VI

1818 Words
Sheira's Pov Nandito kami ngayon sa bahay namin ni Joshua. Napag planuhan kasi nilang mag sleep over sa mansyon nila kaya naman nag decide akong mag sleep over din sila dito saamin. Sayang lang dahil wala si Isany kasi mas pinili niyang doon mag stay sa mansyon. Hindi ko rin naman siya masisisi dahil naging part din naman siya ng Buenaventura family. At syempre bilang nag f-feeling teenager. Pinaiwan muna namin ang mga anak namin doon kanila Charisse which is naging pabor naman kay Jessica dahil miss na miss niya na daw ang mga inaanak niya. "Hay nako! Ngayon nalang ulit tayo mag eenjoy ng ganto." Excited na sabi ni Christine which is totoo naman. Ngayon na nga lang kami nakapag bonding eh. Mabuti nalang at umalis sila Joshua. Nakapag bonding tuloy kami. "So anong una nating gagawin?" Tanong ni Mica. Nag isip naman kami. Ano bang usually ginagawa namin nung mga teenagers palang kami? "Movieee!!" Sabi ko naman. Excited na excited silang namili ng movie dun sa lagayan namin ng CD. "Oh ano? Eto ba?" Tanong ni Mica at tinaas ang The Boy. "Wag yan! Korny yan eh." Sabi naman ni Christine. "Eto..---" Hindi na niya natapos ang sasabihin niya nang may biglang sumigaw. "Joshua baby!! Josh?? Where are you?" Biglang pumasok ang isang babaeng hindi naman kagandahan. Napatingin siya saamin. "Sino ka?" tanong ko sakanya. Wag niyang ma-babe babe yung asawa ko kung ayaw niyang humiram ng mukha sa aso namin. "Oh..-- I'm Ann Crisostomo. Have you seen my babe? I mean, Joshua." Gigil na gigil akong lumapit sakanya at sasampalin na sana siya nang pigilan ako nila Mica. "Sino ka ba?" Tanong ni Christine sakanya. "As I said earlier. I'm Ann Crisostomo. You must be Sheira? Joshua's boring wife. Oh well, kailangan ko lang makausap ang asawa mo. Don't worry hindi ko siya aagawin sayo dahil alam ko namang effortless lang ang pang aagaw kay Joshua. May gusto lang akong malaman." Ang dami niyang sinabi "Hoy. Lumayas layas ka dito sa pamamahay ko kung ayaw mong tanggalin ko yang ulo mo at ipakain ko sa bulldog namin. Ingat ka, mahilig pa naman yun sa mga hipon." Tumingin naman siya saakin na parang takot na takot. Dapat lang! "Kaloka! Nakaka-stress ka girl. Ganyan na ba talaga pag mommy? Haggard much teh! Sige na makalayas na nga!" Hindi nalang namin ito pinansin at nanood nalang ng movie. Kung ano ano din ang ginawa namin. Nag bake, nag luto at iba pa. Nakaka miss din pala talaga yung gantong moments ano? Pero masaya, from High school friends to Housewives friends. ** Kinabukasan, maaga kaming nagising para makapag mall. Natauhan kami sa sinabi ni Ann kaya balak naming mag make over dahil totoo naman ang sinabi niya. Wala na kaming time para sa mga sarili namin kaya nagmu-mukha kaming haggard at hindi maganda yun. Nasa mall na kami pero hindi parin namin alam kung saan kami mauuna. "Let's buy some clothes muna!" Sabi ko sakanila. Um-agree naman sila. Hindi naman kami tumaba or what. Sexy parin kami dahil gusto naming i-stay sa ganito ang katawan namin kaya pag nararamdaman na naming tumataba kami ay nag g-gym kami kaagad.  Namili na kami ng mga damit. Mga dress at kung ano ano pa. Bumili din kami ng night dress. Ewan ko ba dito sa mga ito, gusto na yatang masundan ang mga anak nila. Kidding aside.  After naming mamili ng damit ay iniwan muna namin ito sa package at dumiretso naman sa isang salon dun sa mall. Nag pa-color kami ng buhok at kung ano ano pang pag m-make over ang ginawa saamin. We're feeling sexy and free.  "Ayan ms. Ang ganda niyo po." Sabi saakin nung bakla. "Mrs na po." Natatawa kong sabi. Halata namang nagulat siya sa sinabi ko. "Hindi halata. Jusko. Ang ganda ganda mo." Sabi niya at inayos ayos pa ang buhok ko. Natapos na din kaagad yung dalawa kaya nag bayad at nagpasalamat na kami dito. Tuwang tuwa naman silang nag paalam saamin dahil na rin gandang ganda talaga ito saamin. Pag labas namin ng mall ay puro tinginan ng mga tao ang matatanggap namin. Mostly, sa mga teenagers na lalaki. Parang mga high school days lang namin. "Saan tayo pupunta? Mag Timezo..--" Napatingin ako sa maingay na grupo ng lalaki. And to find out na ang mga asawa pala namin ito. Para silang hindi kasal kung titignan mo. Pabata ang itsura nila hindi patanda.  Napatingin din naman sila Mica doon. Para kaming nasa iisang teleserye na unang unang pag kikita namin. Nakakatawa lang.  "Ate, pwede daw po mag pa-picture sabi niya?" Napalingon naman ako sa isang cute na batang babae na tinuturo yung isang lalaki sa hindi kalayuan. Kuya niya siguro. "Ahh.--" Hindi ko pa tapos ang sasabihin ko nang may sumingit na agad. "Hindi po pwede paki sabi sakanya." Sabi ni Joshua. Territoriality attacks.  "Hi honey." I kissed him smack. Nilapitan naman nung dalawa yung mga kanya kanya nilang baby. "Mga ates. Ang p-pretty niyo!" Pag co-compliment naman ni Isany. Nakipag beso naman siya saaming tatlo. Hindi parin naman mapapantayan nito ang kagandahan niya. "Anong ginawa niyo? I don't want anyone else to see your beauty honey. Dapat ako lang." Bulong ni Joshua. More on, seductive tone. This guy gives me chill ever since we were together. Hindi na ako tumigil na kiligin sakanya. Masyadong malakas ang epekto niya saakin and I can't stop it. "Nag make over lang kami honey. By the way, sino si Ann Crisostomo?" Tumingin siya saakin at parang gulat na gulat na kilala ko si Ann. "She's no one." Pag iwas niya sa topic. Bakit? Sino ba si Ann? "I need to know honey. Pumunta siya sa bahay, hinahanap ka. Who is she?" Hindi ko maiwasang mapataas ang boses ko. "Ann Crisostomo. Siya yung dapat pakakasalan ni Kuya Joshua 11 years ago." Napatingin ako kay Isany nang sabihin niya yun. Lumipat naman ang tingin ko kay Joshua. Nakayuko lang siya. "11 years ago? Then bakit siya bumabalik?" Tanong ko ulit. "They want us back." Sabi naman ni Mike. "They? Us? What?" React naman ni Christine. Hinila nila kami sa kung saan. Kumain at kung ano ano pa muna ang ginawa namin. Napansin kong may kasama pala silang isang lalaki. Ervin daw ang pangalan at pinsan nila ito na matagal na nilang hindi nakikita. Ngayon lang daw bumalik ng Pilipinas. Anong meron? Sino si Ann? Anong kailangan nila? Sisirain ba nila kami? Nanaman? -- Mike's Pov Pagkauwing pagkauwi namin sa mansyon ay nabaha ng katangungan saamin sila Christine. Aaminin ko, mali ang ginawa naming tinago namin sakanila kung sino sila Erianna. At ngayon ang right time para malaman nila kung sino nga iyong mga iyon. "So ilan sila? Sino sila?" Tanong ni Mica. "Bakit wala rin akong alam?" Tanong naman ni Ervin. Napabuntong hininga nalang ako. Hindi ko alam na babalik pala sila after 11 years. Akala ko natahimik na sila. Yun pala hindi pa. "Sila si Ann, Angelika, Mika at Er..--" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang biglang tumunog ang phone ni Ervin. "Excuse me." Sabi niya. Tumango naman kami. Lumabas siya ng mansyon. "At sino?" Tanong naman ni Christine. "At si Erianna." Sabi ni kuya Joshua. "Si Erianna, ang dapat papakasalan ko. Si Ann, kay Kuya Joshua. Si Angelika, kay Jacob at si Mika ay kay Edison." Pag e-explain ko. "Mika din? Ano? Epal siya ah." Pag react ni Mica. Napansin kong pumasok na ulit ng mansyon si Ervin. "Hindi namin alam na babalik pala sila. After 11 years, akala namin tapos na sila. Pero wala na silang magagawa. Si Angelika nalang ang desperadang makuha pa si Jacob." Sabi ni Edison. "Pero bakit pumunta sa bahay si Ann?" Tanong ni Sheira. "Siguro ay may gusto lang siyang itanong related kay Angelika. Siguro may mga gusto lang siyang malaman. Pero Sheira, believe me. Wala na talaga yun. Wala na silang pag asa at tanggap na nila iyon." Sabi naman ni Kuya Joshua. "Isang beses nakita ko si Er..--" Hindi na nanaman natapos ang sasabihin ni Jacob nang tumayo si Ervin. "Ahh..-- mga pare. Aalis muna ako ha? Kailangan kasi ako ni Mommy sa airport. Dumating na kasi sila eh. Sige..-- You owe me a story guys. See yah!" Nag paalam naman kami sakanya. "And we also deserve an explanation of that Guy. Anyway, ano na? Sinong nakita mo Jacob?" Tanong naman ni Christine. "Si Erianna. I saw her last time. And she's crying. Sabi niya gustong gusto daw ng parents niya na maikasal siya sa isang Buenaventura. At Wala na daw siyang choice. Pero ayaw niya ding makasira saamin ni Isany. Yun nga yung gusto kong sabihin sainyo Kuya. Hindi ba natin pwedeng tulungan nalang ang kompanya nila kaysa naman sa ganto" Nag tatakang tumingin si Isany sakanya. Uh oh. Hindi nanaman niya yata nasabi sa kanyang asawa ang nangyaring yon. "Pwede. Pero depende parin yun sa parents nila kung gusto talaga nitong mapangasawa nila ang isang Buenaventura." Sabi ni Kuya Joshua. "Wala na ba talaga tayong magagawa?" tanong ko. Umiling iling naman si Kuya Joshua. Siguro nga, kailangan nalang nilang tanggapin ang pagka-bagsak ng company nila. "So it means, wala na kaming problema dito dahil kasal na kami sainyo. Ganun ba?" Tanong ni Mica. "Oo, wala na silang magagawa. Mahilig silang mag arrange pero hindi nila nagagawang sumira ng isang relasyon. Pwera nalang kung gagawa ng paraan ang mga anak nila para masira tayo." Sabi ni Kuya Joshua ulit. Siya lang naman ang nakakaalam ng mga ganyan ganyan eh. "So ibig sabihin nasa kamay parin nung mga clowns na yun ang desisyon?" Tanong naman ni Sheira. "Oo, nasakanila. Pero sa nakikita ko, mukhang wala naman silang balak na gawin iyon."  Sabi ni Jacob. "Except kay Angelika. Eh desperada yung paa na yun eh. Hindi na nga ako makikipag laban ng tadyakan dahil baka madampot niyo nalang ako sa outer space pag nag kataon. Mukha na ngang paa, mukha pang kabayo. Hipon pa! Oh diba? All in one yang Angelika na yan eh. Minsan nga hahampasin ko nalang bigla yan ng payong." Gigil na gigil na sabi ni Isany. Tumawa naman si Jacob at niyakap si Isany na parang ewan. "Cutie." Sabi ni Kuya Joshua. "Hay nako! I don't understand any of these!" Pag iinarte nanaman ni Sunny at umakyat na sa taas. Sino ba naman kasing nag sabi sakanyang mag stay siya hindi ba? Pero napaisip din ako sa conversation na ito. Paano nga kaya kung gumawa sila ng paraan? Paano kung maging desperada nalang silang bigla? Pero paano kung maipluwensyahan sila ng mga magulang nila. Paano kami? Sasabak nanaman ba kami sa isang napaka hirap na pag subok katulad nung kay Joanna? Ganun nanaman ba yun? Oh baka naman... Mas mahirap pang pagsubok? ~~ a/n: Paano kaya malalaman ni Ervin na si Erianna ay connected sa mga pinsan niya? At paano naman malalaman ni Erianna na hindi si Ervin ang nag padala ng sulat? Hmmm..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD