CHAPTER 1

383 Words
She's walking at the campus with her tank-top sleeves and a romper pants, whilst wearing the most exorbitant jimmy choo brand of shoes which was bought by her father in one of the biggest shoe shop in Arizona. Tumungo roon ang kanyang ama upang makipag-meeting sa ilang investors ng kanilang mga negosyo sa ibang bansa. Bridgette Shantie Hernandez, is the most famous student in Hilton International Elité Institution which was founded by one of the popular member of masonry, Hidalgo Arseco. Kilala ang pamilya ni Bridgette sa larangan ng pagnenegosyo o tinatawag na "Old Rich" at nagkataong magkaparehas ng sirkulo ang kanyang ama at si Mr. Hidalgo, dahilan upang maging madali sa kanyang makapasok sa prestihiyosong institusyon sa Maynila, kahit hindi lingid sa karamihan ang pagiging brat o maldita ng dalaga. Kasalukuyang naglalakad si Bridgette upang tunguhin ang kanilang madalas na tambayan ng kanyang mga kinikilalang kaibigan. They are all bunches of rich kids and elite whom being projected as the sole heir or heiresses of their conglomerates in the future. Hindi maiwasang maging takaw atensiyon ang outfit nito, subalit mayroong naglakas loob na lumapit sa babae na sadyang nakasira sa awra ng dalaga. "H-Hi, Bridgette..uhm paano pala iyong gagawin natin sa Pyhsics." sabad ng kaklase nitong halos singkapal ng libro ang suot na salamin sa mata. Nagmamadaling lumakad si Bridgette at tila nagkukunwaring hindi nakikita ang isa sa mga kaklase sa naturang subject, ngunit patuloy ang babae sa pagbuntot hanggang hallway kung saan, talagang ikinairita ng dalaga. She gasped harshly before the lass craned her face from her classmate. "You know what, Yvonne? why don't you get a life and calculate all those f*****g formulas alone? Kaya nga ikaw ang pinili kong kagrupo dahil alam kong hindi ka bobo! So you'd better leave or you want me to choose for you?" umirap sa kaklase na halos mababakas ang takot sa mga mata. "S-Sige i-eemail ko na lamang ang nagawa ko sa'yo." anas nito. "No need. I don't have any fuckin' e-mail and besides, I never needed any of those nonsense stuffs. Ciao!" umirap ang babae saka tuluyang nilampasan ang kaklase. Nang malapit na siya sa mismong lugar kung saan tanaw na tanaw ang mga kaibigan ay hindi sinasadyang makaramdam ang dalaga ng kung anong patak ng tubig sa suot na bagong heels. "Oh my gosh! What the heck!" ingit nito sa isa sa mga janitor sa mismong institusyon. Madalang lamang nakikita ni Bridgette ang ginoo sapagkat hindi naman tumitingin ang dalaga sa mas mababa ang estado sa kanya. "My gosh manong! You'd literally ruined my new heels because of your dirty pale of water!" halos sigawan nito ang matanda dahil sa nangyari. "Ma'am pasensiya na po kayo. Pupunasan ko na lamang po ang mga napatakan sa sapatos niyo." hinging paumanhin ng matanda. "No need! Baka lalo lamang madumihan sa gagawin mo." panunupla sa ginoo. Halos kakikitaan ng pagod ang janitor ngunit halatang nagsusumikap sa buhay para lamang makaahon. "H-Hindi po, akong bahala sa--" "I said no need! Tumabi ka nga diyan sa harap ko!" bahagyang sinipa ang timba sa gilid rason upang lalong makakuha ng kakaibang atensiyon ang mga eksena sa kasalukuyang nangyayari. Nagulantang si Bridgette ng mayroong humawak sa kanyang braso kapagkadaka. "Itayo mo ang timba!" pagkalingon ng dalaga'y kitang-kita niya ang nangangalit na mata ng isang binata, ngunit ang epekto nito'y sadyang nagpatayo sa balahibo at halos magpakabog sa dibdib ng babae. Hindi karaniwan ang mukha ng binata at talagang mayroong dating kung sakaling nagkaiba lamang ang estado sa buhay. Matangos na ilong, mapulang labi at makapal na kilay, ngunit ang mas ikinahanga ay ang pantay na ngipin ng lalaki. 'Di tulad ng mga stereotype patungkol sa mga utility na mayroong poor hygiene at kung minsa'y nanlilimahid. He's quite different from the other personnels she'd seen so far. "Who the hell are you just to give orders in an elite lady like me? Hindi mo 'ko kilala, ha?" "Hindi at wala akong pakialam kung sino ka! Igalang mo ang mas nakatatanda sa'yo!" Padarag na binawi ang braso sa pagkakahawak ng lalaking mukhang tagalinis rin sa nasabing eskwelahan. Kalauna'y doon nagsilapitan ang ilang mga kaklaseng pupuntahan sana nito sa tambayan. "Bridgette, what did he do to you?" maangas na tanong ni Neil patungkol marahil sa nakitang pandadarag sa dalaga. "Hoy, ang kapal mong hawakan at saktan ang isang Bridgette Hernandez!" sinugod ni Neil ang binata saka hinatak sa magkabilang kwelyo dahilan upang mahintakutan ang ilang mga estudyante, ngunit imbis kababakasan ng kahit anong kaba'y nanatiling blangko ang ekspresyon ng lalaki. "Papalag ka? Ayusin mo dahil walang tatanggap sa mga kagaya ninyo kung hindi kayo magbabanat ng buto!" singhal ni Neil. "Ser, tama na po. P-pagsasabihan ko na lamang ang anak ko." awat ng matanda sa naturang kaibigan ni Bridgette na halos pitserahan o suntukin ang lalaking tinawag na anak ni Manong Janitor. Nakipagsukatan ang lalaki ng tingin kay Neil bago binitawan ng huli saka dumako sa kinatatayuan ni Bridgette. Halos hindi makahuma ang dalaga dahil ito ang kauna-unahang beses na mayroong humawak sa kanya na hindi kakikitaan ng kahit anong takot o admirasyon. "Let's go Bridge, they are just wasting our time! These two rachets are nothing but nobodies compare to us!" hinatak ni Neil ang dalaga kasunod ang ilang mga babaeng kaibigan kung saan mayroon ding sinasabi sa buhay. "Yeah, Neil is right. Don't mind these rats..." umirap si Janella. Isa lamang sina Neil at Janella sa mga kinikilalang estudyante sa Hilton na tulad ng dalaga'y makapangyarihan ang pamilya o mayroong matibay na koneksiyon sa lipunang kinabibilangan. Hawak ni Neil ang siko ng babae, ngunit hindi parin natinag sa kakalingon sa dalawang personnel na naiwan sa gitnang bahagi ng hallway. Samantala, 'di rin yata pansin ng ilang kaibigan ang matamang pagmamasid ni Bridgette sa lalaking sumaway sa kanya kanina. She'd clearly see how the guy fixed all the scattered drape of water on the floor whilst his father gave him another pile of rags just to dries it up. HAPON HALOS NG MATAPOS ang huling subject na nakalaan para sa mga nasa programang STEM. Pinili ng ama ni Bridgette ang Business Management upang sa gayon ay magkaroon daw ang dalaga ng kahit kaunting kaalaman sa pagpapatakbo ng negosyo kahit sa murang edad. Janella chatted Bridgette during class and her friend invited her to show up with the gang' for some recreational party that will be held in Niel's unit. Hindi pa man tuluyang nag-anunsiyo ang guro'y nagmamadali na'ng dalaga upang tumungo sa hangout place nila. She's in the middle of the hallway when the lass saw the janitor again. He was carrying his mop and will definitely go to some areas of the campus. Nakararamdam si Bridgette ng kuryosidad sa lalaki kung kaya sinundan nito upang malaman kung saan tutungo. She ran immediately but the man were gone with her utmost sight. Halos magkandahaba ang leeg kung saan tatanawin ang binata ngunit bigo ang kanyang mga matang makita muli ni anino ng naturang Janitor. "Where the hell is he?" iritado ang boses. "Sinong hinahanap mo?" napapitlag sa gulat dahil sa presensiya ng lalaki na nasa bandang likuran. Why he sounds so sexy or very manly? Ilang taon na ba siya? "Excuse me? Sino ka para kwestyunin ako, kuyang tagalinis?" anas ni Bridgette dahil tila kaiba ang lalaki sa mga karaniwang nakakaharap niya. He doesn't show any intimidation or fright even though, the man is talking with people who has power and money. "Hindi kita tinatanong dahil interesado ako sa buhay mo. Nakaharang ka kasi sa lilinisan ko." supladong anas ng binata. This is my first time being humiliated by nobody in the society. Who are you to embarass me in my own world? "How dare you!" namumula ang buong mukha sa inis dahil sa kawalang takot ng binata ngunit imbis na matinag ay sadyang inilapag ang timba malapit sa kinatatayuan ng dalaga, rason upang matalsikan ng kaunting tubig ang romper nito. "Pwede na ho bang tumabi kayo?" sarkastiko ang tono. Bumilang ng tatlo sa isip ang dalaga saka mariing pumikit bago kinontrol ang galit, kapagkadaka'y padarag na nagmartsa palayo sa lalaking wala yatang pakialam sa inaasal nito. Umiling-iling lamang ang binata sa pagiging spoiled brat ng dalaga. Madalas makita ni Aaron ang babae sa campus ngunit ngayon lamang niya natiyempuhang nag-iisa, dahil karaniwan ay palaging kasama ng dalaga ang mga mayayabang na kaibigan o kakilala sa kanilang tambayan. Nang makauwi sa pamamahay ay kaagad isinalansan ni Aaron ang mga tabloids at cut out pictures ng partikular na personalidad. Matagal na niyang hinahangaan ang dalagita kahit malayo ang agwat ng kanilang edad o estado, subalit kontento ang isang Aaron Buenavidez sa mga pasulyap-sulyap at panonood mula sa malayo. Sa tinagal-tagal na panahon ay ngayon lamang niya tatapusin ang kahibangan sa babae. Namataan siya ng ama'ng tutungo sana sa labas kipkip ang ilang mga magazine at abubot sa kwarto. "Hijo, saan ang punta mo?" tanong ni Tatay Carding sa anak habang kasalukuyang nagkakape sa maliit na mesa. "Magtatapon ng mga basura 'tay," Muntik masamid ang ginoo sa mga nasabi ng binata saka dahan-dahang inilapag ang tasa. "Bakit mo naman itatapon? Hindi masamang humanga iho, ang masama ay iyong mag-ilusyon, Aaron." "Alam ko hong hindi kailanman mangyayaring bumaba ang langit sa lupa 'tay. Pero kung ang langit na hinahangaan mo ay palaging masama ang panahon. Huwag na lamang!" nakakunot-noo ang binata habang sinasabi ang mga salitang iyon. "Hijo, hindi naman talaga masama si Bridgette. Matagal ko nang nakikita ang batang iyon magmula pa noong naggagapas ang lolo't lola mo sa hacienda ni Hidalgo. Madalas dumadalaw ang pamilya nila sa mga Arseco ngunit magmula noong pumanaw ang kanyang ina'y doon lamang nabago ang pag-uugali nito." kwento ng ama. "Ah basta itay, hindi ko hahangaan ang mga ganoong klaseng babae. Isang bastos at masyadong mataas ang tingin sa sarili!" pang-iinsulto ni Aaron patungkol sa dalaga. Natawa lamang ang ginoo at humigop sa kanyang kape. Hinayaan ang binatang lumabas sa mismong bakuran ng kanilang pamamahay upang itapon ang mga inipong cut-out o ilang pahinang nakabalandra ang mukha ng isang Bridgette Shantie Hernandez. Ayokong magkagusto sa mga kagaya mong mayabang at walang modo na halos tulad din ng mga kaibigan mo! Simple lamang ang pangarap ni Aaron para sa kanyang nag-iisang kapamilya. Ang maiahon sa hirap ang kanyang Tatay Carding na talagang nagsimukap upang buhayin siya. Hindi man marangya ang kanilang pamumuhay ngunit para sa lalaki'y disente at kagalang-galang ang ama dahil sa pagsisikap nito. Nakiusap si Aaron na tulungan si Tatay Carding sa paglilinis sa eskwelahang pagmamay-ari ng mga Arseco. Matalik na kaibigan ni itay si Hidalgo at ayon pa sa matanda'y parati silang nangingisda noong kabataan nila, ngunit palihim lamang dahil hindi kailang matapobre ang ilang mayayaman sa kanilang bayan, kabilang ang mga Hernandez na ama ni Bridgette, kung saan kinikilalang berdugo at maalipusta sa kanilang mga trabahador sa hacienda o malalaking opisina sa Maynila. Binigyang pabor ni Hidalgo ang amang mag-aral si Aaron tuwing gabi sa Hilton sa ikatlong taon niya sa kolehiyo sakaling matapos ang mga nakatokang gawain o paglilinis sa naturang campus. Sinisikap ni Aaron ang pag-aaral upang mabago ang kanilang estado sa buhay. Likas ang pagiging matalino at maabilidad ng binata kung saan hinahangaan ng ilang mga nasa night class isama pa ang kanyang mala-adonis na pangangatawan na kung minsan ay napagkakamalang mayaman. Palaging itinatanong kay Tatay Carding kung anak ba talaga nito ang binata dahil sa layo ng kanilang mukha ngunit ang tanging isasagot lamang ng matanda'y sadyang maganda ang bunga kapag pangit ang puno. Ito ang madalas na biro ng ama kapag mayroong kumukwestiyon sa kanilang pagiging magkadugo. ISANG HAPON, muling natanaw ni Bridgette ang lalaki sa mga tagong locker. Mayroon itong inilalabas na supot animo mga damit na siyang nagbigay ng matinding urge sa babae upang alamin ang sunod na aktibidades ng binata. Hindi maintindihan ng dalaga ang sariling tila baliw sa higaan matapos ang pangyayari. The particular scene, his raging eyes, and velvet lips was thoroughly keeps on flashing back behind her conscious mind. 'Saan kaya pupunta ang lalaki?' Dahan-dahang sumilip sa mga bakanteng silid malapit sa College Department. Hindi gaanong nagkakalayo ang mga silid sa STEM at sa naturang departamento sapagkat ilang kembot na lamang ay lilipat narin naman siya sa kolehiyo. "Tsk! Ang lamok dito! Yuck!" angal sa sarili at panay ang kamot sa binti ngunit hindi rin maalis ang mata sa pagmamasid kung saan sumuot ang binata. Marahan lamang ang ginawa niyang hakbang upang silipin kung anong ginagawa ng binata sa loob. Hindi masyadong pinupuntahan ang naturang classroom sapagkat pulos nakatambak na upuan lamang ang tanging naroroon. She gradually gazed upon the tiny hole through the close jalousies then curiously set her vision to the particular lad inside. She harshly gasped when Bridgette saw him half naked. He was changing his utility clothes from more decent style which was barely familiar because that is their button down uniform in Hilton. Hindi iyon ang ikinagulat ng dalaga kundi ang katawang bumalandra sa kanyang mga mata. His huge bareback, the tight muscles from his shoulder and how he raked his hand through the brownish hair. 'Tss. How come you're drooling with a janitor Bridgette Shantie Hernandez!' pinagalitan ang sarili sa pagpapantasya sa ganito kadaling panahon. Mas iniumang ang katawan upang lalong mapagmasdan ang binata ngunit biglang tumunog ang phone mula sa LV pouch ng dalaga. Halos manlaki ang mga mata at biglaan ang kabang dumaan sa dibdib ng mabilis lumingon ang binata mula sa mga nakasarang bintana. Shit! s**t! Matulin pa sa alas-kwatrong tumalilis si Bridgette palayo sa bakanteng silid ngunit hindi iyon posible sapagkat nakasuot ang babae ng takong. 'What the heck!' Bridgette answered the phone just to pretend that she was just accidentally saunteered into this path. "Bridge, did you receive my sms? Inaaya tayo nila Brandon at Neil mag-mallling. Would you come with us?" "O-Oo sige, mamaya na lamang natin pag-usapan 'yan. Papunta na 'ko!" anas kay Janella. "Wait.." She immediately hanged the phone then she was about to walk away from the site but Bridgette stunned when a manly voice muttered at the back. "Anong ginagawa mo rito?" "It's none of your business," umirap sa binata. "Sinisilipan mo ba 'ko?" akusa nito sa dalaga na talagang ikinagulat ng huli sapagkat nakakailang first time na'ng lalaki sa kanyang mga kinikilos laban sa babae. "Where did you get such audacity to accuse me of voyuerism. Oops, baka hindi mo naiintindihan--" "I f*****g understand what you were saying, young lady! Janitor ako pero hindi ibig sabihin hindi ako nagsusumikap para umangat. At kung hindi ka talaga naninilip bakit narito ka sa ganitong klaseng lugar? To the extent that you're so popular in Hilton." punung-puno ng sarkasmo ang tono ng binata na talagang ikina-awang ng bibig ni Bridgette. Ngayon lamang siya natameme sa kausap o ni hindi makapalag sa isang lalaki. "Ah, uh, likewise I said. It is none of your business Mr. Janitor. Anong pakialam mo kung naglilibot ako sa buong campus?" Umiling ang binata saka dumaan sa mismong harap ng dalaga at bahagyang binangga siya sabay sabing... "You cannot fool me Ms. Hernandez. If you really curious about my body, then you must sleep and dream about me before you create a reality out of your brain." halos matulala si Bridgette sa harapang pambabastos ng lalaking ni sa hinagap di niya akalaing makakaranas ng pangmamaliit sa isang what? Janitor? Hindi makahuma ang dalaga at tulalang bumalik sa STEM Department building. Dinunggol si Bridgette ng isang kaklaseng feeling close sa kanya. Sumasama-sama si Shaine Bonaobra upang masabing sikat din ang babae ngunit hindi masyadong trip ng dalaga ang guts nito dahil mayroong kakaibang ugali ang bagong kakilala. She can't figure it out but she doesn't want her to mingle around with their circle. "We'll gonna go to mall according to Janella." Shaine informed her but Bridgette refused to talk to the lady. Hindi siya kumikibo hanggang sa makaalpas sa campus, sapagkat nahuhulog pa rin sa pag-iisip ukol sa nangyari kanina. KINABUKASAN ay maagang pumasok si Bridgette matapos mamasyal sa mall kahapon at halos disoras ng gabi nakauwi. Mayroong gustong sipatin malapit sa mga lumang locker ang dalaga hanggang sa makakita ng ilang mga highschooler malapit sa nasabing lugar. "Ikaw na kaya magbigay ng letter mo?" bulong nito. Nahihiya ako!" "Aalis na siya para maglinis. Sige na!" nagtutulakan ang dalawang babaeng kabilang sa department ng STEM. Doon kinuha ni Bridgette ang atensiyon ng mga haliparot saka tinaasan ng kilay ang mga ito. Kaagad namang nagsipulasan ang magkaklase kapagkadaka'y dali-daling umalis sa harap niya. She folded her arms across her chest because the young lass realized how appealing this particular janitor to some girls in the campus. She tried to sneak gazed upon the site and trying to search his built until a cacophony was being heard at the back. Tila mayroong nagbukas ng mga lumang locker sa bandang likuran rason upang humarap si Bridgette. Muntik nang masapo ng dalaga ang dibdib sa gulat kung hindi lamang nakakahiya sa binata. Baka isipin ng lalaking sinisilip mo siya.. Bakit Bridgette hindi nga ba? Parang tuod na nanonood sa binata habang inilalagak nito ang mga gamit marahil sa pagpasok mamaya sa panggabing eskwela. "What an honor that the highness and popular Bridgette Shantie Hernandez is standing in front of me whilst watching my every move." sumilay ang pagkairita sa mukha nito. Doon pa lamang natauhan ang babae sa tinutumbok ng mga salita ng binata. "I-I hate you." Nahinto ang lalaki saka tuluyang humarap sa dalagang nakatulala, humalukipkip sa pantalon at inilapit ang mukha rason upang maalarma ang dalaga. "Oh well, same to you." he whispered. Akmang aalis ang lalaki ngunit humabol siya upang makabawi sa muling pamamahiya ng binata. 'Hindi ako makakapayag na pahiyain mo 'ko ngayon.' "Hoy! Apologize." Patamad na humarap ang lalaki. "Apologize." inulit lamang ang sinabi ng babae. Humarang si Bridgette sa dinadaanan ng lalaki saka hinambala ang dalawang kamay animo nakikipagpatintero. "I said apologize!" "Who are you? God?" anas ni Aaron. Patuloy ang lalaki sa paglalakad kaya umaatras din si Bridgette animo hindi titigil hangga't hindi nasusunod ang kagustuhan. "Try me! If you're not going to apologize I'll make sure--" "What? Uutusan mo mga bodyguards ninyo para patayin ako? Go on, young lady" nanatiling seryoso ang ekspresyon ni Aaron. Sa huling hakbang ni Bridgette ay muntik siyang matumba patihaya dahil sa gutter na nakaharang sa dadaanan. She's wearing stilleto therefore the young lady is prone to these such accidents but instead of falling along the paved, a hard sterned muscles came to the rescue. Sinalo ni Aaron ang kanyang likod mula sa pagkakatumba sana sa sementadong daanan. Sobrang lapit ng binata kung kaya halos maliyo si Bridgette sa mabangong hininga ng lalaki. Di niya maiwasang mapakagat labi sa sari-saring paru-parong nagliliparan sa kanyang tiyan. "If I say sorry you will stop bugging at me?" Marahang tumango si Bridgette ngunit hindi inaalis ang pakikipagtitigan sa binata. He's one hell of a hot f*****g male godess! "Then, sorry Ms. Hernandez. Now we're truce!" usal nito habang malapit ang mukha sa babae. She was barely mesmerized even until he goes her back from its right composure, although Bridgette still couldn't able to find any words to say. Halos manginig sa antisipasyon ang babae kahit tuluyang umalis ang binata sa kanyang harap upang magtrabaho siguro.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD