Kabanata 4

1212 Words
“Mahal ko, buksan mo ang pinto tulog ka na ba? Bakit ba nagla-lock ka ng pinto, alam mo naman na nasa labas ako at papasok din mamaya.” Takang wika niya. Hindi niya alam kung tulog ba ito talaga sa loob kasi parang may naririnig kasi siyang ingay, para bang may kausap ito. Hindi lang masyadong malinaw dahil sa ingay ng tugtugin at mga bisita. Kaya naman tinatanong niya ito dahil alam naman niya na nagpapahinga ito pero naisip niya na imposible naman na magpapasok ito ng ibang tao sa mismong silid nilang dalawa. Doon na rin kasi sila maninirahan sa bahay ng kanyang mga magulang at ang kanya naman kasing magulang ay magtutungo na lang sa probinsya. Mananatili kasi ang mga ito sa lupang nabili ng kanyang mga magulang. Sa mismong tabi ng dagat iyon, kaya nagpasya ang mga ito na doon na lamang manirahan at tuluyan ng ipagkaloob sa kanila ang bahay nila. Halos dalawang oras na kasing nagpapahinga ang kanyang asawa at naisip niya na puntahan ito dahil baka talagang masama ang pakiramdam. Sobrang napagod ito kaya siguro ganon. Kaya lang kanina pa siya kumakatok ay hindi pa rin siya nito naririnig. Bagkus parang may kakaibang ingay sa loob kaya nag-alala na talaga siya. Tinawag niya ang kasambahay nila at nakiusap siya na kung maaaring pakikuha ang susi sa baba. Ilang mimuto din bago nakabalik ang kasambahay kaya matapos nitong makabalik ay nagpasya na siya na buksan na lamang ang pinto gamit ang susi. Kinakabahan kasi siya na ewan pero baka naman nagkakamali lamang siya, baka natutulog na talaga ito kaya hindi siya nito napapansin. Kaya naman binuksan na niya iyon gamit ang susi, iniisip din kasi niya na baka may kausap ito sa cellphone tapos nakatulog na ito kaya may naririnig sa iyang magsasalita sa loob. Hanggang sa tuluyan ng mabuksan ang pinto ay napailing na lamang siya ng makitang nakahiga ito habang nakapikit. Tila pagod na pagod talaga mapapansin mo kasi sa mukha nito na tila hapo. Napansin niya na nakahubad na ang kanyang asawa marahan tuloy siyang napakagat labi dahil sa kita niya ang matipunong dibdib nito. Maging ang kaseksihan ng tummy nito lalo na ng mapatingin siya sa malagong balahibo nito mula dibdib pababa hanggang sa puson at hanggang sa dako pa roon. Bigla tuloy nanuyo ang kanyang lalamunan at sunod-sunod ang naging kanyang paglunok dahil sa naiisip niya ang pinakahihintay nilang sandali ng kanyang asawa. Tiniis niya ito para naman malinis siyang maiharap nito sa altar gaya na palagi niyang pangako sa kanyang mga magulang. At ngayon ilang oras na lamang ang hihintayin at maibibigay na rin niya ang pinakatatangi-tangi nito sa kanya. Minabuti niyang maupo sa kama at marahang hinaplos ang pisngi ng kanyang asawa. Hindi man lang nito iyon naramdaman, talagang napagod yata. Kung tutusin mas pagod siya kaysa dito dahil simula pa kahapon siya halos walang maayos na pahinga at tulog para lamang masigurado niya na maayos ang kasal nilang mag-asawa. Kaya lang, talagang hindi kasi sanay na mapagod ng husto si Sergio kaya naman nagpasya siya na hayaan na muna itong matulog at gigisingan na lamang ito mamayang gabi pagbalik niya sa kanilang silid. Ilang beses pa niya ang hinaplos ang gwapong mukha ng kanyang asawa tsaka nagpasyang lumabas na ng silid. Pero bago iyon, marahan niyang hinagkan ang kamay nito. Nakakailang hakbang pa lamang siya ng parang may narinig siyang bumahing sa silid nilang mag-asawa, himbing pa rin sa pagkakatulog ito kaya nagtataka siya kung bakit at sino ang bumahing na iyon. Samantalang wala namang ibang tao sa second floor. Ang mga bisita naman nila ay nasa sala at nasa labas. Muli niya ang pinakinggan kung may maririnig pa habang tinitingnan matulog ang kanyang asawa, iniisip kasi niya na baka ito lang ang naghatsing pero hindi pa rin ito matinag sa pagtulog. Kaya naman inikot na lamang niya ang kanyang paningin sa paligid, wala namang ibang tao doon kaya talagang nagtataka siya. Pero naisip niya na baka may napadaan lang at iyon ang kanyang narinig kaya minabuti na lamang niyang lisanin na ang silid. May mga bisita pang dumarating. May mga nanggaling pa kasi sa malayo kaya medyo ginabi at iyong iba naman ay nasa trabaho pa. Ang kanya naman kasing mama talagang kabi-kabila ang imbitasyon. At iyon talaga ang hindi nagustuhan ni Sergio. Kung bakit naman kasi kay dami-raming bisita, maraming inimbitahan ang kanyang mama samantalang gusto nga lang talaga ni Sergio na iilan ang bisita. Gusto kasi daw nito ay maging sagrado ang kanilang kasal kaya ayaw sana nito ng maraming bisita pero ang kanyang mama naman kasi ang mapilit at wala rin siyang magawa. Tutol na nga ito kay Sergio tapos mabuti na nga lang at nagpapayag na niya ito tapos ang mga nais nito ang masusunod na gawin lalo pa at nag-iisa lamang siyang anak nito. Minabuti na yan tuluyan ng lumabas ng silid nilang mag-asawa pero bago pa siya niya pininid ang pinto. Ay muli niyang tiningnan ang kanyang asawa na mag-on ay mahimbing pa rin na natutulog. Napangiti siya at bahagya pang kinilig dahil sa kagwapuhang taglay ng kanyang asawa kahit na tulog ito ay talagang nakakakilig tingnan. Ang macho kasi ng kanyang asawa, kung pwede nga lamang na pauwiin na lahat ng bisita para masimulan na ang dapat na simulan dahil hindi man niya aminin, pero ang totoo ay sabik na sabik na siya sa unang gabi nilang mag-asawa. Nakakahiya mang aminin pero normal lang naman siguro iyon lalo pa at ito ang unang beses niya na mararanasan ang ganoong bagay at sa taong mahal pa niya. Pagkababa niya ng hagdan ay may dumating na palang mga bisita nila galing sa kabilang nayon. Mga kaibigan ng kanyang mama kaya naman agad siyang naging abala sa pag-aasikaso sa mga ito. Maging sa iba pang mga bisita hanggang sa sumapit na nga ang gabi. Abalang abala siya ng lumapit sa kanya ang kaibigang si Helen. “Besh nakita mo ba ang bruhang Recca na iyon babae kanina ko pa hinahanap hindi ko talaga makita. Kanina pa iyon, tingnan mo malapit nang gumabi pero wala pa rin ang pasaway na babae?” Nakasimangot na tanong ni helen. “Ay besh kanina ko pa rin hindi napapansin ang babaeng iyon, saan kaya nagpunta?” Balik na tanong hindi na ulit niya kay Helen. “Saglit nga hanapin ko nga muna maiwanan muna kita diyan, may mga paparating pang bisita. Ikaw pagod na pagod ka na pero yung asawa mo sarap ng hilik doon, hay naku talaga.” wika pa nito at madamay pa nga ang kanyang asawa. Suminyas na lamang siya dito na kunyari ay quiet, ayaw kasi niya na magsalita pa ito dahil baka may makarinig pang ka mag-anak ng kanyang asawa. Tumahimik na lamang naman ito pero sumimangot tsaka umalis na, nasundan na lamang niya ito ng tingin. Pero biglang nangunot ang kanyang noo ng mamataan si Recca na pababa ng hagdan. “Teka, Anong ginagawa ng babaeng iyon sa second floor?” Bulong niya sa sarili. Inaayos pa nito ang damit na animo nagulo o ewan. Lalapitan sana niya ito pero nakita niyang patungo na doon si Helen para siguro kausapin ito. Siya naman ay naagaw muli ang atensyon ng magtanong ang isa pa niyang tiyahin na nagmula pa sa probensya. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD