Chapter 2: Secret Tuttee

1164 Words
Lumapit ang mukhang mayaman na lalaki sa dalawa at nagulat pa sina Marissa at Nemesis sa paglapit ng lalaki. "You are Miss Marissa, right?" tanong ng lalaki sa kaniya. "W-Wait, who are you?" naiinis na tanong ni Nemesis sa binata. Tumingin naman ang lalaki sa kaniya. "Ikaw ba ang kinakausap ko?" "Hi, Miss Marissa, I am Jirro Hyun of St. Louisiana Academy," pagpapakilala ng lalaki sa dalawa. Namangha naman si Marissa sa kaguwapuhan ng lalaki at mukha itong Korean Pop Star. "Mukha siyang artista sa mga napapanuod kong mga K-Drama," namumulong bulong sa isip ni Marissa. "A-Ah, b-bakit mo pala ako kilala, Mr. Jirro?" pagtatakang tanong niya. "Uhm, kukunin sana kita as personal tutor ko," pagtatapat ng lalaki sa kaniya. Tumingin si Marissa kay Nemesis at patuloy naman ang pagsusungit at pag-uusisa nito kay Jirro. "A-Ah, e-eh, bakit ako ang napili mo?" Ngumiti ang lalaki. "Simple lang, matalino ka at may nakapagsabi sa akin na magaling ka raw sa school." "S-Sino ang nagkuwento sa iyo na magaling ako?" pagtatakang tanong muli ni Marissa. "Ako!!" ani Jewel sa kanila. "J-Jewel?" gulat na gulat na wika ng dalawa. Nakasakay sa loob ng pulang kotse si Jewel. Magkapatid pala sina Jewel at Jirro. Alam nilang half- korean si Jewel pero hindi nila alam na ganoon pala sila kayaman. "Ako ang nagsabi sa kaniya, Marissa. Hindi ba't ikaw ang nagtuturo sa akin? Bilang pagtulong sa kakambal ko, ikaw ang sinabi ko. At para na rin makatulong ako sa'yo. Hindi ba't kailangan mo nang pera?" pagtatanong muli ni Jewel sa kaniya. Ang nais ni Jewel ay mapalapit sina Jirro at Marissa sa isa't-isa. (Kahapong kaganapan bago inaya ni Jirro si Marissa sa pagtututor ) Habang umiinom ng tsaa si Jewel biglang dumating ang kaniyang kakambal na si Jirro. "Bakit ayaw mong lumipat sa school ko, Jewel? Nagagalit na si daddy sa pag-aaral mo sa public school baka anong sabihin nila sa atin nina lolo at lola. Ang prinsesa ng pamilya ay mas pinili ang simpleng buhay," pag-uusisa ni Jirro sa kaniya. Tumawa si Jewel sa iniwika ni Jirro. "You know my reason, my precious twin brother. Ayokong makipagkaibigan sa mga plastics bottles na lumulutang sa tubig, you already know what I mean. Pangalawa, nag-e-enjoy ako sa school na iyon dahil may tunay akong mga kaibigan," seryosong salaysay nito sa kaniyang kapatid. Alam ni Jewel na mas matalino ang kaniyang kakambal kaysa sa kaniya. Hindi nito maintindihan na kahit kambal sila ay magkaibang- magkaiba ang kanilang pag-uugali. Kinaumagahan, hinatid ni Jirro ang kaniyang kakambal sa kanilang school. Malayung-malayo ito sa school na kaniyang pinapasukan dahil high class society lamang ang nakakapasok sa St. Louisiana Academy. "Siguro ako, hindi ako makakatagal sa hindi de aircon na classroom. Mukhang nanggigitata ang mga students dito," pangungutya ni Jirro sa kaniya. Sinabunutan ni Jewel ang kaniyang kakambal at nainis. "Kung wala kang sasabihing maganda, manahimik ka na lang," inis na inis na wika ni Jewel sa kaniya. "Aray ku!!!" at saka nito pinalipit ang kamay ni Jewel. "Makababa na nga!!!" pagalit na wika ni Jewel at saka niya binalibag ang pinto ng kotse ni Jirro. "KAPAG NASIRA ANG KOTSE KO, YOU PAY FOR IT! DAMN YOU!" pagalit na wika ni Jirro sa kaniyang kakambal. Kinahapunan, muling kinausap ni Jirro si Jewel tungkol sa babaeng nakita niya na inakbayan ng kaniyang kakambal. "Burikat!" tawag ni Jirro sa kaniya. Bumalikwas mula sa pagkakahiga ni Jewel sa kama at nagulat siya sa tawag sa kaniya ni Jirro. "M-Marunong ka na pala ng salitang kalye ngayon, gold spooner. Bakit ka naparito sa kuwarto ko?!" naiinis na tanong nito sa kaniya. Umupo ito sa sofa at biglang salita. "A-About sa babaeng nakita kong kasama mo kanina. 