"Marissa!!!!" tawag sa kaniya ni Jewel na kaniyang kaklasi.
Si Marissa Failma ay isang napakagandang babae. Sa ngayon ay nasa 16 years old ito at nasa Grade 10 na. Siya ay tinaguriang ng kaniyang mga kaklasi na "The Real Filipina Beauty". Hindi man ito kaputian subalit ang kaniyang balat ay napakakinis, medyo kulot at mahaba ang buhok ngunit matangos ang ilong. May bibiluging mga mata at kulay brown ang mga ito, manipis na labi na hugis puso at higit sa lahat may balingkinitan at sexy na katawan. Bukod pa rito nasa 5'2 ang kaniyang tangkad. Subalit siya ay matalino at nangunguna rin sa klase. Maraming gustong manligaw sa kaniya ngunit pag-aaral muna ang kaniyang inaatupag.
"O-Oh, Jewel, bakit?" takang pagtatanong nito sa kaniya.
"Patulong naman, oh. Hindi ko kasi alam hetong equation na itinuro sa atin ni Teacher Q kanina. Alam mo naman, boba ako sa Math, " pakikiusap ni Jewel sa kaniya.
Mayroon namang ina si Marissa, siya ay si Aling Mercie subalit wala na itong ama. Mayroon din siyang mga kapatid na sina Marian at Marvin at sila ay kambal. Nang makauwi si Marissa, tinulungan niya rin ang kaniyang ina sa paglalako ng gulay sa baryo nila. Subalit may kinaiinisang lalaki si Marissa, siya ay si Nemesis Laurente.
"Hambog!" bulong sa isipan ni Marissa habang naglalaro ng basketball sina Nemesis at kaniyang mga kaibigan sa basketball court.
Nagtinginan ang mga nagbabasketball at siya pala ang tinitingnan.
"Uy, pre, sino ang babaeng iyon?" tanong ng kaibigan ni Nemesis.
Si Nemesis Laurente, 17 years old at nasa Grade 10 na rin ito. Ang kaniyang ina na lamang ang kaniyang kasama niya sa buhay dahil ang kaniyang ama ay isang Australian Nationals. Guwapo, nasa 5'8 ang tangkad, gray eyes, pointed nose at may mamula-mulang balat tulad ng isang mansanas. Maputi at mas matalino ito kaysa kay Marissa. Dating kaklasi ni Marissa noong simula elementarya hanggang Grade 9 sila.
"Ah, si Marissa," tanging sagot lamang ni Nemesis sa kaniya.
"Ang ganda ah, morena beauty," wika naman ng kaniyang kaibigan.
Umismid si Nemesis at inaya na niyang maglaro ng basketball ang kaniyang kaibigan. Sa iisang eskuwelahan sila nag-aaral. Siya rin ay ang tinaguriang hearthrob ng kanilang school. Nang makauwi si Nemesis galing sa kaniyang paglalaro, nadatnan nito ang kaniyang ina na naghahanda na ng hapunan.
"Nem, anak, abutin mo nga ang plato," utos ng kaniyang ina at kaagaran namang kinuha ito ni Nemesis.
Nang makaupo na sila sa hapag-kainan, kaagaran naman tinanong ni Aling Lena si Nemesis.
"Anak, may sasabihin ako sa iyo," wika naman ng kaniyang nanay Lena.
"Ano po 'yon, nay?" pagtatakang tanong ni Nemesis sa kaniya.
Huminga nang napakalalim si Aling Lena.
"Uhm, kinukumusta ka ng daddy mo. Uhm, balak ka sana niyang kunin papunta sa Australia," pagtatapat ni Aling Lena sa kaniya.
Umiling si Nemesis. "Huwag na nay, iniwan na rin naman niya tayo kaya tingnan mo, hindi ko man lang magamit ang apelyido ng lusaw mong asawa. Divorce na kayo ma, so, what's the point kung sasama pa ako sa kaniya. Ni hindi ko man lang masabi sa sarili ko na anak ako ni George Carter o ang tunay kong pangalan ay Nemesis Laurente Carter. Kaya kahit anong pilit ng mga teacher ko na dapat isulat ko ang apeliyido kong 'Carter' ay parang nasusuka lang ako."
Nalungkot si Aling Lena sa itinuran ng kaniyang anak. Kinabukasan ay maagang pumasok si Nemesis sa school at kaagaran naman siyang sinalubong ni Anica. Subalit hindi man lang niya ito pinansin at nagpatuloy lamang ito sa paglalakad. Student Council President pala si Nemesis at Vice President si Marissa sa naturang council. Isang araw, nagpatawag ng meeting si Nemesis tungkol sa kanilang gagawing project sa school.
"Waste Management Project, ang balak kong ipatayo sa school natin. Tingnan ni'yo ang daming nagkalat na basura sa school natin," tugon nito sa kaniyang mga kagrupo.
Tumingin si Marissa kay Nemesis at namula ang kaniyang mukha. Ganoon din ang reaksyon ni Nemesis sa kaniya.
"M-Maganda ang project na nirerecommend mo, Nem, pero need natin iyan ipa-approve kay Mrs. Castro," saad naman ni Marissa sa kanila.
Ngumiti si Nemesis. "Tungkol diyan, nagawan ko ng paraan. Heto na ang approval signed ni Mrs. Castro."
Namangha silang lahat at talagang masasabi nilang mahusay si Nemesis dito. Pero lingid sa kanilang kaalaman, matagal nang may gusto si Nemesis kay Marissa. Subalit nahihiya lamang niya itong ipagtapat sa dalaga. Alam kasi ni Marissa na marami nang naging girlfriend si Nemesis sa kanilang school. Pati na rin ang ibang college student ay naligawan na rin niya. Ang iniisip ni Marissa ay "Certified Playboy si Nemesis" pero cool at astig.
"Kung hindi ka lang guwapo, malamang mahirap i-approved ni Madam Castro iyan," bulong ni Marissa at kaagaran naman narinig ni Nemesis ang kaniyang bulong.
"Anong sabi mo, Marissa?" pagsusungit na tanong ni Nemesis sa kaniya.
Namula ang mukha ni Marissa at hindi ito makatingin sa mukha ng binata. "W-Wala, ang sabi ko, pogi ka!"
Minsan ay nakisabay umuwi si Nemesis kay Marissa dahil magkapit- bahay lamang sila.
"Oy, Marissa!" pagulat na tawag ni Nemesis sa kaniya.
Lumingon si Marissa at nagtaka ito kung bakit siya tinawag. "Uhm, bakit?"
Humihingal si Nemesis dahil sa pagtakbo nito upang habulin ang dalaga. "Uhm, sabay na tayong umuwi."
"S-Sige," tanging nasagot ng dalaga.
"Ano kayang gagawin ko. Gustong- gusto ko talaga siya" bulong sa sarili ni Nemesis.
Humarap si Nemesis sa kaniya. Alam kasi ng binata na hindi gaanong nagsasalita si Marissa at bukod pa rito sadyang napakahinhin niyang dalaga. Hindi siya tulad ng ibang babae na makakapal ang make-up at ayaw niya iyon sa isang babae. Para sa binata, kahit hindi masyadong palaayos si Marissa ay napakaganda nito at sadyang napakatalino.
"G-Gusto mo ng juice at meryenda?" pagyayaya ng binata sa kaniya.
Tumingin si Marissa sa kaniya at ngumiti. "S-Sige, buh, basta libre mo."
Nilibre ni Nemesis ang dalaga at lalo itong namula nang ngumiti siya. Sa hindi kalayuan may isang lalaking mukhang mayaman ang lumapit sa dalawa. Mukhang galing ito sa private school.
"You are Miss Marissa?" tanong ng lalaking mukhang Koreano ang itsura.
Napatingin nang masama si Nemesis sa binatang naka-kotse.