III

1282 Words
Erianna's Pov May nafe-feel akong hindi maganda dito kay Angelika. I can feel na parang may tinatago siya saakin na ayaw niyang sabihin dahil natatakot siya. Hindi ko alam kung bakit siya natatakot but I can feel that it is something to do with Jacob. "Hoy Angelika!" Tawag ko sakanya nang makita ko siyang bumababa ng hagdan. Tumingin naman siya saakin at tinaasan ako ng kilay. Sige Angelika, mag taray ka. Baka gusto mong unahan kita sa pag agaw kay Jacob. Hindi naman ako namimili ng Buenaventura na pakakasalan eh. Okay lang sakin si Jacob. "Ano?!" Sigaw niya pabalik saakin. Niliitan ko siya ng mata. Not a bad idea para saakin na agawin ko si Jacob. Pero mas maganda siguro kung hahayaan ko muna si Angelika na agawin si Jacob mula kay Isany tapos aagawin ko si Jacob mula sakanya. Isn't it fun? Magiging enjoying siguro ang buhay ko kung ganun nga ang gagawin ko. "Wag mo kong taray tarayan dyan Angelika ha! Aminin mo nga, saan ka nag punta kanina?" Tumaas lang ang kilay niya at dumiretso na siya sa dining area para siguro kumuha ng yogurt niya. Hindi nga ako nag kamali dahil lumabas din siya kaagad dala dala ang yogurt at umakyat na ulit sa kwarto niya. Sige lang Angelika. Mag maldita ka saakin. Baka akala mo mabuti yang ginagawa mong pagkalaban saakin. Sa mundo, hindi lahat ng taong nakakasalamuha mo ay kakampi mo. Watch out, baka nasa paligid mo lang ang tunay na kalaban mo. ** "You're what?!" React ni Ann. Nandito kami ngayon sa sala. Wala nanaman si Angelika kaya sinabi ko sakanila yung plano ko. "You can?" Tanong naman saakin ni Mika. I rolled my eyes on her. "You think I can't? Of course I can. Konting panlalandi lang naman dyan kay Jacob at makukuha ko na yan. Hindi naman yan hard to get." Sabi ko sakanila. They gave me an unbelievable look. "You are such a b*tch." Sabi ni Ann. Napangiti naman ako sa sinabi niya. "I know honey. I know." Napailing iling lang naman si Mika. "But she's our best friend Erianna! One wrong move and she can destroy us! Baka lang nakakalimutan mo, she's the reason kung bakit hindi natuloy ang pagbagsak ng company ng parents mo! She saved you from hell Erianna! And now, you're doing this in return?" Kumulo ang dugo ko sa sinabi niya. Naalala ko nanaman yun. My Dad were very much disappointed nung nalaman nilang hindi ako ikakasal sa isang Buenaventura. Sila nalang ang pag asa namin nung mga panahon na yun but Isany ruined everything. My dad told me na kung hindi ko pagbubutihin ang pag t-trabaho ko sa kompanya niya ay baka tuluyan na ngang bumagsak ito. Kasalanan ko bang it wasn't my thing? Alam niya namang from the very start si Kuya Orion lang ang interesado sa kayamanan ni dad but unluckily, he actually got drowned with Rachel's Love. So sino nga ba si Rachel? Rachel Park is a girl na nakilala ni kuya sa Korea. And Yes, she's a korean. Hindi siya yung patambay tambay lang sa Korea. She really live there. The first time Kuya saw her in Korea, he was really amazed with her beauty. Nagpakag*go siya dahil sa babaeng yun. Sinubukan niyang hanapin but he can't hanggang sa dumating yung araw na bumalik kami dito at hindi niya na naasikaso ang mga bagay bagay dito. How did I knew her name? Because Rachel is my friend way back then but sad to say, she forgot about me. Hindi ko alam kung anong nangyari basta nung nakita ko siya sa Korea, she saw me too but didn't even said hi or what. I searched her account in f*******: or twitter. Nakakita ako ng mga posts ng mommy niya nung nasa hospital pa siya. But I never told Kuya about her. "Oh, naalala mo nanaman kuya mo." I wiped my tears. Bakit nga ba ako naiiyak? Because my brother passed away 2 months ago. How and why? Because he's really obsessed with Rachel at na-frustrate siya nung hindi niya makita si Rachel that's why he suicide. Ang babaw ng dahilan niya para magpakamatay but he did. I was very guilty about it dahil hindi ko sinabi kay Kuya kung sino si Rachel but what can I do? Wala na din naman akong magagawa eh. "I didn't." I lied. Nag walk out ako sakanila at kinuha ang kotse ko sa garahe. Pumunta ako kung saan siya nakalibing. Nang makarating ako dito ay bumaba na ako kaagad ng kotse ko. Pumasok ako sa isang private room kung saan siya nakalibing. Talagang pinagawa pa ito para sakanya. My parents spent too much money for this eh hindi niya na din naman makikita at maa-appreciate ito. "Hey bro. Feeling cold yet?" I asked dahil naka aircon siya dito.  "This is my first time to visit you." Totoo yun. Nang dahil sa sobrang guilty ko, hindi ko siya maharap. Hindi ko siya mabisita kahit isang beses. Ngayon lang talaga. "I'm sorry." And then, there I cried. I cried with all my tears while crawling towards his tombstone. I hugged his grave kahit ang sakit sa katawan dahil matigas. "I'm sorry. It's all my fault. But I regret na naman everything Kuya. Please do forgive me." I know wala na akong magagawa but I hope na mapatawad niya ako sa kat*r*ntad*h*ng ginawa ko sakanya. I hope.. ** "Hey.." Namulat ako nang may malamig na kamay na humawak sa mukha ko. Dahan dahan kong binuksan ang mata ko at naaninag ko ang gwapo kong kapatid. "K..--Kuya?" I'm trying to reach him but I can't. Feeling ko sobrang bigat ng katawan ko at hindi ko kayang ibuka ang mga mata ko ng bukang buka but I know that siya yon. Siya yung tumawag saakin. "Honey, wala kang kasalanan sa nangyari." He said. Naramdaman ko nalang ang luha ko sa may pisngi ko na unti unti nanamang bumabagsak. "K..--Kuya I'm.. Sorry." Sabi ko sakanya na hirap na hirap. Naramdaman ko namang hinalikan ako nito sa ulo. "Gawin mo ang tama para sa sarili mo." Nang humiwalay siya saakin ay unti unti na siyang nawawala sa paningin ko. Nang magising ako.. Panaginip lang pala ang lahat. Lumingon ako sa paligid. Nandito parin ako pero nang mapatingin ako sa harap ko ay may dalawang paa na nakatayo dito. Napatingala ako at nakita ko si daddy na nakatingin saakin. "Himala at dinalaw mo yata ang kapatid mo." Sabi niya saakin at umupo. Tinignan ko lang siya. Hanggang ngayon ay nakasalampak ako dito sa tabi ng lapida ni kuya. "Na-realize mo na bang hindi mo pa siya dinadalaw simula pa nung dinala siya dito?" Parang may galit sa tono ng boses ni daddy. "Erianna, alam kong matanda ka na. Wag ka na magpaka-immature. Alam kong alam mo na ang dapat mong gawin sa mga panahon ngayon. Kahit na alam mong masama, kung alam mong yun nalang ang natatanging paraan." Is he telling me na ituloy ko ang plano ko kay Jacob? Wala na ba talagang ibang paraan pa? Kailangan ko ba talagang gawin iyon? Tinignan ko ang lapida ni Kuya. 'Gawin mo ang tama para sa sarili mo.' Tinignan ko naman si daddy. 'Kahit na alam mong masama, kung alam mong yun nalang ang natatanging paraan.' I'm stuck between dad and kuya. Sinong susundin ko? Ang kapatid kong nawala dahil sa ka-selfish-an ko? O si dad na nawala ang tiwala sakin dahil sa kapabayaan ko? Please.. Tulungan niyo ako. Si Jacob nalang ba talaga ang natatanging paraan ko? ~~ Dedicated to chachi_delavinge Hi Rachel!!! Eto na yung request mo. :) Wag ka mag alala, hindi ito ang first and last scene mo sa story. :) Enjoy!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD