IX

1240 Words
Erin's Pov Kanina pa ako nag babalot ng kung ano ano dito. Sobrang effort ko naman dahil nag hanap pa talaga ako ng black na colored paper para gumawa ng envelope. Kailangan kong gawin to. Para sa kapatid ko. Para sa pamilya ko. "Erin.. Anong ginagawa mo? Bakit nag sasayang ka ng panahon gumawa ng mga ganyan ganyan? Eh kung nag papakilala ka na kaya kay Jacob para makuha mo na siya, ano?"  Tumingin ako kay Daddy. I don't know kung bakit may daddy akong ganito. If Orion is here, I'm sure hindi siya matutuwa sa nangyayari. "I will dad. Just wait." Sabi ko sakanya. Ngumiti naman si daddy at lumabas na ng kwarto ko. Nang matapos ko ang gagawin ko ay kinuha ko na ang bag ko at nag palit ako ng damit. Tumingin muna ako sa labas kung may tao ba at nang masigurado kong wala ay binuksan ko ang bintana at tumalon doon. Pasimple akong lumabas ng bahay. I can do this. Pumunta ako sa isang abandoned building at umakyat sa rooftop. Doon muna ako nag stay for a while. Kailangan kong lumanghap ng healthy na hangin at syempre ng lakas ng loob. Ruining someone's relationship is not my thing pero anong magagawa ko? Kailangan kong kumilos kung ayaw kong madamay ang kapatid ko. Nawala na saakin si Orion, ayokong pati si Erianna ay mawala saakin. -- Isany's Pov Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mata ko. Sobrang nakakapagod talaga ang party kagabi. Hindi ko na tuloy nai-hatid si Charisse at Nicole sa airport. Mamimiss ko ang dalawang iyon. "Good morning sweetie." Napatingin ako sa taong humahalik halik sa buhok ko. "Good morning." Bati ko pabalik sakanya. Niyakap niya ako at niyakap ko naman siya pabalik. "GOOD MORNING!!!!" Napabangon kami pareho nang marinig ang boses ni Sunny. "Good morning Sunny." Bati ko sakanya. Tumakbo naman siya papunta saamin at tumalon sa kama. "Don't be super sweet in front of a young girl. You might influence them." Natawa naman kami ni Jacob sa sinabi ni Sunny. Naglikot likot pa siya dun sa kama nang bigla siyang tumigil. "What's that?" Turo niya sa bintana. Tumingin naman kami pareho ni Jacob doon. May nakita akong black envelope na naka ipit sa window. Tumayo ako at kinuha ito. Tinignan ko kung para kanino, para saakin. Binuksan ko ito at binasa. Dear Isany, Get ready. History will repeat itself. Way back 8 years ago. Tears will stream in every face of your loved ones. Sad to say that you and Jacob won't have your happy ending. Love, Rinessme Rinessme? Is this her name or her codename? Pero wala naman akong kilalang Rinessme. Lumapit saakin si Jacob at kinuha yung letter. Binasa niya ito at nilukot. Tinignan ko siya. Galit na galit niya. Huling beses na nangyari ito saamin, it was Joanna. "Sino nanaman ba to?" Tanong ni Jacob. Tumingin ako kay Sunny na ngayon ay nakakunot ang noo. "What is it?" Tanong ni Sunny at pilit kinukuha ang letter. Iniiwas naman ito ni Jacob. "Sunny, go to your room muna." Sabi ni Jacob. Tumango naman si Sunny at lumabas ng kwarto. Umupo si Jacob sa kama at kinuha ang phone niya at may tinawagan. "Sinong tinatawagan mo?" I asked him. Tinaas niya naman ang kamay niya na para bang sinasabing wait lang daw. Tumahimik ako hanggang sa mag salita siya. "Hello Joanna, ikaw ba ang nag padala ng letter dito sa bahay?" Tanong niya. Joanna? Pwedeng siya pero parang hindi naman. Masyado na siyang nagsisisi sa ginawa niya and I'm very much sure na hindi niya na uulitin yun. "She can't do that." Bulong ko. "Ah sige. Sorry, thank you." Binaba niya na ang phone niya at hinagis sa basurahan ang letter. Lumapit ako sakanya. "Magiging okay din ang lahat." Bumuntong hininga naman siya. Sino kaya siya? Parang wala naman akong alam na may gagawa nito. Si Angelika? Imposible na posible. Pero paano naman niya magagawang malaman ang nakaraan ko? Parang napaka galing niya naman kung pati yung nangyari ay alam niya. -- 3rd person's Pov Problemadong problemado si Jacob at Isany. Tinawagan nila ang mga kapatid nila upang ipaalam ang natanggap nilang liham nung umaga lang. Samantalang si Erin naman ay hindi mapakali sa kanyang kinatatayuan. "I did it." Parang baliw na sabi niya dahil tumatawa ito habang may tumutulong luha sa kanyang mata. Hindi niya gusto ang kanyang ginawa ngunit para sa pamilya ay gagawin niya. Handa siyang sumira ng matatag na relasyon para sa ikatatahimik ng kanyang ama. "I'm proud of you." Sabi ng ama niya kahit pa hindi pa nito tuluyang nasisira sila Jacob. Tumingin si Erin sa kanyang ama at umalis nalang bigla. Pumunta si Erin sa puntod ng ganyang kapatid na si Orion at kinausap ito. "Bro, tell me na mali ang ginagawa ko. Please tell me kasi mababaliw na ako." Sabi nito na para bang naririnig siya ng kanyang kapatid. "Wala na akong ibang alam na paraan kundi akuin nalang ang responsibilidad ni Erianna. Ayoko na madamay pa yung bunso natin. Pero Orion, paano naman ako? Paano ako at si Levi?" si Levi ang kanyang karelasyon na hanggang ngayon ay hindi niya pa nasasabi ang plano niya. "Hindi ko na alam. Tulungan mo ako Orion." Umiiyak na sabi nito. -- Ervin's Pov Ilang oras akong nag hintay sa park kung saan madalas kong nakikita si Erianna pero wala siya. Hindi siya napadaan. Siguro wrong timing lang talaga ako. Tumayo na ako at umalis na sa park. Sana naman bukas nandito na siya. While I'm on my way home, nakasalubong ko si Isany. "Uy!" Bati niya saakin. Pa-uy uy nalang siya ngayon. Samantalang dati kung maka-babe yan wagas. Pero naiintindihan ko naman dahil in a relationship na siya kay Jacob. "Uy babe haha." tumawa naman siya at kumapit saakin. "At dahil nag kita tayo ngayon, libre mo ko." Natawa naman ako sakanya. Wala paring ka-kupas kupas ang kakulitan niya. Dinala ko siya sa Jollibee kung saan kami madalas nung mga 15 palang siya. Pag dating namin don ay nag order na kami at humanap ng sit. "Namiss ko to. Walang ganito sa London." sabi ko pa sakanya. Ngumiti naman siya at nagpatuloy lang sa pagkain. Hindi ko na makakausap ng maayos to dahil kumakain na siya. Nag ring naman bigla ang phone niya. Agad niya itong sinagot. "Hello?" sagot niya kahit puno pa ang bibig niya. Uminom naman siya ng coke para malunok niya lahat ng pagkain na nasa bunganga niya. Itong babaeng ito, ang takaw takaw pero napaka payat. Saan niya kaya iniimbak yung nilalamon niya? "Oh My King, I'm with kuya Ervin. Nakasalubong ko lang siya. Aww-- Baby wag ka ngang mag selos sa sarili mong pinsan. Hahaha I know I know. I love you too. See you later honey." She ended the call. Natawa naman ako, hindi ko man marinig ang sinasabi ni Jacob, alam ko na naman ang ugali ng pinsan ko. Napaka seloso talaga nun. I'm glad na si Isany ang nakatuluyan niya. I'm not against them. Even though nakilala ko sila as magkapatid. Boto parin ako sa love story nila. Wala eh, that's life. I love them both. Pero sa ngayon, si Erianna ang mas mahal ko. But I don't know if she feels the same. Bakit kaya hindi siya nag punta sa park ngayon? ~~ A/n: I'll be needing OPs for Jacob B, Jacob F and Chase Perez. PM me if interested. Thank you <3
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD