Kabanata 5

1307 Words
Napailing na lamang si Sergio habang nakatingin sa bagay na iniwan ni Recca sa ibabaw ng kama. Hindi niya ma-imagine na magagawa iyon ni Samaya sa sarili, pero iyon ang nais ni Recca ang huwag niyang tabihan si Samaya at hayaan itong paligayahin ang sarili gamit ang laruang iyon. Isang mahaba at matabang d*ldo kasi iyon, na mismong si Recca ang nagbigay sa kanya. Sinabi nito na hindi nito nais na gampanan niya ang pagiging asawa kay Samaya. Bilang asawa, obligasyon naman niya iyon kahit pa nga ayaw niya dahil si Recca lang talaga ang kanyang mahal pero kailangan niyang sundin ang nais nito. May pagbabanta kasi ito na hindi na siya nito kakausapin. Minabuti niyang bumalik na sa balak na pagtulog dahil talagang napagod siya sa ilang beses nilang pagniniig ng kanyang mahal. Lumabas na kasi ito matapos na maka isang round pa sila. Grabe ang kaba niya kanina ng pumasok si Samaya pero ang pasaway niyang mahal, mas ginalingan pa at mas na-excite dahil sa pangyayari. Samantalang siya ay halos atakehin na sa puso, ito naman enjoy na enjoy pa. Minabuti niya na humiga na lamang at ilang sandali lang ay ginupo na siya ng matinding pagod. At tuluyan na ngang nakatulog. SAMANTALA Excited ng umakyat sa kanilang silid si Samaya. Pasado alas nwebe na ng gabi at karamihan ng bisita ay nagsi-uwi na, ang mga natira ay iyong nag-iinom na lang. Kaya naman umakyat na siya at hinayaan na ang mga magulang pati na ang iba pa nilang kamag-anak na mag-asikaso sa iba pang bisita. Nais na rin kasi niyang magpahinga at makatabi ang kanyang asawa. Sigurado din siya na sabik na sabik na ito sa kanya. Kung pumayag lang nga sana ito sa Hawaii sila sana naghoneymoon o kaya kahit sa Boracay na lamang kaya lang ayaw talaga ni Sergio. Mas nais daw nito na manatili na lamang sa bahay at mag-enjoy kasama siya. Syempre kinilig siya sa sinabi nito, aba sino ba naman ang hindi kikiligin sa ganon samantalang inaalala na nito ang gastusin. Ayaw nitong mahirapan siya kaya siguro nais na lamang nito na doon gugulin ang kanilang honeymoon sa mismong bahay nila. Masyado kasing maalalahanin ang kanyang asawa, lalo na pagdating sa pera akala naman eh magagalit siya o magkakaroon ng problema. Samantalang handa siyang gumastos ng malaki para lamang sa lalaki dahil mahal na mahal talaga niya ito. Automatikong napangiti siya ng makita ang kanyang mahal na asawa na nahimbing sa pagkakatulog. Dahan-dahan siyang lumapit dito at balak niyang pagmasdan lang muna ito bago mag-shower. Kaya lang papalapit pa lamang siya ay nagising na ito. “Hi love, buti gising ka na. Magsa-shower lang ako.” nakangiting wika niya dito. “Bakit nandito ka?” kunot noong tanong nito sa kanya. Naaalimpungatan yata ito dahil mukhang naiinis ito habang nakatingin sa kanya. “A-Asawa ko, silid natin ito kya natural lang na nandito ako. Tsaka ano ka ba, hindi mo ba ako na-miss ha. Wala na ang mga bisita kaya pwede mo na akong masolo.” masayang pahayag niya sa asawa. Ngunit napansin niya ang pagsimangot nito sa kanya na tila ba hindi nito nagustuhan ang kanyang sinabi. Para tuloy nais na niyang magtampo sa kanyang asawa pero naisip niya na baka inaantok pa ito kaya hindi nito alam kung ano ang sinasabi. “Inaantok pa ako pwede bang matulog na lang tayo wala kasi ako sa mood.” Malamig ang boses na tugon nito sa kanya. “Ha? S-Sige kung iyan ang gusto mo asawa ko, m-matulog ka na lang diyan.” nauutal na pagsang-ayon niya. Okey na iyon kahit na masama ang loob niya, ayaw na niyang makipagtalo pa. Kaya naman tumalikod na lamang siya dito at hindi niya ipinahalata na masama ang kanyang loob o kaya ay nagtatampo dito dahil ayaw naman niya na masira ang gabing iyon. At iyon ay dahil lamang sa pagtatampo niya dito, oo nga naman baka sobrang pagod ang kanyang asawa kaya hindi nito nais na gawin ang dapat na gawin nilang mag-asawa ng gabing iyon. First night nila iyon kaya napakahalaga niyon para sa kanya. Pero syempre mas mahalaga iyong hindi sila mag-away o hindi sila magkasundo sa unang gabi nila bilang mag-asawa. Naglakad na siya patungo sa pinto ng cr na nandoon mismo sa loob ng kanilang silid. Sa bawat paghakbang niya ay ramdam niya ang bigat ng kanyang dibdib. Parang gusto niyang umiyak at ipaintindi dito kung gaano kabigat ang kanyang nararamdaman. Pero hinamig niya ang kanyang sarili, itinatak niya sa kanyang isipan na siya itong mas malawak ang pang unawa kaya dapat unawain na lamang niya ang sitwasyon at siya na lang ang magpaubaya. Nagpatuloy siya sa paglalakad, nang marating niya ang pinto ng cr, bubuksan na sana niya ang senadora ng pinto ay agad ng naramdaman niya ang matipunong biisig na iyon na ngayon ay nakapulupot sa kanyang bewang. Agad na nagliwanag ang kanyang mukha at ang ngiti sa kanyang labi ay agad na sumibol. Mababanaag sa kanya ang matinding kasiyahan dahil mukhang binibiro nga lang siya ng kanyang asawa. Akala talaga niya ay hindi nito gagampanan ang tungkulin nito ngayong first night nila bilang mag-asawa. Na-excite tuloy siya ng husto. May mga pagano'n pa ang kanyang asawa, tuloy mas lalo sayo na excite dahil sigurado na nga siyang sabik na sabik na din ito sa kanya. “Saan ka ba pupunta asawa ko? Binibiro lang kita tsaka medyo pagod lang talaga ako kaya huwag ka ng matampo diyan alam ko na nagtatampo ka eh, kilala kita.” Wika pa nito na may pagbulong sa kanyang tenga. Pero nararamdaman niya ang init ng hininga nito na nagbibigay ng kakaibang sensasyon sa kanyang kalamnan. Pati na ang marahas na paghinga nito ay tila ba nakakadagdag sa pagkasabik niya sa kanyang asawa kaya naman ang ginawa niya ay humarap siya dito at tila nahihiyang hinagkan ito sa pisngi. Natawa ng pagak ang kanyang asawa tapos hindi niya alam kung para saan ang pagngisi na iyon, kung para ba sa pagkasabik nito sa kanya o hindi nito nagustuhan ang kanyang ginawa. Lalo na ng bitawan siya nito at bumalik ito mag-isa sa kama. Parang gusto na tuloy niya ang sumimangot dahil hindi niya maintindihan ang ugali ng lalaki. Samantalang hindi naman ito gano'n, dati pinapakita naman nito kung gaano ito kasabik na maikama siya. Pero bakit ngayon na may pagkakataon na sila at first night nga nila bilang mag-asawa, heto at parang wala itong ganang gawin ng bagay na iyon. Ginawa niya tuluyan na lamang niyang binuksan ang pinto ng cr para mag-shower na lamang at matulog gaya ng nais nito. Kesa naman para siyang timang na nagmamakaawa dito na gawin ang dapat na papel nito bilang asawa. Inisip na lamang niya na talagang siguro inaantok pa ito kaya ganun kaya ayun kahit labag sa kanyang kalooban. Hindi naniya ito kinontra pa sa nais tsaka hindi rin nakakatuwa yung parang nakakainsulto nitong ngisi kanina. “Ano ka ba naman Samaya, hindi mo ba nauunawaan ang nais ko sabi ko sumunod ka dito hubarin mo na iyang mga damit mo para wala ng sagabal.” wika nito na bahagyang salubong ang kilay mukhang hindi nito nagustuhan na papasok siya ng tuluyan sa loob ng cr. Bigla namang nagliwanag ang kanyang mga mata dahil mukhang mali ang kanyang inaakala. “Okey mahal ko… heto na huhubarin ko na.” Tugon na lamang niya dito sabay ngiti ng pagkatamis-tamis, tsaka niya hinubad ang sariling damit. Hindi sana siya ang gumagawa non pero naisip niya na baka hindi rin talaga sanay ito sa ganon. Alam kasi niya na good boy ito, kaya hinintay siya nito hangga't pwede na. Ipinagwalang bahala na lamang niya ang itsura ng kanyang asawa na tila ba hindi nasisiyahan sa kanyang katawan ng tuluyang mahantad dito. Hindi kasi maipinta ang mukha nito habang nakatingin sa kanya, tila dismayado. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD