Mike's Point Of View Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko habang tinitignan ko si Isany na chine-check ng doktor. Kinausap niya si Kuya Joshua. Biglang dumating si mama. Sakanya na dumiretso si kuya Joshua matapos ang usapan nila noong doktor. Nakatingin lang ako kay Kuya pero hindi ko naiintindihan ang mga sinasabi niya. Bakit ganoon? Bakit wala ring maalala si Isany? Ang sakit sakit sakit. "Magiging maayos din ang lahat, Mike." Sabi ni Christine at hinagod pa ang likod ko. Dumating naman si Edison kasama si Mica. "ISANY!" Sigaw ni kuya Edison sabay takbo kay Isany. Binalik ni Sheira si Kuya Jacob sa kwarto niya dahil makakasama sakanya ang frustration. "Sino ka?" Tanong ni Isany sakanya. Napapikit ako doon. Hindi ko kayang marinig iyon kahit kanino sakanilang dalawa. Tinutusok an

