TANGING pag-irap na lamang ang nagawa ko sa sinabi ni Krick. I want peace. I want to remove those negative energy around me na makakapag trigger sa syndrome ko.
“Alam kong may pinagsamahan tayong dalawa noon, but it doesn't mean na hahayaan kitang diktahan ang buhay ko.”
“I didn't say that I would dictate your life. But rather, I will help you get revenge on your ex-fiance. Don't you want to know the truth about why he suddenly left you like that?”
“Is it really for me or for yourself?”
“Of course, it's for you. What kind of question is that?”
“It seemed you want to get revenge for your own sake not for me.”
“Don‘t get me wrong, Reigh, I'm here to help you, okay? I'm here to correct my mistake, to make up with you. Don't you want a closure from him?”
Clo-sure?
Kung sasabihin kong hindi ko kailangan ng closure, para ko na ring pinagkaitan ang aking sarili na maging masaya.
Pero kung sasabihin ko namang, ‘Oo’, iisipin niyang may nararamdaman pa rin ako sa kaniya.
Ayaw ko nang makigulo pa. Ayaw ko nang bumalik pa sa nakaraan o ibalik ang nakaraan namin. Gusto ko ng tahimik na buhay. Malayo sa mga taong kaya akong saktan. Malayo sa mga taong magpapa-alala sa akin kung gaano ako ka-tanga at ka-selfish.
“Hindi ko kailangan ng Closure. Hindi ko na kailangan pang alamin o alahanin ang nakaraan ko.”
Hindi nakaligatas ang matamis niyang pag-ngiti sa akin. Na wari‘y nagsasaya na marinig niya sa bibig ko na wala na akong pakialam sa taong pinili ko kaysa sa kaniya noon.
“That‘s great!” He smirked. “I‘m happy to hear that you don't need closure anymore. So, can we start again? Can I court you?”
Ito ang pinaka-ayaw ko sa kaniya. Magpanggap na parang walang nangyari, na parang hindi niya ako nasaktan o sinaktan noon. Masyado siyang mayabang. Masyadong mataas ang tingin sa sarili.
Pero papayagan ko ba siyang pumasok muli sa buhay ko?
“May asawa ka, Krick. Ayaw kong maging mistress mo.”
“I‘ve never been married, Reigh. Siguro, fix marriage pero matagal na kaming hiwalay. Simula noong lisanin mo ang Valencio de Acienda, nilisan ko na rin ang lugar na iyon at pinutol ang koneksiyon sa aking pamilya.”
Is he serious? Kasi kung totoo ngang matagal na siyang umalis doon, possible ring fix marriage ang nangyari kay Kriford.
Sa pagkakatanda ko tradition na sa pamilya nila ang ipakasal sa hindi nila mahal at never pa nilang nakasama sa personal. Tanging phone call lang ang way para magkaroon ng koneksiyon ang babae sa lalaki.
“I think, I know what you are thinking...” Seryoso niya akong tiningnan. “Iniisip mo ba na fix marriage rin ang nangyari kay Kriford? Well, you can't deny it naman, neither, you can't lie to me. I know you, Kireigh Quenez.”
“Pwede ba, Krick, tigil-tigilan mo ako, okay? Sa tingin mo ba maniniwala ako sa'yo lalo na't nakita kong hinalikan ka ni Rio? Minsan mo na akong niloko, huwag mo na sanang ulitin pa.”
“I don't like her. I will never like someone like her. Do you think, kaibigan ang tingin niya sa'yo? She's selfish and desperate para agawin kung ano man ang mahalaga sa buhay mo.”
“Huwag mo siyang siraan, Krick. She's my best friend, para ko na siyang kapatid.”
“But the question is, kaibigan ba ang turing niya sayo?”
Bigla akong napaisip sa tanong niya. Mabilis ko ring winaglit sa aking isipan ang bagay na iyon. Hindi ko dapat siya pinagdududahan. We‘ve been together for so many years, alam kong nagbago na siya. Alam kong ibang Rio na ang kaharap ko ngayon—she‘s sincere and pure.
“Alam kong alam mo ang totoong pakay niya sa'yo. Alam mo ring minsan kana niyang nilo–”
“Teka nga, bakit ba ganiyan mo nalang siya pag-isipan ng masama? Sa pagkakaalam ko, hindi mo siya kilala. Ni hindi ko nga siya pinakilala sa'yo noon dahil nasa ibang bansa na siya. Tapos ngayon, isang beses mo palang siya nakita pero kung husgahan mo siya parang kilalang kilala mo na.”
“Matagal ko na siyang kilala, Reigh. Matagal ko ng kilala ang pamilya niya. Never siyang nanirahan sa ibang bansa. At hindi rin namatay ang mga magulang niya.”
“Pati patay sisiraan mo pa? Matagal na silang patay, huwag mong idamay pa ang pamilya ng kaibigan ko. Kasama sila sa sumabog na eroplano sana alam mo iyon.”
“Can‘t you see it, Reigh? Nagsinungaling sila sa'yo. Nagsinungaling siya sa iyo. Bakit ba hindi mo makita iyon?”
“Dahil naniniwala ako sa kaniya. May tiwala ako kay Rio.”
“That is the reason kung bakit patuloy kang niloloko ng magaling mong kaibigan. Mabilis kang maniwala. Mabilis kang mapaniwala.”
“Because she's my friend, Krick. She's my best friend. At hindi niya magagawa ang pinaparatang mo sa kaniya.”
“Naging best friend din ni tita ang nanay ni Rio. Ano sa tingin mo ang nangyari? Hindi ba nalaman ni tita na nilalandi ng magaling na ina ni Rio ang tatay mo? Nakalimutan mo na ba kung bakit hindi umuwi si tito noong 7th birthday mo?”
Krick is my childhood friend. Naging best friend ko rin siya noon. Nanligaw at sinagot ko. Nagkaroon kami ng relasyon. Mag-kaibigan ang mga magulang namin noon. College friends kumbaga.
Sinasabi ko ang lahat sa kaniya noon. Maliban kay Rio—never niya pang nakita ang kaibigan ko. Never kong pinakilala sa kaniya ito.
“Alam kong alam mo ang sinasabi ko, Reigh, Don't lie to me.”
Nakaramdam ako nang paninikip sa dibdib. ‘Yung pinakamahalagang araw na pinagkait sa akin ng mga taong iyon. Pinilit kong kalimutan ang lahat dahil iyon ang sabi ni mama. Hindi rin alam ni papa na may nalalaman kami ni mama. Nagpanggap kaming walang alam. Nagpanggap akong hindi nakikita ang mga gabing pinagsasaluhan nila ng kabit niya.
“Face your fears, Reigh. Make your weakness as your strength. Hindi kita tutulungan kahit malagutan kapa ng hininga.”
Alam niyang nahihirapan akong huminga. Gusto ko siyang sampalin. Naturingang doktor pero hinahayaan lang akong mamatay.
“Noong sinabi kong tutulungan kita, seryoso ako roon pero sa ngayon tulungan mo muna ang sarili mo. Mahihirapan kang harapin ang lahat kung parating a-atake ang sakit mo.”
“I ca-n‘t brea-the... I can't breathe, Krick.”
“Then try the inhale exhale method.” tinalikuran niya ako. “I‘m gonna change my clothes. Make sure na pagbalik ko humihinga kana ng maayos.” aniya, saka nilisan ang silid.
“I hate you, Krick!” Sa wakas at lumabas sa bibig ko. Kanina ko pa pinipigilan na sabihin sa harapan ang bagay na iyon.
Sino ba naman ang aasahan ko kundi ang sarili ko lang. Pinilit kong pakalmahin ang aking sarili at nang mapansin kong umaayos na ulit sa pagtibok ang puso ko, mabilis akong kumuha ng mineral water sa small kitchen. Dahil nasa Vip room ako, kung ano ang nakikita ko sa normal na bahay, nakikita ko rin ngayon sa hospital room.
Kung totoo nga ang sinasabi ni Krick, kailangan kong malaman kung ano ang susunod na gagawin ni Rio. Kailangan kong malaman mismo sa sarili niyang bibig ang totoo. Sana lang magkaroon muli ako ng lakas ng loob na kausapin siya.
“Oh, mukhang maayos na muli ang paghinga mo.” Sinamaan ko lang ng tingin ang lalaking pumasok sa silid ko.
“Lumaki ka naman sa mayamang pamilya, bakit wala kang manners?” Sinira niya ang pinto at dumiretso sa bag na nasa tabi ko. “Ano naturingang doktor hindi marunong kumatok?”
“I have the rights to do whatever I want to do, here. After all, this is my hospital. So, if you don't mind, lumabas na tayo rito at ihahatid na kita sa inyo.”
Walang kupas. Siya parin ang Krick na nakilala ko noon. Mayabang. Babaero. Feeling boss. No wonder kung bakit walang tumatagal sa ugali niya.
“May syndrome lang ako pero hindi ako baldado. Kaya kong umuwi mag-isa at hindi ko kailangan ang tulong mo, okay?”
Hindi ko ugaling umasa sa tulong ng iba. Hindi ko gusto na kaawaan ako ng ibang tao. Hanggat kaya kong gawin, hanggat kaya kong lumaban, hinding hindi ako hihingi ng tulong sa kanila.
For once and for all, ayaw kong maging dependent sa mga taong iiwanan din lang ako sa huli. Ayaw kong masanay na parati silang nasa tabi ko. Ayaw kong masanay sa presensiya nila na ikababaliw ko.
Ayos lang sa akin na mag-isa. Ayos na ayos lang kung wala akong makasama sa pagtanda. Hindi dahil bitter ako or what, kundi dahil pare-parehas lang naman silang pagsasamantalahan ang kahinaan ko.
Hindi ako ganito. Hindi ako ‘yung Kireigh na nakikita nila ngayon. Pero mas okay ang ganito, mas okay na ito ang makilala nila, na makasanayan nilang lahat.
“Stop refusing my kindness, Kireigh. Kakampi mo ako rito, hindi mo ako kaaway, okay? Ihahatid lang kita para masiguro na maayos kang makakauwi.”
Paano ko masisiguro na kakampi ko nga siya, kung isang beses na niya akong nagawang lokohin? Hindi ganoon kadali papasukin ang mga taong parte ng nakaraan ko.
“Ok. Do whatever you want. But in one condition, sasabihin mo sa akin kung ano ang totoo. Kung hindi mo kayang gawin iyon, mas mabuti pang kalimutan mo nalang ako.”
Saglit siyang natahimik. Mukhang may balak na siyang mag back-out. Kagaya ng inaasahan ko, pare-parehas lang silang lahat. Parehas lang silang dalawa.
“Deal.”
Inabot niya sa akin ang kaniyang kamay at kunot mata ko iyon tinanggap.
MABILIS namin nilisan ang hospital at dumiretso sa parking lot. Nang makapasok kami sa kaniyang sasakyan, hindi na muli akong nagsalita. Hindi ko rin naman alam kung paano magsisimula.
“Rio‘s mother is your father mistress.”
I'm not surprised at all sa sinabi niya. Alam kong may relasyon ang tatay ko at ang nanay ng kaibigan ko. Aware rin naman si mama noon, ayaw niya lang palalain ang sitwasyon dahil naniniwala siyang matatauhan si papa.
“You knew it, right?” He asked. Instead of answering his question, I just nod at him. “Maybe, you know about their affairs before pero itong mga sasabihin ko baka hindi mo kayanin.”
Medyo nakaramdam na rin ako ng antok magmula nang makalayo kami sa hospital. Baka bigla nalang akong makatulog habang nagsasalita siya.
“Do you know na hindi nanirahan sa America si Rio?”
I give him a bitter look. Mabuti nalang at na-gets niya agad. Matalino si Krick, at kabisado na rin niya ang ugali ko kaya hindi ako mahihirapan na maglabas ng hinanakit sa kaniya.
Unlike kay Kriford, nagtiwala ako sa kaniya. Naniwala ako na baka mabalik pa sa dati ang lahat pero muli akong nabigo sa kasinungalingan iyon.
Inakala kong aaminin niya sa akin ang totoo, na kapag pinatuloy ko siya sa bahay sasabihin niya sa akin ang lahat. Magmula sa kung bakit niya ako iniwan na parang walang nangyari. Kung bakit mas pinili niyang paniwalaan ang mga magulang niya kaysa sa akin.
I know it sounds selfish, but I deserve to know the truth. Especially, naging fiance niya ako. We have already planned everything. But then, he decided to broke up with me. He chose to hurt my weak heart.
“Mukhang aware ka naman na niloloko ka ni Rio pero bakit tinanggap mo pa rin siya?”
“Because she's my best friend.”
Ako nalang ang meron siya. So, paano ko pa sasabihin na alam kong nagsinungaling siya sa akin? Na kahit ano pang ginawa niyang mali, paulit-ulit ko siyang tatanggapin dahil kaibigan ko siya, pinapahalagahan ko ang pagkakaibigan naming dalawa.
“I‘m your only true and loyal best friend, Reigh. ”
“You are my ex-boyfriend too, Krick.” I make it sound funny to avoid awkwardness. “Can you see the difference?” He nodded.
“But my point is, hindi mo na dapat siya pinapasok pa sa buhay mo.”
“What are you trying to say? Na hindi na rin dapat kita papasukin sa buhay ko kasi niloko mo rin ako noon, nagsinungaling ka sa akin, sinaktan mo ako, katulad sa kung ano ang ginawa sa akin ni Rio.”
“Magkaiba ang rason naming dalawa.”
“Wala akong pakialam kung magkaiba man kayo ng rason kung bakit niyo ako niloko. Still, mas pinili niyong saktan ako.”
“She‘s not your best friend, Reigh. She's not the person na iniisip mo. Kinukuha niya ang lahat sa'yo. Mula sa parents mo, sa kompanya, sa mga kapatid mo.”
I closed my eyes as I did the inhale-and-exhale method. I'm starting to feel pain in my heart again. I think, anytime magkakaroon ako ng panic attack.
“Wake up, Reigh, she's manipulating your uncle and siblings. Kailan kaba magbubulag-bulagan?”
“Stop it!”
“Don‘t tell me alam mo rin na nilalandi ni Rio ang uncle mo at sinisiraan ka niya sa mga kapatid mo?”
Ye-s...
“f**k!” Hininto niya ang sasakyan sa tabi. “Ano bang ginagawa mo, Reigh? Come-on! Hindi ikaw ang, Reigh na kilala ko noon. Ano bang nangyari sa'yo?”
I know this will happen. But, I'm not yet prepared to face them. My heart is still weak.
“Don‘t tell me alam mo ring may kinalaman ang magulang ni Kriford sa pagkamatay ng mga magulang mo?”
As I heard it, para akong na istatwa. Hindi ma-proseso ng aking isip ang kaniyang sinabi.
“They killed your parents...”
Paulit ulit na nag e-echo ang sinabi niya sa tainga ko. Alam kong may tumulo na tubig sa mukha ko. Pero hindi ko alam kung bakit hindi ako makapagsalita. Hindi ko maigalaw ang buong katawan ko.
“They killed your parents...”
“They killed your parents...”
“They killed your parents...”
“They killed your parents...”
Tanging pag-kurap lamang ang nagawa ko. My heart stopped beating. Hindi kagaya kanina. Ibang-iba ang nararamdaman ko ngayon.
“They killed your parents...”
“They killed your parents...”
“They killed your parents...”
“They killed your parents...”
They killed my parents? Maybe, that was the reason kung bakit nakipaghiwalay sa akin si Kriford, kung bakit mas pinili niyang kalimutan ako at kung bakit pinili niya ngayong maikasal sa ibang babae.
He always chose to hurt me...
He always chose to leave me kahit na alam niyang masasaktan ako...
He left me that night. I chose to close my eyes rather than look at him—I was glad that he came back just to save me from that stupid scene. But I chose to not look at him because the way he cares for me and the way he looks at me make me feel pain. It triggers my syndrome...
“Reigh!” Saka lang ako nabalik sa wisyo nang makaramdam ako ng malamig na tubig na bumubos sa mukha ko. “Are you okay? Kanina kapa hindi sumasagot.”
“What happened?”
“Bigla ka nalang natulala habang kinakausap kita. Akala ko nga nakikinig ka. Nang mapansin kong hindi ka rin gumagalaw nag-alala na ako. But when I check your pulse rate at the wrist, okay ka naman.”
So, totoo ngang nag stop sa pagtibok ang puso ko?
“Chineck ko na rin ‘yung heart rate mo, normal naman.”
“Tumitibok ba ang puso ko ngayon?” Hinablot ko ang kamay niya at pinatanong iyon sa dibdib ko kung saan nakalagay ang puso ko. “Did you feel it? Did it beat?”
Mabilis niyang kinuha pabalik ang kamay niya. Inumpisahan niya ng paandarin ang sasakyan. “Yes, it beats normal...but my heart is not.”