IV

1346 Words
Jacob's Pov I was walking alone in the park dahil gusto ko munang mag pakalayo layo kay Isany. I am planning to propose for her next week. Kinakabahan ako kasi baka hindi ko ito magawa ng tama. What I mean is, this only happens once in her lifetime so I should do it right to make it memorable pero hindi ko naman alam kung paano. I don't have any idea. "Baby I'm perfe..-- Jacob?" Napatingin ako sa isang babaeng tumawag saakin. Erianna. Siya yung dapat mapapakasalan ni kuya Mike. Thank God Isany was there to save us from hell. "Hi?" Awkward na bati ko sakanya. She laughed at hinila ako sa isang bench at umupo kami. She's wearing a sports bra and shorts. I can't deny that she's beautiful. "So, anong ginagawa mo dito?" She asked me. Nakakapag taka lang dahil parang ang bait bait niya. Hindi naman siguro masamang maging kaibigan siya hindi ba? "Ahm, chilling. Ikaw? Well, nag papa-sexy. Halata naman eh." Tumawa ako sakanya and so do her. Nag kwentuhan lang kami at nag kamustahan. "It's been years. Kamusta ka na Erianna? I mean, nakita mo na ba yung lalaking para sayo?" I asked her. Tumingin naman siya saakin at nabago ang mga ngiti niya. "No. Hindi pa.. Hindi. Hindi ko naman hinahanap." Sabi naman niya. Bakit kaya? Nasa tamang posisyon ba ako para tanungin siya? "Bakit naman? I mean, ayaw mo bang sumaya?" Tumawa nalang siya nang mahina. "Kahit makita ko siya, hindi rin ako magiging masaya. Why? Kasi hindi naman siya yung gusto para saakin ng parents ko." Laking pasasalamat ko talaga sa mga magulang ko dahil hindi sila mapili ng mga pakakasalan namin. Napakaswerte ko dahil may ganun akong mga magulang. Hindi katulad nila na walang ibang choice kundi mag pakasal sa taong hindi naman nila mahal. "Eh ano bang gusto ng parents mo para sayo?" Once again, she laughed a little dahil sa sinabi ko. "A Buenaventura, Jacob." Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya but then napabuntong hininga nalang siya. "I don't have a choice Jacob. I need a Buenaventura." A tear escaped from her eye. Hindi niya iyon maitatago saakin dahil magaling ako dyan. "Is there's something I can do to help you?" Umiling iling naman siya. "There's nothing you can do. Unless, you're willing to leave Isany for me." I looked at her. Is that her only choice? Kailangan ba talagang Buenaventura ang mapakasalan niya? "I can't do that..." She smiled at me. "I know." Tumayo na siya. "I have to go." Tumango naman ako sakanya. She's unbelievable. If she's really a b*tch, then she should be grabbing the chance to have but she didn't. "Take care." She smiled once more and started to Jog. Napabuntong hininga naman ako nang mawala siya sa paningin ko. She's hopeless. I hope someday, her parents' heart will find it's way to Erianna's Happiness. I mean, sana makita nila na hindi masaya yung anak nila sa mga ginagawa nila. Sana makita nila na hindi lang naman pag papakasal sa maling tao ang paraan para lumago ang company nila. Wait..-- Maybe I can help her. I can help their company without those weddings. -- Erianna's Pov Bago ako umuwi ay dumaan muna ako sa starbucks para mag pahinga. Hindi ko kinaya yung conversation namin ni Jacob. Pakiramdam ko ay parang nag tataksil ako na hindi ko maintindihan. "Hey, alone?" I looked at the guy who talked. Ang gwapo niya. Maputi siya. Chinito.  "Nakikita mo bang may kasama ako?" Pag tataray ko sakanya. Umupo naman siya sa tapat ng upuan ko. "Sino nag sabing umupo ka?" Pag tataray ko pa ulit. Napakamot naman siya sa batok niya. Hindi siya halatang f*ckboy. "Sorry..--" Hindi niya na natuloy ang sasabihin niya nang tumawa ako. "Sige okay lang." Ngumiti siya at bumalik na sa pag kakaupo niya. Tahimik lang siyang nakaupo at kumakain ng Cinnamon. Tinitignan ko siya pero umiiwas din ako. Normal na tao lang ako, naa-attract. Pero hangga't maaari ay iniiwasan ko dahil nga sa company problems namin. "Oh baka matunaw ako nyan?" Sabi niya. Umirap nalang ako sakanya at nag patuloy sa pag inom. Nang matapos ako ay nag pahinga lang muna ng kaunti para mag pababa ng kinain. Mag papaalam na sana ako sakanya pero nang tumayo ako ay tumayo din siya. "Hahatid na kita." Sabi niya. "Unang una, hindi kita kilala. Pangalawa, naki upo ka lang sakin. Pangatlo, hindi tayo close. Pang apat, this is our first and last na pag kikita kaya please? Pang lima, wag mo na akong ihatid." Lumayo nalang ako sakanya. Umalis na ako. Nag jog na ulit ako. I was in the middle of jogging nang mapansin kong may kotseng sumusunod saakin kaya I stopped to check kung sino iyon. Nag stop din naman ang car at bumaba ang window at nakita ko nanaman ang lalaki kanina. Sino ba to? "Hey Miss..-- I don't know. Sumabay ka na kasi saakin." Tumaas ang kilay ko. Napaka kulit niya naman kasi eh! Hanggang sa may narinig akong kahol nang aso. Papalapit nang papalapit ito kaya naman napatingin ako sa gawi nito at nakita kong may askal na galit na papunta saakin kaya dali dali akong pumasok sa kotse ng lalaking ito.  "Juskoooo!!! Ayoko pa mamatay!" Sigaw ko. Nag stop yung aso sa tapat nang kotse. Nag drive na yung lalaki palayo sa lugar na iyon. Habang nasa daan kami ay nababalot ng katahimikan ang kotse. "Ako nga pala si Ervin." Nakangiti niyang pagpapakilala saakin. This guy really wants to be part of my life huh? "I'm Erianna." Walang gana kong sagot. Pag tumagal tagal pa ito. Baka hindi ko maiwasan mahulog sakanya. Ganun naman lagi diba? Magiging mag kaibigan tapos pag tumatagal tagal, mahuhulog ka na sakanya. Ayoko, hindi pa ako handang masaktan. "Kanina ka pa natutulala. May problema ka ano?" Tanong niya saakin. Umiling iling lang ako. Tumigil kami sa tapat ng bahay. "Paano mo naman.---" Tatanungin ko pa sana siya kung paano niya nalaman na dito ako nakatira nang bigla siyang lumabas nang sasakyan at umikot saakin. Binuksan niya yung pinto ko at lumabas naman ako. "So Paano.--" Hindi nanaman natuloy ang sasabihin ko nang bigla niya akong halikan sa pisngi. "Matagal na kitang nakikita dito Erianna. Ngayon lang ako nag ka-lakas ng loob para lumapit sayo. Sana bigyan mo ako ng chance para maging kaibigan ka." Napatulala ako sa sinabi niya. "Erianna.." Napatingin ako sa tumawag saakin. Si Ate Erin. Ang ate ko. Ate namin ni Kuya Orion. "Ate..--" Tumingin siya saakin. Hindi ko mabasa ang ekspresyon niya. "Pasok ka na sa loob." Tumingin ako kay Ervin. This will be the first and last na magkikita tayo Ervin. Ayoko man pero kailangan. Kailangan kitang iwasan para sa kapakanan nating dalawa. I'm just saving you from distress. Pumasok na ako sa loob. Sumulyap muna ako kay Ervin. Ngumiti siya at kumaway saakin. Ngumiti lang ako ng tipid at tinalikuran na din siya kaagad. Papasok na sana ako sa loob ng bahay nang tawagin ako ni Ate. "Erianna...--" Hindi ko na siya pinatapos. Pinikit ko nalang ang mata ko pero hindi ko magawang tumingin sakanya. "Alam ko ate Erin. Alam ko. Alam kong kailangang si Jacob ang mapakasalan ko. Alam kong kailangan ko siyang agawin sa taong mahal niya at oo alam ko. Alam kong wala akong choice dahil hindi mo kayang gawin yun para sa sarili mo. Ate Erin. Alam ko na, hindi mo na kailangan ipaalala saakin." Dumiretso na ako ulit sa loob ng bahay namin. Gusto kong umiyak pero walang luhang lumalabas sa mga mata ko. Bakit ganun? Bakit kailangan maging ganito? Bakit kailangan hindi ko maramdaman ang kasiyahan? Isang kasalanan lang naman ang nagawa ko, yun ay ang hindi ko sinabi kay Kuya Orion kung sino si Rachel. Pero naiintindihan ko. Alam kong kasalanan ko kung bakit siya nawala saamin. At kailangan kong pagbayaran ang kasalanan kong iyon. ~~ A/n: So sino nga ba si Ervin? Ano nga bang purpose niya sa buhay ni Erianna? At Ano nga bang gagawin ni Erianna sa relasyon ni Jacob at Isany? FIND OUT! ^_^
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD