Ashley
Iniiwasan ko lamang si Emmanuel kapag kasama ko o nasa paligid lang si Kosovar, iniiwasan din naming mag-usap at maglapit tuwing kasama namin ang mga kaibigan namin. Pero madalas ay kami lang dalawa ng magkasama kaya pakiramdam ko ay walang nagbago kahit papaano.
Pinag-aralan ko ang mga kilos ni Emmanuel tuwing magkasama kami, gusto kong patunayan kay Kosovar na hindi ako nito ginagamit, na siang mabuti itong tao kahit na isa pa itong gang leader—kung totoo man iyon.
This past few days, naging busy ako sa trabaho, sinabihan ko ang mga manager ko parehas sa bar at cafe na ipag-over time ako sa trabaho. Tulad ng palaging nangyayari ay nawala ang ipon ko, eh sa backpack ko lang naman ito tinatago. Tinanong ko si Mama tungkol dito pero tinanggi niya ito at away lang ang kinahantungan nito.
Siya lang naman ang pwede kong pagbintangan, siya lang ang bukod tanging tao na magnanakaw sa perang pinaghirapan ko sa pagtatrabaho. Malaki-laking pera na ang ipon ko na 'yon at nawala lang na parang bula?
I hate my mother so much, damn it! Sana iba nalang ang naging nanay ko.
Para akong maiiyak habang binibilang sa palad ko ang perang kinita ko, hindi pa ito nangangalahati sa isang libo. Ayokong gastusin ito pero gutom na gutom na ako, ayokong humiram ng pera sa mga kaibigan ko at ayokong makituloy sa kanila lalo na kay Kosovar. Marami na akong utang sa kaniya, sinusuway ko pa ang bilin niya na iwasan ko si Emmanuel.
Kung nandito lang sana si Ryder...
If I tell him about what's going on with my life, he will be worried. Kaya nagpapanggap ako na okay lang ang lahat tuwing tumatawag siya.
Hindi ako nakapunta sa plaza, hindi ko rin nakasama si Emmanuel mula kanina dahil naging busy ako. Naghihinala na ang mga kaibigan ko panigurado dahil tanong sila nang tanong kung bakit palagi akong late.
Bukas ko pa makukuha ang sweldo ko sa Forever Young bar kaya kaylangan ko munang magtiis. Hindi rin naman ito ang unang pagkakataon na hindi ako makakakain ng buong araw.
Dumating ang hating gabi, kakatapos lang namin tumugtog sa entablado ng bar. Kasalukuyan akong nag-aayos ng mga gamit ko sa backstage nang may maramdaman akong presensya sa likod ko.
"Hey." May bumulong sa tenga ko, nilingon ko kung sino ito at natigilan nang mapagtanto na sobrang lapit pala nito sa akin, ilang pulgada lang ang layo ng mukha namin sa isa't isa.
"Nuel!" I stepped away in surprise. "Nanggugulat ka ba?"
He chuckled, "did I scare you?"
"A lil bit."
"Mind if hang out?"
Nginitian ko siya at tumango. "Sure, go ahead."
Hindi mo talaga maiiwasan na hindi mapansin ang kagwapuhan at kakisigan ng katawan niya. Mahilig na yata itong magpakita ng braso at muscles niya rito. His tattoos are very beautiful to look at, there some words like 'shameless' and 'gothic' written on his inner of his lower arm.
"Are you done admiring my hotness, baby?"
Nag-angat ako ng tingin sa kaniya, nagtataka kung bakit tinawag niya akong 'baby' dahil masyado akong naapektuhan non. Agad din akong nag-iwas ng tingin para itago ang namumula kong pisnge.
"You look tired, are you alright?"
I bit my lower lip and nodded. "Of course, I'm fine. Napagod lang sa trabaho."
"Come on, I'll bring you home." Nagpakawala siya ng malalim na hininga, tumayo at binuhat ang gitara ko. Gusto ko sana siyang tanggihan pero tama siya na mukha akkng pagod dahil pagod at inaantok na talaga ako. Ang gusto ko lang gawin ngayon ay mahiga sa kama ko at makipagyakapan sa unan ko.
"Thank you," I muttered.
"Anytime, Ash. Come on." Binitbit niya ang gitara ko at gitara niya sa iisang balikat habang ang isang braso niya ay sinakop ang bewang ko at siniksik ako sa gilid niya.
"Ano ka ba? Kaya ko namang tumayo, uy."
"From the looks of it, parang sasara na 'yon mata mo. It's bettee to be safe."
Giniya niya ko palabas, siya na ang nagpaalam sa mga kaibigan namin na uuwi na kami. Maingat niya ako na giniya palabas ng bar at papunta sa parking lot para puntahan ang motorsiklo niya.
"This is where I regret I don't have a car." I head him mutter to himself. "You'll sit infront of me, okay? In case you fall asleep."
I smiled and nodded. Inalalayan niya kong makaakyat ng motorsiklo, sumunod siya habang ang dalawang gitara ay nakasabit pa rin sa balikat niya.
"Lean back on my chest, baby." He whispered, putting his hand on my forehead ang guiding my head to lean back on my chest.
I don't know what's with him and his endearment. Sa pagkakaalam ko ay nagbibigay lang ng endearmemt ang isang lalaki sa isang babae kung nobya na nila ito.
Naramdaman kong unti-unting bumibigat ang takip-mata ko hanggang sa hindi ko na namalayang nakatulog na ako.
...
I never been this comfortable in my entire life which confused me. Nahirapan akong idilat ang mga mata ko dahil sa sobrang lambot ng hinihigaan ko, kahit ang unan ay napakalambot. Napilitan lang ako na magmulat ng mga mata nang tumunog ang tiyan ko sa gutom.
Oo nga pala't hindi ako nakakain kahapon.
Puting kisame ang bumungad sa akin, hinila ko ang sarili nang makabangon at mas lalo lang nagtaka nang makita na nasa isang magarbo akong kwarto. Malayong-malayo sa kwarto ko na maliit at gawa sa kahoy ang kisame at ang apat na dingding nito.
Nasa isang malawak at malaking kama ako, nasa ilalim ng malambot na comforter. Malamig ang mukha ko dahil sa air conditioner, ang mga kagamitan sa paligid ay parehas sa kama na malaki.
Kinusot ko ang mga mata ko, inaasahan na nananaginip o namamalikmata lang ako pero walang nagbago sa paligid ko. Bumuga ako ng marahas na hininga at hinilot ang noo ko.
Napaigtad ako sa gulat nang bumukas ang pinto, nagpakita si Emmanuel na may dalang isang tray na may lamang pagkain.
"Hey, you're awake. Good." Naglakad siya papunta sa akin at pinakita ang dala niya. "Nagugutom ka na ba?"
Binaba ko ang comforter ngunit binalik ko rin agad sa katawan dahil sa lamig. Tumingin ulit ako sa paligid, hindi nakapagtataka na kwarto niya ito dahil nakakalat dito ang amoy niya.
"Nasa kwarto mo ba ako?" Kumunot ang noo ko.
"Yep, you fell asleep last night. Hinatid kita sa bahay niyo kaso mukhang walang tao, nakakandado ang bahay niyo at ayoko namang mangialam sa mga gamit mo kung may susi kaya dinala nalang kita rito sa bahay ko." Pagpapaliwanag niya.
"B-binuhat mo ba 'ko?"
"Magaan ka lang naman, Ash." Ngumiti siya sa akin at umupo sa harapan ko. "Don't worry, sa couch ako natulog kung iyon ang inaalala mo. Komportable ka naman ba rito?"
I just hummed, my cheeks turning red. I don't know what to say, it's so sweet of him. He even brought me foods, I don't remember someone doing something that is similar to this.
"Nagugutom ka na ba?"
Sasagot sana ako ngunit naunahan ako ng tiyan ko. Maa namula ako, halos itago ko na ang mukha ko sa loob ng comforter.
Mahina siyang tumawa. "Kumain ka na. I cooked all of this for you." Inabot niya sa akin ang tray, binaba ko ulit ang comforter at tiniis nalang ang lamig para tanggapin ang iniabot niya.
Nahihiya ako sa kaniya, gusto kong tanggihan lahat ng kabutihan niya sa akin. This just proves that he really is a good person.
"T-thank you, Nuel."
"Anything for you, Ash."
Kinuha ko ang kutsara at tinidor na nasa bandang gilid ng tray. Hindi ko magawang hawakan nang maayos ang mga ito sapagkat alam kong pinapanood ako ni Emmanuel. I'm already aware that I am as red as a tomato in shyness.
Simpleng hotdog, scrambled egg, bacon and fried rice lang ang niluto niya pero pakiramdam ko ay sobrang-sobra na ito dahil ito yata ang unang pagkakataon na makakapag-breakfast ako ng totoong pagkain. Kadalaan ay hindi na ako nag-aagahan, minsan ay kaoag nagugutom na talaga ako ay bumibili nalang ako ng biskwet para sa sarili ko at umaasa nalang sa libre ng mga kaibigan ko.
Nang sumubo ako ay tila maiiyak ako. Sobrang gutom na gutom ako, humihilab ang tiyan ko sa gutom. Subalit pinigilan ko ang sarili, naging mabagal ang pagnguya ko para maging maayos sa harapan niya.
Natigilan ako nang hawiin niya ang buhok na nakaharang sa buhok ko at tinaas ang baba ko.
"You look tired and stresses out lately. Did something happen?" he asked.
Ngumiti ako sa kaniya. "Wala naman, okay lang ako, Emmanuel."
"I know something's wrong with you, please don't lie to me."
Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi at umiling. "Wala talaga."
"Ashley."
"Wala, Nuel. I promise." I'm the biggest liar ever. "Don't worey about me, okay lang talaga ako. Normal na sa akin na ganito ako, you can even ask my friends. Sanay na akong napapagod."
He stayed silent, studying my face as if he's trying to figure out if I was lying.
"Go finish your breakfast, pupunta pa tayo sa Plaza."
"Oo nga pala."
"Kumain ka ng madami." Tinapik niya ang baba ko bago siya tumayo at nagtungo sa pintuan. "Mag-aayos lang ako, you're free to use the bathroom. I also bought clothes you while you're asleep."
I smiled gratefully at him. "Thank you so much, Nuel."
"I already you. Kahit ano basta para sayo." Binuksan niya ang pinto at binigyan ako ng huling sulyap. "Nasa baba lang ako, call me if you need something."
"Okay."
Lumabas na siya ng kwarto at sinarado ang pinto. Pinagpatuloy ko ang pagkain, sa pagkakataong ito ay para na akong baboy kumain dahil sa gutom. Halos hindi ko na ito nguyain at nilulunok nalang kasabay niyon ang pagtulo ng mga luha ko.
Pakiramdam ko ay ito ang pangbawi sa sobrang pagod ko kahapon.
Hindi ko namalayang naubos ko na pala ang lahat sa tray, may ngiti na gumuhit sa labi ko habang tumutulo pa rin ang mga luha. May hangin na lumabas sa bibig ko sa pagdighay, natawa nalang ako at pinahiran ang mga luha.
Nilibot ko ang tingin sa paligid—sa kwarto ni Emmanuel. Malaki at magara, lalo na ang mga furnitures, ngunit wala man lang kabuhay-buhay. Walang posters o kahit ano mang mga bagay na kaaliwan mo. Malayong-malayo sa kwarto ni Jezer na nakasanayan ko.
Kahit ang banyo ay malaki at malawak, hiwa-hiwalay ang shower area at toilet. Kumpleto rin yata siya sa mga toiletries.
Hinubad ko ang lahat ng saplot sa katawan ko, tumapak sa shower area at naligo. Tumama sa balat ko ang maligamgam na tubig, napapikit ako aa sarap sa pakiramdam nito, nakakawala ng pagod. Maraming klaseng sabon, hinanap ko nalang ang iyong may bawas na. Pagkaamoy ko palang dito ay alam ko nang ito ang ginagamit ni Emmanuel.
I even tried to find his shampoo base on the scent of his hair and put it on myself. Hindi ako nagtagal masyado sa shower, inabot ko ang bathrobe na nakasabit sa towel rack at sinuot ito. Nang makalabas ako ng banyo ay sa kama ni Emmanuel ay may nakapatong na kulay pink na tuwalya na nakatupi ng maayos, katabi noon ay isang damit na nakatupi rin.
Kinuha ko ang tuwalya at pinahid ito sa mukha at sa buhok ko. Pinagmasdan ko ang damit na binili ni Emmanuel para sa akin. Isa itong floral pink dress, mahaba ang manggas at nagtatapos sa itaas ng tuhod ko.
Sinigurado ko na naka-lock ang pintuan bago alisin ang roba sa katawan ko at suotin ang bestida. Tumakbo ako papunta sa salamin, umikot-ikot pa ako dahil ang cute ng dress. I love it.
Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang comb na nakita ko sa ibabaw ng nightstand. Nahanap ko ang backpack ko sa couch, hinalukay ko ito para hanapin ang powder at liptint ko. I put some tint on my lips lightly and caressed my face with a small amount of powder.
When someone knocked on the door, my heart leaped excitedly. I looked at myself one last time in the mirror and opened the door.
"Hi!" I smiled, opening the door widely.
"Hey..." bumaba ang mata niya sa kabuuan ko. "Wow."
"Is it okay?" nahihiyang tanong ko, "pasensya na't inabala pa kita."
"Stop apologizing and thanking me." He shook his head lightly. Nagulat ako nang hawakan niya ang braso ko at hinila palapit sa kaniya.
"N-nuel..."
He was so close to me.
He bit his lower lip. "You smell good."
"I-i got your scent. Is it okay?"
"More than okay, Ash." Bumaba ang kamay niya sa kamay ko. "Nagustuhan mo ba? Pasensya na, wala akong ideya sa mga style niyong mga babae."
"I really like it, thank you." Pinaglaruan ko ang mga daliri ko. "Nakakahiya na sayo, Nuel. I owe you a lot."
"You don't owe me anything. Just pretend it's your birthday and this is my gift for you." He squeezed my hand tightly.
I bit my lower lip to hide my smile. Thank you much, Nuel...