pagbaba namin sa limousine agad agad na may bumungad samin na flash ng camera. medyo nasisilaw naman ako pero hindi iyon ang nasa isip ko. laman ng isip ko ay yung kamay ni sir nakakapit sa bewang ko. tumingin ako sa camera at sinubukang huwag pansinin yung kamay nya na nasa bewang ko. nag simula kaming maglakad sa red carpet halos hindi ko na maramdaman ang binti ko dahil sa kabang nararamdaman ko. maraming nag tatanong kung sino ako pero ngiti lang ang sagot ko at ganon din si zamiel. papasok na kami sa event hall at hanggang ngayon hindi ko parin alam kung anong klaseng party tong inattenand namin. pag pasok namin sumalubong samin ang napalaking hall gold ang lahat ng kulay na nakikita ko. halos lahat ng mga tao na malapit samin ay napapatingin samin. kitang Kita naman sa mata

