SILY 12: What's the deal?

2096 Words
MAY mga bagay na kahit anong pilit mong pagtatago, may makakaalam at mangingialam pa rin patungkol dito. Pilit mang itanggi ngunit lalabas pa rin ang totoo. “What‘s your plan now?” Walang buhay na nakatingin ang dalaga sa kawalan. “Hindi pwedeng magkulong ka nalang habang buhay rito.” Dalawang linggo na ang lumipas magmula nang malaman ng dalaga ang tunay na pumatay sa kaniyang yumaong mga magulang. “Reigh, this is not you. I know its difficult to accept the truth, but, atleast show some progress—hindi pwedeng nagtatago ka.” Bagsak ang katawan ng dalaga. Mapupungay ang kaniyang mata. Isama pa ang maitim na parang tinta sa ilalim ng malungkot nitong mata. Tila'y isang bato ang kinakausap ng binata. Ni hindi man lang nito magawang tapunan siya ng tingin. “Reigh, I can't watch you like this. I can't watch you crying every minute. I can't watch you hurting yourself.” Pagkagaling sa hospital dumi-diretso agad si Krick sa bahay ni Kireigh. Binibilhan niya ito ng pagkain—noong nakaraang linggo pinag grocery niya ito para sa mga kakailanganin niya sa bahay. Gusto mang hilahin ng binata ang dalaga palabas ng bakuran ngunit mas nananaig lamang ang awa na nararamdaman niya rito. Ibang-iba na ang dalaga ngayon kumpara noong mga panahon na magkasama pa silang dalawa. Parang pinagbaksakan ng langit at lupa ang itsura nito ngayon. Hindi niya lubos maisip na magiging ganito ang buhay ng dalaga. Malayong-malayo sa buhay na nadatnan niya noon. Masyadong madilim ang buong kabahayan lalo na ang silid ng dalaga. Magmula nang aminin niya ang lahat dito hindi na nagbalak pang bumalik sa kompanya ang dalaga. Hindi na rin niya naisipan na puntahan ang kaniyang mga kapatid. Nawalan na siya ng gana. Nawalan na siya ng rason para lumaban pa. Naghalo-halo ang emosyon at sakit na naipon ng matagal na panahon. Para siyang buhay na patay. Humihinga ngunit ang kaniyang isip ay parang patay na. Hindi niya rin ito makausap ng matino. Kung hindi niya ito maabutan na umiiyak , tahimik naman siyang natutulog. “Reigh, wake up!” Inalog-alog niya ang balikat ng dalaga. Nakahiga lamang ito. Nakatulala sa kawalan. Kung nakakabutas lang ang tingin niya siguro kanina pa butas ang pader na tinitingnan niya. “I‘m sorry if it may hurt you, but I need to do this.” Tama lang ang pagsampal niya sa dalaga. Sinigurado niyang hindi ito masasaktan pero tama lang para mabalik siya sa wisyo. “Just kill me, Krick.” Walang buhay na tugon ng dalaga sa kaniya. Maingat niya itong tinabihan at hinaplos ang buhok. “I'm sorry...I didn't mean to slap you but I have to do that. Ilang oras ka nang tulala. Maski kumurap hindi mo man lang nagawa.” Halata ang pag-aalala niya base sa tono ng pananalita nito. “I‘m tired, Krick. Pagod na pagod na ako.” Malamig ang boses niya, mukhang kakatapos lang sa pag-iyak. “Pagod na pagod na ako sa lahat...” Hinagod ng binata ang likod ng dalaga. “Then, take a rest, Reigh. Ilang linggo ka ng walang sapat na tulog.” “Nahihirapan akong makatulog, Krick.” Kinuha ng binata ang palad ng babae at pinagsiklop iyon sa kaniyang palad. ’Walang buhay’, unang salita na pumasok sa isipan niya. Patuloy lamang niyang hinahaplos ang buhok ng dalaga. Mula ng ingkwentro nila sa hospital, hindi siya tinitigilan ni Rio. Parati siyang pinupuntahan sa hospital—dinadalhan siya ng bulaklak, coffee o kaya iba't ibang klase ng regalo. Hinihintay niya lamang maghating gabi para puntahan si Kireigh sa bahay. Mahirap na at baka masundan pa siya nito at sugurin si Kireigh. “Gusto mo bang samahan kita rito?" pag-aalok ng binata, sobra na itong nag aalala sa kaniya lalo na't nang pumasok sa isip niya na baka hindi na ito dahil sa syndrome niya. Maybe, she's doing this because she's experiencing depression. He needs to convince Kireigh to visit some specialist. “I want to see my siblings, kahit saglit lang, kahit mayakap ko man lang sila." Umurong ang binata nang gumalaw ang dalaga. Palihim siyang tumawa ng makita niya ang ginawa nito.Bigla nalang humiga ang dalaga at tinalikuran siya. Yakap yakap nito ang sarili. “Do you want to sleep?” pasado alas tres na ng madaling araw, gustuhin man niyang umalis sa tabi nito ngunit hindi niya magawa. Parang may nagtutulak sa kaniya na huwag iwanang mag-isa ang dalaga dahil baka pagka-alis niya bigla na naman itong mag attempt na magpakamatay. Last week din pagkapunta niya sa bahay naabutan niya ito na may hawak na kutsilyo. Wala sa sarili ang dalaga. Kaya kahit nang agawin niya ang matalim na bagay hindi rin ito nag-react o nag attempt na bawiin sa kaniya. “I want to see him. I want to hear his voice..." hindi man binanggit ng dalaga ang pangalan ng taong tinutukoy niya, may idea na agad si Krick kung sino ang taong iyon. Nang masigurong mahimbing na natutulog si Kireigh, minabuti ni Krick na buksan ang lahat ng ilaw mula sa kwarto hanggang sa kusina. Napagdesisyunan niya rin na linisin ang buong bahay nito at palitan ang kailangan palitan. Pasado alas sais ng umaga nang matapos siya maghanda ng pagkain para sa dalaga. Inakyat niya iyon kanina at mahimbing pa rin na natutulog. Sanay naman na siyang hindi natutulog kaya ayos lang na bantayan niya muna ang dalaga. Nag take na rin siya ng leave at pinasa muna ang hospital sa kaniyang ama. Isa ring doktor ang ama nito pati na rin ang dalawa niyang kapatid na babae. Ang bunso nilang kapatid ay nasa Valencia de Acienda kasama ang Ina nito. Matagal na ring hiwalay ang kanilang mga magulang at nag desisyon sila na sumama sa kanilang ama upang ipagpatuloy ang profession na namana nila rito. Kung siya ang tatanungin mas gugustuhin niya pang makasama ang ama nito kaysa sa kaniyang Ina, na walang ginawa kundi kontrolin ang kanilang buhay. Sinabi niya rin ang tungkol kay Kireigh, although they're both responsible sa safety ng dalaga dahil limang milyon ang binigay sa kanila ni Kriford kapalit ang pag-aalaga rito. Hindi naman niya kailangan ‘yung pera, hindi na sana niya tatanggapin ang cheque dahil magmula nang makita niyang muli ang dalaga sumagi na sa isip niya na bawiin ito. Naisip na niyang alagaan at samahan ito para makabawi man lang siya sa mga panahon na nasayang dahil sa pagpapaubaya niya sa kaniyang pinsan. Humiga siya sa sofa at ginawang unan ang kaniyang braso. “She needs you.” Direktang sabi niya sa kabilang linya. “She needs you here kahit saglit lang." he doesn't like to have a connection again with his cousin pero kung para naman sa babaeng mahal niya, lulunukin niya ang kaniyang pride para rito. ”She‘s not okay, maybe she will glow again kung makikita ka niya,” peke siyang tumawa. Tanging nakakainis na sagot lamang ang natanggap ni Krick mula kay Kriford. “Binayaran kita para mailayo mo siya mula sa akin, para makalimutan niya ako.” “I‘m trying my best para makalimutan ka niya pero kahit anong gawin ko nakatatak kana puso‘t isipan niya.” “I‘ll triple my pay. Just do whatever you need to do para makalimutan niya ako.” Kahit saan tingnan, hindi parin effective ang method na gusto ng binata mangyari. Hindi niya mapipilit ang dalaga na kalimutan siya kung tunay at dalisay ang pagmamahal nito sa kaniya. “Bakit hindi mo nalang siya kausapin? Tutal humihingi siya ng closure, then after that tuluyan ka nang lumayo sa kaniya.” Mahirap para kay Krick na pag-usapan ang tungkol sa babaeng mahal niya sa kaniyang pinsan. Pero wala naman siyang magagawa kundi gumawa ng paraan para sa ikabubuti nito. Hindi niya pwedeng pairalin ang pagmamahal na nararamdaman niya kung safety at health naman ni Kireigh ang nakasalalay. “Wala naman na kaming pag-uusapan pa. Matagal na kaming tapos. Kung closure lang ang habol niya, wala na akong pakialam doon.” Sa bawat pananalita ni Kriford ramdam ang pagkalungkot sa tono ng pananalita niya. Wala siyang ibang choice kundi palayuin ang dalaga sa kaniya. Kung mapalapit na naman sila sa isat-isa paniguradong malalaman ng kaniyang mga magulang at ipaglalayo rin sila bandang huli. “Alam mong mahal ko siya, bro, pero kung patuloy mo lang siyang pagtatabuyan mas mabuti pa siguro na putulin ko na rin ang koneksiyon ko sayo.” Walang ibang hiling si Krick kundi ang makitang masaya si Kireigh. Parang sinasaksak siya ng sampung kutsilyo sa dibdib. Sobrang sakit sa tuwing nakikita niya itong malungkot at paulit-ulit na hinahanap sa kaniya ang walang kwenta niyang pinsan. Kahit na siya ang unang nang iwan sa dalaga noon hindi niya pa rin maalis sa isipan kung bakit hinayaan niyang mapunta ang taong mahal nito sa kaniyang pinsan. “Dapat nga matagal na tayong walang koneksiyon kung hindi ka lang nagmakaawa sa akin na bantayan at alagaan si Kireigh." Sunod na sambit ni Krick sa kabilang linya. “Huwag kang magpanggap na hindi mo gusto na makasama siya. Gusto mo rin naman siya kaya pumayag ka na makipag deal sa akin.” Totoong may nararamdaman pa rin si Krick para sa dalaga pero hindi ganoon kalalim katulad ng dati. Kung may rason man kung bakit siya pumayag sa usapan nila ni Kriford, iyon ay dahil sa kaniyang konsensiya. Gusto niyang makabawi sa dalaga. Gusto niyang itama ang lahat. Malaki ang kasalanan niya sa dalaga lalo na't wala siyang ginawa kundi hayaan ang magulang nila na patayin ang ama at ina ni Kireigh. Naging mahina siya. Naging mahina silang dalawa ni Kriford. At hanggang ngayon kino-konsensiya pa rin siya. Kahit sa paraan na ito makabawi man lang siya. Kung mananatili siya sa tabi ng dalaga tiyak na mabilis siya nitong mapapatawad. “Kung hindi lang naman dahil sa pagmamahal niya sa'yo, hindi ako magsasayang ng oras para kumbinsihin ka na magpakita sa kaniya kahit saglit lang.” Inis na pagkakasabi ni Krick. Inaamin niya namang may gusto pa rin siya sa dalaga pero hanggang doon na lamang iyon. Hindi siya pwedeng mahulog pang muli rito dahil paniguradong masasaktan lang niya ulit ito. Sapat na sa binata na makita niyang masaya at buo na ulit ang dalaga. Sa oras na mangyari iyon hindi na muli siyang makikipagkita pa rito. Kaya lang naman siya naglalaan ng oras sa dalaga dahil sa usapan nila ni Kriford at pati na rin sa nagawa niya noon. Hindi naman magkakaroon ng syndrome ang dalaga kung hindi dahil sa kanilang pamilya. Sila ang rason kung bakit nasira ang buhay niya at ang pamilya nito. “Huwag kang mag-alala babayaran kita. Doble doble ang perang ibabayad ko sa'yo kapalit ng pag-aalaga mo sa kaniya.” “Kahit hindi mo na ako bayaran, Kriford. Hindi ko kailangan ang pera mo. Kaya ko siyang alagaan.” “Huwag na tayong maglokohan, Krick, kilala kita. Mag-pinsan tayo. Alam kong kaya ka lang pumayag sa usapan natin dahil kailangan mo ng pera para sa hospital niyo.” Halos maubos ang pera ni Krick para lang mawalan ng bisa ang kasal nila sa babaeng sumira sa relasyon nila ni Kireigh noon. At hanggang ngayon nangungulit pa rin ang ex-wife niya at nanghihingi ng pera. “Babayaran naman kita, Krick, bantayan mo lang siya. Siguraduhin mong makakalimutan niya ako. Do whatever you want para mabilis niya akong makalimutan. Tutal ikakasal na rin naman na ako." Mariin siyang pumikit. Kung may iba lang siyang option hindi niya kakagatin ang pera ng pinsan niya. Pero kailangan niya ng pera, kailangan niya ng pera kapalit ng pagtubos sa mga kapatid ng dalaga. Hindi niya pa sinasabi ang totoo sa dalaga dahil hindi niya rin naman ito makakausap ng maayos. Hindi rin alam ni Kriford ang rason kung bakit pikit mata niyang tinatanggap ang perang binibigay nito. Kailangan niyang makuha ang mga kapatid nito kapalit ng dalawangpung milyon. “Dawalangpung milyon, Kriford. Dalawangpung milyon ang kailangan ko. After nun, puputulin ko na pati ang koneksiyon nating dalawa. Ilalayo ko si Kireigh. Magpapakalayo kami.” Pikit matang suhestiyon ni Krick. Totoong ilalayo na niya ang dalaga at isasama niya ang mga kapatid nito. Napakiusapan na niya ang kaniyang ama at pumayag naman ito sa gusto niyang mangyari. Nararamdaman niyang may pina-plano ang pamilya nila para patayin ang totoong may-ari ng Valencio De Acienda. Walang kaalam-alam si Kriford na si Kireigh ang tunay na tagapagmana ng kinamkam ng magulang niya na Acienda. Pinalitan lang ito ng pangalan magmula nang mamatay ang kinikilala nitong mga magulang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD