Hindi rin makapaniwala si Nemesis na naging kalaban niya sa competition si Jirro.
"Ang tindi mo, Jirro. Parang pinagtaksilan mo si Ysay. Ano ang dahilan mo? Bakit ka nagpapanggap? Huh?" pagalit na bulong ni Nemesis kay Jirro.
"Wala ka na roon, Nemesis. Kung ano man ang dahilan ko, you don't care about that!" pagalit na saad ni Jirro sa kaniya.
"Are you ready, contestants? If you want to answer those following questions, press the buzzer. Is it clear?" pag-uumpisang saad ng MC sa kanila.
Nagtinginan silang dalawa. "Yes, ma'am!" sabay na sagot nilang dalawa.
"Okay, first questions. In Mathematics, the circumference of the circle is also sometimes called? What?" tanong ng host sa kanila.
"You have five seconds to answer these questions," dagdag na paalala sa kanila ng host.
Naunang pumindot si Jirro. "Perimeter of a circle"
"Correct! One point for Jirro Hyun! Next question. The value of pi is equal to, what?"
Nakapindot si Nemesis. "22/7 or 3.14"
"Correct. One point for Nemesis Carter!"
Nagpatuloy ang laban at halos kinakabahan. Sa pitong school na naglaban-laban ang huling naglaban ay sina Jirro at Nemesis. Subalit, sinadya namang magpatalo ni Jirro kay Nemesis upang hindi makahalata si Marissa sa mga nangyayari. Inanunsyo ng host na ang O'Donnell High School ang nanalo. Natanggap nila ang papremyo. Kinabukasan, tinuruan muli ni Marissa si Jirro.
"Ang dami kong maling sagot. Sinubukan ko naman pero---" pagkukunwaring saad ni Jirro kay Marissa.
Ngumiti si Marissa. "Ano ka ba. Okay lang iyan. At least nag-try ka hindi ba?"
Nagtinginan silang dalawa at labis naman na nagaguwapuhan si Marissa kay Jirro.
"M-Marissa, uhm.. may sasabihin ako---" kinakabahang wika ni Jirro sa kaniya.
"Ano iyon?" pagtatakang tanong niya.
Hindi mapakali si Jirro sa kaniyang sasabihin. Alam niyang may gusto rin sa kaniya si Marissa. Pumikit muna si Jirro at sinabing----
"P-Puwede ba kitang ligawan?" pagtatapat niya sa dalaga.
Namula si Marissa at hindi nito alam ang kaniyang sasabihin nang dahil sa pagtatapat ni Jirro sa kaniya.
"B-Bakit ako? A-Anong dahilan?" namumula at kinakabahang tanong niya.
"M-Mahal na kita, Marissa noong unang pagkakita ko pa lang sa iyo. K-Kaya pinush ko ang sarili ko para lang mapalapit sa iyo. P-Pangako, mamahalin kita at aalagaan. Pangako, hindi kita sasaktan!" pangako ni Jirro sa kaniya at saka niya itinaas ang kaniyang isang kamay na nagsisimbolo na tapat at totoo ang kaniyang sinasabi.
"When I tell you I love you, I don't say it out of habit. I say it to remind you that you are the best thing that has ever happened to me," napapaiyak na muling wika ni Jirro sa kaniya.
Biglang hinawakan ni Marissa ang kaniyang puso. "S-Sa totoo lang. Marami nang lalaking nagtapat sa akin pero ikaw lamang ang nagtapat sa akin na sumisimbolo ng pangako mo. P-Pero, pag-iisipan ko pa ang sinabi mo sa akin."
Huminga nang napakalalim si Jirro. "S-Sige, hihintayin ko ang sagot mo. Handa akong maghintay, Marissa."
Hindi alam ang isasagot ng dalaga dahil ang totoo niyan ay gusto niya si Nemesis. Umaasa siyang mapansin siya ng binata balang- araw. Isang araw, habang naglalakad ang dalaga, nakita niya si Nemesis na may kasamang babae. Maputi, matangkad, at mukhang masayang-masaya silang dalawa. Nagtatawanan ang mga ito at mukhang mayaman din ang babae.
"Bolero ka talaga, no?!" wika ng babae kay Nemesis.
"Hindi no!" pabalik namang salaysay ni Nemesis sa babae.
Bumuntong huminga si Marissa at hindi na lamang niya tinawag ang pangalan ng binata.
"Hay, alam ko namang wala akong panlaban sa babaeng iyon. Sa balat pa lang---" malungkot na saad nito sa kaniyang sarili.
Umuwi ito sa kanilang bahay na malungkot at walang imik. Napansin naman iyon ng kaniyang ina na si Aling Mercie.
"O-Oh, anak, parang pinagbagsakan ka ng langit at lupa sa itsura mo?" pag-aalala ni Aling Mercie sa kaniya.
Tumingin ito sa kaniyang ina. "N-Nay, kilala mo ba si Jirro?"
"O-Oo naman anak. Hindi ba't tinututor mo ang mukhang oppa na iyon?"
"M-Ma, gusto niya po akong ligawan. Pero hindi ko alam ang isasagot ko sa kaniya."
Hinimas nito ang likuran ng kaniyang anak. "Anak, kilalanin mo muna siya. Upang makilala mo siya, payagan mo na. Kung ekis siya para sa iyo, mas lalong sa akin. Ipakilala mo muna siya sa akin upang makilatis ko siya anak. Ayokong masaktan ka."
Niyakap ni Aling Mercie ang kaniyang anak at ipinakilala nga ni Marissa si Jirro sa kanila. Nakita iyon ni Nemesis at ang inaakala naman ng binata ay sila na. Kinuyom nito ang kaniyang kamao.
"Hindi ako papayag na makuha ka ng iba, Marissa. Akin ka lang. Akin ka lang!!" pagalit na wika ni Nemesis sa kaniyang sarili.