Nag-offer ng tutor ni Jirro si Nemesis ngunit tinanggihan niya ito.
"Like I said, si Marissa lang ang gusto ko," naiinis na wika nito kay Nemesis.
Nagtinginan ang dalawa at pumayag na si Marissa na maging tutor ni Jirro. Nang makaalis na ang kambal, kinausap ni Nemesis si Marissa.
"Sigurado ka ba, huh, Marissa?" naiinis na tanong ni Nemesis sa kaniya.
Bumuntong huminga ang dalaga at saka niya sinagot ang katanungan ng binata.
"Tutor lang naman, Nem. Wala naman sigurong masama kung tutulong ako sa tao. At saka, kaibigan ko naman si Jewel at alam ko namang hindi ako mapapahamak, eh."
"Oh, siya, ikaw ang bahala. Basta kapag may gagawin masama ang taong iyon, malalaman ko naman eh," simpatya ni Nemesis kay Marissa.
"Nem, huwag kang mag-alala walang mangyayaring masama. Edi kapag itu-tutor ko si Jirro, sumama ka na sa akin," nakangiting saad ni Marissa.
"Hindi na, pasensiya ka na kung ganoon ang asta ko kanina. Nag-aalala lang ako. Sige na, papasok na ako ng bahay namin," seryosong salaysay naman ng binata sa kaniya.
Napansin ni Marissa sa tila ba naging masungit si Nemesis dahil sa nangyari kanina. Magkapit- bahay lamang ang dalawa kaya't tila ba kilala na nila ang isa't- isa. Kinagabihan, tumawag sa telepono ang daddy ni Nemesis.
"Nemesis," tawag ng daddy niya sa kabilang linya.
"W-Why dad?!" masungit na tanong ni Nemesis sa kaniya.
"I just want to ask you, son. How are you?" tanong muli ng kaniyang daddy.
"Fine," maikling sagot niya.
Si George Carter ang daddy ni Nemesis at ang kanilang business ay ang toy factory sa bansang Australia. Ang pangalan ng kanilang sariling kumpanya ay Nemesis' Group of Companies. Sa totoo lang, mayaman ang kanilang pamilya pero kailangan kasing i-train si Nemesis ng kaniyang daddy para sa kanilang business. Marami silang mga negosyo at hindi rin totoong nag-divorce sina Aling Lena at George. Napagkasunduan kasi ng mag-asawa na iuuwi muna nila sa Nemesis sa bansang Pilipinas upang matutuhan niyang paano kahirap ang buhay. Gusto kasi ng daddy niya na maranasan ng kaniyang anak ang kahirapan sa buhay at kung paano ang diskartenh gagawin nito. Lihim naman nagpapadala ng pera ang kaniyang daddy kay mama Lena nito. Pero ipinalabas na nga nila na magkahiwalay silang dalawa. Lihim ding nagkikita ang kaniyang mga magulang at hindi alam ni Nemesis na nasa Pilipinas ngayon ang kaniyang daddy.
"Why did you call me? dad? Tell me directly," seryosong tanong nito.
"I just want to let you know that you won't see me again," sagot ng kaniyang daddy sa kabilang linya.
"Okay, that's all?" seryosong niyang tanong.
"'Are you not going to tell me anything?''
"About what? Dad? You left me and mom? You know, you won't understand me even if I tell you everything I feel. It doesn't even make sense," at saka na niya ibinaba ang tawag nito sa kaniyang daddy.
Biglang lumabas ng kuwarto ang kaniyang nanay Lena.
"A-Ano ang sabi ng daddy mo? Nem?" kinakabahang tanong nito.
"Nothing mama, nothing at all. Hindi naman importante ang sinabi niya. Kahit huwag na siyang magpakita sa atin, ma. Sanay naman tayong ni kahit anino niya hindi natin maaninag---" pagsusungit na sagot nito sa kaniyang nanay.
Pumasok muli ng kuwarto ang nanay niya. "Para sa iyo rin naman ang sakripisyong gagawin namin para sa ikakaunlad ng buhay mo, anak. Ginagawa namin ito para maging mas matalino ka sa buhay," bulong sa isip ni Aling Lena.
Sinilip ni Aling Lena ang kaniyang anak sa kuwarto niya at nakita niya itong nagbabasa ng aklat. Pero kitang-kita sa mukha ni Nemesis ang pagkainis at pagka-uhaw na rin ng pagmamahal mula sa kaniyang Daddy George. Narinig niyang bumulong si Nemesis.
"Papatunayan ko sa iyo dad na kahit wala ka, magtatagumpay kami ni mama. Hindi ka namin kailangan!" saad niya at saka niya binato ang librong kaniyang binabasa.
Nalungkot lang si Aling Lena dahil kinakailangan pa nitong magsinungaling sa kaniyang ina. Kinabukasan, maagang nagising naman si Marissa upang magwalis sa kanilang bakuran. Napansin naman ni Aling Lena na tila laging nakatingin si Nemesis sa dalaga.
"Nem, anak, ang lagkit ng tingin mo kay Issay, ay?!" malambing na tanong nito sa anak at saka niya kinurot ang tagiliran ni Nemesis.
Nagulat si Nemesis at napasigaw nang kaunti. "Aray ko naman, ma. Masama ba ang tumingin ngayon?!"
"Naku ang anak ko, binata na talaga. Puwede mo naman ligawan si Isay. Ano pa ba ang ayaw mo sa kaniya? Mabait siya, matalino at higit sa lahat maganda siya."
Huminga nang malalim si Nemesis at nagtapat ito nang tunay niyang nararamdaman sa kaniyang ina.
"Sa totoo lang ma, matagal ko nang gusto si Isay, pero sa tingin mo ba ma may pag-asa ako sa kaniya?"
"Naku, oo naman. Guwapo ka naman, mabait, masunurin at matalino. Malamang at sa malamang gusto ka rin ni Isay."
"Alam mo kasi ma, may gustong manligaw sa kaniya. Mayaman 'yun at guwapo rin. Wala nga ako sa kalingkingan niya eh."
"Hay, naku, anak. Tinanong mo na ba sa kaniya kung gusto niya ang lalaking iyon? Hindi naman basta-bastang magkakagusto si Isay sa mga lalaking hindi niya kilala at gusto. Alam mo ba na crush ka niya no'ng Elementary pa lang kayo?"
"Alam ko naman 'yun ma. Pero kasi bata pa kami noon."
"Try mo kaya siyang tanungin kung ano nga ba ang hinahanap niya sa isang lalaki."
"S-Sige ma. Salamat sa advice mo, pero hahanap pa ako ng tiyempo. Hindi kasi siya katulad ng ibang babae na nakilala ko. Iba si Marissa. Ibang iba siya sa lahat."
Ngumiti lamang si Aling Lena at tumungo na ito patungo sa kusina. Kinabukasan, tinutor na ni Marissa ang binatang si Jirro. Si Jirro naman ay hindi makapag- focus sa tinuturo ng dalaga sa kaniya.
"You are very beautiful, Marissa," bulong sa isip ni Jirro sa kaniyang sarili.
"J-Jirro?" tawag naman ni Marissa sa kaniya dahil nakatulala itong nakatitig sa kaniya.
"Ah, eh, sorry, I am listening. Continue---" saad nito sa kaniya.
Kinabukasan, nag-announce ang guro nina Nemesis na bibisita ang mga taga- St. Louisiana Academy sa kanilang school. Nabalitaan din ito nina Jewel at Marissa. Labis naman ang takot ni Jewel baka malaman na nila ang sikreto niya na isa talaga siyang prinsesa sa kanilang pamilya.