hapon na at hindi parin ako tapos sa ginagawa ko sumasakit na yung batok ko kaka type kaya nag break muna ako para maka inom ng kape pumunta muna ako ng pantry pero bago yun kumatok muna ako sa office ni Sir zamiel tatanungin ko sya kung gusto nya ng kape. kumatok ako pero as usual wala paring sumagot akala mo walang tao sa loob. kahit nahihiya at natatakot na mapagalitan binuksan ko parin yung pintuan. nakita ko sya doon naka sandal sa swivel chair napagod siguro sa ginagawa. "sir zamiel do you want coffee?" tanong ko dinilat nya ang mata at tumingin sakin iyan nanaman yung mata nya na akala mo hinihigop ka. "yes" sabi nya aalis na sana ako pero naalala ko diko alam anong klaseng kape gusto nya "black coffee" dagdag nya ng mahalata nya siguro na diko alam kung ititimpla sa kanya.

