Chapter 4

1043 Words
nasa room ako at mag isa hindi pa dumarating yung mga kaklase ko. masyado ata akong maaga. kanina habang papunta ako dito sa room wala man lang akong nakasalubong maski isang scholar feeling ko ako lang ang scholar dito. napatingin ako sa pintuan ng pumasok si CC ng makita nya ako nagulat sya siguro di nya akalain na magkaklase kami. sino nga ba makakaisip na yung nakilala mo kanina eh magiging kaklase mo. "omg we're classmate!" excited na sabi nya at umupo sa tabi ko nahihiyang tumango ako sa kanya "buti na lang kaklase kita you know ayoko makipag plastikan sa ibang estudyante dito. what's your name again?" tanong nya napanguso ako sa tanong nya dahil di nya maalala ang pangalan ko samantalang ako naalala ko pangalan nya. "mashikina" sabi ko "you have a cute name at ang ganda mo pa" sabi nya uminit yung pisnge ko sa sinabi nya. grabe first time kong maka tanggap ng papuri at galing pa sa kanya "ikaw din maganda" sabi ko "hahaha i know right" sabi nya wala man lang syang ka humbleness pero bakit naman nya itatanggi diba kung totoo naman. "san ka nga pala before you transfer here?" tanong nya "public school" sabi ko "yeah i know but what's school?" tanong nya "kahit naman sabihin ko di mo parin alam" sabi ko baka nga di sya familiar sa name ng school na sasabihin ko "hmm oo nga naman" sabi nya isa isa nang dumating ang iba naming kaklase at lahat sila napapatingin sakin. anong meron? ngayon lang ba sila naka kita ng scholar. "don't mind them ganyan lang talaga sila" bulong sakin ni CC inikot ko patingin ko lahat ng mga kaklase ko may kanya kanyang ginagawa. yung iba nanonood sa tablet yung iba nag cellphone tas yung iba nag ke kwentuhan. I can't relate sa mga naririnig ko. "we went to paris last week" "yes its beautiful, how much is this? is this from the VIP section?" "i hate the smell of my perfume should i buy another one?" "girls, lets go to mall later after class my favorite brand have a latest bag." puro yan ang naririnig ko and i cant relate. ano ang VIP? diba yun ang mga pag kakain ka sa isang restaurant tas pag may VIP pass ka papasukin ka sa isang closed room. wow mayaman talaga sila dahil hindi nya lang gusto amoy ng pabango nya bibili na kagad sya. tas yung isa pumunta pa ng paris eh ako san ako galing? sa bahay lang. I'm contented to what i have but sometimes diko maisip what if ganon din ako sa kanila what if kaya ko ding bilhin yung mga nabibili nila. sa lalim ng iniisip ko diko napansin na nandito na prof ko. first day of class napahiya kagad ako, all of them are standing habang ako nakaupo parin. tumayo kagad ako at nakayuko nakatingin pa sakin yung prof namin na halatang naiirita sakin. yung mga kaklase ko naman pigil sa pagtawa. kinagat ko ang labi ko dahil sa pagkahiya. we greet our professor tapos umupo narin kami. "im sorry, kanina pa kita tinatawag pero di mo ata ako marinig" sabi ni CC ng makaupo kami ganon siguro ka lalim iniisip ko kaya pati sya diko narinig "it's okay" sabi ko naglabas ako ng notes para mag take down ng mga ilesson namin. di naman nag lesson ang prof namin ngayon at sabi ni CC na natural lang daw dahil start ng class is tomorrow. pina pa adjust pa nila yung ibang student dito. sinamahan ako ni CC sa cafeteria tas doon lang ako nanlumo dahil di rin ako makakabili ang mamahal ng pagkain ang pinaka mura is yung 200 dapat pala nag dala na lang ako ng food. wala din silang fast food dito dahil di naman daw kumakain yung mga estudyante nun dito. may isang restaurant dito tapos starbucks at kung ano ano pang di ako familiar. dahil no choice ako umalis na kami ni CC sa cafeteria. hindi naman kakain si CC dahil diet daw sya. natapos ang klase ko sa lahat wala kaming ginawa kundi mag introduce hindi ko alam na need din pala iyon sa college. medyo nahirapan nga lang ako pag ako na ang mag introduce dahil parang wala namang pake ang mga kaklase ko. pero hindi ko pinansin iyon at least naka pag introduce ako. yung isa namin prof nag bigay ng dapat naming pag aralan para daw may maisagot kami bukas. nakauwi ako ng bahay hindi ko alam bakit sobra ang pagod na naramdaman ko eh sa school lang naman ako galing. bago ako umuwi humiram pa ako sa library ng books next week ko pa makukuha yung free books na ibibigay ng school. akala ko nga may bayad iyon pero kasama na yun sa free. nag basa lang ako hanggang sa makatulog ako. maaga akong nagising, inayos ko muna yung mga libro na hiniram ko. apat din yun pero dalawa lang nabasa ko kagabi. ano kaya mangyayare ngayon? nag ayos na ako ng sarili pag katapos dumaretso ako sa kusina para mag luto baka magutom nanaman ako. hindi pa naman ako makakabili sa cafeteria dahil ang mahal. habang nagluluto ako ng pagkain ko napasilip ako sa bintana nakita ko nanaman yung lalaki. ano ba talaga kailangan ng lalaking to sakin? anong atraso ng magulang ko sa kanya? binaliwala ko yung mga pumapasok sa isip ko dahil baka malate pa ako. pag kababa ko sa harap ng school namin nakita ko si zamiel ang apo ng boss ko. anong ginawa nito dito? dito ba sya nag aaral. pero parang hindi naman base sa uniform nito. teka saang school ba yan? hindi ako familiar sa mga uniform ng mayayaman. tatalikod na sana ako kaso nagulat ako ng may kausap na syang babae. si Sha sha! binigay ni zamiel yung hawak nyang paper bag. nakita kong masaya si sha sha sa binigay ni zamiel. hindi ko makita reaction ni zamiel dahil nakatalikod na ito sakin. mag boyfriend at girlfriend kaya sila? teka nga self bakit ka ba nangengealam ano naman kung girlfriend ni zamiel si sha sha. napailing ako sa pinag sasabi ko sa isip ko. pumasok na ako bago pa ako mabaliw. masyado kong pinapakealaman yung mga nasa paligid ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD