SILY 02: Silly Driver

2047 Words
HINDI maipinta ang mukha ni Kireigh. Sa paraan palang kung paano siya tingnan ng kaibigan na tila'y nang aasar. Gusto na niyang umuwi. Gusto niyang iwanan ang kaibigan at mawalan ng pakialam sa kung ano man ang mangyayari kay Rio Mas lalo siyang nairita nang magtama ang tingin nilang dalawa ni Kriford. "What?" Pagalit niyang tanong sa binata. "Stop looking at me!" Sigaw niya saka uminom ng tubig. "I'm not looking at you, Kireigh" Sagot ni Kriford. "But if you want me to look at you, I am willing to look at you every minute just to make you happy." Tumaas ang kilay ni Kireigh sa sinabi ni Kriford. "Well, nice joke." Ang tanging naisagot niya. Nanatili namang tahimik ang dalawang kaibigan nila. Hanggang sa dumating ang kanilang inorder na pagkain tahimik lang silang kumakain. Walang nagbabalak na magsalita sa kanilang apat. Ngunit tila'y hinihintay ni Rio na magsalita ang kanyang kaibigan na kanina pa nakataas ang kilay. "Huwag mo akong tingnan, Rio, humanda ka sa'kin mamaya pag-uwi." Pagbabanta ni Kireigh sa kanyang kaibigan nang matapos siyang kumain. Nagkatitigan lang ang dalawang binata sa inakto ni Kireigh. "Makikitulog ako kina Rylm." biglang nasamid ang binata sa sinagot ni Rio. "Diba, magkasama tayong matutulog ngayong gabi?" Pagtatanong ni Rio sa binata habang sinisipa ang tuhod ng binata sa ilalim ng mesa. "Ah. Oo. Magkasama kami ni Rio mamaya, kaya bukas ko na siya ng umaga ihahatid sa inyo." Pagsisinungaling ni Rylm kahit na wala silang usapan ng dalaga sa biglaang pagtulog nito sa kanyang condo. Siniko ni Kriford si Rylm. "Saan ako matutulog?" Bulong nito sa kanyang kaibigan. " Tanging iling lang ang nagawa ni Rylm dahil maski siya naguguluhan sa inakto ni Rio. Nang matapos silang kumain nag-aya na si Rio na lumabas na ng restaurant. Nakahawak siya sa braso ni Rylm habang naglalakad. Samantalang, nasa likuran naman sina Kireigh at Kriford. "Sa condo pala ni Rylm matutulog si Rio, baka gusto mong ako na ang maghatid sa'yo." Prisinta ni Kriford habang naglalakad silang dalawa patungo sa parking lot. "I can drive. I have a car." Malamig na sagot ni Kireigh. Magkasalubong pa rin ang dalawang kilay niya. "Ah. Ganoon ba. Ako nalang pala ang ihatid mo sa hotel." Seryosong sagot ni Kriford. Napahinto sa paglalakad si Kireigh saka tumawa ng pagkalakas lakas. Napatulala si Kriford sa mukha ng dalaga. Nagmistulang anghel si Kireigh sa ganda ng ngiti at boses nito. Napangisi rin sina Rylm at Rio nang hampasin ni Kireigh ang braso ni Kriford. "Nakapag check-in ka sa hotel pero wala kang sasakyan?" Natatawang tanong ni Kireigh. "I doubt if this hotel ay hindi mamahalin kaya hindi mo rin afford ang bumili ng sariling sasakyan." Napakamot sa ulo si Kriford dahil sa hiya. Bukod sa nagbabakasyon lang siya sa Sta. Buena, Manila. Medyo na offend siya sa paraan ng pananalita ni Kireigh. Totoong wala siyang sasakyan dahil nga bihira lang siya bumisita sa kanyang kaibigan. Tanging private jet lang ang ginagamit niya mula sa Valencio De Acienda.Higit anim na oras ang itatagal kung sasakay siya ng barko at dalawang oras naman kung eroplano ang gagamitin niya. Walang choice si Kriford kundi ang sabayan nalang ang pagtawa ni Kireigh kaysa makipagtalo pa sa dalaga. "Pasensiya na, hindi ko kasi afford ang bumili ng sasakyan." Pagsisinungaling ng binata. Nauna nang maglakad si Kriford patungo sa kinatatayuan ng kanyang kaibigan habang malapad ang ngiti ni Kireigh sa ideyang sa kanya pa nagpapahatid ang lalaki. "Bro, kung isasama mo si Rio sa condo mo pakihatid na muna ako sa hotel." Mahinahon na pagkakasabi ni Kriford. Imbes na lapitan ni Kireigh ang kanyang kaibigan dumiretso na siya sa kanyang sasakyan. Nagpaalam muna si Rio kay Rylm at pinunantahan ang kaibigan nito. "Anong nangyari kay Kireigh?" Tanong ni Rylm kay Kriford. "Parang kanina lang halos umusok na ang ilong nun sa inis, ngayon naman malapad ang ngiti niya. Anong ginawa mo?" Napakamot sa ulo si Kriford. "Nag offer kasi ako na ihatid siya sa kanyang bahay." Panimula niya. "Eh, bakit mo naman ginawa iyon? Alam mo namang Nbsb iyon. Daig pa ang nag me-menopause sa sobrang init ng ulo." "Paano mo naman nasabi iyan?" "Sinabi sa'kin ni Rio." "Wow, ha. Ngayon lang kayo nagkita nalaman mo na agad ang tungkol sa kaibigan niya?" "Correction, bro, three days na kaming nag-uusap at pang-apat na beses na ngayon. Sa sobrang daldal ni Rio halos lahat ng tungkol sa buhay niya na ikwento na niya sa'kin." "Hindi ka nakaramdam ng boredom sa kanya? Hindi ka nailang? Kasi kung makakapit siya sayo parang matagal na kayong magkakilala." "Hindi naman, nag-eenjoy nga ako kapag nagkekwento siya, eh. Mas lalo akong nahuhulog sa kanya kapag pinagmamasdan ko ang mukha niya." Nakangiting sagot ni Rylm habang titig na titig sa nakatayong si Rio na isang kotse lang ang pagitan nila mula sa kotse ni Kireigh. "Baka matunaw 'yan." Iretableng saad ni Kriford. "Basta ihatid mo muna ako sa hotel, gusto ko ng magpahinga." Kakarating lang ni Kriford kaninang alas tres ng hapon at hindi niya pa nagagawang magpahinga dahil sa pagpupumilit ni Rylm na isama siya sa meet up nila ni Rio na nakilala niya sa tinder. Pinahatid nalang ni Kriford sa body guard niya ang kanyang mga gamit at pinauna sa hotel na tutuluyan niya sa loob ng isang linggo. "Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko, bro, ano ba'ng sinabi mo kay Kireigh?" Ginulo muna ni Kriford ang kanyang buhok bago bumuntong hininga. "Nung nag offer akong ihahatid siya, tinanggihan niya. Kaya sabi ko ako nalang ang ihatid niya sa hotel." "Tapos?" "Kwinestiyun niya ang pag stay ko sa hotel. Sinabi niya rin na kesyo baka hindi mamahalin ang hotel kaya hindi ko afford ang bumili ng sasakyan." "Bakit hindi mo sinabi sa kanya na may BMW, Ferrari, Audi, Rolls-Royce phantom at Triumph ka? Idagdag mo pa ang private airplane at jet mo." "Paano ko pa sasabihin iyon, eh, hinusgahan na agad ako." Tinapik ni Rylm ang balikat ni Kriford. "Bakit kapa kasi nagpapahatid sa kanya? Malamang red flag iyon!" "Gusto ko ng magpahinga. Ayokong mag commute." Sambit ni Kriford habang humihikab pa. "Pwede ko namang sabihin kay Rio na kailangan mo ng umuwi at sa susunod ko nalang siya isasama sa condo." "Hindi na. Mukhang tinamaan kana sa kanya. Paniguradong hindi rin siya papayag na umuwi ngayong gabi kasama si Kireigh." Pinanood ng dalawang binata ang dalawang dalaga na tila'y nagtatalo sa 'di kalayuan. Dahil ayaw nilang makisawasaw sa away ng mga babae, hinayaan nalang nila ang dalawa. Mabilis na tumakbo si Rio kay Rylm. Tila'y isang musmos na bata si Rio na nagsusumbong sa kanyang ama sa kadahilanang inaaway siya ng kanyang kalaro. Nilingkis ng dalaga ang mukha nito sa dibdib ng binata na mas nagpakabog kay Rylm. Nakakapagtaka lang dahil sobrang kapit na agad ni Rio sa kanya ngayong unang beses palang nila ng pagkikita. Na para bang hindi mahalaga para sa dalaga kung masama o mabuti bang tao ang kaharap niya. Makalipas ang ilang minuto pumasok na sa loob ng sasakyan sina Rio at Rylm. Wala na ring nagawa si Kriford kundi hayaan ang kaibigan na lisanin ang parking lot. "What?!" Singhal ni Kireigh nang magtama ang kanilang mata. "Would you please stop doing that, okay?" Napataas naman ang kilay ni Kriford sa inasta ng dalaga. Tila'y may tinatawagan ito sa kabilang linya. Lumapit siya sa dalaga at 'di man lang napansin ni Kireigh ang presensiya niya. "Hello po tito, male-late po kami ng uwi ni Rio. Huwag niyo na po kaming hintayin." Mahinahon na sambit ni Kireigh sa kabilang linya. "Who the hell are you to stole my key?!" Kireigh shouted, inilagay niya na sa bag ang cellphone. "I'll drive. Pumasok kana sa loob." Utos ni Kriford. Pinaalis na niya ang dalaga malapit sa driver seat. Gulat na nakatingin lang si Kireigh sa kinikilos ng binata. "Get out!" Hiyaw ng dalaga. "I said get off your hand in my car! Give me my key and get lost!" "Hindi kaba napapagod sumigaw?" "Hindi ako sisigaw kung hindi ka aalis sa kotse ko. Kaya kung gusto mong manahimik ako umalis kana." "I don't have a car, okay? And I still have a jetlag. Wala pa akong tulog. Sobrang hassle kung maghihintay pa ako ng taxi." "Then, that's not my problem. It's not my fault kung bakit wala kang tulog at kung bakit wala kang dalang sasakyan. Ang concern ko lubayan mo ako!" "Teka, ano bang problema mo sa akin? Kanina mo pa ako sinusungitan sa loob. Samantalang, ngayon palang tayo nagkita." Nakahawak pa rin ang binata sa manibela. "I don't even give you the rights to shout on my face pero ang taas na agad ng tingin mo sa iyong sarili." Saglit na napalunok ang dalaga. Naging palaisipan din sa kaniya kung bakit ganoon nalang katabang ang pakikitungo niya sa binatang ngayon palang niya nakita. "Oh. Bakit parang umuurong ang pwet mo? Parang kanina lang putak ka ng putak." "Because you're handsome!" Ilang segundo bago napagtanto ni Kireigh ang kanyang sinabi. "Masyado kang pangit para tratuhin kita ng maayos." "What?" Nangibabaw ang matamis na pagtawa ng binata na nagpatigil sa dalaga. "So, you like me?" Pang-aasar niya. "Ang hangin. Proud kana niyan na gwapo ka?" 'Di maitago ang pagkainis ng dalaga sa biglaan niyang pagpuri sa binatang kaharap niya. Alam naman niyang kahit anong gawin niya hindi parin tama na magkagusto siya ng ganoon nalang kabilis. Hindi tama na magpadala siya sa itsura at mapang-asar na mga salita nito. "Honestly, mukhang mabait ka naman, masipag, family oriented. But, you're not even my type lalo na't 'yang pagiging mayabang mo." Nasapo nalang niya ang kanyang noo dahil sa sobrang pagka-amaze sa panghuhusga sa kanya nito. "Hindi rin kita type, noh. Kahit ikaw nalang ang nag-iisang lalaki sa mundo hindi kita papatulan. Kung makaakto ka akala mo naman kung sino ka, 'di ka naman ka-gwapuhan." Tanging pagtaas baba nalang ng mata ni Kriford ang kanyang ginawa. Talagang hindi magpapatalo sa diskusyon ang dalaga. Mukhang mahihirapan siyang makaalis ng matiwasay. "Ikaw na rin nagsabi na hindi ako ka-gwapuhan, pero hindi rin ako pangit. Which means, gwapo pa rin ako." Hindi maipagkakakilala na sa kabila ng mapait na pakikitungo ng dalaga sa kanya-sa hindi niya malaman na dahilan. Natutuwa pa rin siya na marinig ang boses nito lalo na't kung paano lumalaki ang butas ng ilong ni Kireigh sa tuwing siya'y nagpapaliwanag. "Whatever!" Tinalikuran na siya ng dalaga. Nakakailang hakbang palang si Kireigh nang ma-realize niya na may sasakyan pala siya. Marahan siyang pumikit bago muling hinarap ang binata. Seryosong nakatingin ito sa kanya. "Hindi kaba sasakay? O gusto mong buhatin pa kita?" Seryosong bigkas ni Kriford. Ang kaninang mapang-asar na mukha ay napalitan ng pagkaseryoso. "Paano ako sasakay kung andiyan ka sa loob diba? Give me my keys at umalis kana." Nagmatigas pa rin ang dalaga at nanatiling nakatayo sa hindi kalayuan sa kanyang sasakyan. Alam niyang mali ang ginagawa niya pero kailangan niyang umiwas sa lalaki. Kailangan niyang pigilan ang mabilis na pagtibok nito. "Can we just stop this conversation? I'll drive hanggang sa maihatid kita sa inyo. After that, mag call nalang ako ng grab driver para sunduin ako." Nagdalawang isip pa ang dalaga kung papayag siya sa gustong mangyari ng binata. Pero halata naman na pagod ang binata base sa mga mata nito. Ilang beses na rin niyang nahuling humikab si Kriford. Nagsimula na siyang maglakad patungo sa kanyang sasakyan. Hindi na siya pinagbuksan ng pinto. Mabilis na rin kasi siyang pumasok sa loob kaya sumuko na rin ang binata. Mukhang hahaba na naman ang kanilang usapan kung papatulan niya pa ang dalaga. Pagod na rin siyang makipagtalo at paganahin ang utak niya. "Honestly, I like you, Kireigh. But I have a fiance and I love her." Nalipat ang tingin ni Kireigh sa labas. Isinandal niya ang kanyang likod sa upuan. Bigla siyang nainis sa sinabi ng binata. "I didn't ask." Malamig na boses ni Kireigh. Nanatili pa rin siyang nakatingin sa labas. "Oh. I see. Gusto ko lang naman na malaman mo ang tungkol doon. Baka kasi mag assume ka na may spark sa ating dalawa." Pilit na ngumiti ang binata at tinuon ang tingin sa kalsada. Nagpatuloy siya sa pagmamaneho. Nang makarating na sila sa bahay nila Kireigh, nanatiling nakaupo ang dalaga sa loob samantalang mabilis na nilisan ng binata ang sasakyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD