Marissa's POV
Hindi ko akalain na gano'n pala kayaman ang best friend kong si Jewel Hyun. Naririnig ko silang nag-uusap sa kuwarto at ang dinig ko ay nagsinungaling yata si Jirro kay Jewel.
"Ang akala ko ba alam ni daddy na nag-aaral ako sa public school? Bakit mo sinabi sa akin na alam na ni daddy, huh, Jirro?" pagalit na wika ni Jewel sa kaniya.
Narinig kong parang may binatong babasagin si Jirro at hindi ako sure kung siya talaga ang nagbato.
"Alam mo kaya ako nagsinungaling? Gusto mong malaman, Jewel?!" pagalit na tanong ni Jirro sa kaniya.
"Eh, ano ang totoo, huh, Jirro?"
"D-Dahil ayokong mapadala tayong dalawa sa Seoul. Alam mo kung ano ang magiging buhay natin sa Korea. Ayoko ring mapahamak ka kaya ako nagsinungaling. Si mommy lang ang nakakaalam at pinakiusapan ako ni mommy na huwag na huwag kong sasabihin kay daddy na hindi ka enrolled sa St. Louisiana Academy. Ipinakita ko na ako lang ang may allowance? Dahil iyon ayokong makahalata ka na hindi alam ni daddy ang totoo! Anong sasabihin ng mga kasosyo niya sa kumpanya? Ang prinsesa ng Hyun Family ay namamasura sa mababang kalidad ng eskuwelahan. 'Yan ang problema sa iyo, eh. Ayaw mo kasing mahirapan. Ayaw mong magsumikap! " pagtatapat ni Jirro sa kaniya.
Napayuko ako at nanliit ang tingin ko sa sarili ko. Magkaiba pala ang buhay na tinatahak naming magbarkada. Narinig kong umiyak nang umiyak si Jewel.
"G-Gusto ko lang naman ng normal na buhay, Jirro. 'Yung maraming kaibigan at nagbago ang lahat nang makilala ko si Marissa. 'Yun ang unang pagkakataon na may nakaintindi sa akin. 'Yun din ang unang pagkakataon na masabi ko sa sarili ko na nagkaroon ako ng isang kaibigan. Hindi ako pinagtatawanan kahit minsan ay bobita pa ako. Kahit magkamali ako, madapa man ako, walang tatawa sa harapan ko. Hindi tulad sa dati kong school. Puro panghuhusga ang natatanggap ko. Oo, hindi ako magaling mag-ballet kasi hindi ko naman talaga hilig iyon," umiiyak na tugon ni Jewel kay Jirro.
"Oh, siya, huwag ka nang magdrama. As your older brother kahit minuto lang ang tanda ko sa iyo, hindi ma-e-expose ang secrets mo. Pero, isa lang ang hiling ko sa iyo, marunong ka sanang makiramdam sa mga bagay-bagay, Jewel. Huwag kang selfish. It is not because the truth is too difficult to see that we make mistakes... we make mistakes because the easiest and most comfortable course for us is to seek insight where it accords with our emotions - especially selfish ones," naiiyak na saad ni Jirro sa kaniya.
Natandaan ko ang linyang sinabi ni Jirro sa kaniya. Sometimes, hindi natin alam na nagiging selfish na pala tayo. Nakikita ko naman na mahal ni Jirro ang kaniyang kapatid at hindi biro ang sakripisyo niya para sa kaniya. No man can live happily who regards himself alone, who turns everything to his own advantage. Thou must live for another if thou wishest to live for thyself. Selfishness is not living as one wishes to live. It is asking others to live as one wishes to live. Hindi ko pinahalata na narinig ko ang kanilang usapang magkapatid. Hindi ako makaimik nang oras na 'yon at iniisip ko na lang na magiging maayos din ang lahat. Kinabukasan, nag-announce ang teacher namin kung sino ang ilalaban sa quiz bee. Ilalaban daw ito sa school ng St. Louisiana Academy. Doon nag-aaral ang kakambal ni Jewel at labis ang kaba namin na baka matunghayan nila ang tunay niyang pagkakakilanlan. Napatingin si Jewel sa akin na tila nangungusap ang mata niya. Ningitian ko siya at binulungan.
"Hindi ka naman kasama sa sasali," nakangiting wika ko.
Pero nag-announce ulit ang guro namin na kailangan namin suportahan ang kuponan namin. So, lahat ng Grade-9 at buong Grade-9 with different sections ay sasamang lahat. Siyempre ilalaban ang pinakamatalino sa lahat at sure akong ilalaban ng taga- St. Louisiana ang kanilang pinakamatalino sa Grade-9 nila. Panigurado akong hindi si Jirro kasi sa tingin ko ay hindi naman siya ang pinakamatalino roon sa Academy na iyon. Hindi public school ang St. Louisiana pero nag-request ang school nila kung totoo nga bang matatalino ang tulad namin. Marami ang school na pumatos sa challenge dahil kung sino ang mananalo, makakatanggap siya ng 100,000 pesos in cash. So, kung sakali kami man ang manalo sa pabuya ng St. Louisiana, malaki ang maitutulong nito sa school namin. Mapapa-renovate na rin ang ibang classroom dito.
"Ang ilalaban sa Grade 9 na napili ay si Mr. Nemesis Laurente Carter," pag-a-announce ng guro namin at bale kasama niya pala ang principal.
Oo, aaminin ko, bukod sa guwapo si Nemesis siya rin ang pinakamatalino sa Grade 9. Wala ako sa kalingkingan niya. Parang android ang utak no'n eh. Kinabukasan, pumunta kaming lahat sa St. Louisiana. Dapat pala sila ang pupunta pero napag-desisyunan na kami na lang kasi sobrang lawak ng school nila. Nagkunwari rin kami ni Jewel at ako na hindi namin kilala si Jirro Hyun.
"Ang popogi ng mga boys dito. Mukhang ang babango!" wika ng kamag-aral namin.
Nakakahiya man, pero ang uniform nila ang gaganda. Nakaakay lang sa akin si Jewel pero nang lumabas na si Nemesis, nagtilian ang mga babae sa St. Louisiana Academy.
"Ayyy, my prince charming is here!!!" saad ng mga babae.
Kahit ordinaryong manamit si Nemesis. Totoo ngang mukha siyang prinsepe sa pelikula. Maraming nagtatanong sa pangalan niya at sa hindi kalayuan ay natanaw ko si Jirro. Pero hindi kami ningitian ni hindi rin kami pinansin o siguro hindi kami napansin.
"Ganyan talaga sa school 'yan, seryoso," wika ni Jewel na medyo kinakabahan at mahigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko.
"Ano ka ba, hindi naman siya nakatingin sa atin. At hindi niya naman alam na 'yung school natin ang makakalaban nila. Eh, halos, tingnan mo, pare-pareho ang uniform natin sa ibang school," saad ko sa kaniya.
Pero may isang lumapit sa akin na lalaki na taga-St. Louisiana.
"Hi, Miss---" tawag niya sa akin.
Lumingon ako sa kaniya. "Can I have your number?"
"A-Ako po ba o si Jewel?" tanong ko sa lalaking guwapo.
"You. Siyempre. By the way, ikaw 'yung kakambal ni Jirro, right? Jewel Hyun?" tanong ng isang lalaki.
Tumingin si Jewel. "N-No hindi po ako. Halata naman po hindi ba? Crizel ang pangalan ko."
Biglang lumapit si Nemesis sa amin. "Yes, Mister, what is your problem? She is my girlfriend."
Inakbayan ako ni Nemesis at sinabi niyang girlfriend niya ako. Namula ang mukha ko at hindi ko akalain na masasabi niya 'yun. Matagal ko nang crush si Nemesis pero alam ko, hindi ako ang magugustuhan niya. Balat pa lang, halatang hindi kami bahay. May lumapit sa aming beking teacher na taga- ibang school.
"Ang ganda mo iha, morena beauty. Puwede kang maging super star," pabirong wika sa akin ni Sir Melvz.
Tumingin siya kay Nemesis. "W-Wow, may lahi ka siguro. You are like a prince!" pagpupuri niya kay Nemesis.
Pagkatapos ay tumingin siya kay Jewel. "Are you korean?"
"Half lang po," sagot ni Jewel.
"Ganda mo rin huh, parang snowie ang balat mo. Mayaman ka siguro no?" tanong muli niya.
Kahit hindi sabihin ni Jewel sa lahat, mukha naman talaga siyang mayaman. Ilang minuto pa ang lumipas, nagpakilala na ang mga katunggali at representasyon ng iba't-ibang school. Hindi lang sa Math ang labanan, kung hindi sa lahat ng subjects.
"From, O'Donnell High School of Grade 9. Mr. Nemesis Carter," anounce ng MC sa amin na taga St. Louisiana Academy.
"From our perspective school, Mr. Jirro Hyun of Grade 9," pagpapakilala niya ulit.
Gulat na gulat ako dahil si Jirro pala ang magiging kalaban ni Nemesis. Pati silang dalawa ay nagulat sa isa't-isa.
"Ang akala ko ba---" naputol na bulong ko.
Hindi ko akalain na nagpapanggap lang na walang alam si Jirro. Siya pala ang pinakamatalino sa Grade 9. Nanliit ako sa sarili ko pero ang pinagtataka ko, bakit nagpapa-tutor pa siya sa akin? Nagtinginan kami ni Jirro kahit nasa itaas siya ng stage. Gulat na gulat kaming nagtitigan sa isa't-isa.
End of POV