Minabuti naman ni Sergio na pumasok na lamang sa kanilang silid at iwanan ang dalawa dahil sa totoo lang, hindi niya nagugustuhan ang mga pinaggagagawa ni Recca. Talagang hindi siya pinauwi nito kagabi kahit na anong pagpipilit niya dito. Ang totoo, nag-aalala siya kay Samaya dahil nga mag-isa lamang ito sa bahay. Pero itong si Recca ay talagang hindi mapakiusapan at ginawan pa siya ng kwento na kesyo uminom daw siya at iyan ang sinabi nito kay Samaya. Ayaw na ayaw niya ng ganon pero si Recca kasi iyon kaya wala siyang nagawa. Wala tuloy siyang masabi o anong pa man na maipaliwanag man lamang sa kanyang asawa kung ano ba talaga ang nangyari sa kanya. Hindi naman niya kailangan magpaliwanag dito pero kahit papaano ay alam niyang nag-alala ang kanyang asawa sa kanua. Pero syempre hind

