[KIREIGH POV]
FORGIVING someone you loved is not easy. Gusto mong magalit pero hindi mo magawa. Galit ka pero nasasaktan ka sa tuwing nakikita mo siyang nasasaktan. Gusto mong saktan pati ang iyong sarili upang saluhin lahat ng sakit.
But the question is, “Kaya ko bang magpatawad? Kaya ko bang patawarin ang taong mahal ko kung maski ang aking sarili ay hindi ko magawang patawarin?”
I always ask myself — Do I deserve this pain?
Sa totoo lang hindi ko makalimutan. Hindi ko makalimutan ang mga sandaling pinagkakaitan nila ako ng kasiyahan. Sandaling pinagkait sa akin ang katotohanan. Panadaliang kasiyahan na sumira sa aking pamilya. Na kahit anong gawin ko, hindi na mababago ang lahat. Na hindi na maibabalik ang nakaraan—masaya, at buong pamilya.
Ilang taon kong tinago ang lahat. Masakit sa dibdib. Sobrang sakit sarilihin lahat ng sakit ng mag-isa. Ni isa sa mga taong inaasahan kong magbibigay sa akin ng lakas, sakit ang binigay.
“I‘m so-sorry... I'm sorry, Reigh...please forgive me. Just one more time. Give me another chance to correct the pa–”
“You want me to forgive you? Sana ganoon lang kadali magpatawad. Sana ganoon lang kabilis kalimutan ang lahat.”
“Inaamin kong naging makasarili ako at handa akong itama ang lahat ng mali na nagawa ko.”
“Hindi. Hindi mo na maitatama ang lahat."
“Please, Reigh. Hayaan mo akong pagbayaran ang lahat ng ginawa ko noon.” agaran ang pagtayo ni Rio. “Reigh, please, hayaan mo akong makabawi sa iyo. Kahit ngayon lang...”
“Mag kaniya-kaniya na muna tayo, Rio.”
“Reigh, please. Hindi ko kayang mag-isa. Ikaw nalang ang nag-iisang pamilya ko.” Pagmamakaawa ng dalaga.
“Malaki kana, Rio. Kaya mo ng mag desisyon mag-isa. Diba nag propose na sa'yo si Rylm? Bakit hindi ka nalang sumama sa kaniya? Bumuo ka ng sarili mong pamilya kasama siya.”
“Talaga bang hindi mo ako mapapatawad?” Nawalan na ng pag-asa si Rio na kaya pa niyang ibalik ang dati nilang samahan ni Kireigh. “Masyado kang matigas. Napakatigas mo. No wonder kung bakit mas pinili ng mga kapatid mo na layuan ka.”
“Huwag mong sabihin na ako pa ang may kasalanan? Baka nakakalimutan mo ikaw ang dahilan kung bakit lumayo ang loob sa akin ng mga kapatid ko.”
“Hindi ako kundi ikaw. Ikaw ang may kasalanan kung bakit nasira ang pamilya mo. Masyado kang matigas. Feeling mo alam mo na ang lahat. Feeling mo kaya mong i-solve ang lahat. Kahit ang totoo, gumagawa ka lang ng dahilan para kamuhian ka nila.”
“Get out, Rio!”
“Huwag kang mag-aalala aalis talaga ako. At hinding hindi mo na ako makikita pang muli.”
“Well, that's great. Let's not see each other anymore.”
“Sana maging masaya ka kapag nawala ako.”
“Exactly! Magiging masaya talaga ako kapag nawala kana sa buhay ko. Ikaw ang pabigat sa buhay ko...”
“Thank you for letting me know...” Mapaklang ngumiti si Rio. Inayos na niya ang kaniyang sarili at naghahanda ng lisanin ang lugar. “Thank you for being my friend. I won't be a burden to you anymore.”
ILANG minuto na ang lumipas magmula nang lisanin ni Rio ang silid ng kaniyang kaibigan. Nanatiling tulala si Kireigh. Binabalikan ang lahat ng pinag-usapan ng kaibigan.
Nasapo niya ang noo nang mapagtanto ang lahat ng masasakit na salita na kaniyang nasabi. Sa tagal nilang mag-kaibigan ngayon lamang niya napagsalitaan ito.
Natataranta niyang hinanap ang telepono. Tatawagan niya sana ang kaibigan ngunit wala naman pala siyang pang tawag.
“Mamaya ko nalang siya tatawagan. Magkikita naman kami sa bahay. Saka na lamang ako hihingi ng tawad sa kaniya.” sambit ni Kireigh sa sarili.
Hinanap niya ang damit na gagamitin niyang pampalit. Ayos naman na ang pakiramdam niya. Sa bahay nalang siguro siya magpapahinga. Kailangan niyang sundan agad si Rio, at baka kung ano na naman ang gawin nito.
Ilang saglit pa may biglang kumatok sa pinto. Batid niyang nurse ito kaya hindi na siya nag abala pa na pagbuksan ito.
“Come in!” aniya.
