V

1813 Words
Joshua's Pov Umuwi muna kami dito sa mansion. Kahit sila Jacob ay umuwi muna dito dahil namiss naming lahat sila mommy. Nakakapag taka nga dahil nandito si Sunny knowing na alam niya namang mag s-sleepover kaming lahat dito. Siguro ay hindi siya mag s-stay. "Sunny, dito ka din ba mag s-stay?" Tanong ni Mike na nakakuha ng atensyon ng lahat. Napatingin kami kay Sunny na ngayon ay dahan dahang hinihiwa ang steak niya. "Yep." Simpleng sagot niya. Nagkatinginan naman kami nila Isany. Wala sila Sheira ngayon dahil may sarili silang bonding pero mas ginusto ni Isany na dito nalang mag stay dahil miss na miss na nito si Mommy. Hindi kaya awkward yun para sakanila? "So Mommy, how's L...--" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang biglang may sumigaw. "Yow mga pinsan kong mahal na mahal ko. Kamusta?" Napatingin kami dito. "OMG! Kuya ERVIN!!!!" Tumayo si Sunny para salubungin si Ervin. Ervin Buenaventura. Ang pinsan namin na nakatira sa London. Kaya rin siguro magkasundo sila ni Sunny dahil dun na nga ito lumaki kanila tito. "Oh Sunny baby, how are you?" Nakayakap lang sakanya si Sunny. Nagkatinginan kami nila kuya Mike. "Hi Kuya Ervin." Pag bati ni Isany dito. Nakipag beso naman ito sakanya. "Hi Babe." Noong mga bata pa kami ay sila talaga ang magkasundo kaya ganyan nalang ang tawagan nila sa isa't isa. Muli, tumingin ako kanila Mike at kay Ervin. "Ang pinakagwapo kong pamangkin." Sabi ni Mommy at hinalik-halikan pa si Ervin. Nakatingin lang kami dito. "Oh ano? Tititigan niyo nalang ba ako?"  Sabi nito. Walang nag sasalita saamin.. Nag papakiramdaman ang isa't isa.. Nang biglang... "WOOOOH PARE NAMISS KITA!!" "BAKIT NGAYON KA LANG?! ANG LAKI NA NG PINAG BAGO MO!" "PASALUBONG KO? ASAN NA? KUYA ERVIN NAMAN OH!" "KELAN KA PA BUMALIK PARE?!"  Sari-saring excitement ang bumalot sa dining area. Pinaupo namin siya dun sa tabi ni Isany. Nag handa naman ng plate at spoon and fork si manang. "Last week pa ako bumalik. Ang tagal ko ding hinanap kayo! Last time na bumisita ako sa Mansion na to eh wala kayong lahat kaya akala ko lumipat na kayo ng bahay. Mabuti nalang at hiningi nung guard yung number ko. Crush yata ako. Kaya ayon, tumawag siya saakin at ininform ako na nandito kayong lahat ngayon! Namiss ko kayo. Gala tayo dapat bukas." Sabi nito. Nag kwentuhan pa kami at nalaman niyang dito kami matutulog kaya naman pinili niyang dito na din matulog. Napag desisyunan naming sa sala nalang kami at mag lalatag ng banig katulad noong mga bata pa kami. Balik bata na ito. ** Nakapag ayos na kami ng hihigaan namin. Mas malaki na ito dahil na din lumaki na kami at isa pa, dumagdag na si Sunny saamin. "Biruin niyo ano? Dati, magkaaway lang kayo tapos ngayon. Kayo na?" Natatawang sabi ni Ervin kanila Isany at Jacob. Nakwento na kasi namin sakanya ang lahat. Natuwa naman siya dahil Jasany daw siya. Hay nako. "I would never understand that story ever." Sabi naman ni Sunny. "Bata ka pa kasi baby. Hindi mo pa maiintindihan yang mga ganyang bagay. Someday, you'll understand." I said. Umirap naman ito saakin. Ang maldita ng batang ito pero okay lang, cute naman si Sunny eh. "Oh Mike. Wag mo na munang itext yang Misis mo. Ang tagal tagal niyo nang magkasama eh." Pag awat naman ni Ervin kay Mike. Napakamot naman ito sa batok niya. "Inaatake nanaman kasi ng kabaliwan yung mga anak ko eh." Sabi nito. Perks of being a dad. Buti nalang at 6 years old palang si Shiro. Makulit pero nae-enjoy naman ni Sheira ang pag aalaga sakanya. "Oh ikaw naman Edison? Kamusta ang buhay daddy?" Tanong naman niya kay Edison. Ngumiti lang ito sakanya. Saaming tatlo, siya talaga ang nam-mroblema kay Cadie dahil 3 years old palang ito pero napakakulit na.  "Stress" Sabi niya. Nag tawanan naman kami. Hindi makarelate si Sunny at Isany kaya iniba nalang namin ang topic. "Oh ikaw ang kamusta Ervin! Kamusta ang buhay mo naman?" Balik tanong namin sakanya. Ngumiti naman siya at hindi na kami sinagot. Well I guess, inlove ang isang ito. "Inlove siya." Pang aasar ni Isany sakanya na nagpabalik sakanya sa Realidad. "Hindi ah." Pag tatanggi niya. Mas lalo namin siyang inasar at pinilit naming sabihin niya kung sino ang lucky girl na napupusuan niya. "You're not making kwento na huh?" Maarteng sabi ni Sunny. Actually hindi siya maarte kasi nga, hindi pa siya sanay mag tagalog kaya it always end up na nag t-taglish siya. "Tsaka na. Pag sakin na siya. Mukhang mahihirapan ako sa isang to. Masyadong malaki ang problema niya sa mundo." Sabi ni Ervin. Sino nga kaya ang babaeng yun? Sana.. Hindi maging komplikado ang relasyon nila. -- Ann's Pov Kanina pa ako rinding rindi dito kay Erianna because she keeps on making kwento about that Ervin guy na hindi niya naman alam kung anong apelido. She's just so stupid. Kwento siya ng kwento pero hindi naman namin alam ang itsura nitong Ervin na ito. "Gosh! He's so..--" Hindi na niya natapos ang sasabihin niya because Angelika cut her already. "Undefinable. Right?" Napangiti naman si Erianna dun. "Exactly! How did you know?" She asked. "For the 24th time Erianna, sinabi mo na yan." Mika said. I just rolled my eyes. "Argh! Ang her eyes.. It's so..--" Hindi niya na naman natapos ang sasabihin niya dahil inunahan ko na din siya. "Irresistible." Tumayo naman si Erianna. "You Nailed it! Paano mo nalaman?" She asked once again. "You freaking mentioned it for 36 times Erianna!" Angelika said. Nakatingin lang kami sakanya. "But things...---" Again, we didn't let her finished. "Aren't meant to be." Sabay sabay na sabi naming tatlo. Nalungkot naman ang mukha ni Erianna. Her parents really want her to marry a Buenaventura but it seems like, it's hopeless. "Sorry honey, I can't sacrifice Jacob for you." Sumama naman ang aura ni Erianna sa sinabi ni Angelika kaya tinabig niya ang kamay nito at nag walk out. Tignan mo yun. Napaka mood swing! "We need to know who's the Ervin." I said. Para na rin sa kaligtasan ng friendship na ito. "What for? Masasaktan lang natin si Erianna. And also Ervin. Alam mo naman, things aren't normal pag dating saatin." Sabi ni Mika. "But maybe, Ervin can help. Malay niyo, mas mayaman pala itong si Ervin. What if he's some kind of Montemayor? Villafuente? Oh diba. We'll never know who he is. And we really do need to find out." Sabi ko naman. We really need to know who that Ervin is. ** Kinabukasan, sinamahan namin sa bahay nila Erianna siya. Nagbabaka-sakaling nandun si Ervin at nag hihintay sakanya pero tatlong oras na kaming nandun ay wala parin ito. Bakas sa mukha ni Erianna ang pagkadismaya. "Maybe he's not serious to me at all." Sabi nito pag labas ng bahay niya at may dala dalang mga damit. Napabuntong hininga nalang ako. She's really emotional when it comes to this. "Honey, maybe Ervin is just one of your crushes. Makakalimutan mo din siya pag dating ng panahon." Sabi naman ni Angelika sakanya. "No. I believe, there's something about him." Nagulat kami nang biglang bumukas ang gate at niluwa nito si Ate Erin. "By the way Erianna, a random guy dropped this for you. I believe, siya yung kasama mo yesterday." Yun lang at pumasok na ulit si Ate Erin. Lumiwanag naman ang mukha ni Erianna nang makita niya ang letter galing kay Ervin. Agad siyang nag yayang umuwi. Pumasok kami sa kotse at doon niya binasa ang letter. Dear Erianna, It was nice seeing you and knowing what type of person you are. I'm very much blessed to meet you and be with you for a short period of time. But Erianna, maybe things aren't really just meant to be. But I'm hoping someday, everything will find it's way back to each other. Thank you for yesterday, I really enjoyed being with you. Hoping it will be the last. Goodbye. Ervin. "Seriously?" React ko matapos basahin ni Erianna ang sulat. I knew it. Wala lang magandang maidudulot yan sakanya. "Okay lang yan bebs." Pag co-comfort namin sakanya. Ngumiti naman siya at nilukot ang papel. She's so d*mn mad. "Jerk." She simply said. Oh no. Never messed up with Erianna. -- 3rd Person's Pov Mag ha-hapon na nang magising ang mga Buenaventura dahil sa pag pupuyat. Inenjoy nila ang mga pagkakataon na magkakasama nanaman silang lahat. Sayang lang at yung iba pa nilang pinsan ay hindi sila masasamahan sa pag b-bonding. "Grabe. Hindi tuloy ako nakadaan kay babe." Sabi ni Ervin na nag uunat unat pa ng katawan. "Eh sino ba kasi yang babe na yan? Curious na curious na ako dyan ah. Dati rati, ako lang tinatawag mo ng ganyan." Sabi naman ni Isany. "Eh syempre may, my king ka na. Kaya may bago na din akong babe." Nag tawanan naman silang lahat. Kung paano sila nag kalayo layo ay ganun parin sila ka-close nang magkatagpo tagpo nanaman. Sa kabilang banda, sa loob ng mansion ng mga Conte. Isang malungkot na mukha ang sinalubong ni Erin Conte sakanyang mga magulang. "You did the right thing Erin." Sabi ng kaniyang daddy. Tinutukoy nito ang pagbigay ng sulat kay Erianna na pineke nilang galing kay Ervin. "I never wanted to do this Dad. Walang kasalanan si Erianna sa mga nangyayari sa company natin. Unang una palang alam mo nang wala siyang interes dito. Stop forcing her to do things na hindi niya naman gustong gawin!" Pag lalaban ni Erin sakanyang ama. "Shut up Erin! You don't know kung anong nawala saakin nung mga oras na nawala ang kapatid mo. Nawala ang kaisa isang anak ko na pag kakatiwalaan ko ng mga kayamanan ko pag dating ng araw!" Sabi naman ng ama nito. "Dad, Orion's gone. Walang may gustong mawala si Orion! But you! You're acting like ikaw lang ang nasaktan dito! Dad, lahat tayo nawalan. Hindi lang ikaw! You're just super affected with the situation kasi iniisip mo yang kayamanan mo. Kayamanan mo na sa tingin mo eh mauubos kung saamin mo ibibigay. You don't trust us daddy. Not even a percent. And now, pinagkakaitan mo ng kaligayan yung kapatid ko? No daddy! No! If you want someone in this family to marry Jacob then I will do that. Ako ang gagawa nun! Ako ang mang aagaw kay Jacob. Not Erianna! Wag mong idamay ang kapatid ko dito daddy. If you want to waste someone's life then I'm going to volunteer. Just not my sister." Pagkatapos nun ay umakyat na si Erin sa kanyang kwarto upang magpahinga. Maraming komplikasyon sa buhay ng mga Conte pero mas pinili ni Erin na isakripisyo ang sariling kaligayahan para sa kanyang kapatid. Para sa kanyang pamilya. ~~ A/n: So ayon. May bagong Buenaventura na magpapa baliw sainyo. I'm sure that you'll love Ervin as much as you love Jacob. Well, hoping. Hahahaha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD