Halos paliparin na ni Sergio ang kanyang motor patungo sa bahay nina Recca dahil tumawag ang kapatid nito na may sakit ang babae. Nilalagnat daw at pinapatawagan siya, ang gusto yata ay siya daw ang mag-alaga kaya sobrang nag-aalala talaga siya. Kaya naman agad siyang nagbiyahe patungo sa bahay ng kanyang kasintahan. Halos wala na nga pala siyang panahon dito, hindi na niya ito nadadalaw at kung mag-usap man sila sa cellphone ay mabilisan dahil nga baka mahuli siya ni Samaya. At isa pa naging abala rin talaga siya sa pag-aasikaso doon sa kanilang pwesto para masimula na nga ang renovation ng lugar. Kaya pala nag-aalala siya kagabi hindi siya makatulog ng maayos yun pala, may sakit ang kanyang mahal simula kasi nang magsama na silang dalawa ni Samaya ay sa isang silid na sila natutulo

