Angelika's Pov
Iiihh Like I wanna cry na talaga because they're so annoying! They're so nakakaasar. I super swear! Hindi nila ako sinusuportahan kay Baby Jacob ko. Like, errr.
"Hey Angelika. Will you please stop!" Umupo naman ako sa sofa dahil pinapatigil niya ako sa pag lakad lakad. This girl! Purkit hindi na sila pwede ni Joshua! I really hate Ann!
"What's your problem?!" Inis na tanong ko sakanya then I make taray to her.
"Yang kaartehan mo! Tigil tigilan mo yan." Umirap naman siya saakin. Argh! Kung hindi sila gagawa ng paraan, then I will do it on my own!
In this story, I'm the protagonist. Ako ang bida. Ako ang maganda. I will surely make Jacob mine again.
"Hindi naman siya naging sayo." Singit ni Mika. Seriously? I just wanted to pull her hair off her head para wala na siyang maipagmalaking buhok sa parents niya.
"Shut up!" Gigil na sabi ko at umakyat ako ng kwarto ko.
**
I woke up early in the morning. Ginawa ko na ang beauty daily routine ko. Lumabas ako ng bahay at nag jogging. And to my surprise, I saw Jacob coming at nag j-jogging din siya. He's not with Isany. Grab the chance Angelika. Fate is with you.
"Hey.." Tumigil siya at tumingin saakin. I smiled. The seductive one. I'm sure Jacob can't resist my beauty.
"Hey." He smiled and was about to jog away but I held his arms kaya napatingin ulit siya saakin.
"What do you want Angelika?" He coldly asked me. Oh no Honey, wrong question.
"You know what I want Jacob.. I mean-- WHO I want. It's you. Only you." I said. Hindi parin nag babago ang mukha niya. He's really handsome. Parang hindi siya tumatanda besides, mukhang bumabata pa siya sa itsura niya. Ano bang sikreto nito? Nakakainlove siya.
I still remember that day na dapat pag uusapan namin ang kasal but that B*tch came and everything is messed up. I've been in love with this man ever since batang bata pa siya. I don't know what happened kung bakit si Joanna ang pinili niya. Yes, I know Joanna. Joanna and I were used to be friends bago pa siya makilala ni Jacob.
Well, hindi ko naman siya masisisi dahil hindi niya naman alam na may lihim na pag tingin ako kay Jacob. Jacob was my puppy love. Yun ang akala ko, kasi nga bata pa ako nung nakilala ko siya at akala ko hanggang simpleng crush lang yun but as time passed by, I realized na mahal ko pala siya.
"You can't have something dahil lang gusto mo, Angelika. Hindi lahat ng kailangan mo, gusto mo. At hindi lahat ng gusto mo, makukuha mo. Please, let me go." Binitawan ko siya. Sinuksok niya ang earphones niya sa tenga niya at umalis na ulit.
No Jacob, hindi ako ganun kadaling sumuko. Alam ko, one day mapapasakin ka ulit. Oo tama ka. Hindi lahat ng kailangan mo, gusto mo. Pero hindi rin lahat ng nangyayari sayo ay gusto mo. Kaya kahit ayaw mo, mapapasakin ka. Hindi ako titigil hangga't hindi kita nakukuha.
"Angelika?" Napatingin ako sa tumawag saakin. Hindi ko expected kaya naman napatingin ako ng matagal sakanya. Is this really fate?
"Oh.. Joanna." Nakangiti kong sabi sakanya. May dalawa siyang babaeng kasama.
"Kamusta ka na? Ang tagal nating hindi nag kita. Kailan ka pa bumalik from Singapore? Hindi ka naman nag sabi saakin. Would you mind? Let's go have some coffee." She's the same old Joanna na nakilala ko. Walang kaarte arte sa katawan. Hindi siya naka make up ngayon. Tumango nalang ako at sumama na sakanya. Wala na akong panahon para makahindi dahil hinila na niya ako.
**
Nakarating kami sa coffee shop kung saan madalas kami noon. Buhay pa pala ito? Buti naman dahil masarap talaga ang kape nila dito.
"So as I was asking a while ago. Kailan ka pa dumating?" Tanong niya nanaman saakin.
"last year pa ako nandito sa Pilipinas." Sabi ko sakanya. Hanggang ngayon ay hindi ko pa kilala ang dalawang babaeng kasama niya.
"Oh. Bakit hindi ka nag sabi?" Tanong niya pa ulit.
"Wala naman akong number mo na. Ikaw? Kamusta ka na? Hindi ka parin nag babago." Natawa naman siya ng mahina sa sinabi ko. What? May problema ba?
"Hay nako. By the way, Ito nga pala si Kezza and this is Kerizza. Friends ko sila nung pumunta ako ng London." Napatango tango naman ako. So, kambal pala sila? Hindi masyadong halata pero keri lang.
"Hello, ako si Angelika." Nag hi hello naman kami sa isa't isa. Nag kwentuhan at kung ano ano pa.
"You wouldn't believe what I did 11 years ago." 11 years ago? That's a very long time. Pero bakit parang nagkainteres ako?
"Joanna! Akala ko ba we'll leave everything behind na?" Tanong naman ni Kerizza.
"Oo nga pero alam mo yun? Hindi ko parin maiwasang matawa dahil hindi ako makapaniwala na nagawa ko ang bagay na yun. I've been obsessed with Jacob." Bakit parang gusto ko yatang malaman yung ginawa niya?
"So Anong ginawa mo?" Interesado kong tanong sakanya.
"Sinira ko silang lahat. B*tchy right? Well, nag tagumpay naman ako dahil nakuha ko ulit si Jacob kaso, his love for Isany is so strong that I can't break it." Nakuha niya ulit si Jacob? Sinira? Anong kabaliwan naman ang ginawa nitong si Joan? Don't tell me na dinamay niya yung tatlong kapatid ni Jacob?
"Wait..-- eh Ano na nga palang nangyari dun sa boyfriend ni Isany?" Ang alam ko kasi meron siyang boyfriend. Yung kasama niya doon sa dinner namin ng parents nila.
"Si Chase? Haha. Dinamay ko rin siya sa ka-obsessed-an ko kay Jacob. Nasira ko din sila." Oh Gosh this girl. Hindi ko yata kayang gawin ang ginawa niya. She's so evil. But she well then succeed pero sobra naman yata.
She ruined every relationship of the Buenaventuras. She's just so unbelievable! Hindi ako makapaniwala na ang best friend kong mahinhin noon ay makukuhang gawin yun for someone like Jacob. But me? Oo, kung gugustuhin ko ay magagawa ko din yun pero ewan ko, parang hindi ko kayang mag suffer ang ibang tao nang dahil sakin. Bukod nalang kay Isany, pwede pa.
Pero hindi ko idadamay sila kuya Mike sa kahibangan ko. Baka sila Mika pa ang pumatay saakin pag nagkataon na idamay ko ito.
"But, pinagsisihan niya na yun." Sabi naman ni Kezza. Mabuti naman, pero kahit na. Nagawa niya parin.
"So kamusta naman kayo nila Isany ngayon?" tanong ko sakanya.
"Well, We're not friends pero hindi rin kami enemies. But itong isa dito, masyadong nag mamaganda at jinowa ang best friend ni Isany na si Jacob Francisco." I laughed at the thought. Hindi naman mahilig si Isany sa mga Jacob ano? Pati best friend niya ay pinangalan sa kapatid niya. So unbelievable.
"Ganun talaga pag maganda." Sabi ng isa sa kambal. Okay, now I know na nakakalito nga talaga silang dalawa. Medyo may hawig din.
**
Natapos kaming mag coffee nila Joanna. Nag paalam na ako na uuwi na ako. Pumayag naman sila kaya nag jog ako pabalik sa bahay. Pag pasok ko ay nasaakin ang mga mata ng mga baliw na ito.
"Oh bakit?" Tanong ko sakanila. Ang lakas nila ah.
"So, sino naman yung kasama mo kanina?" Bakit ang bilis nilang makasagap ng issue? Nakakainis.
"Yung kaibigan ko dati. Si Joann--" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang sumingit si Erianna.
"Yung naging girlfriend ni Jacob. Tama ba?" Tumango naman ako. Bakit ba kailangan pa nilang ipamukha saakin na naging girlfriend ni Jacob si Joanna? Badtrip naman oh.
"So ano, nakwento niya ba sayo how did she captured Jacob's heart?" Natatawang tanong ni Ann. Yes Ann, she did.
"None of your business!" Alam ko kasing pag kinwento ko, baka gawin din nila. I can't let that happen. Baka mapatay pa nila si Joanna if ever.
But one thing is for sure, I will make Jacob mine. I promise. Even if it will make me the real evil in this story. I will make him love me.
~~
A/n: So ito na yung chapter 1. Sana magustuhan niyo talaga itong book 2 trying hard ako dito promise hahaha.
Vote and comment :)