Jess' Pov
Nandito na kami ngayon sa Pilipinas. Bakit nga ba kasama ko ang aking pinsan na si Gane? Kasi habang nasa Paris ako ay siya na ang naging tour guide ko doon. Nasabi pala niya saakin na kilala niya si Isany. Hindi ko expected na makikita ko siya don. Makalipas ang ilang taon ay nag yaya siyang umuwi ng Pilipinas, may babalikan daw siya dito na iniwan niya many years ago. Pumayag ako dahil namiss ko din ang kapatid ko.
"Hay nako Gane! Hindi mo naman sinabi saakin na babalik ka na pala." Sabi naman ni Joanna sa kadadating lang na si Gane. Umihi kasi siya.
"Oh bakit ganyan ang mukha mo insan?" Napatingin naman ako sa sinabi ni Sica. Tumingin ako kay Gane at parang malungkot ang mga mata niyang hindi ko maintindihan. Anong meron?
Napansin kong lumabas din ng bahay si Kezza at Kerizza. Bakit?
"Gane?" Tumingin saakin si Gane at ngumiti.
"Bakit Jess?" Natatawa niyang tanong. Umiling naman ako. Kung gusto niyang sabihin ang isang bagay, sasabihin niya.
**
Tumayo na ako para mag salita. Ang isang comeback speech ng tunay na Dyosa. Ay Charot lang.
"Hello guys, salamat sa pag punta niyong lahat. Actually wala talaga akong alam dito. Nagulat nalang ako na may ganito pala. So Thank you sa mga nag tulong tulong mag organize nitong party na ito. Masaya ako kasi nandito kayong lahat. Nag sama sama nanaman tayo. Many years ago, nagulantang ang lahat sa ginawa ng mabait kong pinsan." Natawa naman ako.
"Pinag sisihan ko na yun!" Sigaw naman ni Joanna. Nag tawanan naman ang lahat. Nag kapatawaran na din naman ang lahat at mas piniling kalimutan nalang ang mga nangyari.
"Umalis si Jacob at si Jacob. Sinundan ni Kezza si Jacob Francisco at naging sila. Ni-recommend ako ni Isany sa manager niya sa Paris at mas piniling i-give up ang career niya para masamahan yung mga bata dito. Ang daming nangyari at ngayon, mas pinili kong bumalik para sa pinsan kong si Gane." Nag palakpakan naman sila at tumayo naman si Gane.
"Siya talaga yung nag convince saakin na bumalik na dito sa Pilipinas dahil may babalikan daw siya na matagal niyang iniwan noon pa. Pinagsisihan niya daw yung mga nangyari at kung ano ano pa. Akala ko nga nung una ay isang bagay lang ito pero hindi, tao pala ang tinutukoy niya." Sabi ko pa. Si Gane naman ang nagsalita.
"It's been how many years ever since nung huli ko siyang nakita. Masaya ako kasi nandito na ako ngayon and I got a chance para makabawi sakanya. Hindi ko pa napapakita sakanya kung gaano ko siya kamahal. At alam kong nasaktan ko siya nung panahon na niloko ko siya pero gusto ko lang sabihin sakanya na.. Bumalik ako para sakanya." Nag 'aww' naman ang mga tao. Pero napapansin kong walang reaksyon si Kezza at Kerizza. Hindi kaya?
"Ayiieeh! So who's the girl?" Tanong ni Isany. Tumingin naman si Gane kay Kerizza.
"Hindi ko pa muna sasabihin sa ngayon. Basta, nakita ko na siya." He said.
**
Natapos ang party. Nag ayos at nag linis muna kami ng lugar. Umuwi na sila Shei, Christine at Mica kasama ang mga hubby at anak nila. Naiwan kami ni Gane dito kahit na pagod na pagod na ako.
"Aalis na kami ate Jess." Paalam ni Kezza at Kerizza. Tumango naman ako. Nakipag beso pa ako sakanila.
"Mag iingat kayo." Sabi ko. Biglang sumulpot si Gane sa tabi ko at tumingin ulit kay Kerizza.
"Oo nga, mag iingat. Ka..yo." Sabi nito.
"Thanks." Simpleng sagot ni Kezza.
"Kerizza. Okay ka lang ba?" tanong ko sakanya. Tumingin naman siya saakin at ngumiti.
"Okay lang ako ate." Simpleng sagot naman niya. Napansin kong hindi naman umiimik itong si Gane.
"Sige na, umuwi na kayo at late na." Tumango naman si Kezza at umalis na sila.
Sunod sunod na din nag alisan ang mga bisita.
"Isany!" Tawag ko kay Isay. Tumingin naman siya saakin at lumapit.
"Bakit ate?" Tanong niya.
"Thank you." Ngumiti naman ito saakin.
"Welcome. And Welcome back!" Masayang bati niya. Iba talaga ang confidence nitong babaeng ito.
"Oppa! Dito na ako matutulog!" Rinig kong sigaw ni Sunny kay Jacob. Tumingin naman sa bandang don si Isany.
"Nako, sige ate. Aayusin ko pa yung kwarto ni Sunny." Sabi ni Isany. Tumango naman ako. Nag paalam na kami na uuwi na. Nag offer pa ng hatid si Jacob pero hindi na ako pumayag dahil kasama ko naman si Gane.
**
Nasa sasakyan kami and no one dared to talk. Kasama ko si Jessica at Joanna dahil sabi nila ay doon daw muna sila matutulog sa bahay namin dahil namiss nila itong si Gane. Si Gane talaga ang namiss nila, hindi ako.
"Gane, sino yung babalikan mo dito?" I randomly asked him. Tumingin naman siya sandali saakin pagkatapos ay binalik na sa daan ang tingin niya.
"Alam mo? Hindi mo naman matatago yan saakin eh. Sabihin mo lang, I'll keep it a secret." Sabi ko pa sakanya. Bumuntong hininga naman siya. Alam ko namang hindi niya sasabihin saakin eh. Binibiro ko lang siya.
"It's.. Kerizza." Nagulat ako nang sabihin niya. Hindi ko expected.
"Kerizza? Bakit?" Tanong ko pa. Tulog na yung dalawa sa likod kaya hindi nila naririnig ang sinasabi ko.
"Iniwan ko siya. Pinamukha ko sakanyang two timer ako pero hindi. Hindi ko naman siya talaga niloloko eh. Mahal na mahal ko siya. Pero nung nakipag hiwalay siya saakin, akala ko hindi talaga siya for me. Pero hindi eh, mahal ko parin siya from then and now. Kaya gusto kong bumalik kasi gusto ko siyang balikan. Pero nung magkita kami kanina sa may Dining area, parang galit na galit siya saakin. I even hugged her pero wala, dumating si Kezza and she pushed me away." Pag eexplain pa niya. How sad naman ng storya ng pinsan ko. Too bad I'm not there to support him. Hindi ko naman kasi alam eh.
"Aigoo! Bakit hindi sinabi ni Kerizza sakin yung about sayo?!" Nagulat ako nang magising si Joanna.
"Joan?" Tinignan ko siya.
"That B*tch! She owe me a story about what happened!" Inis na singhal niya.
"Don't force her to tell everything. Balita ko she got her trauma after what happened." Simpleng sabi naman ni Gane. Maybe that's why he decided to stay in Paris for good. Para sa kapakanan ni Kerizza. He really loves him that much. He even managed to sacrifice everything for her.
"Ano?! She got trauma?! Hindi ko din alam yun!" Pag mamaktol pa ni Joanna. Etong si Joan, mas iniisip pa yung hindi niya pag alam dun sa kwento kaysa dun sa kapakanan nung kaibigan niya. Isn't she supposed to ask how Kerizza is? Aish! Mas iniisip niya pa yung mga balita na dapat niyang malaman eh.
"Shut up Joan, mamaya magising si Sica eh." Sabi naman ni Gane.
"Kanina pa ako gising." Sabi naman ni Jessica at bumangon. Nag kusot kusot pa siya ng tenga niya dahil daw rinding rindi siya sa boses ni Joanna.
"We're here." Sabi naman ni Gane. Bumaba na kami ng kotse at dumiretso na sa kanya kanyang kwarto. At Syempre, dahil dito din muna matutulog si Joanna, iisang room lang muna kaming apat. They really miss each other.
"It's been a very tiring day." Sabi ni Gane at humiga na kaagad sa kama. Yung dalawa naman, nakatulog na kaagad doon sa foam na nilatag ko. Hindi na nagawang mag palit ng damit, baboy tong dalawang to.
Nag shower muna ako bago ako natulog. Pag labas ko ng CR ay tulog na din si Gane pero nag palit naman ito ng damit kahit papano. Pumwesto na ako sa tabi ni Gane at natulog nalang din.
May mga bagay palang hindi mo ineexpect na mangyayari pero minsan, ito pa yung meant to be na mangyari.
Minsan naisip ko lang. Ang pagmamahal ko kay Chase at ang pag mamahal ni Jessica kay Jacob. Ito ang nag hudyat para magawa ni Jessica ang isang bagay na hindi niya naman gustong gawin. Ang pagsira kay Chase at kay Isany. Nakilala namin si Isany. Pero hindi pa pala ito ang katapusan ng storya. Nagkaron ng komplikasyon sa mag kakapatid dahil si Jacob ay nagkaron ng unexpected feelings kay Isany. Nawala pero bumalik. Hindi inaasahan na may Joannang dadating. Masakit pero kinaya din. Si Joanna ay may kasamang Kezza at Kerizza. Bumalik si Isany sa Pilipinas kasama si Jacob Francisco at sa hindi inaasahang pagkakataon, si Francisco ay dating minahal ni Kezza at ngayon ay sila na. Makalipas ang ilang taon, nandito ako at sinama si Gane sa pag uwi ko. Sa hindi muli inaasahang pagkakataon ay ex ni Kerizza si Gane.
Kung pupunta naman tayo sa mga bata. Si Charisse ay may manliligaw na si Rency. Si Rency ay hindi inaasang kapatid ni Isany.
Hindi ba parang coincidence lang ang lahat? O baka naman may dahilan talaga kung bakit kami konektado?
~~
A/n: Bakit nga ba? Hmm...
Ayan updated na. Huhuhu Sorry kung natagalan dahil may sakit ako. Sorry talaga guys. Inupdate ko na din yung Then and now para pambawi. hihi Love you <3