X

1252 Words
Joanna's Pov Everyone thinks that naka move on na ako. Pero hindi parin. And now, Angelika is back. Ewan ko. Pakiramdam ko kailangan kong bakuran si Jacob. Jacob is Mine. Although it hurts to see him with Isany. "Hoy! Ano nanamang iniisip mo?" Tanong saakin ni Gane. Umirap naman ako sakanya. "Kailan ka pa naging super pakielamero?" Tanong ko dito. Nag isip lang ako ulit. Kailangan ko siyang maunahan sa pag kuha kay Jacob. Hindi pwedeng siya ang mauna. Hindi pwedeng siya ang mag wagi. Hindi pwedeng mapunta sakanya si Jacob. Kung hindi saakin, dapat kay Isany lang. Hindi pwede sakanya. "Ngayon lang dahil malulunod na ako sa iniisip mo. Napaka lalim." Sabi pa ni Gane. Inambaan ko naman siya. "Okay shut up na nga eh." Umirap nalang ulit ako sakanya at lumabas ng bahay. Pumunta ako sa isang abandoned building at pumunta sa rooftop nito. Favorite place ko ito pag may problema ako. Habang nililipad ang buhok ko ng malakas na hangin, napatingin ako sa lapag at nakita ko ang isang black envelope. Sa tingin ko ay own made envelope ito. Tinignan ko ito at walang laman. Sinong praning ang gagawa ng black envelope? Ako. Oo. Pero noon pa yun nung nag panggap akong si Black beauty.  Nilagay ko sa bag ko ang envelope tapos nagpatagal pa ako sa rooftop pero agad din akong umalis. That morning, tumawag saakin si Jacob at tinanong ako kung saakin daw galing ang letter sa black envelope. Tumanggi ako dahil hindi naman talaga saakin iyon galing pero hindi ko naiwasang mapaisip din sa tanong niya. Sinong desperada nanaman kaya ang gagawa nito sakanila? Iniwan ko ang bag ko sa sala at lumabas ulit ng bahay. Kailangan kong makipag kita kay Angelika. ** Nakarating ako sa tapat ng bahay nila. Agad akong nag door bell at si Erianna ang nag bukas. "Oh, pasok ka." Sabi niya. Pumasok naman ako. Pinaupo ako ni Erianna sa sala at tinawag niya si Angelika. Bumaba naman ito kaagad. Sinalubong niya ako ng yakap pero napansin niya yatang seryoso ako kaya umupo din siya sa sofa. "So anong meron?" Tanong niya saakin. "Angelika, ikaw ba ang nagpadala ng black letter kay Isany?" Halata namang nagulat siya sa sinabi ko. "Black letter? Wala akong alam dyan. Sabi niya.  "Sigurado ka? Angelika, we're friends." Sabi ko pa sakanya. "I swear to mother Earth, wala akong alam dyan Joanna. If ever na magpapadala ako ng letter kay Isany, It will surely an invitation letter for Jacob and my wedding. Bakit naman ako mag aaksaya pa ng oras para magpadala ng black letter sa babaeng yun?" Halata namang sincere siya sa sinabi niya. Lumabas bigla si Erianna sa dining area na may dala dalang juice. Binigyan niya naman ako. "Thank you." Ngumiti naman siya saakin at umupo sa kabilang sofa. "Nakakapag taka lang. Kung hindi ikaw ang nagpadala ng black letter kay Isany. Sino?" Tanong ko sakanya. "Malay ko at paki ko naman? Malay mo masyado lang siyang maraming haters kaya ganon. But I swear Joanna. It's not me." Sabi ni Angelika. "Anong meron?" Tanong ni Erianna. Sakto naman ang pag baba ni Mika at ni Ann. "Hi Joanna!" Bati nila saakin. Binati ko naman sila pabalik. "If it's not you. Then it must be someone.. somewhere." Sabi ko sakanya. Seryoso naman siyang tumingin saakin. But who? -- Erianna's Pov "I swear to mother Earth, wala akong alam dyan Joanna. If ever na magpapadala ako ng letter kay Isany, It will surely an invitation letter for Jacob and my wedding. Bakit naman ako mag aaksaya pa ng oras para magpadala ng black letter sa babaeng yun?" Narinig kong usapan ni Angelika at ni Joanna. Black letter? Sino namang magpapadala kay Isany ng black letter? At anong black letter? "Thank you." sabi ni Joanna nang lumabas ako at bigyan ko siya ng juice "Nakakapag taka lang. Kung hindi ikaw ang nagpadala ng black letter kay Isany. Sino?" Tanong pa niya. Oo nga, sino? Surely, not me. "Malay ko at paki ko naman? Malay mo masyado lang siyang maraming haters kaya ganon. But I swear Joanna. It's not me." Sabi ni Angelika. Kung hindi rin si Angelika, sino? Eh hindi rin naman si Joanna. May iba pa bang taong galit kay Isany bukod saakin? Saamin? Hindi ko na alam. Parang kahit ilang beses kong isipin, hindi ko maisip. Pero paano nga? Kung hindi lang si Angelika at ako ang kalaban? Paano kung may iba pa? Impossible namang si Ann or si Mica yun. Kasi.. Ewan ko basta impossible. Pero sino? "Uy Erianna!" Nabalik ako sa realidad nang alugin ako ni Angelika. "Bakit?" Tanong ko sakanila. "Kako, may alam ka ba or may idea ka kung sino?" Tanong niya. "Wala. Hindi ko alam. At Chaka ano namang paki ko kay Isany at Jacob? Parang hindi ko naman alam." Nag tawanan naman sila. "Totoo nga naman. Bakit nga ba malalaman ni Erianna yun eh kay Mike siya." Sabi ni Joanna. Kay Mike.. Hindi na pwede Joanna. Hindi na pwedeng magpakatanga kay Mike. Kaya kailangan kong gawin ang bagay na ayaw ko naman gawin. "Sus eh hanggang ngayon nga hindi matanggal tanggal sa isip niya si Ervin." Napatingin naman ako kay Angelika. "Shut up." Sabi ko nalang at nag walk out. Simula nung nabasa ko ang letter ni Ervin saakin, iniwasan ko na siya. Sa tuwing nakikita ko siyang nag hihintay sa harap ng bahay namin, hindi ako tumutuloy. Sa tuwing nakikita ko naman siya sa may park, hindi ako dumadaan don. Parang naging habit ko na nga ang hindi siya pansinin. Pero sa araw araw na iniiwasan ko siya, parang lalo lang kaming pinaglalapit. Nung isang beses, muntik ko na siyang hindi mapansin kaya napadaan ako sa Park pero buti nalang ay nakatakbo na ako nang mapansin niya ako. Nung isang beses naman. Hindi ko alam na nag tatago siya sa may gilid ng bahay kaya nung lumabas ako ay tinawag niya ako. Mabuti nalang at dumating si Ate Erin kaya agad akong nakapasok sa bahay nang hindi siya nakakausap. Hindi ko alam kung anong problema niya. Sabi niya ayaw niya na ako ulit makita pero ngayon nag paparamdam siya? Ayoko lang naman sanang masaktan ako. Syempre gusto ko protected ang puso ko sa mga taong katulad niya. Pero syempre, hindi naman araw araw maiiwasan ko siya. Ewan ko ba. "Bes. Sure ka na ba dyan?" Sa sobrang lalim ng iniisip ko, hindi ko namalayan na nasa loob pala si Ann. "Oo naman Bes, there's no turning back. Kailangan ko talagang gawin to. Hindi lang para sa ikatatahimik ko. Kundi para na rin sa ikatatahimik ni Daddy. Ayoko nang magkaron ng utang sakanila. Ayoko na mas lumayo ang loob niya saakin. Kaya I have to take the consequences. Yun nalang ang choice ko." Sabi ko sakanya. "Eh bes, pano si Ervin?" Tumingin ako sakanya. "Bes, Si Ervin ay isang ordinaryong tao lang. Pag in-entertain ko pa siya, baka pareho lang kaming masaktan. Masasaktan ako kasi alam kong hindi naman siya seryoso saakin. Masasaktan lang siya kasi hindi kami pwede. Bes, alam mo namang BUENAVENTURA ang kailangan kong pakasalan diba? At hindi Buenaventura si Ervin. So I have to take it or leave it. I have to accept the truth na Ervin and I aren't really meant to be." Pag eexplain ko sakanya. Besides, kailan ko lang nakilala si Ervin. So Bakit naman ako magpapa-apekto sakanya? "Pero Bes..--" Tinaas ko ang kamay ko sign na kailangan niya nang tumigil. "Bes, okay lang ako. Magiging okay din ang lahat." Sana. ~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD