Ashley
Natural na kunplikado ang buhay, lahat naman ay dumadaan sa mga pagsubok na dapat nating masolusyunan. Noong una ay hindi ko pa naiintindihan, palagi akong napapaisip na sa dinami-rami ng mga tao sa mundo, bakit ako pa ng pinanganak para mabuhay sa ganitong klaseng pagsubok? Madalas din sumasagi noon sa isip ko na mas magiging madali kung tatapusin ko nalang ang lahat.
But I've come to realize that I'm not the only one suffering, that there are also people out there who have the same fate as mine. Maybe there are also people out there who has bigger problems and grievously suffering. With these in my thoughts, I choose to let things flow naturally forward in whatever way they like and see where life will take me.
I brushed my fingers on the railing as I walked my way down the stairs. I found my mother cooking in the kitchen, there are groceries on the table-not only that-there are also jewelries, clothings, alcohols and drugs.
I just stayed silent and clenched my fists to force myself to stay calm. Now, I'm a hundred percent certain that she's the one who took my savings, the money that I worked so hard for.
Nakakapagtaka lang na kahit anong tago na gawin ko sa ipon ko ay natutuntun niya pa rin kung nasaan ito. Ganito na ba talaga kasama ng ugali niya? Pati ang pinaghirapan ko ay kukuhanin niya nang ganon-ganon lang?
"Magandang umaga, 'Ma," walang gana kong pagbati.
Lumingon siya sa gawi ko at ngumiti. "Gising ka na pala, gusto mo bang mag-agahan?"
"Hindi na ho." Umiling ako at tinalikuran siya. "Magpapahangin lang ako sa labas."
"Bahala ka," narinig kong sagot niya. "Siya nga pala, magpapasukan na, tanging limang daan lang ang mabibigay ko pangbili mo ng mga gamit mo sa eskwela. Humingi ka nalang sa Papa mo ng pangdagdag."
"Okay po." Pagkatapos kong sumagot ay nagmamartsa na akong lumabas ng bahay. Mahina akong napatili at pinagsisispa ang lapag dahil sa inis at galit na nararamdaman para sa nanay ko.
Bakit ganon siya!? Bakit siya pa ng naging nanay ko!?
Napaupo ako sa gilid ng kalsada, napahilamos ako sa palad ko at sinubsob ang mukha rito. Hindi ako makapaniwala na ninakawan niya ako, nasa bag ko na ang ipon ko ngunit nagawa niya pa ring nakawin iyon.
Nagring ang cellphone ko na nagpagising sa akin sa galit ko-mabuti nalang.
Tatlo lang namang tao ang tumatawag sa akin. Si Kosovar, si Ryder at si Emmanuel. Pero sa sitwasyon ko ngayon, hiniling ko na sana ay si Emmanuel nalang iyon.
Ever since the first time he accepted me in his home, I felt like we became much closer, he invites me almost everyday in his home. Siya ang takbuhan ko kapag may problema ako, pero sa kabila noon ay hindi ko mabuksan-buksan ang bibig ko para sabihin dito ang mga problema ko.
Minsan ay nagiging bukas din naman ako sa kaniya tuwing maliit lang ng problemang iyon, pero ang problema ko ngayon ay masyadong personal at may kinalaman ang pera. Sa sobrang bait at maalahanin sa akin ni Emmanuel, alam kong hindi siya magdadalawang isip na bigyan ako. He's rich after all.
I checked the caller and my eyes sparkled when I saw Emmanuel's name on my screen. I kissed the back of my phone in excitement and answered the call after.
I mastered the process of handling a touch-screened phone, that's all thanks to him.
"Nuel! You called!" masaya kong pagbati sa kaniya.
"Miss me that much, Ash?" I can already imagine the playful smirk on his face.
"Hindi, ano! Masaya lang ako na napatawag ka, wala kasi akong magawa rito sa bahay. Labas naman tayo oh, ang boring dito. 'Yong mga kaibigan natin eh may family bonding, si Var naman ay may trabaho. Day off ko ngayon eh, gusto ko sanang magtrabaho pa kaso ayaw ako payagan ng manager."
"Don't you want to rest? Dapat pagpahingahin mo 'yong katawan mo sa pagtatrabaho. You're very workaholic, Ash, you should learn how to take care of yourself. Lend yourself some time."
Bumaba ng balikat ko. "Don't you want to be with me?" Nagkunwari akong nagtatampo-o baka nagtatampo nga talaga ako?
"Don't be dramatic, I'm almost there."
My brows furrowed. "Are you using your phone while driving? Nuel, stop that! End this call now! That's dangerous!"
He just chuckled at me. Why did it sound attractive? "Hey, don't worry about me, okay? Sanay na 'ko rito, hintayin mo lang ako d'yan, susunduin kita para dito ka matulog sa bahay ko. Don't get the wrong idea, you'll rest."
"Oo na, oo na!" Ngumiti ako. "Ibababa ko na ang phone, delikado para sayo. Hihintayin kita, ha?" Para sigurado ay ako na ang nagpatay ng tawag at pumasok na sa bahay. Naaninig ko si Mama sa kusina na kumakain sa lamesa habang nasa cellphone niya. Tumikhim ako para kuhanin ang atensyon niya na binigay niya rin agad.
"May kaylangan ka?"
"Aalis po ako."
"At saan naman ang punta mo? Bakit yata napapadalas ang pag-alis mo?"
Himala yata na nagkaroon siya ng interes sa buhay ko? Dapat na ba akong matuwa?
"Kasama ko po kaibigan ko, Mama." I tried to sound natural. "Wala naman akong gagawin dito sa bahay, saka tapos na rin naman ako sa mga gawaing bahay. At madalas din po ako sa trabaho kasi may kumuha ng ipon ko."
Binaba niya ang cellphone niya at tinaasan ako ng kilay. "Sinisisi mo ba ako? Hindi ko ninakaw ang pera mo, Allan Marie, kaya huwag mo kong tinitignan nang gan'yan. Akala mo ba hindi ko alam na sumasama-sama ka d'yan sa anak ng mayor? Ano? Nagtatago ka na ngayon ng mga bagay sa akin?"
"Magkaibigan lang po kami," simpleng pagsagot ko, "saka dati naman hindi kayo interesado sa lahat ng mga ginagawa ko at kung sino ang mga kinakaibigan ko," pagpapatuloy ko pa.
"Obligasyon mo pa rin na magsabi sa akin dahil nanay mo pa rin ako, dapat sinasabi mo sa kin 'yong mga nangyayari sa buhay mo."
"At obligasyon din ng isang ina na kumayod para sa anak nila, pero imbis nga po na ikaw ang naghihirap sa pagtatrabaho, ako 'yong nagdurusa. Mas inuuna mo pa ang pakikipaglandian. Binebenta mo ang sarili mo para sa pera na ikaw lang naman ang nakikinabang!"
Hinampas niya ang lamesa at tumayo, umusog patalikod ang upuan na kinauupuan niya. Lumapit siya sa akin at malakas akong sinampal sa pisnge.
"Huwag mo 'kong pinagtataasan ng boses! Magpasalamat ka nalang na binuhay pa kita, kung alam ko lang na magiging ganito kang klaseng anak, hedi sana una palang ay pinalaglag na kita!"
Natulala ako sa kawalan, sinapo ko ang humahapdi kong pisnge at nakasisiguro akong namumula ito sa lakas ng pagkakasampal niya rito. Nanubig ang mga mata ko. Hinuha ko na hindi na ako maapektuhan ng mga isusumbat niya sa akin dahil tanggap ko nang mag-isa nalang ako, pero bakit ang sakit sa dibdib nang isumbat niya mismo nang harap-harapan na hindi niya ako ginusto at gusto niya akong ipalaglag noon. I already knew that but I didn't expect that it would hurt this much.
"Parehas lang tayo, Allan Marie. Parehas lang," pamamalintuna niya.
Umiling ako bilang pagtanggi. "H-hindi."
"Pwede bang umalis ka sa harapan ko? Sinisira mo lang ang araw ko."
Pinahiran ko ang luha ko at patakbong nagtungo sa kwarto ko. Mabilis akong naligo at nagbihis, hindi ko na naisipan pang mag-ayos dahil sa pagmamadali, kahit ang gitara ko ay nakalimutan kong dalhin. Napahinto ako sa gitna ng hagdanan nang makita si Emmanuel na nakaupo sa couch kasama ni Mama na nakaupo sa harap niya.
"Nuel!" Pagtawag ko sa atensyon niya.
Lumingon siya sa gawi ko at ngumiti. "Ash."
I forced a smile. "Hey! Come on, let's go!" Lumapit ako sa kaniya, hinablot ko ang braso niya at hinila siya patayo. "Tara na, Nuel!"
"Are you okay? Umiyak ka ba?"
"Napuwing lang ko," tanggi ko at sandaling sumulyap kay Mama. "Aalis na po kami."
"Ganoon ba? Mag-iingat kayo sa lakad niyo." She replied in a polite way. I wanted to laugh and praise her good samaritan act sarcastically.
Hinila ko paalis ng bahay si Emmanuel at patungo sa motor nitong nakaparada sa labas ng bahay namin.
"Nagugutom na ako, hindi pa ako nakakakain eh. Okay lang ba na pagluto mo ulit ako?"
"Ashley-"
"Why are you just standing there? Sumakay ka na nang makaalis na tayo!"
Huminga siya ng malalim, hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at pinaharap ako sa kaniya. "Can you look at me, Ash?"
May kung ano sa boses niya para mapasunod ako sa hiling niya. He caressed my cheek, his fingers traced down to the side of my neck as he lifted my head to stare into my eyes properly. The soft expression on his face suddenly disappeared and was replaced by a worried one, his hand went back to my cheek and caressed it once again.
"What's this? Who hurt you?"
"Nuel, can we just go, please-?"
"Was it her? Your mother?" he asked.
"H-hindi-"
"Don't lie to me, Ashley. Tell me the truth."
"Hindi si Mama ang may gawa nito." Binaba ko ang kamay niya at nag-iwas ng tingin mula sa nag-aalala niyang mga mata. "Tara na, please? Umalis nalang tayo rito, Nuel. A-ayoko na rito."
I gasped in surprise when he pulled me to his chest and wrapped his arms around me. Hindi ako agad nakakibo at nakakilos dahil sa pagkabigla.
"You can always tell me anything, I will listen." He stroked my hair gently, my eyes dropped close because of how good his hand felt. Tinugon ko ang yakap niya at hindi na napigilan na umiyak sa dibdib niya.
...
"Bakit ka niya sinaktan?" Pangungusisa ni Emmanuel habang hinihimas pa rin ang namumula kong pisnge dahil sa sampal ng nanay ko. "Namumula pa rin."
"Ngayon niya lang naman ako napagbuhatan ng kamay, saka kasalanan ko rin naman kasi sinagot-sagot ko siya." Napanguso ako. "Sampal lang naman 'yan, hindi ako mamatay sa sampal."
"Ashley." He used his warning tone to me. "Look at you, pumapayat ka na. Kumakain ka ba sa tamang oras? Magpahinga ka naman kahit saglit lang, Ash. I don't like what you're doing to yourself."
"I'm alright, Nuel, don't worry about me. Mayayakap mo pa naman ako." The was only suppose to be a joke, but then he pulled me again to him making me sit on his lap. "U-uy!"
"Let me hug you again then."
A heavy huff escaped my mouth when he hugged me tightly. Instead of being shy and embarrassed, what he did made me smile and feel okay. He was always this sweet to me that always warms my heart, I would always melt in his arms.
Nayakap na ako ng mga kaibigan kong mga lalaki pero iba ang pakiramdam ko tuwing si Emmanuel ang niyayakap ko. His arms felt safe and secure, I find comfort and ease inside them. I feel like he won't let anything bad happen to me.
He pulled away gently, he tucked my hair behind my ear and caressed my cheek. I realized that he's staring at my lips as he trace circles on my cheekbones. Sinakop ng kamay niya ang buhok ko at inayos ito sa kanang balikat ko. His hand went to the skin on my collarbone down to my waist. Bolts of electricity awakened inside my body because of of it.
"Take some rest after finishing your food, okay?" he whispered in my ear, caressing my waist.
I nodded, biting my lip. "Okay."
"Good girl." He muttered, dropping his hand. "I'll leave for a bit, may pupuntahan lang ako saglit pero babalik din ako agad."
Tumango ulit ako.
He leaned closer, his face only a few inches from mine. Hinawi niya ng bangs sa noo ko at hinalikan ako rito. Tumalon ang puso ko nang may sunod siyang gawin na hindi ko inasahan. He scopped my body in his arms and placed me on his bed.
"Sleep while I'm gone, I'll be back before you know it." He got off from the bed, he took a last glance at me before leaving the room and closing the door behind him.
Nakaramdam ako ng pagkabahala dahil sa inakto niya. Hindi niya ginagawa sa akin iyon, ngayon niya lang ako tinignan at hinawakan nang ganoon. The emotions in his eyes while he was staring at me are all new to me, same as the emotions I felt.
Nilingon ko ang tray na may lamang mga pagkain sa nightstand at napakibit-balikat.
Oh well...
Inubos ko ang pagkain na niluto para sa akin ni Emmanuel, pagkatapos ay tumambay sa balkoneya sandali.
Nakatirang mag-isa sa bahay na ito si Emmanuel, hindi ito mansyon pero malaki pa rin. He's already 21 years old, he's an adult so he can already live in his own. I'm curious about his parents or family, and why he's alone and all that, but I don't want o invade his personal privacy.
Huminga ako ng malalim, pumasok na ako at sinarado ang glass door ng balkoneya. Humiga ako sa kama, amoy pabango ito ni Emmanuel na nakatulong din para gumaan ang loob ko.
Pumasok sa isip ko ang mga ginawa niya kanina at sa hindi ko maintindihan na dahilan ay napangiti ako. The way his stared at me, the way he played with my hair, the way his hands ran down from my shoulder to my waist, the emotion in his eyes as he did those...
Sa sobrang kakaisip sa kaniya ay hindi ko nalamayan na nakaidlip pala ako. Maybe I really need some rest.
Saglit akong nagising, inabot ko ang unan sa gilid sa ulonan ko ay niyakap ito. Handa na sana akong bumalik sa pagtulog nang may narinig akong ingay. Naalarma ako at agad na bumalikwas ng bangon at lumingon sa balkoneya. Nakabukas ang glass door na ikinabahala ko, sigurado ako na sinarado ko iyon bago ako matulog.
Bumangon ako at nagmadali na tumungo roon, humawak ako sa railing at sumilip sa ibaba. May isang lalaki na nakaitim, papababa na ito ng gate na paniguradong inakyat niya. Mabilis itong nakasakay sa isang hindi pamilyar na motor at humarurot paalis na parang kidlat.