Isany's Pov
I'm still waiting for Jacob na umuwi. Nasaan na ba siya? Kanina pa siyang umaga umalis ng bahay. Nag aalala na ako. He's not even answering his phone. Ano bang meron? Mag a-alas kwatro na ng hapon.
*Dingdong*
Tumayo ako at binuksan ang pinto sa pag aakalang si Jacob iyon pero hindi. Bagkus, mas nagulat ako nang makita ko ang kapatid kong mugto ang mata na parang galing lang sa pag iyak.
"Oh ano nangyari sayo?" Tanong ko sakanya. Pinapasok ko siya sa loob at pinaupo ko siya sa sofa. Nang tumabi ako sakanya ay agad niya naman akong niyakap. Anong meron dito kay Rency? Nag away ba sila ni Charisse?
"Nag away ba kayo ni Charisse?" Tanong ko sakanya. Hindi niya ako sinagot pero mas humigpit ang yakap nito saakin. May problema nga ito. Nag sign ako sa katulong na kumuha ng tubig. Agad naman niyang sinunod ito. Pinainom ko si Rency nang tubig dahil nahihirapan na itong huminga.
"Ano nangyari? Tell me.." Kumalma muna siya bago siya nag kwento.
(A/n: Malalaman niyo yung nangyari sa Then and Now.)
"Eh baka naman talagang kailangan niya ng space. Hayaan mo, lilipas din yan." Sabi ko sakanya. Umiling iling naman ito. Nako! Bata pa sila para maranasan yung mga ganitong pagsubok eh.
"Hindi ko kaya ate. Hindi kumpleto yung araw ko pag hindi ko siya nakikita ngayon pang isang linggo nalang at bakasyon na. Paano na? Hindi na talaga kami mag kikita?" Umiiyak nanaman siya. Jusmiyo naman itong kapatid ko. Bakit naman kasi ganito?
Hinayaan ko muna siyang maglaro ng Xbox niya dun sa taas. Ngayon nalang ulit umuwi ito sa bahay. Agad kong tinawagan si Chase pero si Jessica ang nakasagot.
"Hey Sica, nandyan ba si Chase?" I asked her. Chase and Jessica went very well. Pero katulad namin ni Jacob, hindi pa nila iniisip ang kasal nila. Well, mas gusto yata talaga nilang kilalanin muli ang isa't isa.
(Uhh Yeah-- inaayos yung kwarto ni Charisse. Umuwi kasi dito si Cha kasama si Nicole. Ewan ko nga ba..-- Si Rency din ba umuwi dyan?) Yep, we're that close.
"Oo, kaya nga ako napatawag kasi may problema yata yung apat. Pero sige thank you ha? Sige babye" Inend ko na lang yung phone. Sino bang pwede kong tawagan? Muli nanamang tumunog ang doorbell kaya napalabas ulit ako at umaasa ulit na si Jacob yun pero katulad kanina ay nabigo ako pero mas nagulat ako nang si Bryan naman ito. Pinapasok ko siya at pumasok naman siya, syempre.
Ano ba naman ito? Nasan na ba kasi si Jacob?
Isasarado ko na sana ang pinto nang makita ko si Jacob na paparating. Pagkababang pagkababa niya ng sasakyan ay sinalubong ko kaagad siya ng halik. Napangiti naman siya doon.
"Kanina pa kita hinihintay." Malungkot na sabi ko. Kinurot niya naman ang pisngi ko kaya napangiwi ako doon. Pumasok siya sa bahay at sinundan ko siya. Wala man lang hi? hello? Pasok agad? Aba!
"May problema ba?" Tanong ko sakanya. Tinanggal ko ang coat niya. Kaya naman pala ngayon lang siya, dumiretso na siya sa office nila. Buti nalang nilagay ko ang coat niya sa back seat ng kotse niya.
Kumuha ako ng tubig at pinainom ko siya. Pagod na pagod ang King ko.
"I love you." Napangiti naman ako sa sinabi niya. Hindi man siya nag hi o hello. May I love you naman kaagad. Okay na yun. Sapat na ang simpleng I love you para mabawi niya ang mga oras na nasayang kanina.
Nakarinig kami ng kalabog sa taas kaya pareho kaming napatingin doon ni Jacob.
"Ano yun?" Tumingin ako sakanya. May tao ba sa taas? Meron ba? Isipin mo nga Isany!.
"Sinong nandito?" Tanong pa niya. May pinapasok ba ako kanina?
Ting.
"Sila Rency yun!!!!" Tumakbo ako paakyat at agad kong binuksan ang pinto. Nakita ko si Rency na nasa ibabaw ni Bryan. He was about to punch Bryan. Nakita ko namang putok ang labi ni Rency at si Bryan naman ay Putok ang kilay. What's happening?!
"Anong ginagawa niyo?!" I asked them. Agad naman silang tumayo na parang walang nangyari. Seriously?
"Ganyan talaga mag laro ang mga lalaki, my queen." Napatingin naman ako kay Jacob na cool na cool na nakatayo sa labas ng entertainment room. Napaface palm nalang ako. Nag panic pa ako!
**
"Aray ate!" Sigaw ni Rency dahil ginagamot ko ang sugat niya. Gustong gusto kong dagdagan ang mga sugat niya ngayon din dahil sa kabaliwan nilang dalawa ni Bryan. Tina-try pa yata kung manhid na sila! Jusko itong mga batang ito!
"Mag tiis ka! Ginusto mo yan!" Sabi ko sakanya. Nandito nga pala kami ngayon sa sala dahil nga ginagamot ko si Rency at si Jacob naman ang nag gagamot kay Bryan.
"Br-- Uy Ano nangyari dyan?" Napatingin ako sa bagong dating. Si Kuya Joshua pala.
"Kuya Joshua, ikaw nga kumausap dito." Sabi ko sakanya. Kinuha niya naman saakin yung mga panglinis.
"Ano bang nangyari?" Pag kausap nito kay Rency. Pag nga naman nag karon ka ng baliw na kapatid oh.
"Naglaro lang po kami ni Bryan." Sagot niya. Oh diba? Praning! Praning siya! Hindi siya nagmana saakin. Kanino ba yan nagmana? Hindi naman ganyan si mama o kahit si papa. Nako!
"Easy Sister, naglaro lang naman pala sila eh." Sinamaan ko ng tingin si Kuya Joshua. He winked at me at ngumiti. Mga lalaki talaga, buti pa sila nag kakaintindihan pero bakit kaming mga babae hindi nila naiintindihan?
Tumingin ako kay Jacob. Sakto naman tumingin din siya saakin. Ngumiti siya saakin. Eeeehh Kinikilig ako! Kahit na tatlong taon na kami ni Jacob, hindi parin mawala saakin ang kiligin sa mga simpleng bagay na ginagawa niya.
"Jacob..-- Oh ano nangyari? Gera?" Napatingin nanaman ako sa dumating. Bakit nandito si Joanna?
"Oh Joanna, anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sakanya pero imbis na pansinin ako ay pumunta siya sa kinaroroonan ni Jacob.
"Alam mo na bang nandito na si Angelika?" Tanong niya saakin. Napataas naman ang kilay ko. Hoy Joanna baka hindi mo naman nalalaman, nandito lang ako oh!
"Oo, nagkita na kami nung isang beses sa mall at kaninang umaga. Nakasalubong ko siya." Wala sa mood na sabi ni Jacob. Ano daw?! Nag kasalubong sila kanina pero bakit hindi man lang niya sinabi saakin?! Aba Jacob!
"Bakit hindi mo sinabi sakin?" Tanong ko kay Jacob pero hindi naman niya ako pinansin. Tinignan niya lang ako at bumalik na ulit sa ginagawa niya. Ang tagal namang linisin yang sugat na yan! Dagdagan ko yan eh!
"Teka..-- Ako dapat mag tanong niyan Isany. Bakit hindi mo sinabi sakin?" Tanong ni Joanna kay Jacob. Pero tulad nang ginawa niya saakin ay tinignan niya lang ito at bumalik sa ginagawa niya.
"Eh ngayon ka lang naman nag tanong sakanya." Singit ni Kuya Joshua na ngayon ay nilalagyan na ng band aid ang sugat ni Rency. What?! Bakit nilagyan ng band aid ang sugat sa labi? Jusme! Hindi ko na maintindihan ang mga nangyayari sa mundo. Mixed up na lahat ng utak ng mga tao!!
"Ah so nagkita na kayo nung clown na yun?" Tanong ko kay Joanna. Sinamaan niya ako ng tingin.
"Wag mo ngang ganyanin si Angelika. She's my best friend way back then." Oh kaya naman pala parehong linta eh.
"Talaga? Oh Gosh, naniniwala na talaga ako sa kasabihan na, birds with the same feather, flocks together. Yieh! Super bagay kayo maging besties!" Pang aasar ko pa. Ang bad ko talaga.
"Shut up." Maarteng sabi ni Joanna. Napaupo naman ako sa isa pang sofa at napahilamos ng mukha. Nakaka-stress talaga pag nakikita ko si Rency.
"Ate paki linis nung kwarto ko, dito ako matutulog." I give him with unbelievable look. Sino ba ang mas matanda dito? Siya ba?
"Sino bang mas matanda saatin Rency ha? Ikaw ba?" Pag tataray ko sakanya. Lumapit naman siya saakin at nagulat ako nang yakapin ako nito.
"I love you ate. Sige na." Napabuntong hininga nalang ako. Ganto din ba kayo sa mga kapatid niyo? Yung tipo na kahit galit kayo sakanila, hindi niyo parin sila matitiis? Mga Ate's boy or Kuya's girl. Ganon ba?
"Oo na sige na!" Minsan talaga sa buhay, kailangan mong mag sakripisyo. Mag sakripisyo ng kaligayahan mo o ng kahit ano para sa ibang tao.
Ganun kasi talaga, sa buhay kailangan palaging ikaw ang talo. Kasi pag hindi ka talo, hindi ka naman matututo. Kaya in the end, kailangan din nating tanggapin na ang magiging kakampi natin ay ang ating sarili rin. Wala na tayong magagawa kung ayun talaga ang nakatadhana. Kung yun talaga yung dapat at kung ayun talaga ang gusto ng Diyos para saakin.
Sana..-- Sana. Sana kayanin nung apat kung ano man ang challenge na hinaharap nila ngayon. Sana.. Sana hindi sila kaagad sumuko, katulad ng ginawa ko noon. Sana...
~~
A/n: At dahil hindi ko matiis. Ginawa ko na kaagad yung book cover nung tatlo para makapag update