Naglakad sila paakyat sa ikalawang palapag ng hagdan, napansin niya na maging ang hagdan pala ay medyo may kalumaan na kaya dapat talagang maging iyon ay mai-renovate din. Hindi kasi maaaring hindi matibay ang hagdan lalo pa at doon dadaan kapag iaakyat ang mga produkto sa itaas. At saka medyo makipot pala ang espasyo ng hagdan so kailangan din nilang medyo paluwag-luwagan bahala na ang contractor na mag-ayos niyon dahil alam naman nito ang dapat na gawin. Pagdating nila sa taas ay agad na pinagmasdan iyon ng contractor, kanina naman ay tiningnan na nito iyon pero siguro napaisip ulit ng makita muli ang lugar. Siya naman ay hindi pa rin nagbabago sa isipan na iyong kabilang panig ay gagawing opisina at itong kabilang panig naman ay ang bodega dito sa taas. Medyo malalaki lang ang bod

