Matapos ang isang linggong paghahanda para masimulan na ang pag renovate sa gusali. Sa wakas nagsisimula na rin ang ni-hire nilang contractor dahil okay na ang lahat, naayos na ang lahat ng kailangan para makapagsimula na. Akala niya ay gano'n-gano'n lang kadali pero hindi pala gano'n kadali yung kapag naipa-deliver mo na ang mga gagamitin ay maaari ng mag-umpisa kinabukasan. Marami pa palang kailangan nilang asikasuhin bago masimulan iyon at ayun nga matapos ang isang linggo ay heto okay na at nagsisimula ng ayusin ang building na kanilang nabili. “Love pupunta ba tayo sa bayan para tingnan kung okay lang sila doon o hahayaan na lamang natin sila? Siguro tumawag na lang tayo kina Mang Ruben ano para masiguro natin kung okay lang sila doon.” wika ni Sergio sa kanya na noon ay abala sa

