Chapter 2

2042 Words
Pagdating ko sa resthouse ni Mr. Dee nakita ko pa si manang ang mayordoma ni Mr. Dee na nag wawalis sa garden. Sya din yung nakita ko sa hallway. "Hello po manang" tawag ko Lumingon sya sakin at nagtataka siguro Kung bakit nandito ako ngayon "Oh hija bakit nandito ka? May kailangan ka ba kay Mr.Dee" "Ah pinapapunta po ako ni Mr Dee ngayon dito, nasaan po pala sya" "Nasa dining area hija nag aalmusal, halika ihahatid kita doon" "Ahh sige po maraming salamat po" Hinatid ako ni manang sa dining area at nakita ko nga nag aalmusal si Mr.Dee doon "Good morning po Mr.dee " "Hija andito ka na pala, halika samahan mo ko mag almusal" "Nako hindi na po" "Sige na maupo ka na dito baka di kapa kumakain" "Ahh kakahiya naman po" "Ngayon ka pang nahiya sakin" Sabi nya Umupo naman ako sa kanan. "Maraming salamat po" May lumapit na kasambahay Sakin at nilagyan ng pagkain yung platong nasa harap ko Hala grabe para Naman akong peinsesa dito Kung maka silbi sila "Thank you po" Sabi ko doon sa kasambahay na naglagay ng pagkain ko. "Oo nga pala hija gagawin pala kitang intern ikaw na lang pumili ng department na gusto mo. Alam mo Naman siguro Yun diba? " "Ah opo" Sabi ko 9am kami nakarating sa company ni Mr.Dee. isa lang masasabi ko "wow" as in wow Ang laki ng company nya. Hindi ako makapaniwala na nakakilala ako ng ganitong tao. Sobrang layo ng antas ko sa katayuan ni Mr.dee isang napakalaking himala na nakatagpo ko sya "Arian this is mashikina our new intern" Sabi ni Mr.dee "Hello mashikina I'm Arian nice to meet you" Sabi ni Arian Ngumiti ako sa kanya at bumati rin. "Iiwan na Kita Kay arian, mashikina" Sabi ni Mr.dee Sakin kaya tumango ako sa kanya at ngumiti "Arian ikaw na bahala sa kanya at may meeting pa ako" "Ok Mr. Dee" Sabi ni Arian Umalis na si Mr. Dee dahil sa 15th floor pa ang floor nya. "Let's go mashikina" Sabi ni Arian Tinour ako ni Arian sa mga offices at itunuro nya rin sakin ang mga gagawin ko. Which is madali lang Naman dahil mag type lang ako at may ibang gagawin. Ngayong araw nagsimula narin ako may binigay lang sakin si arian na papel at Sabi sakin itype ko daw mga iyon para maipasa mamaya Hapon na at nag ta type parin ako dito Ang daming binigay Ni Arian sakin na papel dahil need daw sa Monday. Off Lahat ng office workers Dito pag sunday. At ngayon Thursday na meron pa akong hanggang bukas para matapos ito, ang sakit pala sa ulo pag nakatutok ka sa monitor maghapon. Paano kaya nagagawa ng iba to? Pupunta pa pala ako sa kashikoi academy para ayusin yung student profile ko para maka kuha narin ako ng schedule ko. “mashikina?” tawag sakin ni albert isa sa mg aka cubicle ko “oh bakit albert? May kailangan ka ba?” “ahh kukunin ko lang sana yung ibang pina type ko sayo kahapon tapos mo na ba yun?” “ahh yun ba ooo tapos ko na sige iprint ko tapos bibigay ko na lang sayo” “sige need kasi yun mamayang 4pm” “sige no problem tapos ko narin naman yun” Nag thumbs up sya sakin bago sya bumalik sa cubicle nya ako naman ni print ko na yung kailangan nya buti na lang pala natapos ko nay un itype kahapon. Nakita ko pa si arian kasama si sir harry ewan ko may project ata silang dalawa madalas ko kasing mapansin na lagi silang magkasama. Binigay ko na kay albert yung hard copy kaya pumunta na ako sa office ni arian sa para ibigay din yung hard copy na kailangan nya ngayon. “aray” sabi ko Dahil di ako tumitingin sa dinadaanan ko di ko alam may nabunggo na pala ako. “nako sorry po” sabi ko Napatingin ako sa nabunggo ko, teka anghel ba to? Bakit ang gwapo nya? “miss sa susunod tumingin ka sa dinadaanan mo” “opo, sorry po talaga” Parang kasing edad ko lang naman sya pero kung maka miss akala mo matanda na “sir zamiel ok lang ba kayo “ lapit sa kanya ng lalaki na kasama nya ata diko na pansin eh Tumango lang sa kanya yung zamiel “sorry pot alga sir” sabi ko at umalis na doon jusko baka isa sa mga anak yun ng directors bakit ba kasi ang tanga tanga ko. Maglalakad na lang di pa ako tumitingin “arian ito na pala yung mga hard copies na kailangan mo” “salamat mashikina” “ahh arian” sabi ko at tumingin naman sya sakin “andyan bas si Mr.dee?” “ahh nasa meeting pa mamaya pa tapos nya eh, bakit may sasabihin k aba?” “oo sana dahil magpapaalam ako, kailangan ko kasi asikasuhin yung sa school na inapplyan ko” “ah yun ba no problem sige sasabihin ko kay mr. dee” “sige thank you arian” “no problem” sabi nya at ngumiti pa sakin Akala ko talaga nung una masungit tong si arian pero hindi pala ganon lang pala sya. Nagligpit na ako ng gamit dahil 4pm ang uwi ko. Mag 4 narin naman so inayos ko na yung mga gamit ko na nakakalat sa desk. “oh mashikina uuwi ka na?” “ayy opo maaga po ako ngayon eh” “ahh ganon ba sige ingat” “salamat po” Bago ako umuwi nag withdraw ako doon sa account na nilalagyan nila mama kailangan ko ng magbayad ng renta kaya ling nenang. 5k rin babayarin ko buti na lang at may trabaho na ako at pwede ko ng galawin yung pera na nakalagay sa account na to. Pag kauwi ko nakita ko pa si aling nenang na sa tapat ng bahay namin “aling nenang” “oh andyan ka na pala buti dumating ka, may lalaking naghahanap sa mama mo” “po? Sino naman po?” Hindi naman pwedeng kamag anak ni mama iyon dahil sabi ni mama pina alis na sya ng mga kamag anak nya “ aba hindi ko alam tinanong lang kung dyan ba nakatira si Christina del fuente” “marami pong salamat, ito nga pala yung bayad aling nenang maraming salamat poo sa palugid na binigay nyo” sabi ko at tumango sya sakin at umalis na Hanggang ngayon iniisip ko kung sino yung naghahanap kay mama Hindi talaga pwedeng kamag anak iyon ni mama dahil wala na syang connection sa kanila matagal na. wala rin naman akong alam na pinag kakautangan niila mama Inalis ko sa isip ko yung tungkol kay mama at pumunta na lang sa kwarto ko para ayusin yung mga gamit ko. Hindi ko pa kasi naayos yung gamit ko simula nung nawala sila mama. Sa pag aayos ko ng gamit may nalaglag na papel sa kama ko, nagtaka pa ako kasi wala naman akong sinisingit na papel sa mga gamit ko.kinuha ko yung papel at binuksan ko galing kay papa pala yung sulat Anak, Mashikina anak alam ko pag nakuuha mo tong sulat na ito ay wala na kami ng mama mo. Hindi ko na maipapaliwanag kung bakit pero patawarin mo kami ng mama mo sa pag tago sayo ng katotohanan. Anak tandaan mo ikaw ang anak namin kahit ano pa nangyare. 17 yrs ago nag kaanak mama mo pero namatay din bago ito mag isang buwan dahil sa depress mama mo hinayaan ko sya magtrabaho. Pero hindi ko alam nag anon trabaho na kukunin nya. Isangg sindikato na kumukuha ng bata. Pero sa trabaho nyang iyon ikaw lang ang kinuha nya at itinago gusting gusto talaga ng mama mo mag kaanak ulit pero hindi na kakayanin ng katawan ng mama mo dahil may sakit sya sa matress. Nang kinuha ka nya nagalit pa ako sa kanya pero sa kalaunan nakita ko ang pag mamahal na binigay nya sa iyo. Hindi namin alam kung saan ka galing hindi naming alam kung sino totoo mong magulang. Nakuha ka lang ng mama mo sa isang ka trabaho nya at ngayon hinahanap na sya hindi alam ng mama mo bakit sya hinahanap ng mga sindikato na iyon. Isang bata lang naman nakuha nya at legal iyon sa pinag tatrabahuhan nya. Hindi namin alam hanggang kelan kami mabubuhay dahil sa mga araw na ito hinahabool na kami ng mama mo. Hindi ko pwede iwanan ang mama mo anak. Pasensya na kung nitong mga nakaraangaraw wala kaming oras ng mama mo sayo. Ayaw ka lang naming mapahamak. Mag iingat ka lagi anak mahal na mahal ka namin Naka tulala lang ako pag katapos kong mabasa iyon, hindi kagad ma proseso ng utak ko. Tama ba ang mga nabasa ko? Bakit? Bakit nagawa ni mama iyon? Hindi, hindi ko pwedeng isisi si mama Pinipilit kong intindihin pero lalo lang akong naiinis Bakit nilayo ako nila mama sa totoong magulang ko? Bakit hindi nila sinabi sakin nung nandito pa sila Bakit? Pumasok sakin yung mga masasayang ala ala naming tatlo lalo lang ako naiyak. Mama bakit? Sino mga magulang ko? Bakit ka sumali sa mga sindikato? Bakit ako napunta sa mga sindikato? Alam kong wala akong makukuhang sagot pero patuloy parin ako sa pagtanong Nakatulog akong umiiyak hindi na ako nakakain. Pag kagising ko 7am na at namamaga pa ang mata ko. Naalala kong nakatulog ako dahil sa pag iyak. Pumasok nanaman sa isip ko yung mga nabasa ko sa sulat. Hindi ko alam paano ako magsisimula Sino ba ako? Mashikina ba talaga pangalan ko? Sino ba totoong mga magulang ko? Dapat ko ba silang hanapin? Diko muna inintindi yung mga nasa isip ko at na ligo na ako at nag ayos para makapunta sa kashikoi academy. Baka maraming estudyante ang pumunta doon at mag ayos ng schedule nila May pasok pa ako mamayang 1 sa trabaho kailangan ko na talagang tapusin to. Nakarating ako sa kashikoi academy ang tagal ko pa nakatitig sa labas ng gate kasi hindi ako maka paniwala na papasok ako sa dream school ko totoo ba to? Talaga bang mag aaral ako ditto sa dream school ko? “ mama, papa ito na po papasok nap o ako sa dream school ko” Napatingin sakin yung guard. “bagong scholar ka?” “ah opo” “sige pasok” sabi ng guard Tumingin muna ako sa map jusko baka maligaw ligaw pa ako dito sa laki ba naman ng academy na to. Pumunta ako sa admin office para makuha yung slip ko na patunay na natanggap ako at saka ako pupunta ng registrar office. Pag Monday at Wednesday need mag uniform pero pag Tuesday, Thursday at Friday pwede mag civilian. May ibibigay daw ang school na uniform para sa mga scholar.pag katapos ko maayos schedule ko at nakuha ko narin ang uniform ko. Pumunta na ako sa work. Dahil 12pm na. naalala ko may nakasabay akong isang scholar din ang sabi nya kaya konti lang estudyante dahil yung mga estudyante talaga ng kashikoi academy ay may nag aayos ng schedule nila hindi tulad naming scholar need pa naming pumunta sa school. Pag karating ko sa work tinawag ako ni arian “mashikina akyat ka sa taas hinahanap ka ni Mr. Dee” “ah sige ibaba ko lang gamit ko at aakyat na” tumango sya sakin at bumalik na sa trabaho nya ibinaba ko na yung gamit ko pero bago yun may inabot sakin si albert kailangan ko daw iyon ayusin at itype para bukas. Paakyat na ako nakita kong kausap pa ni mr. dee iyong secretary nya “Mr.Dee” tawag ko “mashikina nandito ka na pala” “ah opo kakarating ko lang din po” “sige sa office tayo mag usap, marko paayos na lang yung sinasabi ko” “sige po Mr.dee” sabi ni marko Sumunod ako kay Mr.Dee sa loob ng office nya at umupo sa upuan sa harap nya “balita ko pumunta ka sa school na inapplyan mo” “ ahh opo kaka kuha ko lang po ng schedule ko” “ahh ganon ba sige pwede kang maging irregular employee ditto. Every weekends ka na lang mag work pero yung schedule mo dito is 7am to 11pm pwede bas a iyo un?” “nako Mr.Dee ok lang po ako pa po ba, marami po talagang salamat sa inyo” “wala iyon alam mong lahat ng employee ko dito ay tinutulungan ko.” “ahahha oo nga po” “sige na at bumalik ka na sa trabaho mo, good luck sa study mo” “marami pong salamat ulit Mr. Dee”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD