Halos magkanda-ihi sa takot si Samaya dahil sa ginawang iyon ni Sergio sa kanya. Ito ang unang beses na nakita niya ito na nagalit ng husto sa kanya liban doon sa mga naunang pag-aaway nila. Pero ito, wala naman siyang ginagawang masama nagtatanong lang naman siya pero ganito na ang naging reaksyon sa kanya ng asawa. Sa sobrang takot niya ay hindi man lamang siya nakakilos sa kanyang kinakatayuan at gaya ng sinasabi nito na lumayas siya sa silid na iyon. Hindi man lamang niya nagawang ihakbang kahit na isang beses ang kanyang mga paa, pakiramdam kasi niya kapag kumilos siya ay tutumba siya. Tila kasi nawalan ng lakas ang kanyang mga tuhod pakiramdam lamang niya doon ay nanginginig. Hindi man nagsasalita ulit si Sergio pero nanlilisik ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya at ti

