“Nasaan na kaya ang tao na iyon? Haysss, siya itong nag-aaya tapos siya naman itong wala. Kakainis, hindi man lang nagawang magpaalam kung saan pupunta.” Wika niya sa sarili. Habang paulit-ulit na tinitingnan niya ang kanyang orasang pambisig tsaka ilang beses na rin siya nagbabalik-balik papunta sa gate nila, tinitingnan kung parating ang lalaki pero wala, hindi niya alam kung saan talaga ito pumunta. Tumawag na panaman si Mang Ruben dahil may papatingnan daw sa kanyang parte sa pwesto na hihingin ang kanyang opinyon kaya kanina pa talaga niya ito hinihintay. Pero malapit ng mag-lunch pero wala pa rin ito. Hindi niya alam kung ano ang problema nito at may emergency ba o ano. Hindi man lang nagawang mag chat sa kanya kung ano bang nangyari, bakit nagmamadali ito kanina. Nais sana

