Bumalik na kami pareho ni hanna ng medyo umayos na ang pakiramdam ko. sinimulan ko na lang yung trabaho ko at hindi na inisip yung nangyare kanina ganon din naman si hanna hindi na nya binanggit pa yung nangyare kanina. niyaya ako ni hanna mag lunch pero wala akong gana at hindi ko alam kung bakit pero wala talaga akong gana at hindi ako nakakaramdam ng gutom ngayon. kaya walang ginawa si hanna kundi hayaan ako. itinuloy ko na lang yung pag ta type ko kanina para maipasa ko na rin ito mamaya. "mashikina" tawag sakin ni albert na may hawak pa na folder. "hmm" sabi ko at binalik yung tingin sa monitor. "pinapatawag ka sa taas" sabi nya sakin at sumenyas na aalis na kaya tumango na lang ako sa kanya. bakit naman ako pinapatawag sa taas? eh wala naman akong ibang gagawin doon at hin