'Yung morena," namumulang wika nito sa kaniya. "Ah, si Marissa ba ang tinutukoy mo?" "Yeah." "Bakit mo naman siya naitanong?" "K-Kasi----" Hindi pa naitutuloy ang sinasabi niya, naisip na ni Jewel ang gustong sabihin ni Jirro. "Aha! Crush mo si Marissa no? Si Morenang maganda ang tawag namin sa kaniya. Kahit paligiran 'yon ng mga mapuputing babae, siya pa rin ang pinakamaganda!" pagmamalaki ni Jewel sa kaniya. "U-Uhm, h-halata nga eh." "Gusto mo bang mapalapit sa kaniya? Single na single 'yun. Never been touched. In short NBSB. Tutulungan kita kung gusto mo." "Ah, eh, anong kondisyon? huh?" "Uhm, kada kita ni'yo babayaran mo ako ng 1000 pesos. Sempre, kailangan ko iyon. Alam mo naman na ayaw akong bigyan ng pera ni daddy at mommy hangga't hindi ako nagta-transfer sa school ni'yo. Hindi nagkakasya kasi ang binibigay ni daddy sa akin at wala akong credit card. Hindi tulad mo na may sariling credit card." "'Yun lang?!" "Tama, 'yun lang. Piso lang naman sa iyo 'yan." "S-Sige, basta tutulungan mo ako, huh?" "Okay, a pinky promise!" Nag-pinky promise sila. At sabay nilang binitawan ang salitang kanilang binabanggit sa tuwing may kasunduan silang dalawa. "Cross my heart And hope to die Eat a thousand needles if I lie," sabay na pagbanggit nina Jewel at Jirro. "Deal!" wikang muli nila. Kaya inaya ni Jewel na magkunwaring tutor ni Jirro si Marissa. Nagseselos naman ng matindi si Nemesis sa dalawa. (Panahong Kasalukuyang Usapan) "2 hours per day kung papayag kang i-tutor mo ako. Mahina ako sa Math," pamimilit ni Jirro sa kaniya. Tumingin si Marissa kay Jewel. "Pumayag ka na!" pamimilit din ni Jewel. "T-Teka, bakit hindi ka na lang maghanap ng real teacher na magtu-tutor sa iyo, singkit?" naiinis na tanong ni Nemesis kay Jirro. Tumalikod siya kay Nemesis at umismid ito sa kaniya. "Alam mo, ayokong tunay na teacher. Bakit? Kasi ginagalang ko ang mga teacher. Ayokong magbayad sa mga teacher dahil nagsasahod na sila. Isa lang naman ang ipapaturo ko, ang Math," naiinis na wika ni Jirro kay Nemesis. Hinawakan ni Jewel ang kamay ni Marissa. "S-Sige na. Kasama naman ako eh. Kung hindi 'yan papasa sa math, tiyak na mapapagalitan kami kay daddy. Malapit na rin ang exam. Uuwi na 'yun galing sa South Korea. Natatakot ako sa kaniya at kung hindi, dadalhin niya kami sa Seoul," pakiusap ni Jewel sa kaniya. Kinindatan ni Jewel si Jirro nang patago. "Oh, sige na nga. Bilang kaibigan mo, sige, payag na akong turuan ko kayong dalawa," wika ni Marissa sa dalawa. Kinurot naman ni Jirro ang likuran ni Jewel. "Aray ko, naman," sitsit na sakit na wika niya kay Jirro. "I mean, si Jirro lang pala. Kasi ako, tinuturuan mo na ako sa school hindi ba? Kaya, dapat ma-focus siya sa study hetong kakambal ko. Kaya one on one tutor kayo sa sala namin bukas. Bayad ka naman eh. 1000 pesos per session. Monday, Wednesday at Friday lang, deal? " wika ni Jewel. "K-Kung sabagay, sayang ang 1000 pesos. Sige deal," saad ni Marissa kay Jewel. Umubo naman ng kaunti si Nemesis. "Ehem. Need ko rin ng 1000 pesos, mas matalino ako kay Marissa. Kung gusto mo ako na lang ang magturo sa iyo," paghahamon ni Nemesis kay Jirro. Nagtinginan ang tatlo sa kaniya at nagulat naman si Marissa dahil parang may kakaiba ngayon kay Nemesis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD