Chapter 1
I woke up and I realize Kung nasaan ako, wait where I am? Did someone kidn*pped me? Wait of course not who will kidn*pped me I don't even have a money.
I remember that I should be in hospital not in this room why I am here? Nagmamadali akong lumabas ng kwarto hindi ko pa alam kung saan dapat ako dumaretso dahil pag labas ko ng kwarto pasilyo kagad ang bumungad sakin.
"Should I turn left or right?" Tanong ko sa sarili ko
"Ma'am"
Nagulat ako sa nag salita bakit naman Kasi bigla bigla na lang nagsasalita itong si ate.
Ngumiti ako sa kanya dahil hindi ko alam pangalan nya.
"Ayy ate nasan po ba ako? Paano po ako nakapunta dito? Did someone kidn*pped me?" Sunod sunod na tanong ko si ate naman nalito kung ano una sasagutin kaya inunahan ko na sya.
"Nasaan po ako?" Tanong ko ulit
"Nasa resthouse po kayo ni Mr. Dee"
"Mr. Dee? Sorry but can I ask who is he?"Sabi ko
Parang nalito si ate sa sinabi ko, pero bakit kaya?
"Ahh ma'am oo nga pala pinapapunta kayo sa Dining area ni Mr. Dee"
Ok who is Mr. Dee what if he want my body? No no no why I'm thinking like that.
Ngumiti ulit ako sa kasambahay
"Sige po" Sabi ko
Naglakad naman sa pa kanan kaya sinundan ko na lang sya. Tinitignan ko na lang yung mga paintings na nadadaanan namin. Grabe mukhang mamahalin lahat ng gamit dito. Napahawak ako sa tyan ko ng tumunog Ito. Bakit pa ako ngayon nagutom hindi ba pwedeng mamaya na.
Ewan ko Kung ilan minuto kaming naglakad bago kami nakarating dito sa dining area na sinasabi nung kasambahay.
Bumungad sakin ang engrandeng dining area 24 seats ata to. Marami ba sila dito? Teka na saan iyong sinasabi nilang Mr. Dee?
"Hija" tawag sakin ng isang boses, lumingon ako sa likod ko at nakita ko ang isang di katandaan na lalaki.
"Hello po" Sabi ko
Naupo ang matanda sa gitna teka uupo din ba ako?
"Maupo ka hija" Sabi nya sakin at tinuro pa ang upuan na nasa kanan nya. Naupo naman ako syempre dahil sinabi sakin.
"Good morning po pero kailangan ko na po Kasi kayo matanong" Sabi ko
"Sige ano iyon hija?"
"Nasaan po ba ako? Bakit po ako nandito? At sino po kayo?" Tanong ko pero tinawanan nya lang ako
May nakakatawa ba sa tinanong ko?
"Hahahaha hija isa isa lang, una ako nga pala si Mr. Dee ang may Ari ng bahay na Ito. Bakit nandito ka? Kasi Nakita ka namin sa kalsada na walang Malay"
"Po?" Taka kong Sabi
Pagkaalala ko pagkatapos ko makausap ang mga pulis dadaretso na sana ako sa hospital para maki usap sa mga doctor.
"Hindi mo ba natatandaan hija?"
"Ang huli ko pong natatandaan ay yung naglalakad ako papuntang hospital at bigla na lang akong nawalan ng Malay" Sabi ko
"Siguro nawalan ka ng malay dahil sa pagod at di kinaya Ng katawan mo kaya ka nawalan ng malay."
"Siguro nga po, pero ngayon pong alam ko na Kung bakit ako nandito kailangan ko na pong umalis. Maraming salamat po sa ginawa nyo para sa akin pero kailangan ko na po talagang umalis dahil pupuntahan ko pa ang mga magulang ko." Sabi ko
"Teka, bakit nasaan ba ang magulang mo?" Tanong sakin ni Mr. Dee
"Wala na po sila, aayusin ko na po sana ang labi Nila nung araw na nakita nyo ko kaso po ayun nga nawalan po ako ng malay."
"Naku hija ayos ka lang ba? Matutulungan Kita sa pag papalibing sa magulang mo"
"Talaga po? Marami pong salamat, marami po talagang salamat." Sabi ko
Naluluha nanaman ako dahil hindi ko ma imagine na may tutulong sakin sa panahong Ito.
"Sige ipapa ayos ko sa assistant ko ang libing ng mga magulang mo. May mga kamag anak ka pa ba?"
Naalala ko ang mga kamag anak namin noon kailangan Namin ng tulong wala sila at lagi nilang inaaway si mama noon
"Wala na po" Sabi ko
Umuwi ako sa bahay namin pag katapos ng usapan namin ni Mr. Dee naabutan ko pa si aling nenang doon.
"Aling nenang" tawag ko
"Oh andyan ka na pala kanina pa ako nag iintay dito. Nasaan ang mga magulang mo bakit mag isa ka lang! Maniningil na ako ng utang!"
"Aling nenang, sana po bigyan nyo ako ng palugid. Wala na po Kasi sila mama at papa"
"Ako ba pinagloloko mong bata ka kahapon nandito pa sila ah!"
"Nag sasabi po ako ng totoo, wala na po talaga sila"
Nanunuring mata ang binigay sakin ni aling nenang
"Kung ganon! Sige bibigyan kita ng Isang lingo pag wala parin itatapon ko ang gamit mo sa labas"
"Maraming salamat aling nenang sa pag uunawa"
Pagkasabi ko nun umalis na si aling nenang kaya pumasok na ako sa loob ng bahay.
Napatingin ako buong bahay namin, itong Bahay na to hindi na iingay dahil wala na si mama at si papa na kakanta lagi. Wala ng tatawag sakin para kumain. Lord bakit nyo Naman silang kinuha sakin sino na makakasama ko. Hindi ko pa kayang magisa.
Dumaretso ako sa kwarto nila mama at papa. Pag pasok ko nakita ko kagad ang picture naming tatlo.
"Ma, Pa miss ko na kayo bakit nyo ko iniwan alam nyo namang hindi ko pa kaya mag isa. Ma, Pa sana magabayan nyo po ako araw araw magiging matatag ako para sa inyo, Mahal na Mahal ko po kayo."
Nakatulog ako sa pagiyak, umaga na ng magising ako. Nagising ako nasa kwarto ako nila mama at papa at doon lang pumasok sa utak ko na dumaretso ako dito kagabi para ayusin gamit nila mama at papa.
Kumuha ako ng malaking plastic at nilagay ang gamit nila mama at papa. Kailangan ko itong maayos kagad para makahanap pa ako ng trabaho.
Kailangan ko ng trabaho ngayon Lalo na hindi ko alam kung kakasya ang ipon nila mama sa bank account ko na nilalagyan nila. Kailangan ko pang mag aral.
Matapos ko mailagay ang mga damit Nila mama at papa sa plastic naligo na ako at nag ayos. mag hahanap ako ng trabaho ngayon kahit sales lady lang.
Pagod na pagod ako sa paglalakad dahil ang haba ng nilakad ko. Nagugutom pa ako naalala kong hindi pa ako kumakain simula kanina. Buti na Lang may biscuit akong dala kinakain ko yung biscuit habang naglalakad hindi ako pwedeng mag paligoy ligoy kailangan ko kagad makahanap ng trabaho.
Pa gabi na pero di pa ako nakakahanap ng trabaho. Bakit naman ganito Ang hirap mag hanap ng trabaho.
Umuwi narin ako bago pa magdilim. Pag dating ko sa Bahay nagsaing kagad ako buti na lang may natira pa kaming bigas at may sardinas pa.
Hinanap ko yung cellphone sa bag ko nalimutan Kong icheck iyon at baka may email na ang mga skwelahan na inapplyan ko noon.
Pagkuha ko ng cellphone ko sa bag hindi ko sya mabuksan siguro lowbat. Chinarge ko muna ang cellphone ko at chineck ang sinasaing ko.
Thirty minute ang lumipas tapos na ako magsaing at nakapag gisa narin ako ng ulam.
"Maraming salamat po sa pagkain"
Busog na busog ako naubos ko pa nga ang sinaing ko. Kinuha ko na yung cellphone ko para makahanap narin ng trabaho.
Pagbukas ko may bumungad na email sakin. Laking gulat ko galing iyong sa paborito kong skwelahan. Hindi ko alam pero iyon talaga ang gusto Kong school. Ang kashikoi academy ay kilalang skwelahan.
Chineck ko yung email, laking tuwa ko dahil natanggap ako.
"Ma, Pa Ito na po ba iyon? Magbabago na buhay ko. Makakapag aral na ako sa Isang kilalang skwelahan. Ma, Pa Kung nandito po kayo siguro mag celebrate Tayo at magluluto ka ng paborito kong adobo. Miss na miss ko na po kayo mama, papa"
Kashikoi academy ay tumatanggap ng sampong scholar kada year at ma swerte ako na nakasama ako. I will grab this opportunity.
Matapos kong ma check yung email, naghanap na ako ng mapag applyan sana lang matanggap ako.
Kinabukasan
Maaga akong nagising naligo kagad ako at balak kong maghanap ng trabaho sa quezon city.
Ang Alam ko maraming restaurant doon baka matanggap ako bilang waitress.
Tanghali na at Lahat ng pinag tanungan kong restaurant ay puno na yung iba hanap cashier pero dapat kahit 3yr college tapos. Kaso mag 1st yr college pa lang ako sa pasukan.
May nadaanan akong park umupo muna ako sa may bench at hinilot yung paa ko. Grabe kapagod pala talaga maghanap ng trabaho.
Tinignan ko narin yung mga store na nakita ko online kaso pag punta ko wala narin hindi na sya vacant. Ang malas ko talaga siguro may balat talaga ako sa pwet!
Napatingin ako sa mga taong nasa bench yung iba nag exercise yung iba naman may kasamang mga jowa. Napaiwas ako ng tingin ng may naghalikang mag jowa.
Hala Sige PDA kayo grabe naman hindi na nahiya dito talaga mag lampungan.
Meron Naman akong nakitang pamilya naalala ko sila mama at papa ganito din kami tuwing napapansin ni lang busy sila at walang time naglalaan sila ng oras sakin minsa. Nagpapasalamat ako dahil doon, ang ibig sabihin nun hindi nila ako nalilimutan.
Ngayon wala na sila mamimiss ko lahat ng ginagawa naming tatlo, ngayon dapat ko ng sanayin ang sarili ko na wala sila.
Gabi na at naabutan ako ng ulan hindi pa naman ako nag dala ng payong kasi kanina okay naman ang panahonmaaraw pa nga kanina. Nag stay muna ako sa isang convenience store ayoko naming sumugod sa ulan at baka mag kasakit pa ako.
Ewan ko kung ilang minuto na ako dito sa loob ng convenience store pero hhanggang ngayon hindi parin tumitigil yung ulan. May napansin akong nakaupong matanda sa may kanan at parang familiar sya sakin kaya tinitigan ko ng mabuti at tama nga ako, kilala ko kung sino yung matandang yun. Kaya pala familiar dahil si Mr. Dee iyon.
Lumapit ako sa banda ni Mr.Dee nagulat pa sya ng mapansin nya ako hindi rin nya ata inaasahan na magkikita ulit kami.
“hello po Mr.Dee bakit po pala kayo nandito gabi na po” sabi ko
“ikaw din hija bakit nandito ka pa, alam mong gabi na. nasiraan kasi kami tumirik yung sasakyan kaya inaantay ko yung isa kong driver para masuundo ako, eh ikaw hija?”
“ayy ako po ginabi po ako kasi naghahanap po ako ng trabaho. Nagba bakasa kali po ako nab aka may tumanggap sakin”
“kailangan mo ng trabaho bakit hindi ka lumapit sakin hija, alam mo namang matutulungan kita”
“nako ang dami nyo na pong naitulong sakin.”
“ano ka ba ookay lang yan hija ganyan din ako katulad sayo noon kaya nag mamagandang loobb ako sayo”
“ganon po, marami pong salamat”
“bukas pumunta ka sa rest house ko alam mo namang doon ako nag stay ngayon. Pwede kitang ipasok sa isang kumpanya ko bilang intern, okay abs a iyo yun?”
“nako okay na okay po sakin, marami pong salamat talaga Mr. Dee “
“walang anuman, tumila na pala ang ulan” sabi ni Mr. Dee
Napatingin ako sa bintana ng convenience store at tama nga sya dahil tumila na ang ulan makakauwi narin ako.
“mauna na po ako Mr.Dee marami pon salamaat ulit”
“sige hija magiingat ka, aasahan ko ang pag dating mo sa resthouse ko”
“sige po, marami pong salamat ulit”
Lumabas na akoo ng convenience store,buti na lang nakita ko si Mr. Dee kung hindi baka hanggang ngayon wala parin akong trabaho.
Pagdating ko sa bahay nag linis at kumain na ako. Hindi na ako nag puyat pa dahil wala naman akong dapat ika puyat. Pupunta pa ako bukas sa resthouse nila Mr.Dee baka anong oras pa akong magising kung anong oras na ako matutulog.
Kinabukasan 7am ako nagising at buti angising ako sa alarm ko. Nag ayos narin ako ng isang pencil skirt at isang long sleeve. Pang office talaga ang dating.
Sumakay na ako ng jeep papunta sa resthouse ni Mr.Dee mag tricycle pa ako pag dating sa kanto dahil medyo malayo layo pa yung resthouse ni Mr.Dee at baka pag nag lakad ako ay pag dating ko doon ay puro pawis na ako.