“What are you doing, Kireigh?” Nagtatakang tanong ni Krick. “Hindi kapa pwedeng umuwi.”
“Huwag ka ngang magulo riyan. Alam mong maayos na ang lagay ko.” Patuloy pa rin sa pag-aayos si Kireigh.
“I‘m serious, Kireigh. Hindi kapa pwedeng umuwi. Kailangan pa kitang i-monitor. Kailangan ko pang i-monitor ang lagay mo.”
“Krick, I'm fine. Wala kang dapat ipag-alala.”
“You are not literally fine, Kireigh. Physically fine, yes. But, mentally especially emotionally you're not fine.”
“Are you pertaining that I'm crazy? That I am mentally ill?” Masama ang tingin ni Kireigh.
“Rio, told me...” he paused.
“What did she tell you?” umirap siya.
“That you are crazy.”
Pekeng tumawa si Kireigh. “Are you kidding me? She will never say that.”
“But she did, Kireigh, so for the meantime, you need to stay here.”
“Are you serious?”
“Yes. Kaya sa ayaw mo man o sa gusto, wala kang choice kundi ang manatili rito.”
“Hindi. Totoo bang sinabi ni Rio na baliw ako?”
“O-oo. Sinabi niya sa akin kanina, after that, bigla nalang siyang umalis. Napansin ko rin na masama ang tingin niya. Teka. Nag away ba kayong dalawa?”
“I‘m not crazy. She's the one who needs your help, not me.”
Nanumbalik ang pagkainis at pagkamuhi ni Kireigh kay Rio. Inaamin niyang nasaktan niya ito pero hindi naman tama na siraan siya nito. Hindi niya inaasahan na gagawin iyon ng kaniyang kaibigan.
Maling mali na pinagkatiwalaan niya ito. Maling mali na tinanggap niya pa ang babaeng iyon sa kabila ng kasalanang ginawa niya at ng kaniyang Ina sa kaniyang pamilya.
“Kireigh, please...listen to me. You need to stay here.”
“Then, give me a valid reason to stay here.” Nakakunot ang noo ng dalaga. “Don‘t waste my time, Krick, if you're thinking na magkakaayos pa tayo, well, sinasabi ko na sa iyo ngayon palang, I won't forgive you this time.”
“Kireigh, gusto ko lang tumulong. Gusto kong bumawi sa iyo.”
“Hindi mo kailangan gawin ‘yan, Krick. Pinagkatiwalaan kita noon pero kagaya ni Rio sinira mo lang din.”
“I have my reason pero hindi ko sinasabing mali ang ginawa ko.”
“Get out, Krick!”
Ang pinakamahirap sa lahat ay ‘yung harapin ng dalaga ang nakaraan—ang mga pangyayari na naghimok sa kaniya na mawalan ng pakialam. Mawalan ng ganang makinig. Mawalan ng rason magpatawad.
Para sa kaniya walang kapatawaran ang lahat nang nangyari sa kaniya. Walang katumbas na kapatawaran ang panglolokong ginawa sa kaniya patalikod ng mga taong pinagkatiwalaan niya.
“I‘m sorry, okay? I'm really sorry.”
Sinukbit na ng dalaga ang dala niyang bag. Taas noo niyang hinarap ang binata.
“Mag pinsan nga talaga kayo. Hindi na nakakapagtaka kung bakit bumalik pa kayo sa buhay ko.”
“Kireigh, as you can see, I'm here to sincerely apologize to you. I regret hurting you. I regret helping Kriford hurt you. Believe it or not, I'm here to help you, to get your revenge, and to know the truth behind your parents' unexpected deaths.”
Bumuga ng hangin ang dalaga. Hindi siya makapaniwala na sa tagal nilang hindi nagkita ipapaalala pa nito ang nakaraan at ang mas matindi pa ay gumawa na naman ito ng panibagong palusot para makuha ang loob niya.
“Stop saying sorry if you don't mean it. And to tell you the truth, I'm exhausted. I'm tired of thinking about my past. You know what I mean, right? I want peace in my mind. I want to live a normal life without those people who might hurt me again.”
“Naiintindihan kita pero sana makinig ka sa akin. For once and for all, I'm sorry. If you want me to kneel in front of you, I will do it. If you want to hurt me, I'll allow you to do that. But, please, I want to help you. To overcome your fear and end your broken heart syndrome,.”
“Stop telling lies, Krick. I'm tired of hearing that. Nakakasuka pakinggan ang pagsisinungaling niyo sa harapan ko.”
Nilagpasan na ng dalaga ang binatang doktor na nag-alaga sa kaniya. Saktong pagbukas niya sa pinto, naramdaman niyang yumakap ito patalikod.
“I want to help you, Reigh, please let me do that.”
“Leave me alone, Krick!” Marahas niyang itinulak ang binata. “Don‘t you ever touch me again!”
“I won't do that, Reigh. I will never leave you alone, again.”
“Ang kapal pa rin talaga ng pagmumukha mo para harapin pa ako. After all you did to me? Talaga ba, Krick? You lied to me! ‘Yung araw na nag desisyon kang saktan ako, ‘yun ang pagkakataon na pinutol mo ang koneksiyon nating dalawa.”
“Wala akong choice. They forced me to do that. Our parents forced us to hurt you. I have no intention to cut ties with you.”
“Wala kang choice or sadyang gusto mo lang talaga akong saktan. Gusto mo lang talaga akong iwanan mag-isa. Gusto mo lang talaga akong lokohin. That's why you chose to listen to your f*****g parents!”
Pikit matang huminga ng malalim ang binata. Gusto man niyang iwasan na saktan ang dalaga ngunit siya nalang ang pag-asa nito. Gusto niyang bumawi rito. Gusto niyang itama ang lahat. Kaya kung malalaman man ng pamilya niya ang tungkol dito, wala na siyang pakialam pa. Wala na siyang pakialam kung itakwil man siya ng mga ito.
“They want to kill you, Kireigh. In order to save your life, I need to follow their orders. I needed to hurt you.”
“Wala silang makukuha sa akin kahit patayin pa nila ako.”
“Marami. Marami silang kinuha sa iyo. Mula sa mga magulang mo, mula sa tunay mong pagkatao.”
“Huwag mo nang buhayin ang matagal ng patay. Hayaan mo na silang mamahinga. Hayaan mo na rin akong mamuhay mag-isa.”
“They lied to you. Even your own parents lied to you, Reigh.”
“Anong sabi mo?”
“Your parents lied to you.”
“Nice try, Krick. Nice try. Pero kahit ano pa iyang sabihin mo, kahit ano pang paninira ang gawin mo, hindi pa rin magbabago ang isip ko.” Tuluyan ng tumalikod ang dalaga ngunit nagpumilit pa rin siyang yakapin ng binata.
“Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na huwag na huwag mo na akong hahawakan, ha? Kailangan ko pa bang ulit-ulitin sa iyo na wala na akong pakialam!”
Imbes na pakawalan siya nito mas lalo lang humigpit ang pagkayakap sa kaniya.
“What do you think you're doing, Krick? Stop hugging me!”
“I know what I'm doing, Reigh. And this is what I was supposed to do before. I'll make sure na hindi kana mawawala sa akin.”
“Nababaliw kana ba? Matagal na tayong tapos. Matagal ng tapos kung ano man ang namamagitan sa ating dalawa.”
“Nauna akong mahalin ka, nauna mo akong mahalin kaysa sa pinsan ko.”
“Stop doing this to me...” Nakaramdam ng paninikip ng dibdib ang dalaga. “Krick, I'm begging you, stop killing me again.”
“Inakala kong magiging masaya ka sa piling niya pero nagkamali ako. Nagkamali ako na pinaubaya kita sa kaniya. Nagkamali akong mas pinili ko pang layuan ka kaysa bawiin ka sa kaniya.”
“Kalimutan mo na ang lahat, Krick. Huli na ang lahat. Hindi mo na maibabalik pa ang dati. Sinaktan mo na ako at sinaktan niya rin ako.”
“That‘s why I'm here...”
“Wala na akong rason para papasukin kang muli sa buhay ko. Wala na ring rason para magkaroon ng koneksiyon sa pinsan mo.”
“He‘s getting married next month.”
Sandaling natigilan si Kireigh. Muli siyang nakaramdam ng paninikip sa dibdib. Pinipigilan na maging garalgal ang boses at baka makahalata pa ang binatang kasama niya.
“Then, good for him. Should I need to congratulate him?”
Mabuti nalang at nakatalikod siya sa binata. Kundi baka bigla nalang siyang maiyak sa harapan nito.
“You can use me to get revenge on him.”
“I will never use someone for my own interests. You know me, Krick.”
“Don‘t lie to me, Reigh. Alam kong mahal mo pa rin ang lalaking iyon. Alam kong may feelings kapa rin sa pinsan ko.”
Saglit na natigilan ang dalaga. Nagtataka siya kung paano nalaman ni Krick ang tungkol doon. Ang tanging pinagsabihan lamang niya ay si Rio. Kinuyom niya ang kaniyang kamao.
“Akala ko makakalimutan mo na siya. Nagkamali na naman ako.." Peke siyang ngumiti. “Ano bang meron sa taong iyon at hindi mo siya magawang kalimutan?”
Wala ring ideya ang dalaga kung bakit hanggang ngayon hindi niya pa rin makalimutan ang binata. Inakala niya ring makakalimutan niya ito habang lumilipas ang panahon. Inakala niyang kaya niyang magpanggap na hindi niya ito kilala ngunit nabigo lamang siya.
“Mga tanong kung bakit niya ako nagawang iwanan, kung bakit niya ako pinagtabuyan na parang wala kaming pinagsamahan. Mga bagay na pilit kong hinahanapan ng sagot na alam kong siya lang ang tanging makakasagot.”
“Then use me to hurt him...”