MAGMULA NANG MAKARAMDAM si Bridgette ng kakaiba sa binatang tagalinis sa campus ay palagi nang inaabangan ng dalaga ang lalaki sa naturang bahagi ng eskwelahan. Inalam niya kung anong pangalan o anong mga schedule ng binata magmula pagpasok hanggang sa pagtatrabaho. Alam ni Bridgette na isa lamang ito sa mga kabaliwang ginagawa kapag mayroong isang bagay na hindi nakukuha.
She's fond of getting what she wants even the motto would be "come high or hell water". Basta nakaramdam ang dalaga nang mahihirap na pagsubok ay nagkakaroon ito ng obsesyong patunayan na kaya nitong paikutin sa sariling palad ang anumang naisin.
"Aaron Buenavidez, a janitor s***h college scholar of our family friend---The Arseco." anas sa sarili habang hawak ang ilang impormasyong nakalap sa registrar. Alam ni Bridgette na masyadong confidential ang mga iyon, ngunit dahil isa siyang Hernandez ay walang imposible para sa dalaga.
She kept on looking through his social media accounts, but it seems that the guy has no form of using any social application. Ano 'to naka-beeper pa rin?
Tumihaya ang dalaga at muling bumalik sa balintataw ang mga eksena noong muntik nang plumakda sa gutter ng kalsada.
"No man could resist my charm, kahit ang isang Aaron Buenvidez pa..." determinado ang dalagang makuha ang atensiyon nang lalaking napupusuan ng karamihan sa mga kaeskwela.
Gusto ni Bridgette ang atensiyon o kinaiinggitan ng marami kaya, kung ang binata ang rason upang maglaway ang halos lahat ng ka-batchmate na mayroong paghanga o gusto sa lalaki'y, puwes para lamang si Aaron sa isang Brigette Shantie Hernandez. 'Let say a boytoy?'
Pumasok ng maaga ang dalaga sapagkat, determinadong yayain ni Bridgette ang lalaking samahan siyang manood sa sinehan. Sinipat-sipat nang babae ang lugar kung saan nakalagak ang ilang lumang lockers at silyang lumang-luma na.
"Tss..nasaan kaya siya? Nakakainis! Ang init-init pa naman dito." panay ang padyak sa mga binting dinadapuan ng lamok o langaw dahil sa ilang mga nakatambak na kagamitan.
"It's so amusing if how coincidence happens everyday. Hindi ba masyadong halata na palagi kang parang may sinisilip dito." nakakaloko ang ngisi ni Aaron habang nakahalukipkip ang babaeng tila napapahiya sa mga sinasabi ng binata.
Nang matauhan ang babae'y itinaas ang mukha animo nagkukunwaring matapang at walang inuurungan dahilan upang mapangiti si Aaron sa dalaga.
'Kumalma ka Aaron, kahit cute pa siya baka nakakalimutan 'mong masama ang ugali nang babaeng 'yan'
Aaron suddenly changed his reaction from being bedazzled up to being serious as hellish.
"Naparito ako para utusan kang samahan akong manood ng sine." mataray na saad nito.
Aaron just scowled because of Bridgette's indecent invitation. He doesn't even hold his shockered expression because of her straightforward motives from going within this particular site.
"Sino ka para utusan akong samahan ka? Hindi ako bodyguard kundi isang janitor, miss." hindi man lamang natinag ang binata saka inilapag nang walang pakundangan ang mga kagamitan sa mismong kinapupwestuhan ni Bridgette. Umisod lamang ang dalaga nang kaunti, ngunit ni hindi pinansin ni Aaron kung magmukhang tanga ang dalaga.
"Hindi ako nakikipaglokohan sa'yo. Gusto kong makipag-date sa mall!" pamimilit ni Bridgette na halos ikaawang nang bibig ni Aaron subalit mabilis ding nakabawi, animo parang walang narinig.
Halos mapikon ang dalaga nang hindi nito nakuha ang inaasang reaksiyong manggagaling sana sa binata. Samantala, nagpatuloy lamang sa pagsasalansan si Aaron ng ilang mga nagulong upuan sa lumang classroom.
Walang pakundangang sinundan ni Bridgette ang lalaki, mula roon ay halos mamula sa inis ang dalaga.
"Hindi ako hangin dito!" pumadyak ang babae na ikinahinto ni Aaron saka matamang tumitig dito.
"Ganyan ka ba talaga kapag hindi mo nakukuha ang gusto mo? Puwes, hindi lahat nang bagay tungkol sa'yo. Umalis kana dahil nakakaabala ka!"
"Hindi! Ayoko!" nagmamadaling inilabas ni Bridgette ang dalawang ticket na malamang binili nito, kapagkadaka'y lumapit sa binata. Umatras ng bahagya si Aaron sapagkat ayaw niyang magpadala sa mahalinang amoy ng dalaga.
Isinuksok ni Bridgette ang isang ticket sa bulsa sa kanang dibdib ni Aaron. Di makapaniwalang ganito kaseryoso ang dalaga para lamang maipilit ang gusto. Hindi halos makahuma ang lalaki habang tinititigan ang kapirasong papel, kahit tuluyang wala na si Bridgette sa naturang harapan ng binata.
Malakas ang kumpiyansa ng dalagang papayag si Aaron, matapos ibigay ang naturang ticket dahil umaasa siyang di magtatagal ay mapapasakamay rin ni Bridgette ang lalaki tulad ng mga dumaan sa buhay nito na kaagad ding dinidispatsa ng dalaga, kapag nararamdamang sumeseryoso ang isang lalaki sa kanilang kunwariang relasyon.
Hindi halos pinangarap ni Bridgette na umibig ng totohanan, lalo sa mga nakikita niya sa paligid at maging sa sariling ama na madalas ang pagdadala ng mga babae sa pamamahay, magmula nang mamatay ang ina noong bata pa siya.
KASALUKUYANG nasa classroom si Bridgette habang naglelecture ang professor subalit hindi halos makapag-focus ang dalaga, sapagkat iniisip niya ang maaaring kahihinatnan kung sakaling makasama ang binata kinabukasan.
"Girl, are you going with us later?" Janella whispered.
Mayroon silang isang subject na magkaklase, ngunit tulad ni Bridgette ay hindi masyadong attentive ang kaibigan sa klase, dahil bukod sa mayaman ay wala ring hilig ang babae sa pagiging nerdy.
"Pass. I have something to do later." she rolled her eyes.
"Wow, very unusual. Nagiging ganyan ka lamang kapag mayroon kang pinaglalaruan." anito.
Bumuntong-hininga na lamang ang dalaga saka umiling-iling tila hindi maitanggi ang sinasabi ni Janella. 'It is somehow true'
"Who's your next victim? May I know who he is?" her friend suddenly became interested
Naalarma ang babae sa pagtatanong ng kaibigan, tila nakaramdam ng kahihiyan sa maaaring isipin ni Janella, subalit bakit tila mas lamang ang nararamdamang concern nang dalaga kaysa kahihiyan para sa sarili? Natatakot si Bridgette na baka kapag inamin niya ay maging miserable ang buhay ng binata, laban sa mga manliligaw o kakilalang maaaring husgahan ang pagkatao nito.
"I have no victim nor admirer. I just want to rest and that's all. And besides, I'm not in the mood from being samaritan in front of Shaine."
She literally don't feel her guts.
"What's wrong ba kay Shaine? She's kind tho," Janella tried to defend the lady.
"Whatever. I just don't feel her and that's my opinion oh, I mean my command." tumaas ang kilay ng dalaga habang nakatunghay ang kaibigang si Janella.
No doubt, Bridgette Shantie Hernandez is the orginal queen bee of their famous cluster.
Kumibit-balikat na lamang ang babae bago muling humarap sa pisara kung saan patuloy ang kanilang guro sa pagpapaliwanag ukol sa topic nito.
Nahulog sa pag-iisip ang dalaga sapagkat maaaring hindi siya siputin ni Aaron subalit malaki ang kompiyansa ng babaeng pupunta ang binata. 'Isa akong Hernandez at wala pang nakatatanggi sa kagaya ko'. Iyon ang tumatak sa isip ni Bridgette maging hanggang sa makauwi sa kanilang mansyon. Samantala naabutan nito ang amang mayroong katawanan o kausap sa phone ngunit imbis bumati ay tumuluy-tuloy lamang sa pagpanhik sa hagdan patungo sa silid, subalit kinuha nang ginoo ang atensiyon ng dalaga.
"How's your school, baby?" anas nito.
"It's fine, Dad."
Then she continually took her step from the stairs.
"Aren't you going to have dinner with me?" pagtatanong ng ama.
"Kailan pa kayo nagkainteres kumain dito sa bahay? Hindi ba't palaging trabaho ang inaatupag ninyo?" may himig pagtatampo sa kanyang tono.
He sighed.
"You will fully understand my job when you grow up, Bridgette. It is all for your future." makahulugang saad nito ngunit hindi na lamang inintindi dahil mas alam sa sarili ang pamamalakad ng matanda lalo sa mga trabahador na hawak nang kanilang kapangyarihan.
Marami ang nakapagsasabing lulong sa pambababae ang huli, at talagang malupit sa mga empleyado isama pa ang lahat ng kanyang mga bodyguard. Halang ang mga bituka ayon sa deskripsyon nang ilan, kung kaya hindi nakapagtatakang pati si Bridgette ay mayroong pagkakataon na nadadamay sa imahe ng ginoo.
Tahimik lamang na nagpatuloy sa silid ang dalaga at hindi na sinagot ang ama. Madalang silang magkatagpo sa mansyon sapagkat madalas si Romualdo Hernandez sa piling ng kanyang mga babae, kung hindi man ay naglalagi sa Cebu upang silipin ang ekta-ektaryang lupain ng kanilang pamilya.
Kaagad inilapag ni Bridgette ang branded bag sa study table saka dumiretso sa malawak na banyo upang magbabad sa bathtub ng sariling silid. She rested her head from the marble-like tub then gradually closed her eyes. Doon nag-flash back ang lahat ng mga pangyayari ukol sa pagkawala ng minamahal na ina. She used to be a happy child, lively and full of love way back years ago, but because of her mother's death the lass became totally unruly, rebel and had been kicked-out in some exclusive universities. Bridgette is already eighteen but she will still be in first year college probably by next semester. It's not because they cannot provide for schooling but she used to be the most deliquent student in class.
Ngayon lamang siya nag-mellow nang husto dahil sa mga iba't-ibang sirkumstansya, kalauna'y naputol ang pagmumuni-muni ng dalaga nang sumagi ang mukha ng lalaking makaka-date niya bukas ng Sabado.
She abrasively swept away her few tears from the corner of her eyes then tried to compose herself from going back to the strong image of Bridgette Hernandez.
"I'll make sure that he would never resist my charm." pilyang ngiti ang pumaloob sa kanyang mga labi.
KINABUKASAN, ay maagang bumangon ang dalaga at talagang pinaghandaan ang nalalapit na movie theatre date kasama ang binata. She tried to choose from her wardrobe if what's the best outfit for today.
"What the freak am I doing? Pinaghahandaan ang isang janitor? Pasalamat nga siya ako pa ang nag-imbita." pagmamalaking paalala sa sarili, rason para hablutin na lamang ang kung anong damit na naroroon sa ibabaw ng kama.
"This is enough for playing with some low class boy toy!" ngumisi ang babae bago tuluyang ibinalandra sa kung saan.
Nagpasyang magpapawis ni Bridgette sa gym area ng kanilang mansyon dahil mamaya pa naman ang itinakdang oras nang kanilang pagkikita ng lalaki. Kasalukuyan siyang nakasuot ng sports bra, jeggings at mamahaling under armour shoes habang nagpipilatis sa gitnang bahagi ng naturang lugar. Ilang minutong nagkokonsentra ang dalaga nang tumunog ang ringtone ng kanyang I-phone, dahilan para pindutin ang earphone speaker na sadyang nakasalpak sa tenga.
"Hello?"
"Hi, babe?" nabosesan ang tumawag.
"Napatawag ka Neil?" umikot ang mga mata dahil sa kausap.
Neil has been her bestowed suitor for almost a year now but she really doesn't like him because of his attitude among all other boys who wants to show their admiration to Bridgette.
"Gusto lamang kitang kumustahin. Are you free today? Wanna hang out with me?" kumpiyansang saad ng binata.
Nabobosesan nito ang ma-ereng tono ni Neil tila mayroong lakas ng loob at siguradong-sigurado sa kanyang mga sinasabi.
"I'm not in the mood to roam around. I preferred to stay in our house." panunupla sa lalaki.
Natahimik sandali ang nasa kabilang linya ngunit upang hindi mapahiya ay nakaisip kaagad nang ipambabara sa mga pahayag ni Bridgette.
"Hindi rin pala ako pwede ngayon dahil mayroon kaming lakad ng mga ka-team mates ko sa varsity." he made some alibis for sure, maybe just to save his face in total disgrace.
"Oh that's good." Bridgette uttered in way too sarcastic.
Maya-maya'y nagpaalam na rin ang binata, rason upang doon lamang makahinga nang maluwag ang dalaga. Neil is too feisty and conceited therefore, Bridgette didn't want to get involve in their group sometimes especially when they've got into trouble. Halos karamihan sa mga estudyante ang nami-misunderstood ang dalaga ngunit hindi na masyadong inaalala ang ganoong bagay sapagkat mas marami ang tumitingala sa isang katulad nito.
"Gosh! I need to be in a hurry. Tss.." nawala sa isip ang lakad mamayang hapon.
Matapos ang ehersisyo ay nagbabad nang humigit kumulang isa't kalahating oras sa bathtub bago tuluyang nagbihis ng napili nitong outfit. Kapagkadaka'y dumulog sa driver upang ituro ang pupuntahang mall kaya't ilang sandali lamang ang itinagal ay naroroon na si Bridgette sa mismong tapat nang nasabing movie theatre.
She just wore a comfortable dress that will make her easier to move.
Tahimik na umupo ang dalaga sa mga benches na inilaan para sa mga nag-stroll sa mall. It's her first time to wait on those chairs or even waiting for a man to show up. Madalas na siya ang nagpapahintay, kung kaya hindi malaman ng dalaga kung maiinis o mahihiya sa mga nangyayari.
'Freakin' stupid, Bridgette. Hindi mo man lamang itinanong kung may smartphone o nokia 3210 ang lalaking iyon para kung sakali, alam mo kung nasaan na siya...'
She kept on looking from those people who walked by, or just across the theatre, and automatically would glimpse on her wristwatch. Nagpasyang maglakad ang dalaga upang malibang kahit kaunti habang naghihintay sa binata.
Matapos ang humigit tatlong oras na pagliliwaliw sa mall at halos bilhin ang mga bagay na pandagdag lamang sa wardrobe ay bumalik ang babae sa tapat nang movie theatre, subalit ni wala pa ring Aaron na sumulpot sa naturang meet-up. Ibinagsak ni Bridgette ang lahat ng mga pinamili sa bench saka humaba ang nguso dahil sa nararamdamang inis.
'Bridgette inindian ka ng isang..ugh, janitor? Makakatikim sa'kin nang sampal ang lalaking iyon.'
Halos umigting ang panga ng dalaga dahil sa galit, rason para padabog na umalis sa naturang mall. Halos mamula ang buong mukha sa pagkapikon sapagkat hindi nga sumulpot ang binata. Napahiya ang babae sa mismong sarili kung kaya napagdesisyunang tunguhin ang lalaki sa lunes. 'Magtutuos tayo Aaron!'
LUNES NG UMAGA, hindi talaga nagpatinag ang dalaga at kagyat tumungo sa abandonadong classroom, kung saan madalas mamataan ang janitor, upang komprontahin sa ginawa nitong kahihiyan sa parte ni Bridgette bilang babae. Pabalik-balik ang babae sa paglalakad habang nakakuyom ang palad, animo gustong manapak sa kung sinumang susulpot sa lugar na iyon.
She folded her arms across the chest and bitten her lips because of exasperation.
Maya-maya'y natigilan ang dalaga nang makita ang binatang naglalakad patungo sa lumang locker. Hindi man lamang ito natinag lalo't alam nito sa sarili ang kabastusang ginawa sa dalaga. Lalong nadagdagan ang galit na pumuno sa puso ni Bridgette nang makitang walang talab sa lalaki ang lumarawang galit sa kanyang ekspresyon.
He doesn't take her seriously based on his facial expression.
Nagmamadaling sumugod ang dalaga malapit kay Aaron habang nakakuyom ang dalawang palad.
"Hoy!" singhal ni Bridgette.
The lad just stared at her then calmly put his stuffs inside the locker.
"Bingi ka ba ha?" palatak nang dalaga ngunit imbis pansinin ng binata'y dumiretso si Aaron sa loob nang abandonadong classroom at halatang wala itong panahong makinig sa mga sasabihin ng babae.
"Ang kapal ng mukha mong indianin ako! Why don't you f*****g talk!" sa inis ay hinampas ni Bridgette ang braso ng binata ngunit hindi man lamang nagsalita ang lalaki.
"f*****g talk to me!" halatadong namumula ang mukha nito.
"Ano ha? Ang kapal mo paghintayin ako! Isa ka lamang janitor dito!"
"Bakit pinagsisiksikan mo ang sarili mo, miss?" Aaron felt triggered when heard her insult.
"I hate you! Ang taas nang tingin mo sa sarili mo! Pasalamat ka nga niyaya pa kita, tapos hindi mo 'ko sisiputin."
"Ikaw ang mataas ang tingin sa sarili, miss. Hindi lahat ng lalaki magkukumahog sa'yo. Eventhough, I'm just a simple janitor, I set my standards higher than your value." he straightforwardly muttered in front of her face.
Halos mapanganga ang dalaga sa diretsahang pahayag ng binata laban sa kanyang pagkatao. Isa siyang Hernandez at walang sinuman ang bumunggo sa pamilya niya o maging kay Bridgette ng ganito ka-determinado.
"What did you just say?" she asked.
"Marami pa 'kong gagawin, miss. Nakakaabala ka na." pinagpag ni Aaron ang ilang alikabok sa kanyang kupas na uniporme'ng nakasukbit sa hanger.
Sa matinding galit ni Bridgette ay hinatak nito ang hawak ng binata saka ibinato sa sahig at tinapak-tapakan.
"Higher than my value ha?!" inis na inis ang lumarawan sa mukha nito.
Nakatayo lamang si Aaron at pinapanood ang babae habang sinisipa o dinudumihan nang dalaga ang nag-iisang uniporme nito.
"Are you done?" seryoso ang binata.
"No!"
"Go on." he said.
Lalong nainis ang babae ngunit natigilan bigla dahil kitang-kita niyang halos maging basahan ang uniporme ni Aaron.
"Now, it must serve you a lesson. Don't you ever mess up with Bridgette Shantie Hernandez!"
"No, you just prove to me how much attention seeker you are. Why did I say higher than your value, is because you forgot to check your character. It's trash." simpleng saad ni Aaron bago pasimpleng pinulot ang uniporme'ng nasa sahig saka marahang pinagpagan.
Napatulala lamang ang dalaga sa mga tumimong salita na nanggaling mismo sa binata. Biglang nakaramdam nang kahihiyan sa nagawang kamalditahan sa lalaki, subalit mataas ang pride ni Bridgette para aminin sa sariling naging brat nga siya sa mga oras na iyon.
"You really want me to be your date, right? Hindi ko alam na ganito kasukdulan ang pagiging desperada mo, miss." using a sarcastical tone.
She just stared right in front of him.
"My rule. See you after my class at the corner of Hilton. Para matahimik ka na at huwag mo na 'kong guluhin." anito kapagkadaka'y nilisan ang classroom, dahilan upang matagal mapipilan ang dalaga.
Hindi makapaniwala si Bridgette sa mga nangyayari at halos usigin ang kanyang konsensiya sa ipinakitang kagaspangan sa binata. She could see the pitiness from his eyes whilst Bridgette were doing those kind of acts.
'Naaawa siya sa'kin? Ang kapal talaga nang mukha ng lalaking iyon!'
Wala pa ni isang taong tumitig sa dalaga ng ganoong klaseng tingin, maliban noong iniwan siya nang namayapang ina. Ngayon lamang uli namasdan ng dalaga ang ganoong simpatya sa iisang tao, sapagkat madalas ay pawang takot, sindak, admirasyon, at hiya subalit kung habag ay hindi kailanman nakikita sa mga mata nang kahit sino, maging sa mga taong nakapaligid sa kanya.
Hindi mapakali si Bridgette nang bumalik sa STEM building, dahil hindi mawala ang huling katagang sinabi ni Aaron. 'Anong mayroon sa gilid ng Hilton?'
Gumulong ang mga oras at hindi halos mailagay ang sarili sa pag-aaral sapagkat hinihintay lamang ng dalagang pumalo ang kamay ng orasan sa alas-singko, upang matapos ang klase.
"Hey, gal!" bulong ni Janella.
"Why?"
"See you on our hang-out place." anunsiyo ng kaibigan matapos ang panghuling-subject
"M-may pupuntahan ako."
"Huh? Na naman?" lumarawan ang pagkadismaya sa mukha ni Janella ngunit bigla ring binawi sapagkat tinignan ni Bridgette ng masama.
Bahag ang buntot ng mga kaibigan sapagkat ito ang nag-iisang queen bee.
"I have some meeting."
"O-Okay," nag-aalinlangang tugon nito.
Humiwalay si Bridgette kapagkadaka sa mga kaibigang naglalakad sa pasilyo. Hindi kasi malapit sa parking lot ang patungo sa College Department. Nagtataka ang mga kaibigan ngunit kumikibit-balikat na lamang sa kanyang kakaibang ginagawa.
Luminga-linga ang dalaga sapagkat ayaw niyang mayroong makakita sa tinatahak na daan patungo sa bandang likuran ng Hilton.
'Tsk! Bakit kasi masyado kang atat makasama ang lalaking 'yon?'
Maaaring gusto lamang malaman ng dalaga kung anong klaseng tao si Aaron. Kung boring, tanga, o di kaya ay walang sense of humor sa katawan, sapagkat kung ganoon ay madali na lamang sa dalagang makabubuo sa isip ng mga matibay na rason upang tigilan ang pagpapantasya sa binata. 'He's a bit challenge and dammu I love it,'
Naghintay ang babae ng mga ilang minuto sa likod-gate nang matanaw nito ang binata. He'd literally mesmerized Bridgette with his ablazing brown eyes, which thoroughly surged her sanity. Kung hindi lamang nagmumukhang tanga ay hahayaang nakaawang ang bibig sa binatang nasa harapan. He was wearing the untidy uniform but the lad's appeal made her wonder how he'd became a simple utility in their school. Kahit pa siguro basahan ang suot ni Aaron ay hindi ito magmumukhang nanlilimahid.
"Ah, uhm, shall we go?"
"Magpapalit pa 'ko nang damit. Maghintay kana lamang diyan." he authoritatively said.
"Sasama ako"
He became skeptical and arched his eyebrows maybe just because of what she has stated.
"I mean...I'll go with you and wait you outside." she got stammered.
"No, just stay there."
Ngayon lamang naranasan ni Bridgette ang maging sunud-sunuran sa isang lalaki, sapagkat madalas ay siya ang nasusunod ngunit sa pagkakataong iyon ay nanatili ang dalaga sa likod-gate.
Hindi naman gaanong nagtagal ang paghihintay ng babae dahil kaagad lumakad si Aaron patungo rito, saka binuksan ang naturang gate. Hindi pa kailanman nagawi ang dalaga sa likuran ng Hilton, kaya wala siyang kaidi-ideya kung anong matutuklasan doon.
Nang mabuksan ang gate ay tumambad ang dikit-dikit na bahay sa naturang lugar. Napakapit ng maigi ang dalaga sa kanyang mamahaling pouch, habang naglalakad. She could merely taken aback when Bridgette saw this kind of place where Aaron wants to spend their date.
"H-Hindi ko alam na mayroon ganitong lugar malapit sa Hilton."
"Psh, masyado lamang kasi kayong nakatutok sa magagandang lugar sa loob." ang tinutukoy ay ang Hilton.
"Saan mo 'ko dadalhin?" natatakot sa pwedeng mangyari.
"Wala akong balak sa'yong masama o kunin iyang mga gamit mo, miss. Gusto mo 'kong makasama edi puwes matuto kang bumaba sa kaya lamang ng bulsa ko." anito.
"Bridgette. My name is Bridgette."
"I like calling you Shantie. It suits you." saad nang binatang ikinaawang ng bibig sapagkat iyon ang tawag sa kanya nang ina kapag naglalambing.
Hindi makahuma ang dalaga nang akayin ni Aaron ang braso at marahang hatakin sa mga kumpol ng tao. Makikita ang isang tinderong naghahanda ng mga karneng inilalagay sa mangkok at sinasabawan.
"Manong Rudy dalawang pares nga po." saad ni Aaron.
"Iho, mukhang may kasama ka na namang ibang babae ah? Matinik ka talaga tulad ni Carding!" anito sa pabirong tono.
Tumawa lamang ang binata saka humawak sa batok ngunit nang tumingin kay Bridgette ay halos mapalunok ng laway ang dalaga dahil kinindatan nito. 's**t! He's a f*****g tease!'