Gusto ng mainis sa sarili ni Samaya dahil sa katangahan niya ng sobra, gano'n na ang ginawa sa kanya ni Sergio pero simpleng pagkilos lamang nito na katulad nga ng inaya siya nito sa pagkain. Ayon at para na naman siyang maamong tupa na sunod-sunuran dito. Sobra sobra talaga niyang mahal ang lalaki dahil nagagawa niya ang ganitong bagay, samantalang dapat na umalma siya. Dapat na lumaban siya, dapat mga mangatwiran siya dito at ipamukha dito na hindi tama ginagawa nito. Pero heto at masaya na naman siyang nakangiti dito habang kumakain silang dalawa at talagang pinagsisilbihan pa niya ito. Nilalagyan ng kanin ang plato nito, inaalis pa niya ang tinik ng isda na kanyang niluto para dito samantalang kanina lang eh halos bulyawan siya nito ng malala. Talagang nakakawala pala ng katinuan

