Joshua's Point Of View "Jacob, anak!" Halos lahat kami ay hindi humihinga at hinihintay ang magiging response ni Jacob. Luminga linga muna siya sa paligid. Ang bilis ng t***k ng puso ko tila ba parang gusto niya nang kumawala sa dibdib ko at magtatatalon sa tuwa dahil gising na ang kapatid ko ngunit sa kabilang banda ay nakakaramdaman ako ng kaba sa hindi ko malamang dahilan. "Sino kayo?" Parang biglang tumigil sa pag t***k ang puso ko at namatay ang kaligayahan nito nang magsalita siya. Hirap pa siyang mag salita. Napatulala nalang ako sakanya at hindi ko na alam ang sunod na nangyari. Ang alam ko nalang ay nandito sa harapan namin ang doktor niya at pinapaliwanag ang maaring nangyari sakanya. "Nag react ang brain niya sa nangyari kaya nagkaroon siya ng dissociative amnesia. Hindi ko p

