaga ngunit ilang beses na rin siyang tinatanggihan nito. "No need na. Beside malaki na ako, hindi na ako bata at mas lalong hindi na ako teenager. I'm an adult now, okay? No need to worry about. I'm fine." "Pero-" Naputol ang sasabihin ni Kriford nang tapikin ng dalaga ang kanyang balikat. "I'm fine, Fordy." Hindi maipinta ang mukha ni Kriford nang tawagin siyang "Fordy" ni Kireigh. "Anong sabi mo?" Tanong niya. "Ulitin mo 'yung sinabi mo." "Mm. I'm fine... I really am. So don't worry about me. I can handle myself." She smiled. "Why? What's wrong? Bakit natahimik ka ata bigla?" Pinigilan ng binata na tumulo ang tubig sa kanyang mukha. "Wala naman." he lied. "Anong wala? Eh, bigla ka ngang natahimik saka nagbago agad ang reaksyon ng mukha mo. May nasabi ba akong mali?" Kung tama ang kutob ng binata na si Kireigh ang matagal na niyang hinahanap, baka mapilitan nalang siyang layuan ito. "See. Hindi na maipinta ang mukha mo ngayon. Ano bang mali sa sinabi ko? Na-offend ko ba ang p*********i mo?" Nagsimula na ring mag-alala ang dalaga sa inaakto ng binata. Na para bang bigla nalang ito nawala sa katinuan. "Uy. Ayos ka lang ba? May masakit ba sa'yo? May sakit kaba?" Agresibong tinabig ng binata ang kamay ni Kireigh nang balakin nito na hawakan ang kanyang noo. "So-rry. I didn't mean to...I was just..." Pinikit niya ang kanyang mata bago muling nagsalita. "Marami lang akong iniisip." He lied again. "Uh. It's ok. Malayo naman 'yun sa bituka. Worried lang ako sayo baka may nararamdaman kana palang kakaiba lalo na't may jetlag ka." Naguguluhan ang binata kung mag i-stay paba siya sa tabi ng dalaga o uuwi nalang siya at hindi na muling magpapakita. "Kung mapilit ka talaga at gusto mo akong samahan, pwede ka naman matulog dito. You can sleep with me." Blangkong tumingin sa kanya ang binata. Napansin naman 'yun ng dalaga. "Mali ang iniisip mo. I didn't mean to say that. Uh. hindi ko pa kasi nalilinis ang dalawang kwarto at lalo na 'tong buong bahay. Like what I've said matagal na akong hindi pumupunta rito, tanging isang room lang ang ginagamit ko. Pwede ka naman matulog dito para makapagpahinga kana rin at hindi kana mag worry para sa safety ko." Magulo rin ang isip niya kung bakit nagawa niyang samahan ang dalaga kahit hindi naman sila magkakilala. Sa katunayan magaan ang loob niya rito ngunit hindi pwede na mas maging malapit pa sila sa isat-isa. Ayaw niyang may masaktan sa mga desisyon na gagawin niya. "I won't do anything na ikapapamak mo at ikakasira ng pangalan ko. Sasamahan lang kita rito to make sure na wala kang ibang gagawin na magdadala sa'yo sa panganib. Ako ang huling kasama mo kaya accountable ako sa safety mo mahirap na at baka ako ang pagbintangan, if ever na mawala ka sa paningin ko." Nakakatuwa man isipin pero mas pinili niyang mag stay sa bahay ng dalaga upang bantayan ito at masiguro na walang gagawin na hindi maganda. Sapat na sakanya na ma-secure ang safety nito kaysa iwanan mag-isa na pagsisisihan niya sa huli.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD